You are on page 1of 6

Pamantasan ng Bikol

PAARALANG GRADWADO
Panggradwadong Programa ng BUCE
Daraga, Albay

Julie Ann C. Berin


Ikalawang Semestre TP 2015-2106

PAGBASA: Isang Prosesong Interaktib at Konstraktib


I. PANIMULA:
Ang Pagbasa ay isa sa limang (5) makrong kasanayan na kailangang mahubog at malinang sa ating
mga mag-aaral partikular na sa primaryang antas ng pormal na edukasyon.Ito ay nararapat na
matutuhan ng lahat ng mga mag-aaral sa oras na sila ay pumasok na sa paaralan. Ang gawaing pagbasa ay
kadalasang sinasabing kabagut-bagot sa mga mag-aaral , kung kayat ito ay nagiging balakid sa pagtamo
ng ganap na pagkatuto ng mga bata sa kasanayang ito. Bilang guro, ano ang gagawin mo at gagamiting
istratehiya upang mapagtagumpayan ang hamong ito?
Sa araling ito, bibigyang tugon ang kaligiran ng Pagbasa ,mga pananaw, yugto, istratehiya at mga
dapat isaalang-alang na salik na maaaring makatulong kung paanong mapagtatagumpayan ang hamong
ito sa ating lahat na mga guro.
II. PAGTALAKAY NG PAKSA:
Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.Ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang
mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. (Goodman 1997,1991,1973)
Para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalamang tagabasa ay
maiuugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.
Kakayahang Pangkaisipan Dating kaalaman

Mga Estratehiya sa Pagpoproseso ng Impormasyon

ILANG KABATIRAN SA MGA LAYUNIN AT PROSESO SA PAGBASA


1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran/kombensyon sa pagsulat
Hagod ng mata
Nagkakaiba-iba rin ang paraan ng paglalahad ng ideya o kaisipan
Wikang ginamit
2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang teksto.
Ang pagbabasa nang maayos ngunit walang ganap na pang-unawa sa binasang teksto.
3. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wika kung saan ito nasusulat.
Hindi sa pat na nabibigkas ng tao ang anumang nakalimbag na teksto, kailangang mayroon
siyang dating kaalaman sa wika kung saan ito nakasulat upang mabigyan ito ng kahulugan.
4. Bahagi ng pagbasa ang paggamit ng dating kaalaman sa daigdig, kultura,paksang
tinatalakay,atbp.
Layunin nito ay makatulong sa pagpapalawak ng ating kaalaman, kasanayan upang
makapagbigay ng bagong perspektib hinggil sa dating kaalaman, naglalaan ng bagong
impormasyon, nagbibigay ng pagkakataon para sa intelektwal, emosyonal at ispiritwal na
debelopment.
5. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip
Ito ay ang pagtatangka ng isang mambabasa na maunawaan kung ano ang iniisip o nais
ipakahulugan ng isang awtor sa pamamagitan ng paghihinuha, panghuhula pagbubuo ng
konklusyon.
6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo
Ang pagbabasa ay isang interaktibong proseso sapagkat tayo ay maaaring umayon,
sumalungat, magtanong at sumagot sa tanong.
7. Ang pagbasa ay isang sistema sa pagtataguyod ng ating buhay
Nagbabasa tayo upang ng ibatt ibang babasahin sa pansariling pangangailangang
kaalaman sa pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa: talatakdaan ng alis o dating ng bus
leybel sa botelya ng gamot; mga karatula,aklat, dyornal,teksbuk atbp
8.Gumamit ng maraming kasanayan o Multiple skill
Nakasalalay sa guro kung paanong mahihikayat ang mga mag-aaral na pagtuunan ng higit
na oras ang pagbabasa kaysa sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
IBAT IBANG PANANAW SA PROSESO NG PAGBASA
TEORYANG BOTTOM- UP
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang
maibigay ang katumbas na tunog (tugon o response).
Ang pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik tungo sa salita,
parirala,pangungusp ng buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto.
Ang tagabasa ay ituturing na isang pasibong partisipant sa proseso ng pagbasa at ang tanging
tungkulin ay maulit ang lahat ng mga detalyeng nakapaoob sa tekstong binasa.
Ang proseso ng pag-unawa ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa tagabasa (up).
tinatawag din ni Smith (1983) na outside-in o data driven sapagkat ang impormasyon sa pag-
unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.
TEORYANG ISKEMA
Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig mambabasa kung paano nila gagamitin
o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.
Paglilinaw sa organisasyon at pag-iimbak ng ating dating kaalaman at karanasan.
ang lahat ng ating natutuhan at nararanasan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon
sa kategorya.
ang teksto ay isang nput lamang sa proseso ng pagbuo ng kahulugan.
Hindi ang teksto ang sentrong iniikutan para maunawaan ito kundi ang tekstong nabubuo sa
isipan ng mambabasa.
MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PAGBASA
1. Matulungan ag mga magaaral na magkaroon ng kusa sa pagbabasa nang malaya.
2. Idebelop ang kasanayan sa pagtugon sa teksto.
3. Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may sapat na pang-unawa.
4. Tulungan ang mga mag-aaral na magbasa nang may angkop na bilis.
5. Tulungan ang mag-aaral ng epektibong pagbasa nang tahimik.
YUGTO SA PAGBASA
Yugto ng Kahandahan sa Pagbasa
Ang Pagbasa ay nararanasan ng mga bata sa ibat ibang edad,mayroong mga 4 hanggang 6 na
taon, mayroon namang huli.
Kakikitaan nang unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi pa marunong magbasa hanggang sa
makakilala at makabasa na siya ng mga nakalimbag na teksto.
Yugto ng Panimulang Pagbasa
Nagaganap sa unang baitang o sa edad na 6 taon hanggang 7 taon.
nagsisimula ang bata sa pormal na pagbasa na kadalasay sa mga aklat na pre-primer o primer.
Pagkilala sa mga salita, simbolo,pag-alam sa mga kahulugan ng mga salita o parirala.
Yugto ng Debelopmental na pagbasa
Yugto sa programa ng pagbasa na nagpapatibay at nagpapalawak ng mga kanais-nais na mga
kasanayan sa pagbasa,pagpapahalaga at pagkalugod sa mga kompleks na nakasulat/ nakalimbag
na teksto.
yugto na nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa.
Yugto ng Malawakang Pagbasa
panahon ng pagpipino at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa.
Ang kasanayan sa pagbasa ay kasanayan para sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na
impormasyon, mga kaisipan,pagpapakahulugan o interpretasyon.
Patuloy na nalilinang ang iba pang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon,bokabularyo,
interpretasyon at iba pa.
Kahandaan sa Pagbasa
sa yugtong ito maaaring kakitaan ng kahinaan sa pagbasa ang isang bata sa kindergarten o sa
unang baitang dahil ang pagiging handa ay nakabatay sa kalikasan ng mag-aaral.
MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA KAHANDAAN SA PAGBASA
1. Kagulangang Pisikal (Physical Maturity)
Kahustuhan ng isip at ang pangkalahatang kalusugan ng bata ay mahalaga.
walang depekto sa paningin, pandinig at pagsasalita.
2. Kagulangang Mental (Mental Maturity)
ang salik sa pangkaisipan o mental ay mahalaga sa pagkilala ng salita at mga simbolo at
pagpapakahulugan sa mga simbolo; at sa kakayahang makita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga simbolo at salita
Kailangan din ang talas ng pananda o memori.
3. Kagulangang Sosyal at Emosyunal
ang pinagmulang lugar ng bata ay isang salik sa paglinang ng kahandaan sa pagbasa.
Higit na nagiging mabilis ang pagkakalinang ng kahandaan sa pagbasa ng mga batang
nagmula sa kapaligirang hindi nagkaroon ng suliranin.
4. Personalidad at Karanasan
ang mga unang karanasan sa tahanan at sa kapaligiran ay nakaaapekto sa personalidad ng
mag-aaral at nakaaapekto rin naman sa kakayahan sa pagbasa at maging sa iba pang
gawain sa pagkatuto.
May mga batang pagkapanganak pa lamang ay nakalantad na sa ibat ibang aklat at
babasahin na nakatutulong sa mabilis na pagkalinang ng kasanayan sa pagbasa.
5. Wika
tinatayang mayroon nang ganap na pagkontrrol sa palatunugan, morpolohiya at sintaks ng
wikang una niyang natutuhan ang isang bata sa pagtuntong sa paaralan na nakatutulong ng
malaki sa mabilis na pagkalinang ng kahandaan sa pagbasa.
PALATANDAAN NG KAHANDAAN SA PAGBASA
Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis anyo at laki.
Nahahawakan nang wasto at maayos ang isang aklat.
Nakikita at napapansin nang mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan.
Napapangkat-pangkat ang magkakatulad.Naibubukod ang naiiba sa pangkat
Nauulit ang buong pangungusap o pahayag na narinig.
Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang wastong galaw/hagod ng mata mula sa kaliwa
pakanan/ itaas-pababa.
Naisasaayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan.
Nakapagsasalaysay ng payak na kuwento o pangyayari.
Nakapag-uugnay ng larawan na bahagi ng kabuuan, o isang bagay sa pinaggamitan.
ILANG MUNGKAHING ISTRATEHIYA UPANG MATULUNGAN ANG MGA BATA SA PAGKAKAROON
NG KAHANDAAN SA PAGBASA
1) Maglaan sa klasrum ng mga gawaing magbibigay ng pagkakataon sa mga bata para makapatamo
ng mayaman at kawili-wiling mga karanasan.
2) Linangin ang matalas na paningin at pakikinig.
3) Linangin ang kasanayang pangwika.
4) Linangin ang kasanayang sosyal at emosyunal.
5) Linangin ang mga kakayahang motor o pagkilos.
ILANG MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANIMULANG PAGBASA
1. Motibasyon
2. Paglinang ng mga kasanayan
3. Pag-alam sa mga kombensyon ng mga nakalimbag na aklat/babasahin
4. Mga kasanayan sa pagkilala ng salita
a. Kasanayan sa mga salitang pampaningin
b. Kasanayan sa pag-alam ng mga salita
PAG-UNAWA/ KOMPREHENSYON
Proseso ng pagbubuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto.
Ang pang-unawa sa teksto ay naaapektuhan ng kung sino tayo, paano tayo nakikiugnay sa mundo
at mga bagay rito, ng ating mga kaalamang nalalagak sa isipan, at pati na kung ano ang sariling
pakiramdam/kalagayan para sa isang tiyak na araw.
ANTAS O KATEGORYA SA PAG-UNAWA Ayon kay Nila Banton Smith (1969)
PAG-UNAWANG LITERAL
Nakapokus sa mga ideya at impomasyong tuwirang nakalahad sa teksto.
Ang mga tanong dito ay simpleng pag-alala sa mga impormasyon at detalyeng nakapaloob
sa babasahin.
INTERPRETASYON
Ang pag-unawa ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip.
Ang mga sagot sa tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit
nakapahiwatig lamang.
Kailangang taglay ng mambabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at marunong
siya sa paghalaw ng mga kaisipan.
MAPANURING PAGBASA
Ito ay mas mataas na antas kaysa sa dalawang naunang kategorya.
Napahahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong
nakalahad sa teksto.
Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging
kasiya-siya ng akda.
Naihahanbing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili,galing
sa guro, ibang tao at sa babasahin
MALIKHAING PAGBASA
Gumagamit ang mambabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-
unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa.
Sinisikap ng mambabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng awtor.
ANG PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
KATANGIAN NG KOMPREHENSYON
makabuluhang pagbasa
Paggising ng mga dating kaalaman
Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso
pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at pagpapahalaga
Paggising ng istratehiya sa pagmomonitor
Interaktibong pagpoproseso
TUNGKULIN NG GURO SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
Pagpapaunawa ng layunin
Paggising ng mga dating kaalaman
Paglinang ng mga istratehiya sa pagproseso
Pagtulong sa mga bata sa pag-ugnay ng kanilang mga saloobin
Paglinang ng kamalayan ng mga bata sa pagpapahalaga sa mga nabuong pagpapakahulugan
APAT NA ANTAS NG PAG-IISIP
1. PAKTWAL LEBEL simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang inilahad sa teksto.
(pagtukoy sa mga detalye)
2. INTERPRETATIB LEBEL 0 PAGPAPAKAHULUGAN
kailangan ng kasanayan sa paghihinuha at ang pag-uugnay ng mga impormasyon sa teksto sa
pagsagot sa tanong.
Ang mga impormasyon ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto.
Reading between the lines
sanhi at bunga
3. APLIKATIB LEBEL O PAGLALAPAT
kailangan ang pag-uugnay ng mga impormasyong galing sa teksto at ng mga personal na
iskemata ng mambabasa.
Reading beyond the lines
paghula sa maaaring maganap
4. TRANSAKTIB LEBEL
kailangan ng kaalaman na hango sa teksto, personal na iskemata, at sariling pagpapahalaga
Reading with the character
Sariling pagpapahalaga

III. KONKLUSYON:
Napakakritikal ang gawaing pagtuturo ng makrong kasanayan sa Pagbasa ngunit magiging madali
ito kung gagamit ang guro ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo gayundin ng ibat ibang metodo o dulog
upang nang sa gayon ay matamo ang ganap na pagkatuto at pagkalinang ng kasanayang ito sa bawat isa
sa mga mag-aaral.Kinakailangan ding may kabatiran ang guro at kilala niya ang bawat mag-aaral upang
masubaybayan niya ang pagkatuto ng mga ito.Gayundin makatutulong sa mabilis na pagkatuto ng mga
mag-aaral sa gawaing ito kung ang guro ay masipag at may tiyaga sa pagtuturo at may pagpapahalaga sa
bawat bata.
IV. REKOMENDASYON:
Sa pagtuturo ng kasanayang Pagbasa, nararapat na isaalang-alang ng mga guro ang mga
istratehiya na maaaring gamitin, gayundin kailangang may sapat na kakayahan ang guro upang
mahikayat ang mag-aaral na magbasa nang magbasa hanggang sa lubusang maging magaling na itong
magbasa nang may pang-unawa tungo sa lubos na pagpapahalaga nito sa kanilang binabasa.
V. SANGGUNIAN:
Paquito B. Badayos,2008.Metodolohiya sa Pagtuturo/Pagkatutong/ sa Filipino,, Mga Teorya,
Simulain at Teorya.Mutya Publishing House pp.271-307.
Pamantasan ng Bikol
PAARALANG GRADWADO
Panggradwadong Programa ng BUCE
Daraga, Albay

Julie Ann C. Berin Prof. Jocelyn Resari


Ikalawang Semestre TP 2015-2106 MAFILED - SINING SA PAGSASALING-WIKA

KATANGIAN NG TAGAPAGSALIN

I. PANIMULA:
Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural
na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, unay batay sa kahulugan, at ikalaway batay
sa istilo (Eugene Nida at Charles Taber:1969), samakatwid, ang gawaing pagsasalin ay hindi madali
bagkus nangangailangan ng wastong kaalaman at kasanayan upang maging kapaki-pakinabang ang
ginawang pagsasalin na ang lamang ay mailipat sa iba pang wika ang isang akda nang hindi nagbabago
ang diwa at kahulugan.
Isa sa mga katangian ng isang tagapagsalin ay ang sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin na itinuturing na batayang katangian sapagkat ito ay nakatuon sa tamang gamit
ng mga salita, paano bumuo ng isang kaisipan at ano ang angkop na paraan upang ipahayag ang mensahe
ng isang akdang isinasalin.

II. PAGTALAKAY

SAPAT NA KAALAMAN SA DALAWANG WIKANG KASANGKOT SA PAGSASALIN


First ang most obvious requirement for any translator (Nilda,1964)
a) kailangang maunawaan ang bawat himaymay ng kahulugan ng salita, gamitin ang anyo ng mga
pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami.
b) Pag-isipan at suriin ang angkop na salitang gagamitin sa salin
c) unawain ang pandamdaming taglay ng mga salita at estilong ginamit ng may-akda.
d) Kung may alinlangan sa kahulugan gumamit ng diksyunaryo kung kinakailangan.
e) Alamin ang istuktura o ayos ng pangungusap ng isasalin (Ingles) para maiakma sa wikang pagsasalinan
(Filipino)
Hal: Ingles Filipino
1. Ayos ng pangungusap
Subject + Predicate Panaguri + Paksa
Paksa + panaguri
2. Pagpaparami ng pangngalan
Mouse mice daga mga daga
kiss kisses halik mga halik
3. Impleksiyon ng pandiwa natapos na ba ang kilos, ipinagpapatuloy pa o binabalak pa lang
gawin ang aksyon.
Sumayaw sumasayaw magsasayaw
TANDAAN:
Ang kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay
magiging mapanaganib.

III. KONKLUSYON
Kailangang taglayin ng isang tagapagsalin ang batayang katangiang ito tungo sa isang mahusay, mabisa at
kapaki-pakinabang na pagsasalin na nag layunin lamang ay mailipat sa iba pang wika ang diwa ng isang akda o
teksto na hindi nagbabago ang diwa o kahulugan nito.

IV. SANGGUNIAN
https://prezi.com/rklxtlpdiydl/mga-katangiang-dapat-taglayin-ng-isang-tagapagsalin

You might also like