You are on page 1of 4

MODYUL 1

DALUMAT-SALITA: Mga Salita ng Taon/ Sawikaan


(Selfie, Fotobam at Tokhang)
Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 1
1. Magagawa kong ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wikang Filipino
sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Magagawa kong isa-isahin ang mga salitang itinanghal na salita ng taon.
3. Magagawa kong gamitin ang mga salitang itinanghal na salita ng taon sa
pagbuo ng sariling pangungusap tungo sa pakikipagkomunikasyon.
4. Magagawa kong makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng
piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa
Mga Layunin konteksto ng komunidad at bansa.
5. Magagawa kong makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika,
datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang
larangan.
6. Magagawa kong makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat
sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
 CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA
KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
 Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

KAALAMAN:
Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan
sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang
Pilipino.

DULA
Leksikal Simbolikal Diskurso
Ito ay pagtatanghal ng isang akda Ayon kay Salazar (1968) ang dula Ayon kay Mendoza (2011), hindi
o piyesa sa harap ng mga ay isang larawan ng buhay na na mabilang sa daliri ang
manonoood. sinasangkapan ng wika, napakaraming kahulugan ng dula.
damdamin at sining. Hinahabi ito Mula sa konsepto ng mimesis ni
upang itanghal, makaaliw, Aristotle hanggang sa pagkilala sa
umantig ng damdamin, at iba’t ibang katangiang taglay nito.
makapaghatid ng isa o higit pang
mensahe.

PAGSUBOK:
Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o kasalukuyang ginagamit lamang ng mga tao
sa kanto at bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang salita ng taon batay sa kung
papaano ito lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

Salita Paliwanag/ Dahilan


1. OMSIM Kabaligtaran ng salitang mismo na sumikat sa social media na
kinawilihan ng mga netizen at agad na madami ang gumaya.

2. KAKAMPINK Naging tawag sa mga taga suporta ni dating bise presidente na


si Leni Robredo Dahil sa pag gamit ng kulay rosas.

3. MARITES Tawag sa mga grupo ng mga kababaihan na nag uusap o nag


tsitsismisan sa kung ano ang bagong isyu sa kahit anong oras.

4. CHARIZ Nanggaling sa salitang Charot na ang ibig sabihin ay biro


lamang.

5. MONKEY FOX Tawag sa isang uri ng sakit na kumalat ngayong taon na


kinakatakutan ng mga tao dahil sa itsura nito.
LEKTURA:
Sa aklat na Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon, nilalagom ng awtor na si Eilene
Antoinette G. Narvaez ang karanasan at napagtagumpayan ng Sawikaan bílang estratehiya hindi lámang sa
pamimilì ng salita ng taon kundi upang magkaroon ng mapanuring kamalayan ang mga Filipino tungkol sa
nagbabagong wika ng bansa. Inilahad niya ang kasaysayan ng Sawikaan sa konteksto ng mga pagsisikap ng
iba’t ibang institusyon na idokumento ang pagbabago ng wika sa buong mundo; tinása ang papel ng Filipinas
Institute of Translation hindi lámang bílang tagapagtaguyod ng Sawikaan kundi bílang isa sa mga
nangungunang tagapagsulong ng mga programang pangwika, pampanitikan, at pangkultura; tinalakay ang
mga diskurso ng mga tagapagtaguyod ng mga nominadong salita ng taon; at inilarawan ang katangian ng mga
nominadong salita ng taon batay sa wikang mulaan hanggang sa inuusbungang diskurso ng mga salita.
Galileo S. Zafra, PhD
Propesor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

 Sawikaan 2014: Selfie


Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos makakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga
kalahok ng “Pambansang Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan 2014: Pagpili
ng Salita ng Taon.”

 Sawikaan 2016: Fotobam


Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael Charleston Chua ang salitang “fotobam”
(upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod sa ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng
kaniyang mga estudyante noong 2014) upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de
Manila sa isang pambansang simbolo. Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao,
hinubdan nito ang realidad na hindi nakikita sa isang retrato— ang realidad kung paanong ang mga
awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng bansa.

 Sawikaan 2018: Tokhang


Hinirang ang “tokhang” bilang salita ng taon sa sawikaan 2018 na ginanap sa Institute of Biology sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong ika-26 ng Oktubre.
Inilahok ng mamamahayag na si Mark Angeles ang salitang ito na hango sa salitang Cebuano na
“toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap.

PAGSASANAY
Sagutin ang sumusunod na mga tanong/ gawain.

1. Saliksikin at itala ang mga salitang nakalaban ng Selfie (2014), Fotobam (2016) at Tokhang (2018) sa
Sawikaan: Pagpili ng Salita ng Taon.
Selfie (2014) Fotobam (2016) Tokhang (2018)
BOSSING BULLY DENGVAXIA
CCTV HUGOT DDS
HASHTAG FOUNDLING DILAWAN
IMBA MEME FAKE NEWS
KALAKAL MILENYAL FEDERALISMO
PDAF NETIZEN FOODIE
WHISTLEBLOWER VIRAL RESIBO
TRAIN
TROLL

2. Ano-anong mga salik/ dahilan ang nakapagpanalo sa mga salitang nasa ibaba upang tanghaling salita
ng taon?
Salita ng Taon Mga Salik/ Dahilan
a. Selfie (2014) Mula sa 13 na salita na nagging popular at nagging makabuluhan sa buhay
ng mga Filipino, napiling salita ng taon para sa 2014 ang ‘selfie’ o pagkuha ng
larawan ng sarili.

b. Fotobam (2016) Pinili ng mga eksperto na salita ng taon ang ‘Fotobam’ pandiwa na ang ibig
sabihin ay sirain ang eksena sa pamamagitan ng pag singit sa kwadro ng
kamera habang may kinukunan ng letrato.
c. Tokhang (2018) Napili ang ‘Tokhang’ mula sa 11 na nominadong salita sa kumperensiyang
sawikaan ng Filipinas institute of translation , Komisyon ng Wikang Filipino, at
UP.

3. Ano ang kahalagahan ng mga salitang Selfie, Fotobam at Tokhang sa mga sumusunod:
Mamamayang Pilipino Lipunan Wikang Filipino

a. Selfie (2014)

b. Fotobam (2016)

c. Tokhang (2018)

AWTPUT BILANG 1
KONSEPTONG PAPEL
- Ito ang nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
- Ito ay isang kabuoang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin.

Bahagi ng Konseptong Papel


1. Panimula/ Rasyonale – Taglay ng rasyonale ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili
ang isang paksa. Ang kabuluhan ng naturang paksa o pag-aaral ay inilalahad sa puntong ito.
Kailangang mabigyan ng bird’s eye view ang mga mambabasa tungkol sa pananaliksik.

2. Layunin – Ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng napiling paksa. Maaari itong
pangkalahatan (general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang Layunin, ipinahahayag nito ang
kabuoang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin naman,
ipinahahayag dito ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.

3. Nilalaman/ Pagtalakay – tatalakayin ditto ang mga datos o impormasyong nakalap. Gamitin ang mga
sipi, buod, at iba pa. Huwag kalimutang kilalanin ang iyong mga hanguan sa pamamagitan ng in-text o
end-text citation sa bahaging ito.

4. Konklusyon – Ilahad sa bahagin ito ang mga natuklasan sa pag-aaral.

GAWAIN: Mula sa mga salitang nauuso sa kasalukuyan ay pumili ng isang salita na nais mong dalumatin.
Bumuo ng isang konseptong papel hinggil dito at isaalang-alang ang mga pamantayan sa paghirang ng salita
ng taon. Sundin ang pormat sa ibaba.

Salitang Dadalumatin: ______________________________________________________________

Panimula/ Rasyonale:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Layunin:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Nilalaman/ Pagtalakay:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Konklusyon:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like