You are on page 1of 3

Ang Wika ng Linggwistika ni Jesus F. Ramos Para sa Komunikasyon ang Wika [unang grupo] Marami ang gamit ng wika.

Maaaring para sa ating pagpapahayag ng pangangailangan o sa kawalan kaya ng pisikal na na larawan, madalas na lumilikha tayo ng patern sa wika na baligho sa sistema nito. Dala ng kakaibang tunog na paguulit-ulit ng mga vocoids o contoids ay nasisiyahan at nagagalak tayo. Maaaring itoy instrumento ng ating iniisip na ideya o maaaring itoy buklod ng mga miyembro ng isang lipunan o isang bansa. Maaaring sa pamamagitan ng wika ay maimpluwensiyahan o mabago ang pag-iisip o kilos ng mga tao o tumulong sa kooperasyon at koordinasyon ng mga tao. Marami pa marahil tayong maidaragdag na gamit nito sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika, naisasalin natin ang mga impormasyon mula sa isang tao tungo sa isa pang grupo ng mga tao na karaniwang sinusuklian ng reaksiyon. Tagapagsalita ang tawag sa una at takapakinig ang pangalawa. Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang mensaheng ipinahihiwatig sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ponema na bubuo sa mga morpema o salita kaya. Bagamat naging kalakaran noong unang panahon ang paggamit ng maligoy na pananagalog, sa kasalukuyang pagbabagong bihis ng wika, binibigyang-diin ang pinakamadali at pinaka-ekonomiko o matipid na pagsasalita. Palibhasa likas namang mahalaga ang kahulugan o mensahe at hindi ang pagkamaligoy ng mga pangungusap. Karaniwan nang ito ang nagtatakda ng haba at kaayusan ng mga istrakturang panglingguwistika, gaya ng salita, relasyon ng mga tunog sa kapwa tunog, relasyon at haba ng mga parirala at sugnay na bumubuo ng isang pangungusap. Anot ano man ang katangian ng uri ng paggamit ng isang wika para sa malinaw na komunikasyon ang laging hangarin pa rin ng nagsasalita ang maintindihan siya. Base sa gamit sa komunikasyon ng wika, maaaring ang wika ay isang lingua franca ng dalawang taong kabilang sa dalawang magkaibang speech community o kayay multi-lingual na komunidad. Tinatawag din na wika ng interkomunikasyon ang lingua franca. Noong panahon ng Antiquidad, ang lingua franca sa buong Meditterenean at Kanlurang Europa ay ay Griyego subalit noong Middle Ages ay Latin. Ang opisyal na kinikilalang lingua franca ngayon sa daigdig ay Ingles, Pranses, Aleman. Sa Rusya, Ruso kahit na hindit ito katutubong wika sa mga Ruso. [ikalawang grupo] Sa Pilipinas, dalawang klase ng lingua franca ang matatagpuan ang tinatawag na rehiyonal na lingua franca at ang nasyonal o pambansang lingua franca. Makikita ang pagkakaibang ito sa sumusunod na ilustrasyon: Sa Aritao, Nueva Vizcaya, maaaring sa loob ng isang bahay ay Isinay ang wikang ginagamit dito. Ito ang tinatawag na Una o Inang Wika (First Language o Mother Tongue). Ngunit paglabas ng bahay, ang gagamitin na ay Ilokano maliban kung ang kausap ay marunong din ng Isinay. Kahit na lumayo pa siya sa lugar na ito at makaabot pa ng Benguet na parte pa rin ng Northern Luzon, Ilokano pa rin ang kinakailangan

niyang gamitin (kung marunong siya ng Ilokano) upang mas madali ang komunikasyon. Ang wikang ito ang tinatawag na rehiyonal na lingua franca. Ito ang komon na sa rehiyong ito na ibat iba rin ang wikang sinasalita. Ngunit kung wala na siya sa rehiyong ito, halimbawa ay nagpunta na siya sa Central Luzon o maging sa Bisaya at Mindanao at hindi siya marunong ng Cebuano at hindi rin marunong ng Ilokano ang kausap niya, kung hindi Ingles ay Filipino ang gagamitin niya. Ito ang tinatawag na nasyonal o pambansang lingua franca. Ingles ang gagamitin niya kung ang kausap niya ay hindi masyadong matatas sa Filipino o ayaw gumamit nito lalo na sa mga mataas ang pinag-aralan. Filipino ang gagamitin niya kung ang kausap niya ay hindi marunong o matatas sa Ingles o hindi nakapag-aral. Filipino at hindi Tagalog ang gagamitin niya bagamat batayang istruktura ng Filipino ang Tagalog. Filipino ito sapagkat ang sinasalita niya ay hindi gaya ng sinasalita ng mga taal na Tagalog gaya ng mga taga-Bulacan at Batangas kundi ang paggamit niya dito ay di-Tagalog. [ikatlong grupo] Ang lingua franca kapag kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa ay nagkakaroon ng magandang posisyon upang mabilis na mapaunlad. Karaniwan nang isinasabatas ang pagkilala dito at tinatawag na pambansang wika. Kadalasan nang nagkakaroon ng kaguluhan sa pagpili ng pambansg wika lalo na kung ang pagpilian ay halos prestihiyosong mga wika. Ang pagtanggap o pagtakwil sa wika bilang isang wikang pambansa ay nagkakaroon ng sosyo-politikal na implikasyon. Sapagkat mahirap na tanggapin sa isang taong matabunan ang kanyang inang wika o itakwil kaya ito na iniisip niyang pagtatakwil na rin sa kanyang kultura at kabihasnan. Sikolohikal ang negatibong reaksyon sa ganitong krisis at minsay politikal o racial. Maaaring grabe sa multilinggual na lipunan ang problemang ito subalit lalong higit sa mga bansang may dalawang wikang kandidato sa pambansang wika, hanggang ngayon ito ang malaking problema ng Canada at Norway. Sapagkat ang dalawang wika ay nakalilikha ng malaking suliranin sa isang bansa, magkaminsay hinahango ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa, tatlo o higit pang bilang ng mga wika. Ito ang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Sa ganitong paraan ng language planning maraming gulo ang kinakaharap. Gayunpaman sa siyentipikong paraan, maaaring ang pambansang wikang itoy ibase sa isang wika sa pagsisimula at saka pasukan ng elemento ng iba pang mga wika o kayay simulan sa dalawang wikang basehan o tatlong wikang basehan. [ikaapat na grupo] Ang lingua franca ay maaaring maging opisyal na wika gaya ng karaniwang nangyayari sa maraming bansa. Nangangahulugang ito ang ginagamit na opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan o sa ibang mamamayan at ibang bansa sa daigdig. Maaaring politikal, sosyal, ekonomikal o kultural na transaksyon ang nasasangkot. Maraming bansa ang may isang opisyal na wika lamang, e.g. Hapon, Aleman na dalawa o tatlo ang opisyal na wika palibhas ang target ng estado o gobyerno ay ang kanyang mamamayan oa ang internal na komunikasyon. Sa ganitong kalagayan ng mga bansa, may mga

interpreter para sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa o mamamayan ng ibang bansa. Karaniwan din lalo na sa tunay nang malalayang bansa na ang lingua franca na siyang opisyal na wola ang ginagamit na midyum ng pagtuturo. Liban sa mga bansang naging biktima ng imperyalismo, ang inang wika ang pinapaborang maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sapagkat madalas na ang pagkatuto o paggamit ng banyagang wika lalo na iyong wika ng ibang kultura ay nagkakaroon ng alienating effect sa isang indibidwal gaya ng anomie kung hindi man ng lubusang pagbabago sa sensibilidad o pag-iisip ng isang estudyante bunga na rin sa pagkalantad sa sining, agham, teknolohji ng ibang bansang nasasangkot. Sanggunian: Ramos, Jesus Fer. Ang Wika at Lingguwistika. Mula sa Wika, linggwistika at bilinggwalismo sa Pilipinas, pahina 179-183. Maynila: Rex Book Store, c1985.

You might also like