You are on page 1of 9

Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika (W1 

at W2): Mga Teorya at Praktika 

INTRODUKSYON                                                                                                  

            Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at paniniwala sa
mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon, pokus sa mag-aaral, mga batayang
teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at maiintidihan kung anu nga ba ito. Narito rin ang pag-
aaral ukol sa istruktural na pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole language approach,  at
ang content-based instruction.  Halina’t tuklasin ang mga ito.

MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO WIKA

            Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng pag-aaral ng wika
upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika. Ngunit totoong mailap ang ang mga kasagutan
ditto. Upang maliwanagan tayo kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung anu-ano na ang
pinaniniwalaan ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at pagkatuto ng wika,
misteryosoat may mahika ng aba?

            Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga sinaunang pilosopong
Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o
bagay na nagsasagawa ng kilos. Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang
klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of Grammar ay sumikat at ginawang
modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin at Griyego.

ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR

            Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga pag-aaral ng Wika.
Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang
Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang
Filipino. Kaya ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din sa
Filipino.

            Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng wika ay naglundo sa
metodong grammar-translation  sa pagtuturo ng wika. Sa metodong ito, ang mga mag-aaral ay
nagmememorya ng mahabang talaan ng mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.

ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC

            Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung paano nabuo ang mga ito,
at nailarawan din nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng
mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at ng
pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap.

            Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang gamiting paraang
pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman
sa istruktura ng una at ikalawang wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman
sa kayarian ng unang wika.
ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN

            Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism,  malaki ang nagging impluwensya
nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang wika.

Ipinahahayag ng teoryang behaviorism  na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto


at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang
kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng
mga angkop na pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at
pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay
bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at
positibong pidbak.

May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang anumang Gawain kung tuturuan at
bibigyan siya ng tamang direksyon. Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na
ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang doctor o isang abugado. Ang mga gurong
umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring “Magaling.” “Tama ang
sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige, ipagpatuloy mo.”

Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga simulain at mga
pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-Lingual Method (ALM) na nagging popular noong
mga taong 1950 at 1960 ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM
ay inilahad sa ibaba.

·         Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;

·         Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;

·         Paggamit lamang ng target na wika;

·         Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;

·         Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at

·         Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN

            Ang teoryang innatism  sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng bata ay ipinanganak na may


“likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika
ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa
kanyang kapaligiran.

            Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para sa pagkatuto ng wika at
ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng
tao. Halimbawa, pagdating ng bata sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung
nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.

            Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language Acquisition Device (LAD). Ang
aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang likhang isip na ‘black box’  na matatagpuan sa
isang sulok ng ating utak. Sa kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang
terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan na taglay
ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White, 1989).

TEORYANG COGNITIVE

            Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko
kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o
makabuluhan ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat
ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay
isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.

            Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod.
Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa
at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na
kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo
sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa
kaisipang ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang
pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman.

            Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong


pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang
matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang
suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo
ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto
ng wika.

TEORYANG MAKATAO

            Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na


pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.

            Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang
sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way  ni Gattegno at
ang Suggestopedia  ni Lazonov.

MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA

            Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang paglalaan ng mga
input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F
Skinner na VerbalBehavior  (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni
Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa
pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang
pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang
sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.
            Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language Acquisition
Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng
pansariling pagbabalarila. May tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at
pagkatuto ng wika sa kasalukuyan.

·         Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto bago


pa man ang pagtuturo nito.

·         Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito ay katugma


(compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.

·         Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang kontemporaryo na may


kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat,
pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang
kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL (TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)

            Anng mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay nananalig na ang isang wika ay
may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa
kanyang pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na
maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.

            Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng wika perse, malaki ang
naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN

            May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa pagtatamo ng pangalawang wika
(W2) na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan
ang pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen:
ang acquisition learning hypothesis,  na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa
katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika); ang natural order
hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang
pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis,  na nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para  
sa pagtatamo ng katatasan; ang input hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at
ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-isipan at
pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng wika.

            Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model, nakapaglaan naman ito ng isang
matibay na kaisipang teoretikal para sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at
pagkatuto ng pangalawang wika.

            Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng haypotesis na ito na


ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang
pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.
            Ang natural order hypothesis. Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas
naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na
order ang bata sa pagtatamo ng wika.

            Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo at


pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo
ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na makapagpapadali sa
natural o likas na pagkatuto nito.

            Ang input hypothesis. Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang
prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang
kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen
na comprehensible  input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa
“caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa
mga yaya o caregiver. Ang caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado
ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.

            Ang affective filter hypothesis. Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na


pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol
dito dahil nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition
Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring
kaunting input lamang ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at
positibo ay nakapagpapataas ng input.

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL

            Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang pangwika
(W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may natatamong comprehensible input at
kung mababa ang affective filters at maluwag na makakapasok ang input.

            Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong pagsasalita ay


tinatanggap.

            Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng mga


pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga pangungusap.

            Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng mga mungkahi o


tuwirang tuntuning gramatikal.

            Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring epektibo sa


ibang mag-aaral.

            Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng isang


pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL

(LEARNER-CENTERED TEACHING)
            Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:

·         Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;

·         Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang gawain o pagsasanay)

·         Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;

·         At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda
kaagad-agad ang mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG

(COOPERATIVE LEARNING)

            Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga
katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang
layunin ng bawat manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.

            Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang


(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB

(INTERACTIVE LEARNING)

            Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pagtanggap
awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig).
Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng
nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong
pasalita o pasulat man.

            Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

·         Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

·         Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.

·         Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon

·         Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika
sa “labas”

·         Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens


ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION

            Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin a)
ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya
ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika
(pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa
pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.

            Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:

·         Tulong-tulong na pagkatuto

·         Pagkatutong partisipatori

·         Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

·         Integrasyon ng “apat na kasanayan”

·         Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION

            Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED

            Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.

ANG BRAIN-BASED LEARNING

Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional at ang
pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para
matukoy hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa
pakikipagtalastasan.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine at Caine, 1991)
at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.
MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-BASED

Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo

1.Nagagawa ng utak na Ang mga karanasan sa pagkatuto ay kailangang


makapagproseso nang maramihan at maiplano nang mabuti (orchestrated) upang
sabay-sabay. mapakilos at maisangkot ang maraming bahagi ng
utak.

2.Kasangkot sa anumang pagkatuto Dapat isaalang-alang ang nutrisyon, ehersisyo, labis na


ang kabuuan ng ating physiology pagkabahala, at kahandaan ng mag-aaral sa anumang
(katawan at mga bahagi nito). okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.

3.Ang paghahanap at pagbuo ng Ang anumang pagkatuto sa wika ay kailangang


kahulugan ay likas sa tao. maglaan ng kapanatagan at pagpapalayag-loob bukod
pa na tumutugon ito sa kawilihan at pagkamausisa ng
mga mag-aaral.

4.Ang utak ay nakadisenyo upang Ang ideyal at mabisang proseso ng pagtuturo ay


makapaghulo at makalikha ng mga naglalahad ng mga impormasyon sa paraang
larawan. magagawa ng utak na makahugot ng mga hulwaran at
aktibong makalikha ng pagpapakahulugan.

5.Ang mga emosyon ay mahalaga sa Kinakailangang suportahan ng anumang pagtuturo


memorya. ang kaligirang kabatiran ng mag-aaral at ang kanyang
taglay na wika.

6.Sabay-sabay na pinoproseso ng Ang mga kasanayang pangwika gaya ng balarila at


utak ang mga bahagi at kabuuan ng talasalitaan ay lubusang natutuhan sa isang
isang kaisipan. awtentikong kaligirang pangwika (paglutas ng
suliranin, pagtatalo sa isang isyu, pagtuklas).

7.Kasangkot sa pagkatuto ang Ang musika, sining, at iba pang mga katulad na
atensyong may tiyak na pokus at pampasigla sa ating kaligiran ay maaaring
mga pang-unawa sa kapaligiran makaragdagat makaimpluwensya sa likas na
kaugnay nito. pagtatamo ng wika.

8.Ang di-malay at may malay na Kailangang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
pagpoproseso ng isip ay lagging na balik-aralan ang anumang pagkatuto upang mapag-
kasangkot sa anumang pagkatuto. isipan itong mabuti, at mapamahalaan nang maayos
ang paglinang ng sariling pagkatuto.

9.Tinatayang may dalawang uri ng Gamitin ang rote learning system sa mga teknik sa
memorya: ang memoryang spatial at pagtuturo na nakapokus sa pagsasaulo ng mga salita
ang memoryang rote. at mga tuntuning panggramatika samantalang sa mga
pagtuturong kailangang isangkot ang mag-aaral sa
pagbabahagi ng naiibang karanasan.

10.Nagiging mabisa ang pagkatuto Ang isa-sa-isang paglinang ng mga kasanayang


kung ang mga kaalaman at pangwika ay lubos na matututuhan kung nakatutok sa
kasanayan ay nakapaloob sa likas na mga gawain at karanasang awtentiko (lakbay-aral,
memoryang spatial. pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).

11.Ang pagkatuto ay napasisigla ng Dapat sikapin ng guro na ang kanyang klasrum ay


mga hamon at nahahadlangan ng kaaya-aya at walang anumang palatandaan ng
pagbabanta at pananakot. panankot a mayaman sa mga hamong pang-isipan.

12.Bukod-tangi ang bawat utak. Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang marami at
magkakaiba.

You might also like