You are on page 1of 7

Sanaysay

Module 5
Experience Total Human Formation

MODYUL 5:
PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG MABISANG
SANAYSAY

COURSE: SANAYSAY AT TALUMPATI


DISKRIPSYON NG KURSO: Deskripsyon ng Kurso: ang Kurso ay sumasaklaw sa pag-aaral ng
pangkasanayang pag-unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat ng mga kontemporaryong anyo nito,
pati na ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati

Instruktor: MS. CLARISSA A. PACATANG


STUDYANTE: Lanzado, Sarah Jane

1
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

Oberbyu
Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging
mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Isinama rin sa kurso
ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na maaaring magamit nila at maiangkop ang
mga ito sa tiyak na paksa.
.

Pangkabuuang Alituntunin
Inaasahan na masinsinang susundin ng mga estudyante ang mga pangkabuuan at ispisipikong mga
alituntunin na nakasaad sa bawat kruso. Kasali na rito ang tatlong (3) modyul sa isang grading period
at siyam (9) sa isang semester. Bawat modyul ay inaasahang makumpleto sa loob ng limang oras para
sa isang three-unit na kurso,
I.A. PAGPASA NG MGA TAKDANG-ARALIN AT IBA PANG KAHINGIAN
▪ Kailangang matapos ng mga estudyante ang kanilang mga takdang-aralin/kahingian asa loob ng
nakasaad na iskedyul.
▪ Bibigyang konsiderasyon ang mga mahuhuling takdang-aralin/kahingian kapag balido ang mga
rason gaya ng pagkakasakit, aksidente, pagpanaw ng malapit na kamag-anak at iba pa.
▪ Hindi na tatanggapin ang mga gawaing ipapasa kapag lagpas na o tapos na ang summutive exam.
▪ Lahat ng mga Gawain ay kailangang ipasa sa CANVAS o sa drop-off area ayon sa nakasaad na
skedyul.
▪ Isulat ang mga sagot sa mga espasyong nakalaan para rito na matatagpuan sa Apendiks B.
I.B. ACADEMIC HONESTY AND PRIVACY
▪ Gamitin lamang ang mga babasahin at iba pang kagamitan sa pagkatuto sa kursong nakalaan para
rito.
▪ Kailangang sariling gawa ng mga estduyante ang kanilang mga sagot sa mga gawain, pagsusulit,
eksam at iba pang kahingian maliban na lamang kung pangkatang gawain ito.
▪ Pagmamay-ari lamang ng isang estudyante ang kanyang mga sagot sa mga gawain, pagsusulit, eksam
at iba pang kahingian.

Layunin
Sa katapusan ng pag-aaral ang mga estudyante ay inaasahang:

2
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

1. Naipapahayag ang mga bagay-bagay, kaisipan at mga paraan ng paglalahad na naiuugnay sa pagsulat ng
sanaysay at talumpati;
2. Natutukoy ang pamaraan ng pagsulat ng sanaysay at talumpati;
3. Natitiyak ang pagkakaiba ng sanaysay at talumpati sa ibang uri ng panitikan;
4. Nakabubuo ng balangkas ng isang huwarang sanaysay; at
5. Nakapaglalapat ng angkop na paraan ng apgsusuri ng sanaysay

Pagtuklas
Ang wika ay kasangkapang ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan at damdamin upang
sila'y magkaunawaan. Ang pagpapahayag na ito ay maaaring pasalita o pasz t at sa dalawang ito ginagamit
nang mabisa ang mga salitang may kahulugan, mak ulugan, at may kahulugang itinatag ng kaugalian o
kaya'y nalikha o nalilikha ng pan gailangan ng sambayanan. May iba't ibang paraan ng mabisang paggamit
ng wika. Sa pag-aaral ng wika sa kolehiyo, lalo na ng Pilipino, ang isang estudyante ay maaaring
mangailangan pa ng pag-aaral sa gTamatika, ng pagsasanay sa pagbasa, ng pag-uukol ng pansin sa
kahulugan, pinagmulan at pag-unlad ng salita. o ng pagsasanay sa pagsasalita nang mahusay. Maaari rin
namang mapunta siya sa mga gawaing may kinalaman sa pamamahayag, pelikula, panitikan o anumang
pagsusulat at anumang angkop na paraan ang gamitin o bigyang-diin dito, tiyak na may mga pagsulat na
isasagawa kaugnay nito. 410 Bago sumulat ng sanaysay, kailangang matutong gumamit ng wika sa pagsulat
ng komposisyon. Ito ay isang pagsasanay sa pagsulat na naghahangad na maghatid ng kaisipan at
damdamin sa mambabasa. Ang komposisyon ay maaaring pagsasalaysay ng mga pangyayari, paglalahad ng
mga idea at kuru-kuro, paglalarawan, pagpapaliwanag ng pamamaraan, pangangatwiran o panunuri sa
anumang naranasan o nabasa. May mga simulaing dapat sundin sa pagsulat nito. Samantala, bago tuluyang
makasulat, kailangan munang magkaroon ng paghahanda.

Dalawang uri ng Komposisyon Pormal. Ang pormal na komposisyon ay kaiba sa sulating pananaliksik
sapagkat ito'y isinusulat sa istilong popular at bagamat nababatay sa katotohanan ay hindi sinasamahan
ng mga pagdodokumento (talababa, bibliograpi, atb.) ang sanaysay na nagbibigay ng kuru-kuro ay higit
sa isang pinag-isipang akda kaysa isang artikulo ng pananaliksik, kung gayo'y pinahihintulutan nito ang
sariling pagpapakahulugan at pagpapahayag sa pinapaksa. Ang pormal na komposisyon ay higit na maayos
at higit na nauukol sa mahahalagang bagay o paksa. Maaaring maglaman ito ng mga sangkap ng
talambuhay, panunuri o kahit kinalabasan ng mga pakikipanayam. Karaniwan nang ginagamit ang
paglalahad bilang anyo ng pagpapahayag. Ang isang sumusulat ng komposisyong ay kailangang
magkaroon ng mga diwa o kaisipang alam niya, yaong mahalaga sa paglalahad ng pinapaksa. Ang anumang
diwa ay sadyang kawili-wili kung makabuluhang pag-aksayahan ng panahon at pag-iisipan nang
puspusan. Dapat matalos na upang lalong maging ang komposisyonay kailangang makatipon ng mga
materyal at dapat Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao.
na sinusunod. Ang himig na ito'y pangkaraniwang nakikipag-usap. personal, pamilyar o palagayan. Wala
itong isang tiyak na pamamaraan ng pagpapahayag sa sumusulat upang malayang maipahayag ang sarili.
3
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

Ito ay maaaring paglalahad na na pag-aralan ng sumusulat, pahalagahan at isama sa sarilint,o- daloy ng


kanyang isipan. Impormal. Ang komposisyong impormal naman ay nagbibigay ng higit na pagkakataon
wang ang hindi maipahayag ng pasalita ay nagagawa ng pasulat. Isa rin itong paraan upang mahasa at
masanay sa pagiging kritikal ang isang tao. Ang mga materyal sa pagsulat ay maaaring manggaling sa
pagsusuri sa karanasan, sa mga pangyayari sa paligid, sa pagbabasa, sa pakikinig o panunuod, at
pakikipag-usap. Mahalagang masanay sa pagsusuri ang isang estud rante sa kolehiyo. Mataas ang antas at
malawak ang sinasakop ng mga larangang kanyang pin aaralan. Kapag hindi siya sanay sa pagsusuri ay
hindi niya ganap na maiintindihan at ma natiling malabo at malawak sa kanya ang mga larangang ito.
n)
Isa sa mga paraan para masanay at mahasa ang estudyante sa pagsusuri ay ang pagsulat mposisyon. Bago
siya makagawa ng isang ulat na maagham at sulating-pananaliksik ay muna niyang matutuhan ang mas
simple at pinakabatayan ng pagsulat. Bago niya pag-arai ang pagpapahayag ng mga ideyang sumasakop sa
mataas na antas ng karunungan ay dapat mu niyang pag-aralan ang pag,papahayag ng kanyang sarili. Ito
ay pinakamadali at pratikal na n ng pag-aarai - ang magsimula sa batayan at mas simple tungo sa mas
komplikado at mas mataas na antas ng karunungan. Ang komposisyon ang masasabing batayan at
pinakasimpleng paraan ng pagpapahayag na pasulat
Mahalagang bigyan pansin sa pagsulat ang wikang gagamitin. Ang wika ang tanging instrument sa
komunikasyon ng manunulat. Sa anong wika mas makapagpapahayag ng sarili at ng kanyang mga ideya
sa iba't ibang larangan ang isang estudyanteng Pilipino? Gaya ng manunulat ng panitikang Pilipino, ang
sumusulat ng isang simpleng anyo tulad ng komposisyon ay as makapagpapahayag ng karanasan, ng
kulturang iyon — sa wikang Pilipino. Sa wika ring ubos niyang masusuri at maipapahayag ang mga
kaisipan at ideyang sakop ng mataas na nungan. Sa pamamagitan din ng wikang ito malulubos ang
kanyang edukasyon bilang ino — na ang pag-iisip, kilos at damdamin ay Pilipino at hindi banyaga. Sa
pagsulat, hindi lamang ang layunin ang mahalaga. Maaaring hindi matamo ang ning masanay sa pasusuri
kung hindi naman alam ang mga pamamaraan tungo sa layuning Paano maipadarama ng isang sumusulat
ang kanyang mga tanging kaisipan, paano pakikilala ang tunay na katauhan kung salat naman sa kaalaman
hinggil sa pagsulat? Ang pagsulat ng komposisyon ay isa ring sining na maituturing. Gaya ng ibang sining,
kailangan itong pag-aralan. At para lubos na masanay rito. Kailangang sumulat nang sumulat ggang sa
mahasa sa larangang ito.

HAKBANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY P

agpili ng Paksa Maraming manunulat ang nawawalan na ng pag-asa kapag hindi nagustuhan ng basa ang
kanilang sinusulat. Maaaring ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng di-kawili-paksa. Ang suliraning ito
ay malulutas sa pamamagitang ng:

4
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

Pagpili ng paksang kawili-wili — (sa sumusulat at bumabasa) na tumutukoy sa napapanahong palow —


maaaring bagong kaisipan o matandang kaalaman na may kaugnayan sa mga kasalukuyang pangyayari;
natatangi, tanyag o kilalang tao; mahalagang bagay — halimbawa'y ang mga bagay na may kinalaman sa
buhay at ari-arian ng iba, at may kaugnayan sa kabutihan ng bumabasa; tunggalian ng mga tao, tao at
kalikasan at pansariling tunggalian, at libangan at hilig; Pagpili ng paksang nalalaman ng sumusulat mga
bagay na bunga ng pag-aaral, at galing sa sariling karanasan at pagmamasid. Pagpili ng paksang inaakalang
kayang gawin — kailangang piliin ang isang paksang inaakalang kayang gawin — kailangang piliin ang
isang paksang di-gaanong masaklaw upang iyon ay makayanang gawin.

Pagsusuri ng Paksa

Ang unang hakbang sa pagsulat ng komposisyon ay ang pagsusuri ng paksa. Kailangang ntindihan kung ano
ang layuning at saklaw nito. Kailangang magkaroon ng isang layunin na i lamang dahil sa pagtupad ng
isang takdang gawain kundi sapagkat walang masasabing uting sinulat na walang layunin. Mahalaga rin
na ang paksang pipiliin ay hindi gaanong aklaw upang makapag-ukol ng sapat na panahon sa mga detalye
nito at makapagdulot ng lihan sa mga bumabasa. Halimbawa, ang paksang, "Wika", "Edukasyon" o kaya'y
nitikan" ay lubhang malalawak at ang manunulat ay makagagavv-a ng ilang hindi tiyak at lalawak na
pahayag tungkol dito. Ang mga paksang gaya nito ay maisusulat nang tagumpay sa pamamagitan ng mga
tiyak na paksang gaya ng sumusunod: "Wikang Panturo sa Edukasyon sa Primarya sa Pilipinas" o kaya' y
"Panitikang lloko". Sa pagtiyak ng layunin, magtala ng mga bagay na maaaring magamit sa komposisyon:
ito mahalaga upang makapagbigay ng malawak na pananaw at pagmumungkahi sa patutunguhan
sinusulat at kung anong mga bagay ang dapat isama o hindi. Suriin ang paksang napili upang malaman
kung paano ito maisusulat nang mabisa. Ang wat komposisyon ay nagsisilbing paraan ng pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa iba. May ga paksang nailalahad sa parang balintuna o kaya'y nakatatawa.
Mayroon namang sa mamagitan ng pagsasalaysay, pagialarawan, paghahalintulad, pagtulad o
pagwawangis. Kailangang tanungin ang sarili:

Pagbabalangkas

Pagkatapos na masuri ang paksa, makakuha ng sapat na nilalaman, at marahil ay makapili agandang
pamagat, kailangang isaalang-alang din ang suliranin sa pagsasaayos ng mga man. Mahalaga ang
pagbabalangkas sa buong komposisyon. Hindi kinakailangang maging detalyado ang balangkas; ito ay
nagsisilbing gabay lamang g hindi malito ang sumusulat. Maaaring ring lumihis sa ginawang balangkas
kung kailangan.
ong uri ng balangkas 1. Balangkas na paksa. Bawat bahagi ay binubuo ng salita o parirala na
nagpapahayag ng isang diwa o nilalaman ng isa o higit pang talata sa orihinal. Balangkas na
5
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

pangungusap. Bawat bahagi ay binubuo ng buong pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o


nilalaman ng isa o higit pang talata sa orihinal. 3. Balangkas na talata Bawat bahagi ay binubuo ng
paksang pangungusap na siyang pinakadiwa ng buong talata.

Tunghayan sa ibaba ang halimbawa ng pagbabalangkas:

Pamagat: Ang Pagpaplano ng Pamilya

I. kahulugan ng pagpaplano ng pamilya


A. Batay sa punto de bista ng karaniwang tao
B. Batay sa punto de bista ng mga dalubhasa

II. Kahalagahan ng Pagpaplano ng Pamilya


A. Sa Lipunang Kinabibilangan
B. Sa Bansa
C. Sa Daigdig
III. Mga paraan sa pagpaplano ng pamilya
A. Natural na paraan
1. Kalendaryo
2. Temperature
3. Ritmo
B. Paggamit ng Kontraseptibo
l. Pilduras
2. Intra Uterine Device (IUD)
3. Diaphragm
4. Kondom
C. Operasyon
1. Vasectomy (para sa lalald)
2. Ligation (para sa babae

6
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Sanaysay
Module 5
Experience Total Human Formation

Pagtataya
Gumawa ng isang Nagmamatuwid na Sanaysay mula sa mga paksang nasa ibaba. Mamili lamang ng isang
paksa:

1. Kung Bakit Kailangan Akong Makapasa sa Sanaysay at Talumpati

2. Wikang Filipino ang Dapat na Maging Panturo sa Lahat ng Paaralan sa Buong Bansa

Reperensya
Dizon, R. B. at Mata, L. L. (2010). Literatura. Iligan City: MSU-IIT.
Mata, L. L., Dizon, R. B., at Gervacio, G.V. (2015). Ang sining ng maikling kwento. Iligan City: MSU-Iligan
Institute of Technology.
Sandoval, M.A. S. At Pantorilla, C. R. (2016). Batayan at sanayang aklat sa iba’t ibang anyo ng panitikan.
Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology.
Santos, A. L. at Tayag, D. A. (2011) Panunuring Pampanitikan: pagbasa at pagpapahalagang pampanitikan.
Iligan City: MSU-IIT.

7
Instructor’s contact No: 0935 824 2385 E-mail address: clarissa.pacatang@lsu.edu.ph
Landline:(088) 521 0342 local Mobile:
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157

You might also like