Professional Documents
Culture Documents
Isinulat nina:
Lay-out at larawan:
Marlon Fulo
LCDPF-Inclusive Education Program
5/30/2011
ESTRATEHIYANG KAYAG-KAYAG: TUNGO SA INKLUSYON NG MGA BATANG MAY-
Talaan ng Nilalaman
Background ng Manual …………………………………………………………………….... 9
UNANG BAHAGI
Workshop I: “Sino ba Sila, Ano sila sa Akin?, Hanapin Natin” – Upang malaman sa
mga participants kung paano nila tinitingnan ang mga maykapansanan ……………….. 11
IKALAWANG BAHAGI
Workshop II: “Ako at ang aking konsepto ng samahan, Tayo at ang ating pagbubuo ng
samahan” Tungo sa pagunawa sa organisasyon ……………………………………………. 22
Workshop III: “Kailangan ko, kailangan mo, Kailangan natin, “Meron ba ako, meron ka
ba, meron ba tayo, meron ba sila?” Tungo sa pagunawa sa- resources mobilezation ……….. 31
IKATLONG BAHAGI
Workshop V: “Ilista mo, Baby” Tungo sa pagunawa kung papaano gumawa ng profile ng
batang maykapansanan ……………………………………………………………………………… 40
Ang profiling…………………………………………………………………………………... 41
Ang validation sa paunang datos (preliminary data) ……………………………………… 42
1. CWD Mapping………………………………………………………………………………… 43
2. Ang Dalaw-Kayag ……………………………………………………………………………. 43
3. Ang “Educational Assessment” ……………………………………………………................ 45
MGA APPENDIX
Panimulang Salita
WALA nang ibang pinaka mainam na butil karunungan maliban sa karunungang pinanday ng
prinsipyo, karanasan, at praktika.
Mapalad tayong lahat dahil sa kabila ng malawakang kakulangan ng ating sektor sa aspeto ng
ekonomiya, lohistika, at kasanayan, maraming mga local at pambansang ahensiya ang naghahangad
na tumulong sa atin, kung hindi man tuwirang makapagbigay ng suportang mapanghahawakan.
Mapalad tayo dahil sa kabila ng kakulangang ito, mayroon ding mga dayuhang institusyon at mga
indbidwal na handa din namang magbigay ng suporta sa ngalan ng funding at social
entrepreneurship.
Mapalad tayo dahil mayroon ding opisina patungkol sa Inclusive Education Program, ang
programang sa buong pagpapakumbabang-loob ay nagpasimula ng ganitong klaseng gawain natin.
Na, kung tutuusin at kung aaminin ay may sarili at panloob ding kakulangan sa aspeto ng lakas-pag-
gawa, teknolohiya, moral na asendisiya, at katahimikan ng pag-iisip.
Mapalad tayo at mayroon sa loob ng opisina ng programa, na mga maliliit at abang tao na
nagpatuloy sa pagtupad ng kani-kanilang tungkuilin at papel sa programa, sa kabila ng mga
nabanggit na kakulangan. May mga abang lingkod na patuloy na kumilos, nagdebate, nagsulat at
nag-away, at muling nagkasundo sa ngalan ng dakilang layunin na makapag-paaral ng mga batang
may-kapansanan, sa nayon man o sa lungsod.
Mapalad tayo dahil may nakinig at may nagsabuhay sa mga pinag-usapan ng opisina, at sa ngayon
ay patuloy na isinasabuhay at ginagawa ang mga taktika at estratehiyang pinanday nga sa loob ng
maliit na opisina ng programa. Mapalad tayo at nakinig at nakipamuhay sa ating layunin ang mga
magulang, mga guro, mga boluntir, mga opisyal ng barangay at mga organisasyon, na ngayon ay
tinatawag at pinaparangalan natin bilang Inclusive Education Community Support Group (CSG).
Sa kanila nagmula at sa kanila patungo ang nilalaman at karunungan ng manual na ito. Sa mahabang
panahon ng kanilang pagkilos, at pagpapanday ng mga maliiit na ideya ay nabuo at natipon natin ang
mga karunungang ito upang makabuo ng hindi natin inaasahang bukal ng kaalaman para sa mga
boluntir na nais pang magpatuloy ng programang inclusive education. Sa kanila, at sila lamang ang
magmamay-ari at patuloy na magbabahagi ng manual na ito.
Ang manual ay isang proyekto ng Inclusive Education Program for Children with Disbailities in the
Philippines, na limang taon na din namang ipinatutupad sa tatlong rehiyon sa Pilipinas, kabilang ang
NCR, Central Luzon at CALABARZON. Katuwang ng programa ang mga IE-CSG o mga boluntir
na nagmula sa 30 siyudad at munsipyo sa mga rehiyong nabanggit sa itaas.
Ang mga bahagi ng manual na ito ay hinalaw mula sa aktuwal na praktika at estratehiyang ginamit
ng mga IE-CSGs at tuloy ay tinipon at isina-dokumento natin ngayon.
Nahahati sa tatlong pangunahing bahagi ang manual batay sa kahalagahan ng mga topics at sa silbi o
function nito sa ating samahan. Ang Unang Bahagi ay patungkol sa ilang mahahalagang prinsiyo at
teorya hingil sa disability, sa inclusive education at ang kaugnayan nito sa special education.
HInahamon naman tayo ng ikatlong bahagi kung saan ay sisikapin tayong gumawa ng isang
pangmatagalang plano hinggil sa ginagawa nating programa sa pamamagitan ng Estratehiyang
Kayag-Kayag (KKS), ang ating imbensiyon sa usapin ng pagpapataas sa antas ng enrolment ng
batang may-kapansanan.
Mapalad tayo dahil bukod sa pagiging manual o isang simpleng libro lamang, nagawan natin ng
paraan na ito ay maging modyul na rin para sa practitioners ng inclusive education at community
development. Bawat pangunahing paksa ay may nakalaang mga modyul o workshops na maari
nating Gawain upang mas lalong mapa-unlad ang ating kamalayan at kasanayan sa ating
organisasyon.
Umaasa tayo na magiging gamay natin ang pag-gamit at pagsasapuso ng manual na ito, upang sa
paglipas ng panahon ay maaari din itong mapakinabangan ng mga susunod pa sa atin. Panatilihin
nating bukas ang ating puso at isipan, sakaling may mga indibidwal o instutusyong maaaring
magbigay ng komento at analysis para sa ating manual, sa gayon ay mas lalo pa nating mapagtibay
at mapabuti ang nilalaman at konsteksto ng librong ito.
Muli, pangalawa sa Panginoon, ibinabalik ko sa IE-CSG ang parangal at pagsaludo dahil sa inyong
pagpapagal at paglalaan ng malakaing bahagi ng inyong buhay sa programang inclusive education.
Hihikayatin ko ang lahat ng aking kakilala at nakakakilala sa akin na maniwala at panghawakan na
sa inyo, IE-CSG nagmula at magtatapos ang karunungang naririto sa manual. Mga butil ng
karunganng pinanday po ninyo ng mahabang panahon ng inyong karanasan.
M.B.F.
Background ng Manual
Mula sa mga sama-samang pagsasanay na ginawa natin, kasama ang ating mga kapartner sa
programa, sinikap nating mapunan ng kaalaman at kasanayan ang ating mga prospect trainees.
Ginawa natin ito upang matuto silang bumuo, magpalakad, magpanatili ng isang samahang lokal na
tumutugon sa pangangailangan ng mga batang may-kapansanan. Nagbigay din tayo ng ilang mga
pagsasanay kung paano makakalap ng pondo para sa natatanging layunin: ang makapagpaenrol ng
mas maraming mga batang may-kapansanan sa mga pampublikong paaralang elementaya sa ilalim
ng Inclusive Education Program. Kung babalikan, ang INCLUSIVE EDUCATION ay isang
pamamaraan kung saan magkasabay na nag-aaral ang isang may-kapansanan, kasama ang isang
estudyante na walang kapansanan.
Taong 2010, sinimulan ng pamunuan ng Inclusive Education Program ang Estratehiyang Kayag-
Kayag (Kayag-Kayag Strategy: KKS) kung saan naging popular ang programang Inclusive
Education sa mga piling komunidad ng Cental Luzon, CALABARZON at Maynila (NCR). Higit sa
inaasahan, tumaas din ang antas ng pag-enrol ng mga batang may-kapansanan sa mga pampublikong
paaralan, lalo na sa bahagi ng Caloocan City, dahil na rin sa implementasyon ng Kayag-Kayag
Strategy.Kinilala ang magandang karanasang ito maging ng mga kaibigan ng LCDPFI na nakabase
sa labas ng bansa na nagbigay daan pa upang ang mga kaibigang NGO na mula sa ibang bansa ay
dumalaw sa ating mga paaralan at nakipagpalitan ng kaalaman hinggil sa naturang programa.
Sa ilalim ng Estrahehiyang Kayag-Kayag (KKS), sininsin natin ang mga taktika at mga paraang
gagawin ng mga volunteer na nagnanais na paigtingin ang ating layunin na makapagpaaral ng mas
maraming mga batang may-kapansanan.Sa lebel ng mga komunidad, iniisa-isa ng estratheiya ang
mga pamamaraan kung paano paghandaan, isagawa, at panatilihin ang enrolment ng mga batang
may-kapansanan.
Matagal nang panahon na isinusulong ang sektor ng may-kapansanan.Sa kabila nito, malinaw na
litaw pa rin ang iba’t ibang isyu hinggil dito.Nakatala sa ibaba ang ilan sa pinakamatingkad na isyu
na naglalarawan sa mga may-kapansanan;
Katulad ng mga naihayag na mga polisiya at batas sa unang bahagi ng papel na ito, pinapanatili ng
UN at ng ating pamahalaan ang prinsipyo at mga gawaing nagpapahalaga ng edukasyon ng mga
batang may-kapansanan, hindi lamang dahil sa awa o pag-iisip na ang mga batang may-kapansanan
ay mga natatanging receiver o tagatanggap lamang ng awa o benepisyo. Gumagawa tayo ng paraan
para makapag-aral ang mga bata para sa dalawang natatanging dahilan:
Nakabase ang teoryang ito sa paniniwalang malaki ang maitutulong ng mga may-kapansanan sa pag-
unlad ng bansa (nation-building) kapag nabigyan sila ng
pagkakataong gawin ito. Batay sa ganitong paniniwala, kapag
binigyan natin ng pagkakataon ang mga batang may-kapansnan
na makapag-aral, malaki ang tyansa (chances) na
makakapagtrabaho sila. Kapag sila ay nakapagtrabaho, bababa
ang antas ng subsidy, o ang gastos ng gobyerno para mabuhay
ng matiwasay ang mga may-kapansanan. Sa halip, ang mga
may-kapansanan mismo ang makakapag-ambag o
Batay sa ganitong prinsipyo, sinisikap din dapat ng gobyerno at ng mga maliliit na pamayanan sa
ating bansa ang karapatan ng mga batang may-kapansanan sa edukasyon. Tinitingnan ng teoryang
ito na ang pagkakataong makapag-aral ng mga may-kapansanan ay hindi isang regalo na ibinibigay
sa kanila, sa halip, ito ay responsibilidad ng gobyerno at ng mga maliliit na pamayanan na dapat
ibigay sa mga batang may-kapansanan.
Maraming pandaigdigan at pambansang mga batas ang nag-uutos sa ating pamahalaan para isa-
alang-alang ang kapakanan ng mga taong may-kapansanan, partikular sa kanilang edukasyon.
Naririyan na ang Education for All Policy ng United Nations na nagsasabing walang batang may-
kapansanan ang dapat tanggihan ng karapatang makapasok sa pormal o di pormal na paaralan.
Nagsimula ang pananaw na ito sa mga nauna nang prinsipyo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights) kung saan sinisikap ng mga estado na
kilalanin at ibigay ang mga pangunahing karapatan ng kanilang mamamayan sa aspeto ng
edukasyon, trabaho, pagboto atbp. Ngunit bago pa man humantong sa ganitong pananaw, marapat na
balikan muna natin kung papaano ang pagtingin dati ng mga tao sa kapansanan. Tutulungan tayo ng
susunod na workshop para dito.
Layunin: Ipakita sa mga kalahok ang iba’t ibang pagtingin ng mga tao sa kapansanan at mga
taong may-kapansanan base sa Models of Disability.
Pamamaraan: Meta Cards/idea cards clustering. May mga nakasulat na sitwasyon na may
kinalaman sa may-kapansanan. Hahanapin ang idea cards na ito na nauna ng itinago ng facilitator
sa iba’t ibang bahagi ng kuwarto. Kapag nakita ang idea cards, igugrupo ito ng mga kalahok ng
ayon sa mga sumusunod na modelo: Charity, Medical, Social. Sisinupin at aayusin ito ng
facilitator, habang ipinapaliwanag kung saan ba dapat na modelo ang mga naturang idea cards na
naglalaman ng mga sitwasyon; “Nakaka-awa ang mga PWDs, dapat silang tulungan”, “May
trabaho o wala, dapat magbayad ng buwis ang PWDs”, “Ang kapansanan ay isang sakit, dapat
itong gamutin para makapagtrabaho ang PWDs”, “Kahit PWD ay may karapatang maging
pangulo ng bansa”
Hindi masyadong nahubog ng kasaysayan ang silbi at buti ng sektor ng may-kapansanan, kung
kaya’t naiwan tayong umaasa sa mga modelo ng pagtingin dito, base sa kung ano ang idinidikta ng
ating nakagawian, o ng ating paniniwala’t kultura, o hindi kaya’t impluwensiyado din marahil ng
maka-Kanlurang pananaw. Sa mga susunod na bahagi, sisikapin nating ipaliwanag ang iba’t ibang
modelo ng kapansanan, batay sa iba’t ibang pananaw ng iba’t ibang panahon.
Kung mapapansin natin, sa kabuuang pagtalakay natin sa papel na ito, lagi nating binabanggit ang
“kapansanan” o disability. Ang pag-aaral sa kapansanan o disability ay mas nakatuon sa kung
papaano ginagawa ng lipunan ang kapansanan o ang disability, o kung mas tiyak; kung papaano
lumilikha ang lipunan at ang pulitika ng mga balakid sa pisikal, pangkaisipan, at iba pang
biyolohikal na hadlang upang umunlad ng tuluyan ang mga may kapansanan o people with
disabilities. Samaktuwid, ang pag-aaral natin sa kapansanan o disability ay nakatuon sa mga
kakulangan ng lipunan at ng pulitika para umunlad ang isang may-kapansanan. Hindi natin
tinitingnan ang kakulangan sa pisikal, pang-kaisipan o biyolohikal na pagkatao ng isang may-
kapansanan.
Mahalagang maintindihan natin ang mga modelo ng kapansanan dahil ito ang magiging batayan
natin sa paglikha ng iba’t ibang polisiya o mga pagkilos para sa mga may-kapansanan. Sa
pamamagitan ng pagsisiyasat natin sa mga modelong ito, maaari nating mapagtimbang-timbang ang
paningin, pakiramdam at pag-unawa sa may-kapansanan.
Sa mga pagkakataong kakaiba ang kilos ng isang tao o ang paraan ng kanyang pananalita,
kadalasang sinasabing siya ay sinasapian ng masamang espiritu, na kung sa kasalukuyang panahon
ay maaari lamang pala na isang manipestasyon ng mild mental retardation o pagkabulol. Sa mga
panahong iyon, ang mga may-kapansanan sa pag-iisip o anumang kapansanan ay kadalasang
sumasailalim sa eksorsismo (exorcism) o ang relihiyosong ritwal ng isang pari para mapaalis ang
maligno o masamang espiritu sa katawan ng tao. Kadalasan, nagiging masakit at nakakahiya ang
prosesong ito.
Nakatutok ang Medical Model sa prinsipyong ang pinagmumulan ng problema ng isang taong may-
kapansanan ay mula sa kanyang kapansanan mismo, at ang solusyon sa problema ay pagtutok mismo
sa kanyang kapansananan. Sa ilalim nito, sinasabing kailangang pagalingin ang may kapansanan
upang makapagsabayan siya sa “normal” na lipunan.
Mula sa kultura ng trahedya at pagiging biktima, umuugat ang kasunod na pagturing dito, at iyon ay
ang kultura ng awa at kawanggawa. Kadalasan kasing nakikita natin sa midya, lalo na sa mga charity
works ang mga imahe ng mga may kapansanan na sinusundan ng mga imahe ng mga biktima ng
trahedya, halimbawa ay pagsabog ng bulkan o kaya’y mga biktima ng bagyo. Bagama’t nakakatuwa
na mayroon tayong ganitong kultura ng awa, hindi rin maitatangging sa ganitong kultura din
nagmumula ang pagkakaroon ng mababang pagtingin ng maraming may-kapansanan sa kanilang
sarili, lalo na sa mga may-kapansanang hindi nagkakaroon ng pagkakataong makilala ang sarili sa
mas pantay na paraan.
Nakasentro ang modelong ito sa kalakasan, abilidad at karanasan ng mga taong may-kapansanan.
Binabaligtad nito ang nauna nang modelo at nakatuon ngayon sa pagharap sa mga panlipunan at
pisikal na hadlang nila, sa halip na magsentro sa mga mekanismong magpipilit na maging normal
sila.
Tinitingnan ng prinsipyong ito na ang kanilang kapansanan ay bunsod ng mga hadlang sa lipunan, sa
kapaligiran, at sa pag-uugali ng mga tao, na karaniwang nagpapabago sa kanilang abilidad at
kakayahang makapag-ambag sa pambansang pag-unlad.
Mayroon tayong mga pampublikong paaralan na may Special Education Programs. Ngunit sa 37,607
pampublikong paaralan sa Pilipinas, mayroon lamang 277 na paaralan ang may SPED program. Sa
ganitong iskema, napipilitang huminto at hindi mag-aral ang mga CWDs na nakatira pa sa
malalayong lugar.
Sa loob ng limang taon nating pagpapatupad ng ating programa, hindi maikakailang malaki ang
naging implewensiya ng special education pagdating sa pananaw ng nakararami nating kababayan
hinggil sa edukasyon ng mga batang may-kapansanan. Hindi maikakailang sa karanasan ng ating
programa sa 30 na pilot sites, karaniwang sinasabi at kinikilala ang special education bilang
pangunahing tugon sa problema sa edukasyon ng mga batang may-kapansanan.
Hindi ito nakapagtataka. Kung bibilangin natin mula ngayon (2011), mayroon nang 101 taon ng
pinatutupad ang Special Education Program sa ating bansa. Sa loob ng nasabing taon, nanatiling
nasa ating mga kamalayaan ang special education bilang tugon sa pag-aaral ng mga batang may-
kapansanan.
Walang maaaring magtanggi nito dahil bukod sa pondo na nailalaan dito, walang ibang perspektibo
ang nagsasabi o nagbabanggit kung ang pag-uusapan ay ang edukasyon ng mga batang may
kapansanan maliban sa special education. Sa kasalukuyan, mayroon pang humigit sa 2 milyong
batang may-kapansanan ang hindi pa nakakatikim ng pormal na edukasyon, sa kabila ng
pamamayani ng special education sa ating bansa. Kung gayon, mayroon bang iba pang anyo ng pag-
aaral o metodo ng pagtutro na maaaring makatulong sa special education?
Ang Special education ay ang edukasyon para sa mga mag-aaral na may-kapansanan, sa isang
paraan na inaasahang tutugon sa indibidwal na pangangailangan ng isang bata. Ang proseso ng
pagtuturo ay nakatuon sa isang Individual Educational Plan, na kung saan ang isang bata ay
sinusubaybayan, mayroong espesyal na sistema ng pagtuturo at may mga kagamitang kinakailangan,
katulad halimbawa ng hearing aid.
Kung metodo o paraan ng pagtuturo ang pag-uusapan, makikita agad ang lutang na kaibahan ng
special education kumpara sa inclusive education. Malinaw na sa isang special education class,
nakasentro ang paraan ng pagtuturo sa isang uri ng kapansanan sa gabay ng isang special education
teacher. Mapapansin sa mga paaralang may SPED Class ang mga klaseng tinatawag na HI (hearing
impaired) class, DS classroom (down syndrome), LD class (learning disability) atbp. Sa ganitong
perspektiba, nakikita natin ang pagkakahati-hati ng mga mag-aaral depende sa kanilang kapansanan.
Sa paglipas ng panahon, kapag handa na ang isang may-kapansanan na maisama o maihalo sa mga
regular na silid-aralan, doon pa lamang sila maaaring isama, habang ang iba namang mag-aaral
mananatiling nasa SPED class kung makitang wala pa silang kakayahang makihalubilo at matuto
kasama ang mga walang kapansanang mag-aaral.
At dahil nga nakatutok sa sitwasyon o kapansanan ng isang bata ang special education, ang isang
Special Education Program ay nakatakdang tugunan ang mga indibidwal na pangangailangan ng
isang batang may-kapansanan. Ang mga guro o edukador ay kailangang magbigay ng patuloy at
iba’t ibang serbisyo na ang tanging layunin ay tugunan ang mga pangangailangang ito. Kailangan
itong isa-indibidwal (individualized) para mas maging tutok ang anumang interbensyon na maaari
nilang maibigay. Tinatawag itong individualized educational plan (IEP).
Sa ilalim ng Special Education Program, dumadaan sa iba’t ibang proseso o metodo ng pagtuturo
ang mga batang may-kapansanan depende sa kanilang kahandaaaan. Isinasaalang-alang ang mga
prosesong pagdadaanan nila base sa nakatakdang kurikulum para sa kanila.
• Mainstreaming – ito ay isang paraan kung saan pinagsasama ang isang may-kapansanan at
walang kapansanan na mag-aaral sa isang espesipikong oras o panahon base sa kanilang
kakayahan. Sa loob ng isang araw halimbawa, ang isang may kapsnanan ay hinahalo sa isang
klase ng mga walang kapansanan pasumandali, at muli siyang ibabalik sa special class sa
buong maghapon.
Sa ilalim ng ating Inclusive Education Program, sinisikap nating mabigyan ng pagkakataon ang mga
batang may-kapansanan na makapag-aral sa mga pinakamalapit na paaralan sa kanilang lugar, at
hindi na masyadong aasa sa mga eskuwelahang may Special Education Program, lalo pa’t
napakalayo nito sa bahay ng isang CWD. Sa ilalim ng prinsipyong ito, tinitingnan natin ang
mahahalagang opsiyon o mga mapagpipiliang moda o paraan ng pag-aaral upang mapalawak ang
mga pagpipilian nila sa pag-aaral.
binibilang at inaasahang makakapag-aral ang lahat ng mga bata at kabataan, maging kabilang man
siya sa marginalisadong sektor ng kabataan tulad ng mga kasapi ng grupong etniko (aeta), mga
manggagawang bata (child laborers), mga naabusong
kabataan, at maging ng mga batang may-kapansanan.
Halimbawa, kung ang isang mag-aaral na nakawheelchair ay nahihirapang pumasok araw-araw dahil
nasa ikalawang palapag ang kanyang kuwarto, hindi na siya kailangang buhatin araw-araw ng
kanyang magulang paakyat panaog sa kanyang kuwarto. Sa halip, gagawa ang paaralan ng mga
paraan upang mabawasan kung hindi man mawala ang paghihirap ng bata at ng magulang.
Sa isang matagalang paraan, maaaring pagawaan ng rampa mula sa unang palapag hanggang sa
ikalawang palapag ng gusali ng paaralan upang magamit ng wasto ang wheelchair ng bata. Kung
hindi man, maaaring ilipat ang buong kalse ng bata sa unang palapag sa gayon ay hindi na malagay
sa peligro ang kalagayan ng bata habang pumapasok araw-araw. Tinatawag itong “reasonable
accommodation”.
Sa dulo, madiin nating sinasabi na hindi kasalanan ng batang may-kapansanan kung bakit siya
nahihirapang mag-aral dahil sa kanyang kondisyon. Hindi bata ang may problema kung bakit hindi
siya o kaya’y nahihirpaan siyang makapag-aral. Sa halip, may ilang mga sistema ng paaralan at ng
kurikulum kung bakit napipigilan ang mga batang may-kapansanan na makapagpatuloy ng pag-aaral.
Sa limang taon ng ating karanasan sa pagpapatupad ng Inclusive Education, sinikap nating sinsinin
ang ating mga praktika at naipon sa mga sumusunod na pangunahing gawain. Ang mga gawaing ito
ang naging gabay, at magiging gabay natin kung papaano natin ipapatupad ang Inclusive Education
sa iba pang mga kalapit na barangay at maging sa ibang lugar na nais magpatupad nito;
• Ibagay o baguhin ang pisikal na kondisyon ng paaralan katulad ng mga silid-aralan, palaruan,
mga palikuran at iba pang pasilidad upang umayon o bumagay sa kakayahan at kapasidad ng
isang batang may-kapansanan. Halimbawa, maari tayong magpagawa ng rampa sa mga silid
na may nakaenrol na batang nakawheelchair, o kaya’y maaari tayong magpagawa ng mga
signboard na may malalaking letra para madaling mabasa ng mga batang may malabong
paningin.
• Iangkop o baguhin ang kurikulum upang maging tugma sa mga pangangailang pang-
edukasyon ng mga batang may-kapansanan. Kasama dito ang pagbibigay-pansin sa paraan ng
pagtuturo ng guro (teaching methods) at pagkokonsidera sa mga kagamitang pampaaralan na
ginagamit sa silid-aralan (instructional/teaching materials).
• Pakikipag-uganayan sa mga magulang at komunidad upang maging katuwang sa
pagpapatupad ng inclusive education sa ating mga barangay.
• Pagsisiguro na mayroong patuloy na rehabilitasyon at iba pang serbisyong medikal na
natatanggap ang ating mga kliyente, katulad ng medical mission at assessment ng mga bata.
Sa ilalim ng Inclusive Education, may mga estratehiya at pamamaraan na maaring gamitin upang
mapadali ang pagtuturo sa mga batang may-kapansanan. Sa mga pag-aaral ng ilang mga special
education teachers at mga incuslusive education practitioners, maaaring mahati sa dalawang
pangunahing estratehiya ang mga ito; accommodation at modification.
B. Sa modification naman, pinapasimple natin ang mga metodo o paraan ng pagtuturo upang
mas madaling makasabay sa klase ang isang batang may-kapansanan. Halimbawa, kung ang
isang grade 5 na klase ay nagbabasa ng libro tungkol sa kasaysayan ng mundo, maaari nating
ipagamit sa isang may-kapansanan na bata ang isang libro tungkol sa kasaysayan, ngunit mas
madaling intindihin.
IKALAWANG BAHAGI
Kung ating babalikan, malaki ang naging kontribusyon ng mga samahan at mga magulang para sa
ikahuhusay ng ating programa. Sila ang nagsilbing katuwang natin kung paano natin gingawang
popular ang programa at sa dulo’y sila na rin ang nagpanatili at naghanap ng sariling lohistika upang
magpatuloy ang mga sinimulan nating programa. Sa susunod na sesyon, sisikpain nating alamin ang
kahulugan at element ng samahan, ang kahalagahan nito sa ating programa, at ilang mga konsepto
kung paano ito buuin at panatilihin. Makakatulong din ang gagawin nating workshop para mas lalo
pa nating maunawaan ang kalikasan nito.
ANG ORGANISASYON
ELEMENTO NG ORGANISASYON
(Mula sa mayamang talakayan kay Ferdinand Aquino, Organisador ng Kabataan sa NCR at Alagad
ng Sining)
Ang isang mainam at epektibong organisasyon ay binubuo ng labinlimang (15) elemento tulad ng
mga sumusunod:
Layunin:
Alamin sa mga participants ang kanilang konsepto sa pagbubuo ng samahan at ipakita ang Teorya ng
Organisasyon, elemento at proseso sa pagbubuo hanggang sa pagkalap ng suporta sa komunidad at sa mga
institusyon ng lipunan.
Pamamaraan:
Photo Cards/idea cards selection, discussion-sharing at pagbubuo ng collage ng mga larawan na ibinahagi
sa diskusyon. Ilalatag ang mga card ng larawan na nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon o kilos ng mga tao at
komunidad. Pipili ang bawat isang kalahok ng tig-isang photo card na magpapakita ng kanyang pananaw sa
kahulugan ng isang samahan o pagbubuo ng isang samahan. Igu-grupo ang mga kalahok, depende sa dami,
maaring 5-10 kalahok bawat grupo. Magbabahaginan ng pagpapakahulugan sa napiling photo card ang bawat
kalahok sa kanyang grupo. Matapos magbahagi ng pananaw ang ma kalahok, bubuo sila ng collage ng mga photo
cards na nagpapakita ng buod ng kanilang ibinahaging mga pananaw ukol sa pagbubuo ng samahan. Lalagyang ng
titulo ang kanilang collage. Iuulat sa plenaryo ang collage at ang buod ng kanilang pananaw ukol sa pagbubuo ng
samahan. Matapos ang lahat ng pag-uulat ng mga grupo, magbibigay ng sintesis ng talakayan ang speaker mula sa
ulat ng mga kalahok.
Sintesis ng talakayan:
“Konsepto, Elemento at Pagbubuo ng Organisasyon at ang Pakikipag-alyansa”
mga plan, ito ay nahahati sa dalawa: (1) maliitang pagkilos tulad halimbawa ng pakikipag-
negosasyon ng ilang piling indibidwal sa mga target na otoridad, lobbying o kaya nama’y
appraisal survey ng ilang volunteer ukol sa bilang ng mga CWD’s sa komunidad. (2)
malawakang pagkilos o mobilisasyon tulad halimbawa ng proyektong pangkabuhayan,
enrollment ng CWD’s, medical missions o kaya nama’y pambansang kampanya o protesta na
lalahukan ng pinakamaraming kasapi. Kalakip ng mga pagkilos na ito ang pagdodokumento
tulad ng litrato, video, recorded audio, mga kasulatan at iba pang kahalintulad.
15. Edukasyon at mga Pagsasanay – dito ay hihimuking makilahok ang lahat ng kasapi: basic
human rights, leadership, technical, examining community & sectoral experience towards the
articulation of national and international issues.
16. Alliance & Solidarity – Malaking bahagi din na ilabas ang pakikipag-ugnayan natin sa iba
pang grupo o organisasyon na may kahambing na interes ng ating organisasyon. Ang
pakikipag-alyansa ay isang mainam na paraan para palawakin ang ating saklaw hinggil sa
ating laban para sa ating sektor.
17. Stratehiya at Taktika – Sa ating mga gawain, mahalagang matukoy kung ano ang ating
estratehiya at ano ang taktika ng ating grupo. Ang estretehiya o strategy ang isang
pangmatagalang plano at batayan ng ating mga gawain. Ang taktika naman ay isang
maiksing plano na tumutugon sa pang madaliang pangangailangan na sumusuporta naman sa
ating estratehiya. Halimbawa, isa sa estratehiya natin ang pangmatagalang adhikain na
mapangalagaan at mapaayos ang kalusugan ng ating mga kliyenteng CWDs. Ang taktika
naman ay maaaring ang pagsisiguro na lahat ng mga nagbubuntis na ina ay kailangang
magkaroon ng prenatal seminars at interventions. Sa estratehiya at taktika mailuluwal ang
mga kongkretong proyekto na tukoy, makatotohanan, may elemento ng oras o panahon at
hindi imposibleng marating.
4. Pagbuo ng core group- Ang mga pinakasulong (advance) na lider (na natukoy noong integration
process) ay isasangkot at bubuuin bilang core group. Sila ay pansamantalang lider hanggang
maitakda ang pormal na pamunuan sa pamamagitan ng paghalal o anumang paraan ng pagpili ng
mismong komunidad. Ang mainam na core group ay yaong mga direktang nakararanas ng
problemang pangkomunidad, nirerespeto at may impluwensiya, nagtataglay ng perspektibong
kritikal at kumbinsidong kumilos para sa pagbabago
10. Phase Out- Kapag ang taluntunan ng tagumpay (indicator for success) na itinakda ng NGO o
MOTHER ORGANIZATION ay nakamit na,halimbawa, mataas na antas ng socio-political na
kamulatan, patuloy na partisipasyon ng kasapian, pangkat (pool) ng mga sinanay na lider, malinaw
na plano at kongkretong mithiin na tinakda ng komunidad atbp., ang prosesong pag-oorganisa ay
ipauubaya na ng organisador sa mismong organisasyon. Gayunman, hindi ito nangangahulugang
ganap na pag-iwan sa komunidad sapagkat ang NGO/MOTHER ORGANIZATION ay maaring
umagapay sa samahan (PO) sa bago nitong tungkulin tulad ng pagbuo ng pederasyon, pakikipag-
alyansa o pakikisangkot sa pambansa at internasyunal na adbokasiya bukod sa isinusulong na isyu n
gating sektor.
Natatangi ang ating organisasyon. Nauna na nating sinabi na ang isang organisasyon ay kalipunan ng
mga indibidwal na may pare-parehong tiyak na interes at layunin ng pagsapi, kaya’t kung ating
iisipin, aasahan nating ang mga kasapi ay humigit kumulang magkakatulad ng kalagayan sa buhay,
ng katayuan sa lipunan at ng mga indibidwal na pananaw sa buhay.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, matutuklasan natin na naging kakaiba ang ating
grupo/samahan kung ikukumpara natin sa tradisyunal na balangkas ng isang orgnaisasyon. Kakaiba
din tayo kung sisilipin ang kalikasan ng ating kasapian at maging ang pamamaraan kung papaano
tayo inorganisa.
Sa mga natutunan natin noon, mababalikan na ang organisasyon ay kalipunan ng mga indibidwal na
may iisang layunin ng pagkilos. Samantalang ang alyansa ay kalipunan naman ng mga organisasyon
na bagama’t may iisang interes ng pagkilos sa lebel ng kanilang alyansa, ay mayroon din naming
tiyak na layunin, maaaring iba sa alyansa at sa lebel ng kanilang organisasyon na kasapi ng isang
alyansa.
Ang tanging layunin natin noon ay makatulong para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang may-
kapansanan na makapag-aral. Naglatagan tayo ng ating mga kayang itaya para sa ating layunin.
Pangunahing kasama natin ang mga magulang ng mga batang may-kapansanan. Ngunit sa
kakulangan ng ating kakayahan at sa kakulangan ng ating mandato para gawin ito, sinikap nating
maghanap ng ibang tao sa loob mismo ng ating komunidad at pamayanan na maaaring makatulong
sa atin. Kaya’t sa halip na mabuo lamang tayo ng mga magulang at mga kapitbahay, nagkaroon tayo
ng mga kasaping guro, mga opisyal ng barangay, mga negosyante sa barangay, mga opisyales at
kasapi ng ilang peoples’ organization o disabled peoples’ organization, at iba pang mga indibidwal
na sa unang tingin ay wala namang tuwirang interes sa ating isinusulong na layunin, ang makapag-
paaral ng batang may-kapansanan.
Kung sisiyasatin, ang IE-CSG ay may kalikasan ng isang organisasyon dahil ito ay binubuo ng mga
indibidwal na may interes sa edukasyon ng batang may-kapansanan. Ngunit sa malalim na pagtingin,
ang ating grupo ay maaari ding maituring na isang alyansa, dahil binubuo ito ng mga taong maaaring
nanggaling sa isang organisasyon na may hiwalay na interes. Halimbawa, mayroon tayong kasaping
health worker o kaya’y day care worker na una pa man ay kasapi na ng isang organisasyon, ang
barangay. Katulad din ito ng mga kasapi nating nasa peoples organization o disabled peoples
organization na may sarili ding mga interes sa mga pinanggalingan nilang orgasasyon. Gayundin ang
mga kagawad, ang kapitan na kasapi natin at ang ilang mga magulang na maari ding kasapi ng
Parents Teachers Associations (PTCA). Ang ating kasapian ay hindi nakulong sa IE-CSG, bagkus ay
naging ektensiyon lamang ng mga nirerepresentang organisasyon ng ating mga kasapi.
Sa kalaunan, nakuha nating makitungo at makiisa hindi lamang ang indibidwal nating kasapian,
kundi ang pakikiisa na rin ng mga organisasyong dala-dala o pinanggagalingan ng ating mga kasapi.
Sa madaling salita, nakinabang tayo at na maximize natin ang kakayahan, mandato at maging ang
resources ng mga organiasyo na pinanggalingan ng ating mga kasapi, na sa unang hinuha ay maaari
nating ituring na kasapi na rin ng CSG. Ang mga organisasyong pinaggagalingan ng ating kasapian
ay nagmistulang kasapi na rin ng IE-CSG kaya’t maaari nating tingnan na nagmistula na ring alya-
nsa ang IE-CSG dahil napakikilos natin ang mga organisasyong pinanggagalingan ng ating kasapi
patungo sa ating inteneres, ang Inlcusive Education.
Kung gayon, tayo nga ba ay organisasyon o alyansa? Ang sagot: hindi pa natin matitiyak. Ang
mahalaga, sa kalikasan ng ating samahan, napagtagumpayan nating mapakilos hindi lamang ang mga
kasapi nating indibidwal, kundi napakilos din natin ang mga organisasyong pinanggagalingan ng
ating mga indibidwal na kasapian. Sa dulo, tayo ay isang samahan na binubuo ng mga indibidwal
na may lakas ng isandaan!
Sa mga susunod na talakayan, mapag-uusapan natin ang mga kalikasan ng ating samahan, kasama na
ang mga pangunahing gawain at kapangyarihan ng mga napapaloob sa IE-CSG. Tinulungan tayong
isa-dokumento ang bahaging ito ng ating Area Coordinator para sa Gitnang Luzon (region 3) na si
Ronaldo Meneses. Magpasalamat tayo at naisulat at nasinop sa wakas ang mga nauna na nating mga
gawain para sa ating programa.
Kasapian ng CSG:
1. Paaralang Elementarya
2. Barangay
• IE Transitory Program
• I-CARE Program
4. Simbahan/ Parokya
5. Parents Group
1. Pangulo:
2. Pangalawang Pangulo:
3. Kalihim
4. Ingat- Yaman
5. Auditor
7. Advocacy Officer
Paalala:
1. Ang pagbubuo ng mga komite sa loob ng CSG at pagtatalaga ng mga lokal na Area
Coordinators bawat purok ay ayon sa political subdivision ng barangay.
2. Pagbuo ng PARENTS GROUP ayon sa kapansanan ng anak: ihahalal o itatalaga ng
pamunuan ng CSG ang Team Leader ng bawat grupo.
3. Bukod sa fund raising activity, paano magkakaroon ng panimulang pondo ang CSG para sa
Organizational Developmen at program implementation?
4. Ang pondo na magsusustina sa CSG ay maaaring makuha sa 0.5% IRA ng barangay, LGU-
munisipalidad/lungsod at probinsiya/ kapitolyo; mayroon ding Supplemental Funds ang mga
Mayor at Gobernador na maaring maakses at magamit, may Development Fund din ang
Local School Board at Provincial School Board. Magkaroon din ng akses sa pork barrel ng
mga Kongresista at mga Senador.
5. Magkaroon ng Local Resource Map ang CSG at panimulang programa at plano para sa
resource mobilization. Susi sa Local Resource Map ang Mayor, District BIR Office, Business
Permits and Licensing Office ng LGU. (Style RTD strategy?)
6. Papaano makakatulong ang PhilCOCHED para sa Local Resource Development Program
ng CSG.
7. Develop IE Campaign Plan- Image Building and Political Positioning on IE.
Tutukuyin natin sa sulating ito ang resources mobilization bilang isang mekanismo ng mga
organisasyon natin kung saan tayo ay magtutukoy ng mga indibidwal, mga ahensiya ng gobyerno
o mga organisasyong maari nating pagkunan ng pondo o tulong suporta para isasagawa nating
programa.
Malinaw naman sa lahat na mahirap para sa isang organisasyon ang kumilos at magpatupad ng
programa kapag tayo ay kapos sa pondo o mga kagamitang kinakailangan natin para lumarga ang
ating mga proyekto at gawain.
Halimbawa, kung bahagi ng ating proyekto ang pagbibigay ng wheelchair sa mga biktima ng
polyo na mga batang mag-aaral, kinakailangan nating masiguro na mayroon tayong salapi na
pambili ng wheelchair upang maibigay sa ating kliyente. Kung wala man tayong salapi,
kailangan din nating masiguro na may alam tayong mga indibidwal o organisasyon na may
kakayahang makapagbigay ng wheelchair.
Kailangan din nating tandaan na hindi lamang salapi ang layunin ng resources mobilization. Sa
Workshop:
“Kailangan ko, kailangan mo, kailangan natin, Meron ba ako, meron ka ba, meron
ba tayo, meron ba sila?”
Layunin:
Alamin sa mga participant ang kanilang konsepto ng yamang pantao at yamang
pinansiyal at ipakita ang pagkakaugnay ng pagkalap nito ayon sa pangangailangan.
Pamamaraan:
Creative situational Game (Maaaring ang sitwasyon ay sa isang bundok o isla na
walang ibang tao o anumang challenging situation). Gagawa ng individual listing ang
bawat kalahok ukol sa kailangan niya na wala sa kanya. Hahanap ng isang taong
kakausapin na sa tingin niya ay maibibigay ang kanyang kailangan. Magpapalitan ng
bagay ang dalawa bilang diad-barter. Ibibigay lamang sa kausap ang bagay na kailangan
nito kung may kapalit. Matapos ang 5-10 minuto, bibigyan ng instruction ang diad na
maglista ng kailangan pa nila na hindi nila maibibigay sa isa’t isa at hahanap sila ng ibang
diad upang makipagnegosasyon ng palitan ng kailangan. Tanging nasa mga katawan
lamang nila ang maaring ipagpalit. Pagsasamahin ng anumang grupo ang kanilang
nakolektang bagay na kailangan nila at iuulat sa plenaryo ang kanilang nakalap na
solusyon sa problema ng sitwasyon.
Sintesis ng Talakayan:
“Konsepto ng yamang pantao at yamang pinansiyal, depinisyon ng
pangangailangan at ang mga pamamaraan sa pagkalap ng yamang pantao at yamang
pinansiyal”.
ilalim ng ganitong prinsipyo, hangad din ng RM na makapagtukoy tayo ng mga tao, indibidwal
man o organisasyon, na maaari nating lapitan. Kailangan nating makalikha ng magandang
ugnayan o relasyon sa mga indibidwal o organisasyon na ito, sa gayon ay lalong mapadali ang
ating gawain. Mainam din na kung nais nating makakuha ng suporta, kinakailangan ding
masiguro natin na mayroon tayong magandang reputasyon sa komunidad, mayroon tayong
malinaw na layunin sa ating mga proyekto at mayroon tayong magandang track record patungkol
sa mga nauna na nating mga gawain at proyekto. Dapat tandaan na mabango para sa mga
inaasahang donors o pledgers ang isang organisasyon kung ito ay mayroon nang mahabang
karanasan hinggil sa isang proyekto at wala itong bahid ng pagdududa mula sa ibang tao o
organisasyon na nakasalamuha na natin.
Sa anumang samahan, isa sa mga pangunahing paghahandang gingawa ang pagkalap ng pondo at
lohistika. Kadalasan, maraming mga samahan o organisasyon ang bumabagsak at namamatay
dahil sa kakulangan o kawalan ng pondo. Mayroon ding ilan na namamatay dahil sa kawalan o
kakulangan ng kasanayang pamahalaan ang pondo.
Kung tutuusin, maraming mga maaaring pagkunan ng pondo ang ating organisasyon. Higit pa
marahil sa mga nalalaman natin, maraming mga tao, indibidwal, organisasyon at kapitalistang
negosyante ang maari nating hingian ng pondo. Maging sa sarili nating mga hanay at komunidad
ay maaari tayong makapaglikha ng pondo at lohistika.
Sa mga nakaraan nating karanasan sa ating programa, natutunan at natukoy natin ang mga
sumusunod na indibidwal at organisasyong maaari nating pagkunan ng pondo;
Higit kanino man, walang ibang tiyak na mapagkukunan ng pondo ang ating organisasyon
maliban sa sarili nating kasapian. Bagama’t kung titingnan ang antas ng ating pamumuhay, hindi
maikakailang kakaunti lang marahil ang makakalap nating pondo. Kapag nagkasundo ang buong
kasapian ng ating organisasyon, maaari tayong magpataw ng butaw o regular na kontribusyon
para sa ating pondo. Hindi ito kinakailangang malaki, basta ang mahalaga ay magkaroon tayo ng
kahit na panimulang pondo para sa ating mga proyekto at gawain.
Ang butaw ay maaaring pamahalaan ng ating treasurer at auditor. Ang paniningil ay maaaring
tuwing isang buwan o kada-2 linggo, depende sa mapagkakasunduan ng ating samahan.
Kailangan ding magkaroon ng isang mekanismo ang pamunuan ng samahan para sa transparency
ng ating kaperahan. Sa madaling salita, kailangang malaman ng ating mga kasapi kung magkano,
saan napupunta at ilan ang pumapapasok na pondo sa ating organisasyon. Sa ganitong paraan,
maiiwasan natin ang anumang anyo ng kaguluhan o pagdududa ng ilan sa ating
samahan.Maipapakita din natin ang maganda nating track record patungkol sa financial
management kung pananatilihin natin ang ganitong mekanismo.
Kapag natukoy na natin ang mga tao at organisasyong ito, ang susunod nating gagawin ay isang
sulat o liham papunta sa mga tao o organisasyong natukoy. Walang tiyak at standard na sulat ang
maaring masbing pinakamainam na sulat para sa kanila. Ngunit may ilang elementong nilalaman ang
isang solicitation letter upang mas maging kapani-paniwala ang ating sulat. Ang ilang sa mga
elementong ito ay nakasulat sa ibaba;
• Ipakilala ang organisasyon, ano ito, saan ito nakabase, ilan ang kasapian, sabihin kung
nakarehistro sa kahit anumang institutsyon o ahensiya ng gobyerno, tiyak na gingawa sa
pamayanan at ilang taon nang kumikilos
• Sabihin ng tiyak kung ano ang kailangan, kailan kailangan, sinu-sino ang makikinabang,
saan mapupunta ang hinihinging tulong, ilan ang matutulugnan at papaano matutulungan
• Sabihin din ang magiging pakinabang ng tutulong, ano ang kanyang magiging pakinabang
Iwasan nating magamit ang ating organisasyon ng mga taong may personal na interes
sa pagtulong. Batid natin na hindi tayo magsasara ng pinto sa mga pulitiko at ilang
mga mayayamang tao, bagama’t bago tayo magtatag ng ugnayan, sikapin muna
nating linawin sa mga nais na tumulong sa atin. Mahalaga na makita na natin ng
maaga ang tunay na motibo ng mg tao sa kanilang pagtulong. Kahit gaano man
kalaki ang itutulong ng isang tao, halimbawa’y pulitiko, tanggihan natin ito kung makita nating may
personal na motibo ang kanyang pagtulong o ang pagtulong ay may kalakip na kapalit mula sa mga
pulitiko o mayamang tao na nais tumulong. Kung ganito ang sitwasyon, bumaklas tayo ng
pakikipag-ugnayan.
Kapag napatunayan nating handa na ang ating organisasyon na makiharap sa iba’t ibang bahagi ng
negosasyon at mayroon ng legal na mukha (legal identity), maari na tayong makilobby o mag-
demand ng pondo mula sa gobyerno sa pamamagitan ng mga sumusunod na instrumento:
• General Appropriations Act of the Philippines, allocating 1 % for Senior Citizen and
Disabled Persons ( 0.5 % each)
• Gender and Development Fund [GAD] (5 %) – para sa kapakanan ng mga kabataan at
kababaihan
• Executive Order 417- alokasyon ng 1% para sa pangkabuhayan at iba pang gawaing
pang-ekonomiya ng mga taong may-kapansanan
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang ating mga programa ay maaari ding manggaling sa mga lokal
na institutsyon o yunit ng gobyerno katulad ng mga sumusunod:
• Paglalaan ng 0.5 % mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) para sa mga may-kapansanan
mula sa LGU-barangay budget
• Paglalaan ng 1% allotment para sa children with disability (CWDs) mula 0.5% ng Gender
and Development (GAD) Fund ng barangay o ng siyudad o munisipyo
• Local Chief Executive Supplemental and Development Funds ng Barangay Captain o ng
Mayor
• Mga hindi nagamit na Calamity Fund ng Mayor, na maaring irealign sa mga proyekto natin
• Mga pondo ng Local School Board (LSB) na pinamamahalaan ng Mayor
• Fund raising activities, sponsorship
• National Agencies ( Public and Private Sector)
• International Funding Agencies
IKATLONG BAHAGI
Layunin: Malaman mula sa mga participants kung sinu-sino sa tingin nila ang dapat maging
kabahagi sa Estratehiyang Kayag-Kayag. Mula dito ay matutukoy nila mula sa knailang mga
pamilya palabas ng kanilang tahanan kung sinu-sinong personalidad sa barangay ang maaaring
imbitahin at magtaya ng panahon, galing, at maaaring lohistika upang isagawa ang kayag-
kayag.
Paraan: Hahatiin ang mga participants sa dalawang grupo. Sa isang Manila paper, guguhit sila
ng isang maliit na bilog.
a. Ilang Kinakatawan
prinsipyo, ng at
praktika maliit na bilogsa
karanasan ang pamilya ng isang
Kayag-Kayag CWD.
Strategy.
Mula sa maliiit na bilog na ito, mag-iisip ang bawat grupo ng isang tao o grupo ng mga tao
(labas sa kaniyang pamilya) na sa tingin niya ay makakatulong sa pag-aaral ng CWD. Ikakabit
nila ito sa gilid ng naunang bilog. Halimbawa, ang naisip nilang tao ay ang kapitbahay na
mayaman;
Dona
Pamilya
ng CWD Dionisia
Layunin: Malaman mula sa mga participants kung sinu-sino sa tingin nila ang dapat maging
kabahagi sa Estratehiyang Kayag-Kayag. Mula dito ay matutukoy nila mula sa knailang mga
pamilya palabas ng kanilang tahanan kung sinu-sinong personalidad sa barangay ang maaaring
imbitahin at magtaya ng panahon, galing, at maaaring lohistika upang isagawa ang kayag-
kayag.
Matapos ang ikalawang bilog, mag-iisip muli ang mga participants ng isa pang tao o grupo ng
mga tao, labas sa kanyang pamilya at sa pamilya ni Donya Dionisia. Sa pagkakataong ito, mag-
iisip sila ng maaaring makatulong kay Donya Dionisia para naman matulungan ang pamilya ng
may kapansanang bata. Halimbawa’y naisip nila si Kapitan;
Dona Kapitan
Pamilya
ng CWD Dionisia
Ipagpapatuloy ng facilitator ang proseso hanggat maubos na ang oras ng sesyon. Ipapaliwanag
ng facilitator sa sintesis ang web of stakeholders para sa Kayag-Kayag. Ipapaliwanag din dito
ang kahalagahan ng barangay kung papaano ito makakatulong sa iba pang miyembro ng
komunidad o barangay. Sa bawat matutukoy na stakeholder, yaong mga pangalan na nasa
bilog, sisikapin ding isa-isahin ang mga role o gawain na maaaring iambag ng mga ito.
Sa unang disenyo ng ating programa, malinaw na nakaatang ang lahat ng tungkulin sa Community
Support Groups (CSG), o ang katipunan o pamunuan ng mga kasaping magulang, guro, mga lokal na
eksperto, mga taong simbahan. Ang pangunahing konsiderasyon noon sa pagsasalokal ng Inclusive
Education Program ay ang mga kasapi lamang ng CSG. Bagama’t sa pinakabago nating karanasan,
natuklasan nating mainam din palang maisali sa ating hanay ang mga opisyal ng ating barangay,
kasapi man sila o hindi sa Communty Support Groups (CSG). Madalas nating mapatunayan na ang
ating barangay ay mayroong mandato, kakayahan at kadalasa’y mayroon ding pinansiyal na
kakayahan upang tugunan ang mga pangangailangan natin pagdating sa lokal na implementasyon ng
Inlcsuive Education.
Kung sisinupin ang ating karanasan, maaari nating maihanay ang mga sumusunod na mga key
players para sa lokal na implementasyon ng IE:
a. Kapitan ng Barangay
b. Kagawad sa Edukasyon
d. Kagawad sa Kalusugan
2. Maaaring atasan ang mga health workers na magsagawa ng isang rapid census o survey
patungkol sa mga batang may-kapansanan sa ating barangay
3. Magsponsor ng isang ordinasa hinggil sa Inclusive Education o lokal na serbey
1. Ipatawag ang mga tanod at mga purok lider upang ipaalam ang programang Inclusive
Education
2. Pakiusapan/utusan ang mga barangay tanod at mga purok lider upang magsagawa ng
isang CWD mapping o paghahanap ng mga batang may-kapansanan sa bawat sitio o
eskinita ng ating barangay
Ang profiling at baselining ang unang hakbang sa Kayag-Kayag Strategy. Kailangan nating matiyak
na mayroon tayong hawak na datos ng mga batang may-kapansanan na siyang magsisilbing basehan
sa kung papaano tayo kikilos at magtatakda ng mga programa para sa kanila. Ngunit papaano ito
ginagawa? Ano ang mga kailangang tandaan para maisagawa ito?
Layunin: Ipaalam sa mga participants ang kahalagahan ng pagproprofile ng isang batang may-kapansanan at kung
papaano ito tipunin para makagawa ng isang baseline.
Pamamaraan: Maghahanda ang facilitator ng isang maliliit na kahon. Sa loob ng kahon ay nakalagay ang iba’t
ibang impormasyon ng mga batang may-kapansanan at isang matandang walang kapansanan. Nakasulat sa 1/8-
sized na kartolina ang mga sumusunod at ilalagay sa kahon;
• Fyodor Dimalanta
• Segusmundo Maanta
• 5 years old
• 43 years old
• Hiwalay sa asawa
• Bulag
• Nag-aaral sa Bagong Silang Elementary School-SPED
• Nagtapos ng high school
• Kargador sa piyer
• Kumikita ng P5000 kada buwan
• Sumusuo pa sa nanay
• Mahilig uminom ng cobra energy drink
Ipapaskil ng facilitator ang 2 manila paper kung saan may drawing na dalawang lalaki. Kailangan na magkapareha
ang hitsura ng 2 lalaki. Bago pa man magsimula ang session, ipapaskil ng magkahiwalay ang mga iyon, sa ilalim
ng mga pangalang Fyodor at Segusmundo. Tatakpan ang mga pangalan sa itaas ng manila paper upang hindi
makita ng mga participants. Kapag nagsimula na ang session, tatawag ng dalawang participants ang facilitator.
Papipiliin ang dalawa kung ano ang gusto nila sa dalawang lalaking nakapaskil, ang kaliwa o ang kanan. Mula sa
kinatatayuan nila, sa tabi ng napili nilang manila paper, ilalagay sa gitna ang kahon nang may limang hakbang ang
layo. Sa loob ng 3 minuto, paunahan ang dalawang participants na makakuha ng mga kartolina sa loob ng kahon.
Pagkakuha ng isang kartolina, kailangang idikit iyon sa ilalim ng drawing na napili niya. Isang kartolina lang ang
maaring kunin sa kahon kada isang balik.
Pagkatapos ng laro, tatanggalin na ang takip sa mga pangalang Fyodor at Segusmundo. Ipapaliwanag ng facilitator
na ang mga nakapaskil na impormasyon sa ilalim ng manila paper ay kailangang tutugma sa katauhan nina Fyodor
(ang batang may kapansan) at Segusmundo (ang kargador sa piyer). Sisinupin ang palaro sa sintesis hinggil sa
kahalagahan ng tamang profiling o tamang paglalagay ng impormasyon sa isang tao.
Ang baselining ay katipunan ng mga listahang sumailalim sa pag-aayos ng datos ayon sa mga
espesipikong impormasyon. Itinuturing itong isang malaking lalagyan ng lahat ng mga datos tungkol
sa isang batang may-kapansanan.
• Listahan na maaring hawak ng lokal na opisina ng DWSD sa ating barangay. Ito ay maaaring
nasa pag-iingat ng mga health worker o mga nurse sa mga barangay health center
• Mga datos na galing sa munisipal o City Health Registry
• Mga datos na galing sa listahan ng day care teachers
• Mga datos ng eskuwelahan o ng SPED teacher (para sa mga kasalukuyang nag-aaral at mga
nagdrop out)
Dahil alam natin kung saan-saan ang mga eskinita at mga daanan ng ating barangay, maari nating
maisip kung saan-saan tayo pupunta upang hanapin at interbyuhin ang mga naiisip nating may-
kapansansan sa ating lugar. Maari nating sundan ang pormat ng pag-iinterbyu sa halimbawang ito;
Figure I: Isang halimbawa ng simpleng census paper/interview paper
Pangalan ng Bata: __________________ Edad: ________ Ano ang susunod na gagawin sa lista ng
mga batang may-kapansanan?
Address/Tirahan: (numero ng street, street, purok/sitio, barangay,
city/munisipyo)
• Pagsama-samahin ang pangalan
Pangalan ng Magulang: ng mga CWD na magkakalugar
Tatay: ___________________ CP No.____________
Nanay: __________________ CP No. ____________ (maaring nakatira sa isang kalye,
sa isang barangay, sa isang sitio o
Nag-aaral ba siya? purok).
a. OO b. HINDI • Alamin kung sino-sino ang mga
nag-aaral na, sino ang naka-enrol
Kung “Oo”, tanungin kung; sa SPED at kung sino ang naka-
a. SPED b. nasa regular na klase enrol kasama ang mga batang
walang kapansanan (inclusive set-
Ano ang grado ng bata: __________________________________ up)
Pangalan ng Eskuwelahan ng CWD: ________________________
Address ng Eskuwelahan: ________________________________
Kapag natapos na nating makalap ang mga datos tungkol sa mga CWDs, handa na ang ating grupo
na sinupin ang mga datos na ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pangalan ayon sa
kalye, purok, sitio o barangay. Matapos itong gawin, kailangang itago ang mga ito sa isang hiwalay
na folder o envelop na may lakip o label, tulad halimbawa: “CWD BASELINE: Brgy. Poblacion,
Sta. Maria, Bulacan”.
Ang ating “baseline” ay magiging batayan natin sa susunod nating gagawin sa Kayag-Kayag
Strategy. Ito ay ang validation phase o ang pagtitiyak sa katumpakan o ang correctness ng ating
datos na sininop.
May ilang simpleng hakbang kung papaano gagawin ang validation phase.
Ang validation phase ay isinasagawa matapos na masinop ang mga lista ng mga CWDs para
makagawa ng baseline. Layunin ng validation phase na masiguro kung tiyak o tama ang mga datos
na nakalista sa ating baseline. Sa kabila ng pagkakaroon natin ng isang listahan ng mga CWDs, hindi
tayo nakakatiyak kung bago o up to date ang mga impormasyon na nakalagay sa naturang listahan, o
di kaya’y maaaring mali ang mga impormasyon na nakalagay doon.
Karaniwan, ang mga listahang maaari nating makuha ay nailista mga ilang taon na ang nakakaraan,
kung kaya’t kailangan nating ivalidate o iupdate ang mga datos. At magagawa lamang ito kung
babalikan natin ang aktuwal na may-ari ng impormasyon, ang mismong magulang ng batang may-
kapansanan.
2. CWD Mapping
C C
on Public Planning ng ating barangay. Kapag nakakuha na tayo ng W W
D
D2
ating mapa, maaari tayong magtanong sa ating mga barangay C
W
tanod o mga purok lider kung may kakilala silang batang may- D
C
pulong ang lahat ng maaring pumunta sa mga batang nasa mapa W
D
upang isagawa ang susunod na hakbang.
3. Ang Dalaw-Kayag
Kapag nakarating na tayo sa bahaging ito, ibig sabihin, tatlong pangunahing hakbang na ang
natatapos natin. Una, tapos na tayong makakuha ng mga paunang lista ng mga batang may-
kapansanan sa ating barangay, na maari nating nakuha sa Civil Registry o yung mga lista ng iba’t
ibang ahensiya ng barangay o munisipyo o siyudad. Pangalawa, nasinop na natin ang mga datos na
ito, at napagsama-sama ang mga pangalan ng batang may-kapansanan, batay sa kung sino ang
magkakalapit na lugar (Baselining), ikatlo, nakagawa na rin tayo ng CWD map, at natukoy na natin
kung saang kalye o purok nakatira ang mga nailista nating may-kapansanan.
Kapag maayos nating naisagawa ang mga hakbang sa itaas, handa na tayong gawin ang “Dalaw-
Kayag”. Ang Dalaw-Kayag mula sa mga salitang “dalaw’ at “kayag”. Isa itong hakbang kung saan
ang mga volunteer ay aktuwal na dadalaw sa bahay ng mga nasa CWD map upang kayagin sila sa
mga eskuwelahan upang magpatala sa klase. Sa ilalim ng hakbang na ito, susubukan nating puntahan
o dalawin ang mga bata na nasa mapa upang beripikahin o iupdate ang mga datos na nasa baseline
natin (listahan). Kapag naitama na natin ang kanilang mga datos, susubukan nating kausapin ang
kanilang mga magulang o ang kanilang tagapag-alaga (guardian) at sa dulo ng pag-uusap ay
hihikayatin ang mga magulang o guardian na ipaenrol ang kanilang anak o alagang may-kapansanan.
Sa ganitong paraan, magtatakda tayo ng araw at oras kung kailan maaring maipatala ang mga bata sa
eskuwelahan. SASAMAHAN natin ang mga magulang at ang mga CWD sa eskuwelahan upang
magpatala at tuloy ay magpa-enrol. KAKAYAGIN natin sila sa pinakamalapit na eskuwelahan para
magpaenrol.
Kadalasan, sa kabila ng kagustuhan ng isang magulang na pag-aralin ang isang batang may-
kapansanan, nananatiling sawi sila na ipasok sa eskuwelan dahil sa kawalan ng Special Education
class sa pinakamalapit na eskuwelahan.
Sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, may tatlong pangunahing uri ng eskuwelahan, ang mga
ito ay ang sumusunod: regular na paaralan, regular na paaralan na may halong SPED class, ang
ang ikatlo ay ang Special Education School, kung saan mga may-kapansanan lang ang nag-aaral e.g.
School for the Blind, Phil. School for the Deaf etc.
Sa halos anim na taon nating karanasan, karamihan sa mga pinaglilingkuran nating paaralan ay mga
regular school, sinusundan ito ng mga regular na eskuwelahang may Special Education Program.
May iba’t ibang estratehiya tayong ginagawa depende sa uri ng paaralan, pagdating sa pagpapa-enrol
ng mga batang may-kapansanan.
• Educational assessment
• Konstruksiyon ng accessibility facilities
• Pagsasanay ng mga guro
• Educational assessment
• Konstruksiyon ng accessibility facilities
Bago pa man kayagin ang bata sa eskuwelahan, kailangan ay magkaroon muna tayo ng ideya kung
ano ang sitwasyon ng batang may kapansanan na kakayagin natin. Maaari nating makuha ang
impormasyon ng bata sa mga magulang mismo o tagapag-alaga nito. Ngunit may mga pagkakataon
na hindi alam ng magulang o ng tagapag-alaga ng bata ang sitwasyon o kondisyon ng batang may-
kapansanan.
Sa mga ganitong pagkakataon, gingamit ng programa ang tinatawag na disability checklist o ang
educational assessment form. Isa itong dokumento na maaring gamitin ng sinuman sa komunidad.
Nakatala sa papel na ito ang mga manipestasyon o mga palatandan ng isang kapansanan. Bawat uri
ng kapansanan ay mayroong nakatakdang pormat.
Matatandaan na bago natin kayagin ang kliyente nating batang may-kapansanan sa pampublikong
paaralan, kailangan muna nating magkaroon ng ideya kung ano ang kondisyon nito. Kung hindi man
ito mangyayari, kahit papaano ay kailangan nating magkaroon ng ideya kung ano ang mga
manipestasyon sa sitwasyon ng bata, sa pamamagitan ng ating disability checklist o ang educational
assessment checklist. Pagkatapos magsagawa ng educational assessment, dinala natin ang bata sa
isang espesyalista para malaman o matukoy ang tunay na kalagayan ng bata.
Ang mabigat na katanungan ay ganito: Matapos malaman ang kondisyon ng isang bata, halimbawa’y
nalaman natin na ang bata pala ay may problema sa paningin, ano ang gagawin natin?
Dapat nating isaisip na hindi nagtatapos sa simpleng pagtukoy lamang sa kapansanan ng isang bata,
lalo na’t pangarap nating mapag-aral ito. Sa dulo, bahagi pa rin ng ating tungkulin ay mabigyan ng
pagkakataon na maagapan ang kapansanan o hindi kaya’y mabawasan ang hirap ng isang bata,
bilang paghahanda sa kaniyang pag-aaral.
Aminado tayong hindi ito magiging madali! Kung nalaman natin halimbawa na may diperensiya sa
paningin ang isang bata at nais nating mapagaling ito o kaya’y mapalagyan ng salamin, kailangan
nating gumastos ng kaukulang halaga ng salapi para matugunan ang pangangailangan ng CWD,
bilang paghahanda sa kanyang pag-aaral. Sa mahabang panahon ng ating programa, kadalasan, isa
ito sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapasok ang bata; hindi handa ang pangkalusugang
sitwasyon ng bata, wala siyang early intervention pagdating sa kanyang kalusugan, dahil na rin sa
kawalan ng salapi ng mga magulang ng bata. Samaktuwid, papaano natin matutugunan ang
Group II (Thematic Work Identification): Para sa group 2, kailangan nilang matukoy kung anu-anong
mga partikular na gawain ang dapat nang pasimulan para sa pagbubuo ng referral system. Maaring sagutin
ang mga sumusunod: a.) Anu-anong mga pangunahing gawain ang dapat na mangyari? Sino-sino ang mga
responsible dito? Ilang araw ito gagwin? Katulad ng group I, bibigyan din natin sila ng 15 minuto.
Matapos ang 15 minuto, sikaping sinupin ang mga output ng group I at group II. Irereport ng mga tagaulat
ang kanilang output upang pag-usapan ng grupo at ipinalisa. Gagamitin ang mga ito para sa susunod
nating workshop.
pangkalusugang pangangailangan ng bata, kung pare-parehas tayong walang salapi upang gawin ito?
Mga Hakbangin:
Group I (Referral Baseline Building): Sagutin ang tanong – a.) Anu-anong institusyon o sinu-sinong
indibidwal ang maaari nating makatulong para sa mga pangangailangang pang-kalusugan ng mga
tinutulungan nating CWD sa loob at labas ng ating barangay? b.) Anu-ano ang mga contact details nila? c.)
Papaano natin sila makokontak, sino ang maaaring maging tulay?
Mga Institusyon Pokus ng Tulong Numero ng Address Sino ang Ano ang unang
telepono tulay/Contact hakbang para
Person makausap sila?
LCDPFI Inclusive 413-4446 J.P. Rizal St., Area Bumisita sa
Education Proj. 4, Q.C. Coordinator ng opisina nila
NCR
Resources for Para sa mga _________ Quezon City Local Volunteer Magpadala ng
the Blind may kapansanan worker na nasa proposal
sa mata brgy. natin
Montano Family School supplies __________ Phase 5, Bagong Brgy. Secretary Kausapin ang
ng mga bata Silang ang nanay Brgy. Sec.
Fr. Jayjay Referral __________ Phase 1, Bagong Si Father mismo Makiusap na
Morgan Silang ihayag sa
homiliya ang
ating programa
Ang referral system ay isang unit ng ating organiasasyon o ng ating barangay, na siyang
namamahala sa pagtutukoy ng mga institusyon o mga indibidwal na maaari nating pagdalhan ng mga
kliyente nating may-kapansanan upang bigyan ng karampatang interbensiyon, para maihanda siya sa
kanyang pag-aaral. May ilang mga hakbang na maaaring maging gabay sa pagbubuo natin ng
referral system sa ating organisasyon o sa ating mga komunidad. Ang mga hakbang na ito ay
maaring mag-iba-iba depende sa sitwasyon at politika ng ating barangay, bagama’t maari nating
gamiting pangkalahatang paraan ang mga nakatala sa ibaba;
(Resources for the Blind, Liliane Pons, Leonard Cheshire Disability, Autsim Society
of the Philippines, atbp).
c. Mga pambansang ospital (PGH, East Ave. Medical Center, Manila Hearing Aid
Center, National Orthopedic Center atbp.)
d. Mga eskuwelahang may malakas na Special Education Program
e. Mga kilalang pilantropo
f. Mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa mga taong may-kapansanan
(DSWD, National Council on Disbaility Affairs, National Anti-Poverty Commission,
Commission on Human Rights, DOH, atbp)
g. Matapos matukoy ang mga ito, maaari tayong gumawa ng baseline ng mga
institusyon o organisyong ito, katulad ng nasa baba;
Focus of Contact
Institution Operation Address Contact Number Email Address Person
Rehabilitation
Philippine Rehabilitation /early #56 Banawe Street, Quezon City,
Institute Foundation Intervention Philippines info@prifnet.com
17/F Locsin Bldg. 6752, Ayala 580-8353/894- Sherah.Chua@fc Shera F.
UK EMBASSY Avenue, 1226 Makati City 2929 o.gov.uk Chua
3723825 loc mblukban@yaho Dr. Marissa
Capitol Medical Center Assessment Capitol Med. Center 5005 o.com Lukban
imeetv@yahoo.c
Philippine General Hospital1 Assessment Manila 09228988703 om Imee Victa
Unit G 16 Timog Avenue, Quezon
Philippine Association of Speech City pasp_secretariat
Speech Pathologists Pathologists Philippines +63 2 416 3030 @yahoo.com
Speech
University of the Philippines Pathology, 011+632-920-
(Manila Campus) Admin Office 5301
University of Santo Tomas- Saint Martin de Porres Building
College of Rehabilitation Espana Boulevard, Manila
Sciences (UST-CRS) Philippines 1015 (63 2) 7409713
4/F Eight One Eight Bldg. 892-2486 or 892-
A Child Can Foundation 818 Pasay Road, Makati City 2497
Unit 106, 4th floor Makati Cinema
Square Condominium TowerSan
Behavioral Management for Lorenzo Village, Pasong Tamo
Autistic Children (BMAC) St.Makati City 811-1880
Project Embrace (632) 832-2313.
Rm 311 don Santiago Bldg., (beside 524-
assessment KFC) infront of PGH (tues and fri; 1768/092288583
Dr. Marisssa Lukban clinic neuro 10-12) 84
5. Subuking kontakin ang mga institusyon na ito. Ipakilala ang mga gawain natin sa
pamayanan. Ihayag sa ating mga kliyente ang kalikasan ng ating mga pangangailangan.
Magtanong sa pamamagitan ng sulat kung maaari silang mapuntahan sa kanilang opisina
I. SUB-PROJECT TITLE:
A. 45 children with disabilities and other non-disabled children who are not enrolled in formal
preparatory or elementary school.
B. 45 parents of out of school children with and without disabilities and 15 community volunteers
The Leonard Cheshire Disability Philippines Foundation, Inc. (LCDPFI), in close cooperation with the Department of
Education (DepEd) and Department of Health (DOH) is currently implementing the mother project entitled: “Inclusive
Education Program for Children with Disbailities in the Philippines”.
The said project aims to improve the children with disabilities’ (CWDs) access to public preparatory and elementary
schools in selected sites in the National Capital Region (NCR) and Central Luzon (Region 3), where both the children
with disabilities and the non-disabled children would share their learning and developmental opportunities together in
an Inclusive Education set-up.
The major components that the project seeks to accomplish include rehabilitation and therapy for the children with
disabilities, provision of assertive devices and accessibility facilities, early learning intervention, community-
organizing for the parents and local volunteers, and the actual placement or enrollment of the CWDs to public
preparatory and elementary schools.
However, despite the concerted efforts of national and local partners from various disciplines, there were realities that
some children could not be immediately absorbed by public schools due to the following reasons:
In response to this, together with local partners, LCDPFI facilitated the creation of Community-Based Early Learning
and Rehabilitation Resource Centers in the Inclusive Education Sites, where there is a prevalence of unsuccessful
enrolment among the children with disabilities.
The said community-based resource center seeks to accommodate the CWDs who were not enrolled to schools but are
willing to study, and are willing to undergo early learning and rehabilitation sessions, prior to their actual placements to
formal schools.
The Project encourages the participation of the parents and local volunteers, who themselves, after some relevant
trainings would act as teachers, and mentors, together with their volunteer physical therapist counterparts.
In Iba, Zambales, the Inclusive Education Community Support Group (I.E.-CSG) have been actively involved in the
Inclusive Education Project. As early as October 2006, the local volunteers, parents, and other community-based
organizations, together with the teachers and administrators of Iba Central School, were actually coordinating with
LCDPFI regarding the Project.
However, there is no physical center wherein out of school children with disabilities could undergo preparatory
learning and rehabilitation interventions before being placed to formal schools. Likewise, the I.E.-CSG has no center
for them to conduct different trainings and meetings.
In this context, LCDPFI, in behalf of the local volunteers in of Iba Zambales, endorses this proposal for the provision
of a free learning and rehabilitation space and an eventual provision of a rent-free structure for a period of one (1)
school year, and subject for extension upon mutual consent of LCDPFI and the sponsoring party.
V. PROJECT PROPONENT
LCDPFI is a non-stock, non-profit organization that promotes and protects the rights and welfare of PWDs toward its
attainment of economic independence and active participation in social, cultural, political and civil undertakings.
LCDPFI’s current thrusts are inclusive education, economic empowerment and expansion of services to the local
communities. Its fundamental role is coordination, advocacy, capacity building and resources mobilizations.
1. To provide a physical center that will cater early education learning and rehabilitation for
children with disabilities
2. To provide a physical center that will cater trainings and livelihood opportunities for
parents of children with disabilities
3. To foster awareness and educate the society on the plight and abilities of children with
disabilities;
4. To establish convergence among various stakeholders to be able to maximize the limited
resources and to give quality care to children with disabilities;
5. To organize and mobilize the parents of children with disabilities as ultimate primary
support mechanism to sustain and maintain the Inclusive Education Program children with
disabilities;
6. To document the learning experiences from the pilot test of the project and to formulate
and recommend policies and approaches for expansion.
The Project ushers Inclusive Education for out of school children with disabilities, as a preparation for their placement
in formal elementary schools. They also seeks to facilitate the provision of health in the form of physical, psycho-
social, occupational and speech therapy, medical check-up, provision of basic medicines through recruitment of health
worker volunteers and referral from private and government hospitals and health centers would be part of the support
mechanism for this project.
Another support mechanism to ensure that the economic needs of children with disabilities and their families would be
addressed as well is the provision of skills trainings and working capital (soft loan) to parents for their collective
livelihood through their Cooperative Parents Association. It is a fact that children with disabilities whose parents have
no regular job and who belong to the ultra poor class will have a greater tendency not to continue their education at lest
in the primary level.
The two mentioned support mechanism are both internal. The external support mechanism that this component would
like to undertake is the advocacy and awareness or the information, education and communication areas, relationship
building, recruitment of volunteers and donors.
This component will focus on the continued enhancement of skills, knowledge and collective sharing of learning
experiences the following key players:
4.1 Parents
4.2 Teachers
4.3 Project Implementing Team-LCDPFI National Coordinator, Volunteer Secretariat and Cluster Homes
Coordinators
1. Aside from continues skills enhancement and fostering team building culture to key players, establishment of
support mechanisms such as healthcare and economics, the advocacy to national and local authorities for the
implementation of laws and executive orders on disability and poverty alleviation will continue and will serve as the
core component of this project.
2. Transparency, accountability and professionalism would be the guiding values and principles to ensure the success
of this project.
1. 150 new children with disabilities will be attending inclusive education class.
2. 50 parents of children with disabilities will have training on livelihood and will put up collective livelihood project
that will supplement the daily income and basic needs of the family.
3. 50 parents and volunteers undergone health and education trainings and seminars
4. The convergence of support from regional and local government offices and the private sector is the highlight of this
project. It will not be expected its full beneficiates and concrete results in two years duration of the pilot project, of the
significant positive trend will be seem along the stage of implementation.
X. PROJECT IMPACT
1. The project will contribute to the attainment of the Philippine Decade of Disabled Persons (2003-2012), which
is in harmony with the Asia-Pacific Decade of Disabled Persons or the Biwako Millennium Framework with
central theme on Inclusive, Barrier-Free and Rights-Based Society.
2. The project will give clear inputs to disability concerns to United Nation Millennium Development Goals,
which is to halve poverty by 2015 specifically on the areas of Education For All and Overcoming Extreme
Poverty and Hunger.
Sa ating talakayan, sinikap nating mapag-usapan ang mga pamamaraan kung papaano gawin ang
referral system at kung papaano at anu-ano ang mga dapat ihanda kapag magrerefer tayo ng isang
bata sa mga institusyon.
Ngunit bago natin tapusin ang ating talakayan, mainam na maging settled tayo sa kung papaano
natin gagawin ang referral sa ating grupo. Maaring gawing batayan ang ating dayagram sa ibaba:
Donor/Institusyon
na magbibigay ng
Suporta IE-CSG
• Ipinapakita sa itaas ang daloy ng ating referral kapag ang national office ng Inclusive Education
Program ang nakakuha ng institusyong tutulong para sa kalusugan at iba pang suporta n
gating kliyente.
•
• Sa ganitong sitwasyon, sinisikap nating hayaan muna ang Inclusive Education Program ang tuwirang
makipag-ugnayan sa mga institusyong nais tumulong sa ating mga kliyente.
• Matapos ang paunang pakikipag-ugnayan, saka pa lamang sasabihan ng national office ng Inclusive
Education Program ang sinumang CSG site na gustong tulungan ng donor/institusyon.
• Ipapakilala ng IE Program ang CSG site na gustong tulungan ng donor. Matapos ang unang pag-
uusap ng IECSG site, pinakikiusapan na huwag munang makipag-ugnayan ang IECSG nang paalam
o pasintabi sa national office ng Inclsuvie Education Program. Sa gantiong paraan ay mapapanatili
natin ang integredad ng ating programa, gayundin ang IECSG.
• Kung sakaling hingin ng donor/institusyon ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa IECSG, walang
dahilan upang tumanggi ang programa. Saka pa lamang maaaring makipag-ugnayan ng tuwiran ang
IECSG sa naturang donor.
• Iba naman ang magiging daloy ng gawain kapag ang IE CSG ang naunang makakuha ng donor para
sa knaialng sarili. Tatalakayain ito sa susunod na dayagram.
IE CSG
Bilang pangunahing nakakalap ng susuportang
institusyon
Donor/Institusyon
na magbibigay ng IE
Suporta Philippines
• Ipinapakita sa itaas ang daloy ng ating referral kapag ang IE CSG ang nakakuha ng institusyong
tutulong para sa kalusugan at iba pang suporta ng ating kliyente.
• Sa ganitong sitwasyon, sinisikap nating bigyan ng pagkakataon ang CSG na makipag-ugnayan sa
natukoy nilang donor o funding agency. Sila ang tuwirang makikipag-usap dito, ngunit hihilingin
nating ipaalam sa Inlcusive Education Program ang ganitong ugnayan, bilang pagkilala ng IECSG sa
kanyang mother organization.
• Sa ganitong pagkakataon, hindi rin maaring makipag-ugnayan ang Inclusive Eduction Program team
sa nakilalang donor ng IE CSG kung walang pakikipag-ugnayan muna sa IE CSG
Sa mga nagdaang nating pag-aaral at mga workshop, sama-sama nating natutunan ang mga
sumusunod;
Sa bahaging ito ng ating leksiyon, maaari na nating masabi na handa na nating kayagin o dalhin sa
paaralan ang mga kliyente nating mga batang may kapansanan o CWDs. Matatandaan na
pinaghandaan natin ang lahat ng mga pag-aaral na nabanggit sa itaas, para lamang sa isang pinal na
layunin, at iyan ay ang pagkayag o paghatid natin sa mga batang may-kapansanan sa paaralan upang
makapag-enrol at makapagpatuloy ng pag-aaral.
Sa bahaging ito ay gusto nating batiin ang mga sumailalim sa mga nagdaang pagsasanay upang sa
wakas ay magawa na natin ang pagkayag mula sa tahanan ng mga CWDs hanggang sa kani-kanilang
mga paaralan. Hindi na tayo mahihirapang gawin ito, dahil una, napagdaanan na natin at natutunan
ang mga kinakailangang kaalaman at kasanayan bilang paghahanda dito. Ikalawa, natuklasan na
natin na hindi naman pala ito ganoon kahirap katuld ng nauna nating impresyon dahil maaari naman
pala tayong magtakda ng mga espesyal na tao na tutulong sa atin.
Nakalahad sa mga susunod na bahagi ang ilang mga hakbang o palatuntunan kung papaano natin
gagawin ang kayag-kayag.
1. Tukuyin natin kung ilan at kung anu-anong mga paaralan sa atin, gayundin ang mga
paaralang malapit sa ating barangay. Ano o anu-ano dito ang regular na paaralan at alin ang
mga paaralang may special education class.
2. Dapat tandaan na ang pokus ng ating pagkilos ay makapagpaenrol ng bata sa mga regular na
paaralan, at pangalawang prayoridad lamang ang pagpapaenrol sa special education class,
lalo na’t kung malayo ang special education class sa lugar na panggagalingan ng mga batang
may-kapansanan.
3. Sampung araw bago ang aktuwal na araw ng enrolment, makipag-ugnayan na tayo sa
punong-guro ng paaralan at sabihin kung ilan at kailan magpapaenrol ang mga batang may-
kapansanan. Makiusap tayo sa paaralan at punong-guro, na kung maari ay magkaroon ng
express lane o espesyal na pila para sa mga CWDs, bilang pagbibigay daan sa kanilang
sitwasyon, at upang hindi na rin sila mahirapan habang nag-eenrol.
4. Gamit ang ating baseline o listahan ng mga CWDs, sikapin nating ikutin at puntahan ang
mga magulang ng mga bata.
5. Kumbinsihin natin ang mga magulang na sabay-sabay tayong magpupunta sa mga paaralan,
3 araw bago ang enrolment. Sa gayon ay mayroon pang panahon ang paaralan at ang ating
organisasyon sakaling magkaroon pa ng problema ang pagpapaenrol ng mga CWDs.
6. Mga bagay, dokumento at kasulatang kailangang ihanda bago magpaenrol;
7. Kung kakayanin, maari tayong makahiram ng sasakyan sa ating barangay upang sumundo at
maghatid sa mga bata, lalo na yaong mga manggagaling sa malalayong lugar.
8. Sa mismong araw ng enrolment, mainam na may isa sa atin na nakaantabay sa lugar ng
eenrolan, sa gayon ay makapagbigay tayo ng tulong o impormasyon hinggil sa bata, sakaling
mangailangan ng tulong ang mga magulang nito.
9. Maaaring gumugol ng maghapon ang gawaing ito. Sikaping pagkatapos ng ating gawain,
pag-usapan natin ang mga nangyari sa buong maghapon. Itala sa isang papel ang mga
tagumpay at ilang mga problema o pagsubok na naranasan sa buong maghapon na pagpapa-
enrol.
• Ang Retention
Kailangan nating maintindihan na hindi nagtatapos sa enrolment ang ating pakikibaka para sa sektor
ng edukasyon ng mga may-kapansanan. Mahalaga na matapos na mapaenrol ang mga bata,
kailangan nating isaalang-alang ang pagpapanatili sa kanila sa loob ng paaralan. Tatawagin natin
itong retention.
Ang Retention ay ang pagsasagawa ng mga mekanismo at paraan kung papaano mapapanatili sa
paaralan ang isang bata, sa kabila ng mga hadlang o pagsubok na maaring maranasan nito. Ginagawa
ito upang maiwasan o mabawasan ang drop out rate sa loob ng isang paaralan. My iba’t ibang
dahilan kung bakit humuhinto ang isang bata sa pag-aaral, lalo na ang mga may-kapansanan. Sa
bahaging ito ng ating pag-aaral, susubukan nating alamin ang mga maaaring maging hadlang sa pag-
aaral ng isang batang may-kapansanan. Sisikapin din nating magtukoy ng mga paraan upang
maiwasan ito.
Layunin:
Alamin sa mga participants ang mga bagay o pangyayari na nagiging hadlang para
magpatuloy ng pag-aaral ang mga batang may-kapansanan. Aalamin din mula sa kanila ang mga
bagay o mekanismo na maaaring makatulong upang maiwasan o kaya’y mabawasan ang mga
hadlang na ito.
Pamamaraan:
Meta-Cards/Idea cards. Titipunin ang mga kalahok. Depende sa dami nila, hahatiin ang
mga kalahok sa tatlong grupo. Papangalanan ang tatlong grupo na;
1. School Group
2. Community Group
3. Home Group
Bibigyan sila ng tig-tatlong metacards at isang pentel pen. Mula dito, sasabihan ang mga
kalahok na magsulat ng tatlong pinakamatinding dahilan na magiging sagabal sa pag-aaral ng
mga batang may-kapansanan. Itutuon o ipopokus ng bawat grupo ang mga sagabal base o batay
sa grupon kinabibilangan nila. Halimbawa, “Anong tatlong pinakamtinding sagabal sa pag-aaral
ang makukuha ng isang bata sa loob ng paaralan?”
Titipunin o ikacluster ang mga magkakatulad na tugon sa pisara o Manila paper ng tagapag-
padaloy ng workshop. Matapos gawin ito, muling titipunin ang mga participants para sa sintesis
ng talakayan.
Sintesis ng Talakayan:
“Mga karaniwang hadlang sa pag-aaral ng mga bata”
Pamamaraan:
Meta-Cards/Idea cards. Pagkatapos masinop ang mga output sa workshop A, muling
pababalikin ang mga kalahok sa mga nauna nilang grupo. Muli silang bibigyan ng tig-tatlong
metacards at isang pentel pen. Ngayon ay ipasusulat natin ang tatlong paraan kung papaano
masosolusyunan ang mga nautkoy nilang suliranin sa workshop A. Titipunin o ikacluster para sa
sintesis ng talakayan.
Sintesis ng Talakayan:
“Mga magagawa ng komunidad para bawasan o tanggalin ang mga sagabal sa edukasyon
ng CWDs”
Matapos nating matutunan at maisapuso ang kahalagahan ng ating organisasyon, ang kalikasan nito,
ang ilang mga hakbang para bumuo at magpanatili nito, kaya na nating sagutin ang katanungan sa
itaas. Kailangan lang ay ang maayos na pagpaplano at ilang pagkilala sa ating organisasyon mismo.
Ang rapid planning ay isang mabilisang pagpaplano ng ating mga nais gawin sa hinaharap.
Sumasalamin ito sa kalikasan ng ating orgaisasyon, lalo na sa gusto nating maging mukha sa
lipunan, dahil lalamanin ng ating plano kung sino tayo at kung anong klaseng organisasyon tayo
magiging, depende sa mga espisipikong gawain na ating matutukoy sa plano.
Mabilisan ang ating konsidersyon sa pagpaplano dahil kinikilala natin ang kaabalahan ng ating mga
kasama bilang ina, tatay, guro, opsiyal ng barangay o iba pang mga lokal na propesyunal, kung
kaya’t sinadya nating hindi masyadong matagal ang ating pag-uusap hinggil dito.
Sa tuwing may SWOT session, karaniwang itatanong ay ganito: “Ano ang karaniwan ninyong
nakikitang kalakasan ng inyong grupo?, Ano ang karaniwang kahinaan ng grupo ninyo na
nakasasagabal sa inyong paglago bilang organisasyon?, Ano ang mga nakikita ninyong
oportunidad sa labas ng organisasyon na makakatulong s inyong grupo sa hinaharap?, Ano ang
karaniwang mga nakikitang balakid sa inyong grupo na nakikita ninyong sgabal sa inyong mga
gawain sa hinaharap? Lalagumin natin ang mga sagot natin sa itaas sa ganitong paraan:
Kapag tayo ay nagpaplano ng ating organisasyunal na gawain, mahalagang isa isip natin ang mga
pangunahing mga elemento ng pagpaplano. Karaniwan, ang isang mabisang plano ay naglalaman ng
mga partikular na gawain (activities), budyet (budget), ang panahon kung kailan ito gagawin (time
frame), mga taong responsible sa isang gawain (responsible person) at detalye ng budget.
Nakalahad sa ibaba ang isang halimbawa ng rapid plan at ang katumbas nitong budget:
Walang saysay ang ating mga gawain kung hindi natin masusukat ang tagumpay o kabiguan nito.
Mahalaga din ang pagsukat sa ating mga nagawa upang magsilbi itong batayan o salamin ng mga
susunod pang mga gawain. Sa mga organisasyon, dapat ay nakalatag ang isang mekanismo kung
papaano imomonitor ang ating mga gawain, ang mga datos natin, ang ating pinansiya at ang ating
mga kliyente.
Makakatulong kung magkakaroon tayo ng isang maayos na monitoring system, kung saan nakalagay
ang mga pangunahing gawain at ang progreso nito, kailangan din natin ang maayos na financial
monitoring system, kung saan ay maaantabayanan natin ang paglabas at pagpasok ng pera sa ating
organisasyon.
Site / Area
Ilan na ang kasapi Anu-anong
May mga pagsasanay na Ilang regular nga pagpupulong ang
ng iyong CSG mahahalagang
ba kayong nadaluhan? naisagawa na ninyo sa buwang ito?/Anu-
ngayon?(kasama desisyon ang inyong
Anu-ano? ano ito?
ang opisyales) napag-uusapan?
IE-CSG of Payatas A, Magaganap pa lang pos a 1 meeting pa lang Para sa mga bagong
Quezon City 36 July 4, 2009 ng Para- enrollees na may
teachers training ng mga kapansanana at
taga Saint Joseph Volunteer walang kapanansanan
ng CSg
IE-CSG Ph.7 Bagong Opo, para sa mga teacher- • Officers mtng. Re: Planning of the • Inurongs mula sa
Silang Caloocan City kalinga general Assembly Mayo ang Gereral
• Assessment Planning for the opening of Assembly to July.
the classes • Program of Activity
• Parents orientation for Inclusive for the school
education year.
IE-CSG- Mariveles 74 members Candle making(livelihood) • April 12, 2nd PWD Summer Olympics • Regular monthly
Bataan 8 Officer • May, 22, Candle making seminar meetng.
82 • -do-
Marlon B. Fulo
Program Development Practitioner
Program Manager, IE-Phils.
Ronaldo Meneses
Community Development Practitioner
Area Coordinator for Central Luzon/Region 4A
Virgilio Jimenez
Peoples’ Orgnization Leader/Church Worker
Area Coordinator for National Capital Region
References:
http://en.wikipedia.org/wiki/Social_model_of_disability
http://www.disabled-world.com/
http://en.wikipedia.org/wiki/Special_education#Methods_of_provision
http://www.lcint.org/?lid=5060
Barbara Tien, “The Prep Program”. Effective Teaching Strategies for Inclusion: A Focus on Down
Syndrome. ________
Lani Florian. INCLUSION: Special or inclusive education: future trends. 18 NOV 2008
Bowlby, B. & Wooton-Regan, J. (1998). An Educators Guide to Human Rights. Aurora Professional
Press. Aurora, Ontario.
MGA APPENDIX
Checklist para matukoy ang mga batang may-kapansanan sa pag-iisip (Mentally Handicapped)
Pangalan:__________________________________Edad:___________ Kasarian: __________________
Baitang:_________________________Paaralan:_____________________________________________
Depenisyon: Ang isang batang may kapansanan sa pag-iisip (mentally handicapped) ay may kapuna-
punang kahinaan sa kabuuang paggamit ng pag-iisip kasabay ng kakulangan sa angkop na pagkilos at
nakikita na sa maagang paglaki pa lamang (developmental period).
Panuto:Lagyan ng tsek (√) ang guhit katapat ng kilos o kondisyon na ipinamamalas ng batang
inoobserbahan.
_____ 1. Mahina ang koordinasyon ng kilos ng mga paa (gross motor) sa paglundag, paglukso at
pagtalon.
_____ 2. Hirap maggupit, magbutones, magzipper at magtali ng sintas ng sapatos.
_____ 3. Hindi halos makaguhit o makakopya ng mga simpleng letra at numero.
_____ 4. Hindi kayang tugunan ang mga personal na pangangailangan ng mag-isa.
_____ 5. Hirap matukoy ang mga magkakatulad o magkakaibang bagay.
_____ 6. Hindi kayang maunawaan ang konsepto ng oras o panahon tulad ng “ngayon,” “kahapon,”
“isang linggo,” etc.
_____ 7. Di makapagkulay ng hindi lampas sa mga guhit.
Interpretasyon: Ang isang mag-aaral na nagpapamalas ng mga nasabing katangian ay maaaring may
kapansanan sa pag-iisip kung kaya kailangang bigyan ng karagdagang mga “test” o pagsusuri.
b. Magsipilyo ______
c. Magbihis ______
d. Magsuklay ______
e. Magbanyo ______
28. Mas gustong makipaglaro sa mga nakababata ______
29. Hindi kayang sumunod sa serye ng sunud-sunod na hakbang ______
30. Di nagpapakita ng interes na matuto ______
Sub-total: _____________________
Interpretasyon: Ang isang mag-aaral na nagpapamalas ng mga nasaad na mga katangian ay maaaring
may kapansanan sa pag-iisip at kailangang obserbahan pa o isangguni sa sikolohista o “psychometrician”
para sa karagdagang pagsusuri o “tests.”
Pangalan:________________________________Edad:___________Kasarian:__________________
Grado:_________________________Paaralan:_____________________________________________
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang guhit katapat ng kilos o kondisyon na ipinamamalas ng bata.
_____ 1. Tipikal ang anyo pero hindi tipikal ang pagkatuto.
_____ 2. Matalino, kadalasan katangi-tangi (gifted).
_____ 3. Lubhang mababa sa karaniwang lebel ng bata ang kanyang kakayahan sa pagbasa, pagbaybay,
pagsulat o matematika
_____ 4. Madaling bumaling ang atensyon.
_____ 5. Madaling madistract
_____ 6. Hirap makinig.
_____ 7. Nahihirapan sumunod sa direksyon.
_____ 8. Ayaw sumubok, tinatamad o ayaw sumunod.
_____ 9. Gumagamit ng hindi akmang salita o linggwahe kung minsan.
_____10. Napapagpalit ang kaliwa at kanan.
_____11. Nagpapakita ng hindi akman at alanganing kilos, mali-mali. Mahina ang koordinasyon sa
pagkilos (aabutin ang isang kamay at saka lang susunod ang kabilang kamay).
_____12. Nagpapamalas ng hindi akmang asal.
_____13. Di organisado, mahina sa oras at lugar.
_____14. Karaniwang nahihirapan sa mga gawaing ginagamitan ng lapis at papel.
_____15. Maraming napagpapalit (“b” sa halip na “d”) o nababaligtad (“b sa halip na “q”) sa mga
sinusulat.
_____16. Hindi consistent sa kilos at gawain.
_____17. Kadalasan may kakaibang abilidad sa sining, palakasan, agham at pagsasalita.
pagkakasunud-sunod ng
pangyayari
Naibabahagi lamang ang mga
"isolated" at detalyadong bahagi
5 ng isang karanasan
Nakakalimutan ang pangalan ng
mga alam niyang bagay at sa
6 halip inilalarawan ang mga ito
Iskor_______
B. Pagbasa
Nahihirapan sa pag-"decode" ng
1 mga salita
Mahina sa pagkilala ng mga
2 salita
Di kinikilala at iwinawaglit ang
3 mga bantas kung magbasa
Nagtatanggal, nagpapalit o
nagdadagdag ng mga salita sa
4 pangungusap
5 Kada salita kung magbasa
Di kayang gumawa ng
6 konklusyon
Napakalimitado ng mga "sight
7 words"
Iskor_______
K. Pagbaybay
Hirap makuha o makilala ang
pagkakasunud-sunod ng mga
1 letra
Isinusulat ang "b" bilang "d" at
2 vice versa
Napagpapalit ang pagkakasunud-
3 sunod ng mga letra
Iskor_______
D. Matematika
1 Nagbibilang sa daliri
Hindi kayang imemorya ang
2 "multiplication"
Interpretasyon: Ang isang mag-aaral na lagi o madalas na nagpapamalas ng mga “indicators” sa bawat
kategorya ay may kapansanan sa pagkatuto (learning disability) sa mga nasabing
kategorya.
Checklist upang matukoy ang mga batang may kapansanan sa mata
Pangalan:__________________________________ Edad: _______________ Kasarian: _____________
Baitang (grade):___________ Paaralan: __________________________________
Depenisyon: Ang mga batang may kapansanan sa mata ay maaring bulag o mahina ang paningin
(vision).
Ang “visual acuity” ng isang batang bulag ay 3/60 o 10/200 o mas mababa pa sa mahusay na mata at
nakasalamin o hindi sapat ang paningin (vision) para sa araw-araw na gawain.
Ang antas ng paningin (degree of vision) ng isang batang mahina ang paningin ay 6/18 o 20/60 at
nakakabasa lamang ng malalaking imprenta o limitadong babasahin.
Direksyon: Lagyan ng tsek ang guhit katapat ng asal o kondisyon na ipinapamalas ng batang maaaring
may kapansanan sa mata.
I. Pisikal na kondisyon
_____ 1. Mapula ang gilid ng mga talukap ng mata
_____ 2. Malabo ang paningin
_____ 3. Duling
Iskor = _____________________
4. Hawakan ang “test card” kapantay ng mata (eye level) ng batang sinusuri. Gamitin ang kard na
may 4 na maliliit na E ( 18 ang sukat) at itanong sa bata kung saang direksyon nakaturo ang mga
paa ng letrang E, pababa, magkabilang tabi.
Sa pagsusuri ng maliliit na bata gamit ang maliliit na E, makakatulong kung ituro sa kanya ang
letrang E na tinutukoy sa kard para hindi magkalituhan kung aling E ang pinagtutuunan ng bata.
Kung tama ang sagot sa 3 o 4 na E, di na kailangan pa ng dagdag na test para sa pangmalayuang
paningin (distance vision). Ang kanyang paningin (vision) ay maituturing na normal. Itala na
6/18 ang pangmalayuang “visual acuity.”
5. Kung mababa sa 3 ang tamang sagot, gamitin ang kabilang panig ng kard na may malalaking E
(60 ang sukat). Ikutin ang kard para nakaturo sa iba’t ibang direksyon ang paa ng malaking titik
E. Gawin ito ng 4 na beses para nakaturo sa 4 na iba’t ibang direksyon and malaking titik E.Kung
tama ang sagot sa 3 o 4 na malalaking E, itala na 6/60 ang pangmalayuang “visual acuity.”
6. Magtala ng 2 bilang o numero para sukatin ang pangmalayuang “visual acuity.” Ang unang
bilang ay para sa layo (distance) na ginamit sa pagsusuri o test. Gawin ang test na may layo 6
metro at 3 metro. Ang pangalawang bilang ay para sa sukat ng simbolo (letrang E) na
binasa.Kaya, 6/18, 6/60, 3/60.
Pagsuri ng vision o paningin ng bawat mata
Kung minsan, kailangang suriin isa-isa ang bawat mata upang malaman kung may kaibahan sa paningin
ang dalawang mata. Kung iniisip na wala o mahina ang paningin ng isang mata, mabuting gawan ng
hiwalay na pagsusuri ang bawat mata.
Unahin ang kanang mata. Sabihan ang bata na takpan ng kaliwang kamay ang kanyang kaliwang mata
ngunit panatilihing nakabukas ang parehong mata sa pagsusuri. Siguruhing natatakpan ang buong mata.
Itala ang “visual acuity.”
Depenisyon: Ang batang may-kapansanan sa pandinig ay maaaring bingi o mahina ang pandinig. Ang
isang tao ay bingi kung ang kanyang pandinig ay hindi gumagana para sa araw-araw na
gawain. Mahina ang kanyang pandinig kung nakakarining siya bagamat depektibo at
Panuto: Lagyan ng tsek ang guhit katapat ng katangiang ipinapamalas ng inoobserbahang bata.
_____ 1. Mas gumagamit ng natural na muwestra o senyas at kilos upang ipahayag ang sarili.
_____ 2. Hindi sumasagot sa mga tanong.
_____ 3. Karaniwang hindi nagsasalita.
_____ 4. Kung nagsasalita man:
4.1 may tendensyang magkaproblema sa pagbigkas katulad ng kulang o dagdag na mga tunog sa
mga salita, saknong o pangungusap.
4.2 hindi maintindihan ang sinasabi
_____ 5. Pinagmamasdan ang mukha lalo na ang bibig at labi ng kausap
_____ 6. Nakikipag-usap ng malapitan
_____ 7. Nakasara ang isa o parehong “ear canal”
_____ 8. Walang panlabas na tenga
_____ 9. May lumalabas sa tenga (discharge)
_____10. Sinasalo ng kamay ang likod ng mga tenga upang makarinig
_____11. Itinataas ang tenga o itinatagilid ang ulo
_____12. Kakikitaan ang mukha ng pagpupumilit kapag nakikinig
_____13. Hindi naaantig ng ingay, boses o musika
_____14. Madalas pinapaulit ang tanong o sinasabi
_____15. Blangko ang mukha kapag kinakausap
Checklist para matukoy ang mga batang may kapansanan sa pagsasalita (speech defect or
impairment)
Pangalan:__________________________________ Edad: _______________ Kasarian: _____________
Baitang (grade): ___________ Paaralan: __________________________________________________
Panuto: Lagyan ng tsek ang guhit katapat ng katangiang ipinapamalas ng inoobserbahang bata.
_____ 1. May bangas
_____ 2. Abnormal ang tubo ng ngipin
_____ 3. May abnormalidad sa:
3.1 dila
3.2 “glottis”
3.3 “oral cavity”
3.4 iba pang bahagi ng mekanismo sa pagsasalita
Rating Scale para matukoy ang mga batang may problema sa asal (behavior problems)
Pangalan: __________________________________Edad:_______________ Kasarian: _____________
Baitang (grade): ___________ Paaralan: _________________________________________________
Depenisyon: Ang mga batang may problema sa asal ay kakikitaan ng kakulangang umangkop sa
kanilang mga “conduct disorders”, pagiging agresibo at mga emosyonal na pagkabahala
tulad ng pag-aalala, pagkamailap at pagka-immature.
Panuto: Lagyan ng tsek ang guhit katapat ng katangiang ipinapamalas ng inoobserbahang bata. Tiyaking
may tsek ang lahat ng bilang.
Problema sa asal Lagi Minsan Hindi kalian man
1. Nang-aaway, nanghahampas, pisikal na
nang-aatake kapag naiinis.
2. Nasisiyahan sa pagsira ng sariling gamit at
gamit ng iba
3. Laging nagsisinungaling
4. Hindi magalang at di sumusunod sa
awtoridad
5. Nahihirapan ang mga guro at kaklase dahil
hindi makontrol
6. Di mapakali, di mapirmi sa pagkaupo
habang nagkaklase
7. May “temper tantrums”
8. Mahina sa akademiko
9. Nagnanakaw mag-isa o kasama ng iba
10. Madalas lumiban sa klase ng walang dahilan
11. Kasama ng mga di kanais-nais na grupo o
indibidwal
12. Nahuhumaling sa mga bagay
13. Nagbibingi-bingihan
14. Malungkutin o “depressed”
15. Nagkakasakit kapag nahaharap sa problema
16. Gumagawa ng hindi wastong paraan para
makakuha ng atensyon
Iskor: ___________________________
*Ito ay ginamit sa National Survey for Exceptional Children (1990) ng Special Education Division BEE,
DECS, Manila.
Interpretasyon: Ang batang nagpapamalas ng mga nasabing mga kondisyon ay maaaring may
problema sa asal (behavior problems). Kailangan siyang obserbahan pa at isangguni sa sikolohista para
sa karagdagang “tests” o pagsusuri.
Rating Scale para matukoy ang mga batang may problema sa asal (behavior problems)
Pangalan:__________________________________ Edad: _______________ Kasarian: _____________
Baitang (grade): ___________
Panuto: Lagyan ng tsek ang guhit katapat ng katangiang ipinapamalas ng inoobserbahang bata.
Problema sa asal Lagi Minsan Hini kalian man
Asal
Iskor: __________________________________________
Interpretasyon: Ang batang lagi o madalas magpamalas ng mga nasabing kondisyon ay maaaring may
problema sa asal (behavior problems). Kailangan siyang obserbahan pa at isangguni
sikolohista o “psychometrician” para sa karagdagang pagsusuri.
APPENDIX B. Isang Halimbawa ng lokal na ordinansa sa barangay para sa mga taong may-
kapansanan
WHEREAS, the Philippine Constitution, in the Declaration of Principles and State Policies,
mandates that the State shall promote social justice in all phases of national development;
WHEREAS, Article 13 of the same Constitution includes disabled persons as one of the priority
sectors to be given access to essential goods and services at affordable cost and further provides that
the State shall establish a special agency for disabled persons for their rehabilitation, self-
development and self-reliance and their integration into the mainstream of the society.
WHEREAS, National and Local Government agencies are directed to implement programs and
services to ensure the full participation of PWDs in all aspects of community life thru Republic Act
7277, otherwise known as the Magna Carta for Disabled Persons, and later or amended thru House
Bill No. 1214 which provides other privileges and incentives to PWDs;
WHEREAS, Section 16 of Republic Act 7160, otherwise known as the Local Government Code of
1991 states that “local government units, shall ensure and support among other things, the
preservation and enrichment of culture, promote health and safety, enhance economic prosperity and
social justice, promote full employment among their residents, maintain peace and order and
preserve the comfort and convenience of the inhabitants,―
WHEREAS, in order to sustain and continuously carry out the task of monitoring, evaluation, data
gathering, needs assessment, planning, establishment of production center, creation of job
opportunities and advocacy in all cities and municipalities as the case maybe; the need for
establishing a Persons With Disability Affairs (PDAO) to serve as its structural organization for the
implementation of the abovementioned purposes is hereto recommended.
SECTION1. TITLE
This ordinance shall be known as the PERSONS WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE (PDAO)
ORDINANCE OF BARANGAY 179-AMPARO, CALOOCAN CITY.
A. There shall be established a Persons with Disability Affairs Office (PDAO) which shall be
attached to the Barangay Health Center and the Caloocan City Health Department. The office shall
be manned by sufficient number of employees to ensure delivery of services to the sector. Preference
must be given to qualified persons with disabilities. There shall be no discrimination against a
qualified disabled person by means of disability in regard to job application procedures; the hiring,
promotion, or discharge of employees, employees compensation, job training; and other terms and
conditions of employment.
B. The Barangay Captain shall assign a Public Services Officer or a Barangay Kagawad who shall
serve as the focal person to handle the affairs for the sector.
SECTION 3. COMPOSITION
The Persons with Disability Affairs Office (PDAO) shall be composed of the following:
SECTION 4. FUNCTIONS
The Functions of the Office/focal Person, as the case may be, shall be more or less of the following:
1. Implement the provision of the Magna Carta for Disabled Persons and its amendments in the
Barangay level.
2. Establish data gathering center for statistics of PWDs including children with disability training
and job opportunities and serve as information center of the barangay.
3. Establish a resource center for independent living of PWDs in their respective community.
4. Establish production and livelihood sheltered workshops for PWDs including group homes and
training centers that will accommodate severely handicapped people.
5. Monitor and regulate fund raising activities and solicitation using PWDs as beneficiaries.
6. Assist PWDs to have access to voting precincts during local and national elections.
7. Formulate and implement plans, programs and policies relative to the promotion of the welfare of
PWDs in coordination with concerned national government agencies.
8. Submit regular reports to the Punong Barangay of the implementation of programs and services
relative to the promotion of the welfare and disabled persons in their area of jurisdiction.
9. The PDAO may receive donations in cash or in kind local and foreign donations which shall be
exempted from donor tax, value added tax, tariff and other custom duties provided such donation are
actually, directly, and exclusively used for PWDs as certified by the governing agencies.
SECTION 5. APPROPRIATION
If for whatever reason, any provision of the Ordinance is declared to be unconstitutional or invalid,
the other provisions hereof not so affected shall continue in full force and effect.
This ordinance shall take effect within fifteen (15) days after its approval and the posting of the full
text of this ordinance in two (2) conspicuous places of the barangay.
ENACTED by the Sanggunian Barangay of Barangay 179-Amparo, in its regular session held on 9th
day of January, 2010.
Certified by:
ORIGINAL SIGNED
ANALEEN D. ELIAS
Barangay Kalihim
Attested by:
ORIGINAL SIGNED
MARLON P. PALMERE
Punong Barangay
Approved by:
KAGAWAD
ORIGINAL SIGNED
KATHLEEN C. PACUBAS
ORIGINAL SIGNED
CRISTINA R. GUINO-O
ORIGINAL SIGNED
ANNA KARINA R. TEH
ORIGINAL SIGNED
MICHAEL JOHN C. BOLLOZOS
ORIGINAL SIGNED
BIENVENIDO CASTRONUEVO JR.
ORIGINAL SIGNED
CESAR MANIQUIZ
ORIGINAL SIGNED
JOSE L. ROSAL
FERDINAND S. ANG
Punong SK