You are on page 1of 1

Pasko Na!

ni Benigno Zamora Malamig na simoy ng mabangong hangin Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling, Ang inihahatid Sa bukas na dibdib Ng sangkalupaang dagi sa hilahil At sala sa lalong tapat na dalangin. . . Sa likod ng bundok ay namamanaag Ang kaakit-akit na isang liwanag; Ang ibinabadha Ay malaking tuwa Na di mag siyang malalasap Ng lahat ng taong may mabuting hangad. At ang ating puso ay muling hahagkan Ng madlang ligayang di mapapantayan Ang diwa ng Pasko Ang pista ng mundo Ang araw na siyang sa atiy nagbigay Ng buhay sa puspos ng madlang kariktan. --Ang tulang ito ay isinulat ni Benigno Zamora noong taong 1904.

You might also like