You are on page 1of 32

FILIPINO SA IBA’T

IBANG DISIPLINA
I. FILIPINO BILANG WIKA AT
LARANGAN
FILIPINO BILANG LARANGAN
FILIPINO BILANG WIKANG AT FILIPINO SA IBA’T IBANG
PAMBANSA LARANGAN

FILIPINO BILANG WIKA NG


BAYAN/AT NG PANANALIKSIK
MAY I.D KA
NA BA?
WIKA
Ano ang pagkakatulad ng
ID sa Wika?
Ang wika ay simbolo ng
PAGKAKAKILANLAN ng
kultura ng kalayaan.
Sa deskripsyon ng Komisyon ng Wikang Filipino…

Ang wikang Filipino ay buhay o matatawag na dinamiko.


Dumaan ito sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga
di-katutubong wika. Ang wikang Filipino ay nagkaroon ng
ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t
ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan ng
iskolarling pagpapahayag.
Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat na facets
ang sistema ng paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972)
at Ferguson (1971). Ang paglinang na ito ay binubuo ng
kodipikasyon, o pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na
gagamitin, istandardisasyon, diseminasyon o
pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito.
01
FILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA
KASAYASAYAN NG
WIKANG FILIPINO
(BALIKTANAW)
Disyembre 30, 1937 - ipinroklama ang wikang
Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ito ay
ayon sa Saligang Batas ng 1935 kung saan ang
Kongreso ay gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at
pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga
umiiral na katutubong wika. Subalit ang
proklamasyon ay magkakabisa lamang dalawang taon
matapos ang pagpapatibay nito.
KASAYASAYAN NG
WIKANG FILIPINO
(BALIKTANAW)
Abril 1, 1940 – ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na
nagtatahadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa
Hunyo 7, 1940 - kung saan ang wikang opisyal ng bansa ay
tatawaging Wikang Pambansang Pilipino na pinagtibay ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
Hunyo 19, 1940 – ipinahayag pa rin na ituturo ang Wikang
Pambansa sa mga paaralan sa Pilipinas.
Hunyo 4, 1946 - Sinundan ito ng pagkakaroon ng bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
KASAYASAYAN NG
WIKANG FILIPINO
(BALIKTANAW)

Agosto 12, 1959 - ang Kautusang Pangkagawaran Blg.


7 ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero, Kalihim ng
Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang
Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino”
o Wikang batay sa Tagalog.”
KASAYASAYAN NG
WIKANG FILIPINO
(BALIKTANAW)

Noong 1987 - alinsunod sa Konstitusyon, ang


wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging
Filipino. Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong
sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa
bagkus ito ay nucleus ng Filipino at Tagalog.
KASAYASAYAN NG
WIKANG FILIPINO
(BALIKTANAW)

Isinasaad ng Artikulo XIV Konstitusyong


1987, ang legal na batayan ng konsepto ng
Filipino bilang wikang Pambansa at ang
magkarugtong na gampanin nito bilang wika
ng opisyal na komunikasyon, at bilang
wikang panturo sa Pilipinas.
Seksyon 6. Seksyon 7.
Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Ukol sa mga layunin ng
Filipino. Samantalang nalilinang ito komunikasyon at pagtuturo, ang
ay dapat na payabungin at mga wikang opisyal ng Pilipinas
pagyamanin pa salig sa umiiral ng ay Filipino, at hangga’t walang
mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa ibang itinatadhana ang batas,
tadhana ng batas at sang-ayon sa
Ingles. Ang mga wikang
nararapat na maaaring ipasya ng
kongreso, dapat magsagawa ng mga
panrehiyon ay pantulong na mga
hakbangin ang Pamahalaan upang wikang opisyal sa mga rehiyon at
ibunsod at puspusang itaguyod and magsisilbi na pantulong ng mga
paggamit ng Filipino bilang midyum wikang panturo roon. Dapat
ng opisyal na komunikasyon at wika itaguyod nang kusa at opsyonal
ng pagtuturo sa sistemang ang Espanol at Arabic.
pang-edukasyon.
Seksyon 9. KOMISYON NG WIKANG
FILIPINO
Dapat magtatag ang Kongreso
ng isang Komisyon ng Wikang • magbalangkas ng mga patakaran,
Pambansa ng binubuo ng mga mga plano at mga programa upang
kinatawan ng iba’t ibang mga matiyak ang higit pang
pagpapaunlad, pagpapayaman,
rehiyon at mga disiplina na pagpapalaganap at preserbasyon
magsasagawa, mag-uugnay at ng Filipino at iba pang wika sa
magtataguyod ng mga Pilipinas.
pananaliksik sa Filipino at sa
iba pang mga wika para sa • samahan na ganyakin ang mga
iskolor at manunulat na itaguyod
kanilang pagpapaunlad, ang wikang Filipino sa
pagpapalaganap at pamamgitan ng pagbibigay ng
pagpapanatili. insentibo tulad ng mga grant at
KOMISYON NG WIKANG KOMISYON NG WIKANG
FILIPINO FILIPINO

• Hinihikayat din ng KWF ang


paglalathala ng iba’t ibang
orihinal na obra at teksbuk at
mga materyales na reperensiya sa
iba’t ibang disiplina gamit ang
Filipino at iba pang wika sa
bansa.
Ang wikang Filipino ay susi sa
mabisang komunikasyon at daan sa
pagkakaisa ng sambayanan.
Sinasagisag nito ang pagiging isang
tunay na Pilipino at tatak ng
pagkamakabansa.
Napakahalagang papel din ang
ginampanan ng wikang Filipino para
maisulong ang demokrasya sa Pilipinas
sapagkat ito ang nagbibigkis sa
adhikain ng sambayanang Pilipino.
02
FILIPINO BILANG WIKA NG
BAYANAT/NG
PANANALIKSIK
“Hindi ko nais ang
Kastila o Ingles ang
maging wika ng
pamahalaan. Kailangang
magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang
wika na nakabatay sa isa
sa mga katutubong
wika.”
Manuel L. Quezon
Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay
nagsasaad ng ganito:
Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat na
isinalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.
“Ang wika ay may
malaking papel na
ginagampanan sa Pilipinas,
sa kaayusan at sa
pag-unlad ng
lipunan”.(Constantino, n.d.)
Dr. Pamela Constantino
Propesor, Unibersidad ng
Pilipinas
“imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa
pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at
pusong makabayan. May tungkulin ang bawat isa na
palaganapin ang isang kulturang may malalim na
pagkakaintindihan sa isa’t isa gamit ang isang wikang
pinagbubuklod at pinagtitibay ng buong bansa.”

“Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat


paghihiwalayin.”

Vitangcol III (2019)


“Ano ang Saysay ng Wikang Filipino?”
Sa kasalukuyan , dahil sa K to
12, sa unang mga taon sa
elementarya , ang
namamayaning wika o inang
wika ay ang (mother tounge) sa
bawat rehiyon ang aktwal na
ginagamit panturo , alinsunod sa
patakaranng Mother Tounge
-Based Multilingual Education
(MTB-MBLE)
Sa kabuuan, sa paglipas ng panahon,
napatunayan na ang wika ang siyang naging:

1. pinakamahalagang sandata upang matanto ng bagong henerasyon


ang mga pangyayari at kasaysayan na naging daan sa inaangking
kalayaan.
2. ang nagbukas ng marami pang kaalaman sa iba’t ibang larangan at
malaking papel ang ginampanan at gagampanan pa sa iba’t ibang
anyo ng pananaliksik tungo sa mas malawak na pagbabago hindi
lamang sa larangan ng edukasyon kundi pati na rin sa pagbabagong
anyo at pagbibihis ng bayang kinagisnan.
03
FILIPINO BILANG
LARANGAN AT FILIPINO SA
IBA’T IBANG LARANGAN
Tinalakay ni Gonzales (n.d.) sa kanyang Modyul
na may titulong “Ang Pagpapayabong at
Intelektwakisasyon ng Wikang Filipino: Mula sa
Paninging Teoretikal, Historikal, at Sosyolohikal”
ang modelo ng paglinang ng wika ayon kina
Haugen (1972) at Ferguzon (1971). Ayon sa kanila,
isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang
elaborasyon o pagpapayabong nito na tinatawag ding
intelektwalisasyon.
• Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San
Juan et al. (2019) ang kahalagahan ng ganap na
intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba't
ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng
wikang Filipino, kundi ng kaisipang Filipino
• “ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y
ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang
pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang
katutubo na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong
isip”.
Pambansang Alagad ng
Sining

mas magiging epektibo ang


saliksik kung ito ay nasa wikang
Filipino. Ito ay kaugnay ng
pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa na may
temang “Filipino, Wika ng
Pananaliksik.”
Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan
(2019)
May dalawang antas ang pagpaplanong
pangwika.
1. Ang antas makro sa pagpaplanong
pangwika kung saan nakatuon sa
mandatoring asignaturang Filipino sa
Kolehiyo.
2. Ang antas maykro sa pagpaplanong
pangwika na nauukol sa aktwal na
implementasyon ng gayong patakaran sa
bawat lugar.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like