You are on page 1of 2

Paksa 1: Ang Kurikulum

Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, paggawa ng
banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung anu-ano ang itinuturo ng guro.

Ang sukatan sa edukasyon noong unang panahon ay hango lamang sa karanasan dahil hindi pa
pormal ang edukasyon at hindi pa sibilisado ang Pilipinas. Natututo lamang ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga karanasan at nang lumaon ay nahaluan ng relihiyon ang edukasyon kaya higit itong
naging pormal at pinag-ukulan ng pansin.

Nadagdag sa kurikulum ang kaalamang pangbokasyonal at pangatahanan. Nasama rin sa pang-


elementarya ang pagbasa ng alpabeto, pag-aaral ng mga awitin, at musikang pangrelihiyon at pagsulat.
At halos ang nilalaman ng kurikulum ay tungkol sa relihiyon na ang wikang panturo ay wikang Kastila.
Layunin ng edukasyon noong panahong bago pa lang nasakop ng Kastila ang Pilipinas na maturuang
bumasa ang mga kabataan subalit higit na maturuan upang maging huwaran sa kabutihan.

Ang kautusan pang-edukasyon noong 1863 ang nagtakda na ang edukasyon sa Pilipinas ay
bubuuin ng elementary, sekondarya at kolehiyo. At ang kurikulum noon ay nababatay sa mga layunin ng
mga Kastila para sa mga Pilipino. Ang mga ituturo sa elementarya sa panahong ito ay pagsulat,
matematika, heograpya, kasaysayan, araling pangrehyon, wikang Sa sekondarya ay ang mga dagdag na
araling para sa elementarya at may mataas na paaralang pang-akademiko at pangbokasyonal. Sa kolehyo
naman ay may mga kursong binuksan tulad ng batas, siyensya, pilosopya at iba pa.

Hindi naging matagumpay ang kurikulum noong panahon ng amerikano dahil sa kakulangan ng
aklat, guro, paaralan, at iba pang kagamitang pangturo, sa madaling salita kulanga sa kahandaan. May
mga pagababago din sa Kurikulum noong panahon ng mga Amerikano, taong 1901 hanggang 1910
Ipinakilala ng mga amerikano ang bagong kurikulum para sa intermedya at hinati ang baitan sa mababang
paaralan sa primerya sa unang tatlong taon at intermedya sa huling tatlong taon. Pinalitan din ang mga
hindi sa primerya sa unang tatlong taon at intermedya sa huling tatlong taon. Pinalitan din ang mga hindi
pinakikinabang na aralin at relihiyon ang idinagdag. Nasama sa kurikulum ang pampalakas at nabuksan
din ang dalawa hanggang apat na taong kurikulum kasama na rito ang magtuturo sa taong 1910 hanggang
1919.

Ang batas na Thirty-Miliion-Peso Act, 1918 ang palatuntunan ng edukasyon noong ito. Dumami
ang mga magaaral at nais magturo. Binago ang mga aklat upang ito ay makatugon sa pangangailangan ng
mga bata. Naging batayan sa pagbabago ng kurikulum ang ulat na Monroe survey commission at
gumawa ng hakbang ang mga kinauukulan upang maipanayam ang pagtuturo, binago ang kurikulum at
nilikha ang General Office upang siyang mangasiwa sa pag-aaral at pagbabago ng kurikulum.

Noong panahon ng commonwealth, ang batas Education act of 1940, commonwealth act 586 ang
nakalutas sa suliranin ng edukasyon sa nabanggit na panahon, at ang nilalaman nito ay una gawing
maikli, matipid at makatotohanan ang kursong pang-ontermedya at pangprimarya upang makayanan ng
mga mag-aaral, pangalawa ay para makayanan man lamang ng nakararaming bata na matapos ang
kursong pangprimarya, at ang panghuli ay maibigay sa mga magtatapos ng primarya ang sapat na
kaalaman at kakayhan sa pagbasa, pagsulat, pagtutuwid, heograpya, kasaysayan ng Pilipinas at
pamahalaan, magandang pag-uugaliay kasanayang pampubliko.

Edukasyon ang ginamit ng mga Hapones para maipaabot sa mga Pilipino ang kanilang layunin at
maging kasangkapan ito ng kanilang tagumpay sa pananakop ng Pilipinas. Ginamit na wikang panturo
ang wikang Hapones sa lahat ng antas ng paaralan, gumamit rin ang mga Hapones ng mga aklat pero
sinuri muna itong mabuti bago magkadigma.

Saan ibinatay ang kurikulum ng edukasyon sa taong 1950 hanggang 1971? Hinango sa edukasyon
ng Amerikano ang kurikulum sa mga taong ito. Sinikap ding itong tunugon sa layunin ng edukasyong
matatagpuan sa ating saligang batas. Kagaya sa Artikulo II, sekyon 4 at Atrikulo XIV sekson 5. Ano ang
nakasaad sa artikulo Artikulo II, sekyon 4? Ang nakasaas ay “ang likas na karapatan at tungkulin ng mga
magulang na mangalaga ng kabataab para sa pagiging makabuluhang mamamayan ay nararapat na
tulungan ng pamahalaan. Ano ang nakasaad sa Atrikulo XIV sekson 5? Sinasabi sa Atrikulo XIV sekson
5 na “lahat ng mga institusyong pang-edukasyon ay nararapat na mapaisailalim ng pamahalaan. Itatatag
ng pamahalaan ang isang kumpletong edukasyon pampubliko at ibibigay ang libreng pagaaral sa
primarya, gayundin ang edukasyong pangsibiko sa mga matatanda. Layunin ng bawat paaralan na
linangin ng mabuti pag-uugali disiplina pangsarili, diwang sibiko, kasanayang pambokasyonal at ituro
ang tungkulin ng isang mabuting mamamayan.

Ang Kurikulum ng Elementarya

You might also like