You are on page 1of 11

Pangarap

Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga munti na
kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay at kauparan para
sa ating hinaharap.
Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayong
nangangarap ng mga bagay na wala na halos sa realidad at katotohanan.
Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang mamuhay na
walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama.
Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay, lahat ay pantay-
pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring mga minimithing mga gustong
makamit. Mayroong kasabihan na “mangangarap ka rin lang, itodo mo na”.
Sandalan

Mayroong kasabihan na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig o sa ingles ay blood is
thicker than water. Simula sa pagkamulat ng ating musmos na kaisipan, pamilya natin
ang mga nasa tabi natin
Andiyan sina tatay, nanay, kuya, ate at si bunso. Kahit na salat tayo sa buhay kung
kumpleto, malusog, at masaya ang ating pamilya ay masasabi natin na bukod na tayong
pinagpala.
Ang buhay ng isang pamilya ay sadyang puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung
minsan ay nagpapatumba sa atin at nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bawat
miyembro ng ating mag-anak.
Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan, kahit na sabihin
pa nating iisang dugo lang ang nanalaytay ating mga ugat. Ngunit kahit ano pa man ang
mangyari, sa oras ng kagipitan ay hinding-hindi natin matitiis ang tumulong sa ating mga
kapamilya.
Sa bawat tagumpay na ating narating o natamasa sa ating buhay, hindi mo
mararamdaman ang tunay na kasiyahan kung wala sa tabi mo ang iyong pamilya.
Mga pamilyang nagbibigay ng inspirasyon upang tayo ay magpunyagi at lumaban para
makamit ang tagumpay na minimithi. Palaging may kulang sa ating pagkatao kung wala
ang mga pamilya mo sa tabi mo.
Iba ang kasiyahang hatid ng mayroong pamilya na alam mo na aalalay sa iyo sa oras ng
iyong pangangailangan. Masarap magkaroon ng mga taong alam mo na magmamahal at
iintindi sa iyo ng walang hinihintay na anumang kapalit.
Higit sa lahat, masaya ang magkaroon ng mga taong alam mo na kahit ano pa ang mga
pinagdaanan ninyo na hindi maganda noon ay sila pa rin ang iyong magiging huling
kanlungan.

Mahalin natin at bigyang halaga ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga magulang.
Dapat pagtanda nila ay ipadama natin sa kanila ang kalinga na ibinigay nila sa atin noong
tayo ay mga bata pa. Sa unti-unnting pagkaubos ng kanilang mga lakas, akayin natin sila
gaya ng pag-akay nila sa atin mula pa sa unang paghakbang natin.
Regalo ng Maykapal

Maraming biyaya akong gustong makamit at hinihiling gabi-gabi sa aking mga


panalangin. Ngunit hindi ko batid na sa lahat ng mga materyal na bagay na gusto ko,
nakamit ko na pala ang pinakamalaking biyaya mula sa Maykapal.

Isang uri ng biyaya na kailanman ay hindi mo na mahahanap pa sa iba. Isang uri ng


biyaya na tanging isang beses mo lang makakamit at wala nang kapalit.

Ang aking pamilya ang tinutukoy kong malaking biyaya. Biyaya ito dahil dapat kong
ipagpasalamat ang kanilang presenya. Dapat kong ipagpasalamat sa Diyos na dahil sa
pamilya ko ay nalalaman ko ang aking tunay na halaga.

Dahil sa aking ama, ina, mga kapatid, pati na rin ibang kadugo, ay nababatid kong ako ay
mahalaga at isang nilalang na dapat mahalin.

Biyaya rin ang aking pamilya dahil sila ang pinakamatibay kong sandalan anuman ang
pagdaanan ko sa buhay.

Mabigo man ako sa aking tinatahak na landas, isang tagumpay pa rin para sa kanila ang
makapiling ako at magkaroon ng isang ako sa kanilang mga buhay.

Pagpapala ang magkaroon ng isang pamilya. Sa mundong maraming mapanghusga, hindi


matatawaran ang pagmamahal ng mga taong nakikita ang iyong kalakasan kahit
nanghihina ka na.

Isang pagpapala ang magkaroon ng mga taong mabuti ang tingin sa iyo kahit na batid
mong minsan ay hindi ka naman busilak ang iyong puso.

Regalo ng Maykapal ang aking pamilya


Nag-iisang Sila

Sila ang aking nag-iisa. Nag-iisa dahil wala silang katulad. Nag-iisa dahil alam kong
hindi na ako makahahanap ng katulad nila. Sila ang ipinadala sa akin ng Maykapal para
naman maramdaman kong may nagmamahal sa akin. Sila ang nagsisilbing ebidensya na
ako ay isang yamang karapat-dapat ingatan.

Ito ang aking pamilya. Sila ang aking nag-iisang sila. Pinahahalagahan ko sila katulad ng
isang diyamanteng mamahalin. Ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga ay walang
kapantay.

Ang kanilang pagpapahalaga sa akin ay isang sapat nang testamentong ako ay likha ng
Diyos at mayroong sariling saysay.

Sa pamilya mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal. At balang araw, kapag


nagkaroon ako ng sariling pamilya, alam kong ang pag ibig na ibibigay ko ay katulad ng
pagmamahal na nakuha ko sa aking nag-iisang sila.
Kapangyarihan ng Pag-ibig
Talumpati ni Anthony Rosales Sarino

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong


patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng
kahihitnatnan.
PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso
ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao
na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng
bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-
ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung
titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan
nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging

Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may
pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron
sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na
bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o
maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang
lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat
masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang
sitwasyon nila.
Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng
dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at
maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na
makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.
Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang
suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong
tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama
pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating
sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala
yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na
UNCONDITIONAL LOVE.
Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo tayo
para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang
magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging
bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat
ng iyong PUSO.
Ang Pag-ibig
Talumpati ni Estephanie May Venerayan
Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong
umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao? Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo?
Naranasan nyo na bang umibig?
Ang pag ibig ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito,
ngunit napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa
damdamin ng isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.
Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa
ibang daigdig! O sa madaling sabi “May sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ang
iniirog lalo na pagka-kasama! Madalas Masaya, kasi nga “iN-LOVE”!
Ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang sciencia ay hindi maibatid kung
ano nga ba ang pag-ibig. Kaya sigurado ako, na lahat kayo ay naka-relate sa talumpati
ko!
Sa mga taong umiibig, iniibig at iibig… Ang pag-ibig ay isang unibersal na
pakiramdam. Lahat nakakadama, lahat nakakaranas. Kaya huwag ipagkait ang
pagmamahal. Tayo’y magmahalan.
Tunay na Pag-ibig
Talumpati ni Ianrhold07
Ikaw nga bang talaga? Isang simpling katanungan na maaaring magmulat sa ating lahat
ng katotohonan . Anu nga ba ang salitang ito, maaaring ito’y bay magdulot ng kasiyahan
o kalungkutan?
Ngayong tayo’y nasa high school year, dito natin mararadaman ang tinatawag na pag-ibig
sa isang lalaki o babae man. Sa una pakiramdam natin ang saya-saya, sa tuwing makikita
mo siya sa bawat oras, sa bawat sandali na ayaw mong lumipas. Syempre ito’y normal
lamang sa isang tao, at minsan lamang mangyari ito sa parte ng buhay mo na kung
tawagin ay “first love”. Sa bawat araw na lumilipas ay may mga pangyayari hindi
inaasahan, yung una friends lang kayo ang close niyo sa isa’t-isa ni hindi kayo kayang
paghiwalayin ng bagyo o ng kahit sino mang nagtatangkang pag-layuin ang landas
niyong dalawa. Ang bawat araw ay puno ng kasiyahan, kaligayahan at harutan niyong
dalawa, yung tipong parang kayo lang wala kayong paki-alam sa taong nasa paligid niyo,
anu man ang sabihin nila. Hanggang dumating ang sandaling mahulog ang loob mo sa
kanya, ngunit hindi mo kayang ipahayag ang tunay na pag-ibig na nadarama mo. Pero
siya, simula nang malaman niyang may lihim kang pagtingin sa kanya ay unti-unting
nagbabago ang pakiki-tungo niya. Bakit nga ba nagagawa ng isang tao ito? Ang sagot,
simple lang hindi naman nating masasabing hindi kanya type kasi yong iba dahil na rin
nahihiya siya sayo o may gusto siyang iba. Kaya tayong mga taong bigo, okay lang yan.
Isipin na lang din natin na hindi siya yung taong itinakda na magmamahal sa atin habang-
buhay,kunting paghihintay at darating din siya malay mo andyan lang siya sa tabi-tabi
hindi mo lang napapansin. Bawat isa sa atin na naririto ngayon ay may tinatagong pag-
ibig na hindi pa nabubunyag, hanggang kailan pa nga ba natin ito itatago? Maraming
istorya sa ngayon ang mababasa natin sa magazine, wattpad,facebook at kung anu pa man
na maraming tao ngayon ang tinatawag nating”turpe”. Turpe ito ay ang mga taong
walang ibang ginawa kundi ay ang itago ang kanilang feelings sa taong kanilang na
iibigan, o maaari ring taong gumagawa ng iba’t-ibang gimik para mapansin ni crush.
Natatakot sila kasi ayaw nilang sila’y iwasan ng kanilang nagugustuhan. Pero sana
minsan maintindihan niyo ang mga taong ganito, taong mahina ang loob pagdating sa
pag-ibig. Kung saka-sakali mang naiinis o nagtatampo na kayo dahil hindi niya kayo
nasusuyo, huwag kayong mag-alala kasi may malaking inihanda sila para supresahin at
pasayahin ka.
Syempre hindi rin mawawala ang mga taong bigo. Oo maraming magsyota sa ngayun ang
nag bi-break dahil na rin sa iba’t-ibang dahilan ilan na rin dito ay ang dala ng selos,
kakulangan sa tiwala sa bawat isa, hindi pagtanggap kung anu nga ba talaga siya, at higit
sa lahat yung pangbabae o panlalaki na madalas mangyari kung ang babae/lalaki na
naibigan mo ay niluloko ka lang. Sabi ko nga kanina, hindi sila para sa inyo. Huwag
niyong masyadong dibdibin ang mga sakit na iniwan nila sa iyo, bugkos tumayo ka at
iangat ang sarili. Wala na rin tayong magagawa upang baguhin ang tapos na diba sabi nga
nila Past is Past. Pero kung ikaw ay may malakas ng loob upang bumangon at umunlad
balang araw pag-nakita ka niya ( yung taong pinabayaan ang lahat ng paghihirap at
pagmamahal mo ) Maiisip niya na nagkamali siya dahil niloko ka niya. Hindi ko rin
sinasabing limutin mo siya ng lubusan at maghiganti pero kung ang taong ito ay may
malaking pagsisi sa lahat ng kaniyang ginawa sayo maaari natin/mo siyang bigyan ng
pangalawang pagkakataon upang ipakita niya kung anu ang pagbabago nangyari matapos
ang lahat sa inyo. Para sa mga taong nagnanais na umibig huwag niyong madaliin si girl
o boy kasi maaaring mainis siya sayo.
Para sabihin ko sa inyo, ako man ay hindi pa nakaranas kung paano nga ba ang tinatawag
na tunay na pag-ibig ito ay basi lamang sa aking napapanood at nababasa lalong-lalo na
sa Nobela ni Dr. Jos Rizal na nagpaliwana sa akin kung gaano magmahal ng tunay sa
iyong kasintahan. Ngunit bago magtapos naiis ko sanang mag-iwan ng kaunting
katanungan sa inyong isipan kung anu ng aba talga ang dulot ng pag-ibig sa atin.
Kasiyahan o Kalungkutan inaasahan ko inyong mga sagot.
Talumpati Tungkol sa Pag-ibig
Mula sa TakdangAralin.com

Isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang
dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng
kaanyuan.
May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan at kung
anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng emosyon.
Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong
kumitil ng buhay. Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas “O, pag-ibig na
makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka
lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan
sa puso ng isang umiibig.
Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa
positibong pananaw at pamamaraan. Magsilbi sana itong inspirasyon lamang sa ating
mga puso. Halimbawa dito ay ang pagkakaroon natin ng ating mga sinisinta o iniirog sa
buhay.

Huwag tayong magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso. Isaalang-alang din natin ang gamit
ng ating utak. Alalahanin ninyo na ang lahat ng labis ay lason.
Mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag
magagalit. Karamihan sa mga may mapagbalat-kayong pag-ibig ay mga pulitiko sa ating
lipunan. Labis-labis ang kanilang pagmamahal na pinapakita lalo na sa mga mahihirap
tuwing malapit na ang panahon ng halalan.
Kahangalan ang tawag sa ganitong uri ng pag-ibig. Sadyang mahirap ang pagbibigay ng
walang imbot na uri ng pag-ibig sa ating kapwa. Mayroong mga gumgawa at nagpapakita
nito para lang mapuri at maging tanyag. Ang tunay na pag-ibig ay hindi ginagamit para sa
sariling interes lamang. Ito ay binibigay na kusa na walang hinihintay na anumang
kapalit.
Ang pinakadakila sa lahat ng pag-ibig ay ang pagmamahal ng ating mga magulang. Ito
ang pag-ibig na nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan. Pagmamahal at pag-aaruga na
walang halong kondisyon at hangganan. Para sa akin ang pagmamahal nina tatay at nanay
ang pinakamaganda kong biyaya na natanggap mula sa ating dakilang Lumikha.
Ngunit masakit mang sabihin ang pag-ibig na ito ang kadalasan na hindi nabibigyan ng
halaga ng bawat isa sa atin, lalong lalo na ng mga kabataan. Mas binibigyang pansin nila
ang mga materyal na bagay na bigay ng kanilang mga magulang.
Bago po mahuli ang lahat, lagi nating bigyang halaga ang pagmamahal ng ating mga
magulang. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay nasa tabi natin sila. Pagyamanin po natin
at suklian ang pag-ibig na binibigay nila sa atin mula pa sa ating kamusmusan.
Nilikha ang pag-ibig para magkaroon ng katahimikan, kapayapaan at higit sa lahat ay ang
pagkakaunawaan. Huwag po natin itong abusuhin at gamitin sa maling pamamaraan.
Magsilbi sana itong sandata at ating saligan para maibsan ang anumang uri ng gusot at
suliraning pangkapwa na mayroon tayo.
Kung pag-ibig lamang sana ang mananaig sa bawat puso ninuman, ang galit ay kusang
mawawala sa mundo. Tanging kapayapaan at pagmamahalan na lamang ang siyang tunay
na maghahari.
Nawa ay maging kasangkapan tayong lahat sa pagpapalaganap ng tunay na adhikain at
kahulugan ng salitang pag-ibig. Imulat natin ang mga murang kaisipan ng ating mga anak
sa kung ano ang tunay na kaulugan ng pag-ibig.
Busugin natin sila ng tamang kalinga at pagmamahal para sa kanilang paglaki ay pag-ibig
rin ang nasa kanilang mga puso. Pag-ibig na busilak at wagas. Walang halong pag-iimbot
at pagbabalat-kayo.
Isang uri ng pag-ibig na kaaya-aya hindi lamang sa mata ng tao ngunit sa mata ng
dakilang nagbigay nito sa atin. Maging kupido tayo ng makabagong panahon, hindi
lamang sa mga magsing-irog kundi sa lahat ng sangkatauhan.
Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral?
Talumpati ni Elaisha Recide
Malungkot, minsan masaya, tapos malungkot ulit. May problema kasi, kailangan kong
mamili sa dalawang bagay na sobrang halaga sakin. Paano ko kaya malalampasan ang
problema kong ito? Alam ko kasi na kailangan kong mamili lang ng isa para matuldukan
na ang paghihirap kong ito. Sabi nga nila “You cant serve two masters at the same time”
Ako, bata pa lang ako ay prayoridad ko na ang pag-aaral ko, sinunod ko lahat ng gusto ng
magulang ko para sakin, pero nagayong ako naman nag may gusto, papayagan kaya nila
ko?
Babae ako, natural hindi na bago sa akin ang salitang pag-ibig, sa ngayon ay may
boyfriend ako, ang kaos nga lang ay ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Wala raw
akong mararating sa buhay ang lalaking ito, wala raw akong kinabukasan sa kanya. Pero
bata pa ang puso ko, mabilis magdamdam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang
dumating sda puntong kailangan ko pang mamili. pinagbawalan kasi akong lumabas at
makipagkita sa kanya at kinuha na rin ang cellphone ko. Alam ko naman na kailangan
kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa totoo lang, mataasa ang pangarap ko, gusto kong
makapagtapos ng apat na taong kurso, makarating sa ibang bansa at makapagpundar ng
negosyo. Hindi ko naman talaga sila balak suwayin, ang gusto ko lang ay inspirasyon,
yung konting tamis sa buhay.
Ngayon ay mas pinili ko ang pag-aaral, gusto ko ng manahimik, sinabihan ko ang
kasintahan ko na kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat-lahat.

You might also like