Professional Documents
Culture Documents
MODYUL 8:
PANAHON NG HAPONES (BAGONG PANAHON)
KURSO: Panitikan1
DISKRIPSYON NG KURSO: Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang
Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tina lakay ng mga
akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian,
sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.
Oberbyu
Tatalakayin sa modyul na ito ang Panitikan ng Pilipinas.
Pangkabuuang Alituntunin
Inaasahan na masinsinang susundin ng mga estudyante ang mga pangkabuuan at ispisipikong mga
alituntunin na nakasaad sa bawat kruso. Kasali na rito ang tatlong (3) modyul sa isang grading period at
siyam (9) sa isang semester. Bawat modyul ay inaasahang makumpleto sa loob ng limang oras para sa
isang three-unit na kurso,
I.A. PAGPASA NG MGA TAKDANG-ARALIN AT IBA PANG KAHINGIAN
Kailangang matapos ng mga estudyante ang kanilang mga takdang-aralin/kahingian asa loob ng
nakasaad na iskedyul.
Bibigyang konsiderasyon ang mga mahuhuling takdang-aralin/kahingian kapag balido ang mga
rason gaya ng pagkakasakit, aksidente, pagpanaw ng malapit na kamag-anak at iba pa.
Hindi na tatanggapin ang mga gawaing ipapasa kapag lagpas na o tapos na ang summutive exam.
Lahat ng mga Gawain ay kailangang ipasa sa CANVAS o sa drop-off area ayon sa nakasaad na
skedyul.
Isulat ang mga sagot sa mga espasyong nakalaan para rito na matatagpuan sa Apendiks B.
I.B. ACADEMIC HONESTY AND PRIVACY
Gamitin lamang ang mga babasahin at iba pang kagamitan sa pagkatuto sa kursong nakalaan para
rito.
Kailangang sariling gawa ng mga estduyante ang kanilang mga sagot sa mga gawain, pagsusulit,
eksam at iba pang kahingian maliban na lamang kung pangkatang gawain ito.
Pagmamay-ari lamang ng isang estudyante ang kanyang mga sagot sa mga gawain, pagsusulit,
eksam at iba pang kahingian.
Layunin
Sa katapusan ng pag-aaral ang mga estudyante ay inaasahang:
1. Malalaman ang kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas maipaliliwanag ang katangian ng mga panulat sa
bahaging ito
2. Matutukoy kung ano- ano ang mga nilalaman ng mga panitikan sa bawat panahon.
3. Mailalarawan kung ano-anong klase ng mga pamamahayag ng ginagamit ng mga manunulat sa
paglipas taon ng mga taon
Pagtuklas
2
Pagkatapos ng ilang taong pakikibaka ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop, sa wakas ay
natamo na rin ng Pilipinas ang inaasahan na tunay na kasarinlan. Lubhang makasaysayan ang ika-4 ng Hulyo,
1946 sapagkat dito unang nasaksihan ng mga Pilipino ang pagwawagayway nang mag-isa ang bandilang kaya'y
kagalakan ang naramdaman ng mga Pilipino sa Pilipino, na nasa ilalim ng bandila nito. Ibayong kasiyahan dati'y
kasama sa bandilang Amerikano o at pagsisimula ng bagong buhay bilang malaya.
Salarangan ng panitikan, sinasabing sa mga unang kasarinlan, ang panitikan ay saglit na napipi
sapagkat ang higit na pinag-ukulan ng pansin ng mga taon ay ang pangkabuhayang kalagayan ng bansa, at ang
pagsasaayos ng pamahalaan. At dahil sariwa pa sa puso't isipan ng mga Pilipino ang pagdurusang dinanas sa
ilalim ng pamamahala ng mga dayuhan, muling sumigla ang larangan ng panitikan. Ang karaniwang naging
paksa sa mga akda sa panahong ito ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, kahirapan sa pamamahala ng mga
Hapones, at ang kabayanihan ng mga gerilya bagama't mayroon na ring sumusulat ng mga paksang
naglalarawan ng kanilang buhay matapos ang digmaan. Sa panahong ito, nabuksan muli ang mga palimbagan
ng mga pahayagan at magasin na naglalathala ng mga akda sa wikang Filipino gaya ng Liwayway, Ilang-Ilang,
Sinagtala, Malaya, Kayumanggi,at ang Philippine Free Press, Morning Sun, Daily News, Philippine Herald,
Chronicle, at Bulletin para naman sa mga akda sa wikang Ingles. Ang mga ito ay ng mga panahon. naglalaman
ng mga tula, sanaysay, at mga kuwento tungkol sa mga buhay at karanasan ng mga tao. Kinagiliwan ding
sundan ng mga tao ang mga nobelang arawan o lingguhang lumalabas sa mga magasin at pahayagan.
Bukod dito, malaki rin ang naitulong ng iba't ibang samahang pangwika pagpapasigla ng larangan ng
panulat gaya ng Sining at Panitik, Samahan ng mga Mananagalog, at iba pa. Malaking pang-akit o pangganyak
din sa mga manunulat a pagkakaroon ng mga patimpalak sa pagsulat gaya ng Palanca Memorial Awards in
Filipino and English Literature na nagsimula noong 1950, Gawad ni Balagtas, Republic Cultural Award at
Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa o Talaang Ginto. Naging pandayan din ng talento sa pagsulat
ng mga mag-aaral ang kani-kanilang pahayagan na "g kanilang mga akda. Bilang insentibo sa mga mag-aaral na
ito, may mga kolehiyo pamantasan na nagbibigay ng libre or mababang matrikula sa mga namamatnugot ng
kanilang pahayagan. Ang pagdaraos din ng mga paarala ng mga patimpalak sa Ibang genre ay lalong
nagpapaigting ng interes ng mga estudyanteng manunulat na higit na mapaghusay ang kanilang kakayahan sa
larangan ng pagsulat.
Ilan sa mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay ang Mga Piling Katha (1947-48) ni Alejandro Abadilla,
Ako'y Isang Tinig (1952), katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza-Matute, Parnasong Tagalog
(1964), katipunan ng mga tula nina Jose Dela Cruz at Francisco Balagtas na tinipon ni Alejandro Abadilla,
Manlilikha, mga Piling Tula (1961-67) ni Rogelio Mangahas, at iba pa.
Sa ang naglalathala at iba't Ang kauna-unahang nagwagi naman sa unang taon (1950-51) sa Palanca sa
larangan ng pagsulat ng maikling kuwento ay ang "Kuwento ni Mabuti" ni Genovera Edroza para sa unang
Naging paksain din ng mga tula at awit ang pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa ating lahi at
kultura, ang pagiging mabuting mamamayan, pagkakaisa at pagtutulungan gaya ng tulang Pilipino:
Isang Depinisyon ni Ponciano Pineda, ang dating direktor ng Surian ng Wikang Pambansa at ng
awit na Ako'y Pinoy ni Florante.
4
ΑΚΟΥΡΙΝΟΥ
I
Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.
Koro
Wikang Pambansa, ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ay kalayaan.
II
Si Gat Jose Rizal noo'y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amo'y sa mabahong isda.
Pagtataya
5
Panuto: Gumawa ng Ilustrasyon kung anong mga makasaysayang kontribusyon ang naiambag
sa panitikang Pilipino sa iba’t ibang panahon:
Reperensya
6