You are on page 1of 69

Ang Wikang Filipino

Tungo Sa Intelektwalisayon
Dr. Florentino H. Hornedo
Sa sanaysay ni Dr. Florentino H. Hornedo, “Ang
Wikang Filipino Tungo sa Intelektwalisasyon,”
higit na mababanaag ang doble-karang paggamit sa
wikang Filipino.

At ayon sa kanya, may dalawang antas ng pagunlad ng


pag-iisip ang dinadaanan ng kabihasnan:
1. Diwang Buhay
2. Diwang Malay
• Diwang Buhay o Vital Thought
Ito ay pagpapahayag ng damdamin, ninanasa, o
hangarin.

• Diwang Malay o Reflexive Thought


Ito ay tumutukoy sa antas ng pagpapahayag ng
mapanimbang na pag-iisip o pagmumuni (dulot ng
mapanuring kamalayan).
Magkakatotoo lamang ang intelektwalisasyon ng
ating wika, kung itataas natin ito sa antas ng Diwang
Malay.

Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng


puspusang paggamit nito sa mga larangang intelektwal
tulad ng pagtuturo sa antas tersiyaryo at eskwelahang
gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa pilosopiya, agham
at teknolohiya.
MGA SULIRANIN SA
INTELEKTUWALISASYON NG FILIPINO
PAMELA C. CONSTANTINO
ANO ANG
INTELEKTUWALISASYON?
Ang pagkakaiba ng konsepto ng
dalawang paaralan ng kaisipan (school of
thought) ay makaaapekto sa pagkaunawa
at atityud ng mga Pilipino kaugnay ng
kakayahan ng Filipino na magamit sa
mataas na karunungan.
PAUL GARVIN NG PRAGUE SCHOOL
OF LINGUISTICS (1974:72)

Intellectualization is a tendency towards increasing


more definite and accurate expression... In the lexicon,
intellectualization manifests itself by increased
terminological precision achieved by the development of
more clearly differential terms, as well as an increase in
abstract and generic terms.
Isa ring kasama sa Prague School si Fergusson (nasa
Fishman 1974:114) at “modernisasyon” naman ang tawag
niya sa konseptong ito. Ito ang pagpapalawak ng
bokabularyo at pagdedebelop ng mga anyo ng diskors.

Manipestasyon nito ang "intertranslatability with the


languages of already industrialized, secularized and
differentiated societies" (p.81).
BONIFACIO SIBAYAN
"A language may be modern or modernized but
not intellectualized. The Filipino used in entertainment,
for example, in most programs on TV is modern but not
BONIFACIO
intellectualized. The Filipino of the home and everyday
life is modernized but is obviously not adequate for
SIBAYAN
education, especially for higher education purposes.
The Filipino used in Filipino tabloid newspapers and
other publications intended for popular consumption is
modern but not intellectualized"
Nagkakaiba ang dalawa sa puntong tila mga
"intelektwal" lang ang magiging sangkot sa proseso ng
intelektwalisasyon para kay Sibayan samantalang wala
namang ganitong pagtitiyak ang Prague school.

Dahil dito, ang mga pahayag ng marami na


ginagamit na ang Filipino nang lampas na sa pang-
araw-araw na gawain ng mga Pilipino ay hindi pala
matatanggap kung depinisyon ni Sibayan ang susundin.
BAKIT INTELEKTWALISASYON?

Hindi pinag-uusapan ang Ingles sa usapang


intelektwalisayon. Filipino lang. Ginagamit ito ng mga hindi
nagtataguyod sa Filipino o iyong mga nagdududa sa
kakayahan ng Filipino na magamit na midyum ng
pagtuturo.
Nagiging problema ito dahil pumipigil ito para
tanggapin at lalong umunlad ang Filipino sa lipunang
Pilipino. Nag-iisip tuloy ang marami na baka
ginagawang isyu ito para mapanatili ang dominasyon
ng Ingles sa edukasyon para sa kalaunan ay hindi na
talaga gamitin o ipagamit at tanggapin ang Filipino.
SAANG DOMAIN BA TALAGA?

Isang isyu ito na ipinaggigiitan ng magkakaibang kampo.


Ang intelektwalisasyon sa ilang sosyolinggwist halimbawa ay
sa larangan lang ng pag-aaral at pagtuturo (sa mga paaralan).
Hindi intelektwalisasyon, ayon kay Sibayan (1999:449) at
mga kasama ang paggamit ng Filipino sa mga diyaryo at
magasin. Popularized modernized language daw ang wikang
ginagamit dito. Intellectually modernized language ang
ginagamit daw sa mga eskuwelahan.
PARA KANINO ITO?

Gusto kong tingnan dito ang intelektwalisasyon


bilang isang kondisyon o kalagayan na naipapakita na o
nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad at
magamit sa iba’t ibang domain o mapaggagamitan nito,
hindi lang sa pang-araw-araw na komunikasyon. Kung
gayon, hindi lang dapat na makinabang dito ang mga
nasa mga unibersidad kundi pati ang karaniwang
mamamayan.
Gayundin, ang pagbubuo ng mga salita o leksikal na
elaborasyon ng wika na isang mahalagang elemento ng
intelektwalisasyon ay dapat na batay sa kung sino ang
gagamit at makikinabang dito.
PARA KANINO NA ANG
INTELEKWALISASYON?
1

AAKPNNYA
2

WALISPAPWA
3

AISGDN
4

GDYOU
5

IGKINITM
BONIFACIO P. SIBAYAN
Language has domains, ones that have human populations and
support institutions, structures, and services.

There are three classes of language domains, namely:


non-controlling domains (NCDs) those of the home and the
lingua franca;
semi-controlling domains (SCDs) which include religion, politics,
and entertainment;
controlling domains (CDs) chief of which are:
government with sub-domains of executive, judiciary,
and legislature
education with sub-domains of elementary, secondary,
vocational-technical, and higher education;
the professions such as law, medicine, accountancy, etc.;
science and technology;
business, commerce and industry;
information technology which includes mass media,
literature
international relations
The language(s) and language varieties used in the
NCDs, SCDs, and CDs differ in many significant respects.
In the NCDs of the home and the lingua franca, there
is no restriction on what language or language variety that
may be spoken or written although reading and writing
are optional.
Any language, for example, English, Filipino, Ilocano
or any mixture may be used in the NCDs. The lingua franca
of the Philippines before 1940 was English. Today it is
Filipino or a “mix-mix”, what is technically called code-
switching variety popularly called Taglish.
The language(s) and language varieties used and the
rules that apply in the SCDs of religion, entertainment, and
politics are stricter than those in the NCDs of the home
and the lingua franca. The population in religion, for
example, consists of various categories of persons and
different levels of education such as the well-educated
priests, nuns and ministers who have to learn an
intellectualized language required in their denomination
for their education.
The main language used in the CDs of language is
always an intellectualized language.
An intellectualized language is that language that
can be used for giving and obtaining a complete
education in any field of knowledge from kindergarten to
the university and beyond. An intellectualized language is
written, thus making reading and writing necessary skills.
By this definition, English, Russian, German, French,
Japanese, to name just five, are intellectualized languages.
By the same definition, Filipino is not (yet) an
intellectualized language.
The only CD of language where Filipino is
intellectualized is literature. There is a respectable body of
literature in Filipino, there are substantial writers in Filipino
literature and there are support organizations and
publications for the development of Filipino literature.
PROCESS OF
INTELLECTUALIZATION
01
various populations who possess different knowledges
and skills in Filipino, who have a good command of the
registers needed in the domain and sub-domain
(agricultural scientists, medical doctors, lawyers,
accountants, etc.)
02
support institutions and various structures such as
colleges and universities, hospitals; learned organizations
that publish journals in Filipino; service agencies such as
publishing houses and other structures.
SOURCE LANGUAGE(S) FOR
INTELLECTUALIZATION
A developing language needs a source language for
intellectualization (SLI). The source languages in the
intellectualization of English were Greek, Latin, Old French,
Arabic.
The SLI of Tagalog during the 16th to the 19th
centuries was Spanish (Hispanismos 1972; Gonzalez 1985).
The SLI of Filipino in the 20th century and beyond is
mainly English.
LANGUAGE REPLACEMENT
AND LANGUAGE SHIFT
The replacement of English and the shift to Filipino as
the national lingua franca was easy because the variety of
language, a mixture of Filipino, English, and the local
language, known as Taglish did/does not require schooling
nor reading and writing; the rules of acceptability are loose.
On the other land, the replacement of English by
Filipino in the CDs of language require a high level of
education, a mastery of the register or registers in the
domains and sub-domains (areas of specialization).
The rules of acceptability in reading and writing and
mastery of both subject matter and register are strict; there are
various “gatekeeping agencies” and requirements for entry into
the domains, e.g. College entrance examinations, the
Professional Regulation Commission, Civil Service examinations,
etc.
In order that Filipino may be intellectualized it must be
used in the CDs of language which means it must replace
English. But for Filipino to replace English, it should be
intellectualized. Therein lies the dilemma in the
intellectualization of Filipino.
INTELEKTUWALISMO
INTELEKTUWALISMO
AT
AT WIKA
WIKA
Renato Constantino
Ang tradisyon ng intelektuwalismo, kagaya ng sa mga
bansang Kanluranin, ay umiiral sa ating kapwa bansang Asyano
tulad ng India, Indonesia,Vietnam at iba pa.
Tulad natin, karamihan sa kanila ay nakaranas ng
kolonyalismo, ngunit sa larangan ng sining at kultura, malayo tayo
sa kanila. Ang dahilan nito ay ang pagkakaiba ng sistema ng
kolonyalismong inilatag sa atin, at ang kawalan natin ng matatag
na sibilisasyon noong tayo’y sinakop ng unang kolonisador.
Sa Pilipinas, naging ganap ang pananakop sa lahat ng larangan
ng ating buhay—sa relihiyon, sa edukasyon, sa istruktura ng
lipunan, sa ekonomya, sa kultura at pati na sa wika. Dahil dito, ang
tatak ng ating mananakop, lalo na yaong sa mga Amerikano, ay
malalim na nakaukit sa ating mga institusyon, sa ating isip at
pananaw sa daigdig.
Ang pagkakaiba ng ating karanasang kolonyal ang lumikha ng
pagkakaiba ng ating pambansang katangian at ng pagsulong ng
kasaysayan.
Samantalang palagi tayong inuudyok, lalo na sa karamihan sa
ating mga eskuwela, na pag-aralan ang kaisipang Kanluranin, kulang
sa diin at interes ang ating pag-aaral ng kasaysayan, kultura at mga
ideya ng mga karatig-bansang Asyano. Ang lalong masama, tila hindi
masyadong importante para sa atin—maliban lang siguro sa iilang
klase ng mga gurong makabayan—na magalugad, madiskubre, at
lubusang maunawaan ang mga sinulat ng ating mga kababayan,
samantalang sa ibang bansa, ang pag-aaral ay batay sa mga akda ng
sarili nilang mga pantas
 Marami-rami na rin sa ating mga kababayan ang nakapag-ambag ng
mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Subalit, kadalasa’y
hindi natin ito binibigyan ng gaanong importansya. Ito’y isang
dahilan ng kawalan ng tradisyong intelektuwal. Di katulad sa ibang
bansa, wala tayong matutukoy na iba’t ibang daloy ng pag-iisip na
pinayayabong at pinasusulong ng mga grupong intelektuwal mula sa
isang henerasyon tungo sa susunod.
 Hindi rin natin maitatatwa na kadalasan, ang mga nilikha ng ilan
sa ating mga pantas ay pira-pirasong pag-aaral na hindi
sumasaklaw sa kabuuan ng problema.

 Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na


antas ng literacy, ngunit lumilikha tayo ng mga mamamayang
walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan at layunin
ng ating bayan.
 Hindi binibigyang-kakayahan ng ating sistemang pang-edukasyon
ang ating mga estudyante na makita ang pagkakaiba ng malalim
at mababaw na kaisipan. Mas gusto nila ang mga pelikula o
palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa
paglutas ng mga problemang personal.
 Kakaunti ang mga Pilipinong maaaring masabing tunay na mga intelektuwal
na nagsusuri, nagtataya, at nakauunawa sa lipunan bilang isang kabuuang
ugnay-ugnay. Sa kanila, anumang nangyayari sa daigdig ay maaaring bigyan ng
kahulugan at komprehensibong interpretasyon mula sa isang tiyak na
pananaw. Bukod sa pagiging mapanlikha at mapagpuna, nakapagbibigay sila
ng bagong mga haka-haka at obserbasyon nang walang takot at limitasyon.
Marami sa ating kababayan ang nagmamalaki na sila ay
kabilang sa intelihenteng sector ng bansa. Ipinagmamalaki pa ng
ilan sa kanila ang pagka-intelektuwal. Sa katunayan, ang marami
sa kanila ay mga semi-intelektuwal lamang, at ang iba ay mga
mental technicians.
 Lumilitaw sa ating pagsusuri ng posisyon at katangian ng mga
mental technicians sa ating bansa na sila ay biktima at daluyan ng
kolonyal na kamalayan; sila ay tagatanggap ng miseducation at sa
gayon ay nagiging miseducators ng lipunan.

 Sapagkat ang edukasyon sa bansang ito kadalasan ay negosyong


pinatutubuan, mahal ang pagtatamo ng mataas na kaalaman.
 Ang pangkaraniwang layunin ay mataas na kita at katayuan sa
lipunan. Di nakapagtataka na ang edukasyon, sa ganitong
konteksto, ay nagiging pagkuha na lamang ng mga kasanayang
maipagbibili nang mahal at makagagarantiya ng trabahong may
prestihiyo.
 Ang pag-iwas sa anumang uri ng pakikisangkot ay siguradong
pipigil sa anumang tendensiya tungo sa malalim na pag-iisip at
tunay na intelektwalisasyon. Ang tagumpay sa anyo ng
kariwasaan sa buhay at pagbili ng maraming mga status symbol
ay lalo pang makababawas sa anumang interes na pag-aralan at
baguhin ang kabuuang lipunan para sa interes ng karamihan.
 Ilang dekada nang patuloy na pinarurupok o pinahihina ng
ating pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyaga ang kalidad
ng intelektwalisasyon dito sa bansa. Ang laging binibigyang-
halaga ay ang wikang dayuhan, tradisyon at kapangyarihan sa
kasalukuyan. Hindi nakapagtataka na ang ating pag-iisip ay
hinuhubog ng itinuturong maka-dayuhan at ng mismong
reyalidad.
• Ang ating mga pasiya ay laging nababatay sa ating pakikitungo
sa ibang mga bansa at sa mga dayuhang institusyong
namamayani sa pambansang kabuhayan natin. Sa ganitong
konteksto, Ingles ang binibigyang prayoridad sa edukasyon at
negosyo. Pinalilitaw na isang pangangailangan sa mga Pilipino
ang masanay sa wikang banyaga upang magtagumpay sa
daigdig ng produksiyon at kalakalan.
 Ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay di
nagbunga ng kaunlaran, maliban sa mga nagtatrabaho sa mga
dayuhang kompanya o sa ibang mga bansa.
 Ang Ingles ay nakapigil sa pag-unlad ng karamihan sa mga
Pilipino na di lubos na nakauunawa rito ngunit napilitang
mag-aral nito at sa pamamagitan nito.
Nauntol ang pag-unlad ng wikang pambansa bilang
wikang panturo, wikang opisyal, at wika ng negosyo.

Naging limitado ang kaalaman at kakayahan ng


maraming Pilipino na itinali sa Ingles gayong hindi nila
magamit ito sa malalim at maunlad na paraan.
 Marami tayong kababayan na hindi sanay mag-isip nang
malalim. Hindi nila ganap na nauunawaan ang mga aklat at
peryodikong nakasulat sa Ingles. Hirap na hirap ang marami
sa atin na mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin sila
makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ito
ang napabayaan.

 Ang wika ay instrumento ng pag-iisip.


 Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-aaral, pangkalahatang
ideya lamang ang natututuhan ng mga mag-aaral; hindi
nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-unawa.
 Sa kabila ng mga humahadlang sa pag-unlad ng wikang pambansa,
nakikita natin ang pagyabong ng lengguwahe na yumaman sa
paghiram sa iba’t ibang diyalekto at sa salitang Ingles, Kastila’t iba
pa. Dumarami na ang akda sa ating wika dahil sa lumalaki ang
publiko nito.

 Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito’y ginagamit sa


seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o
pang-aliw. Ang wikang katutubo na yumayabong ay nakatutulong
sa katutubong pag-iisip.
 Ang pelikulang Pilipino, ang mga popular na programa sa
telebisyon, ang nakararaming nakikinig sa radyo at malaking
sirkulasyon ng mga pahayagang Pilipino ay mga hudyat ng
pamamayani ng wikang pambansa.
 Tinatanggap ko ang kakulangan ng aking henerasyon sa
pagsakatuparan ng ganitong hangarin at hinahangaan at
dinadakila ko ang kabataan ngayon na kumikilala at buong dangal
na nagbigay buhay sa ating wika.
 Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika
ng tunay na Pilipino. Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga
Pilipinong naniniwala na sila, bilang indibiduwal o kolektibo, ay
pantay sa ibang mga sambayanan. Ang paggamit ng sariling wika
bilang instrumentong mapagpalaya at nagbibigay-kapangyarihan ay
isang mahalagang hakbang tungo sa layuning makabansa.
7

LUPAAATNTA
TALASANGGUNIAN
Constantino, P. (n/a). Mga Suliranin sa Intelektwalisasyon ng Filipino. Hinango noong
Hulyo 12, 2019 mula sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/translation
project/Artikulo%20Tungkol%20sa%20Lingua/wika.htm?fbclid=IwAR0pJ3Svf
UG7lL423ZyRRPf0KI78GF8I6M4Ty3DQoZeD DIK9WwmhiRcQndU
Constantino, R. (1996). Intelektwalismo at Wika. Hinango noong Hulyo 12, 2019
mula sa http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/viewFile/4939/
4451?fbclid=I wAR3QpSCHBruc5DoN8US
GUXBaDU5UnV_a9zGPRPLVE2dbPnArezKpsoBxuas
Hornedo, F. (n/a). Ang Wikang Filipino Tungo sa Intelektwalisasyon.
Sibayan, B. (n/a). The Intellectualization of Filipino. Hinango noong Hulyo 12, 2019
mula sa https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-
culturaldi sseminationscd/language-and-translation/the-intellectualization-
offilipino/?fbclid=IwAR2T6F71OGfxdrqURIt2rfOpwWiFrgPLv2rwN8xBUNc
1plrG- XKAHV9Xoks
Salamat sa Pakikinig!
Cabading, Hannah Mikaella D.
Cayco, Michaella Marie C.
BSP 2-1

You might also like