You are on page 1of 8

Ang Kura at ang Agwadorni Rogelio G.

Sikat

May isang taon nang walang nanunungkulang pari sa San Roque at bawat isa sa mga debotorito ay
umaasam sa pagdating ng makakapalit ni Padre Agustin, ang kura nilang ginupo ng katandaan.Ibig
ng mga taga~ San Roque na magkaroon ng sariling pari sapagkat totoong nahihirapansila sa
pagsisimba sa San Isidro, na anim na mahabang kilometro ang layo; ibig din nilang magkaroonng
sariling kura sapagkat tulad ng mga kawal na nawalan ng pinuno sa larangan, kailangan nila
angisang alagad ng Diyos na aakay sa kanila sa mga bagay na espiritwal.Marso nang dumating sa
San Roque ang bagong pari. May apatnapu't limang taong gulang ito,payat at maputla. Mataas ang
buto sa pisngi at malalalim ang mga mata. Tila hindi kamakapagsisinungaling kapag natitigan ng
mga matang iyon. Ang buong kaanyuan ng pari - pati na angtinig nitong buo at malalim -ay sadyang
nagsasaad ng isang buhay na inilaan sa kabanalan.Tahimik ang pagkakadating nito at kaya lamang
nalaman ng mga taga-San Roque na may parina sila ay nang lumibot na ang mga miyembro ng Hijas
de Maria at ibalitang dumating na, sa awa ngDiyos, ang bagong pari."Taga-San Roque rill ang pari
natin ngayon," masayang pagbabalitang isang manang sa bawat debotong makasalubong.
"Natatandaan pa ba ninyo si Along? Siya na ngayon si Padre Gonzalo. Kay palad talaga ng San
Roque! Ngayo’y mismong anak na niya ang kura!
Anupa't buong kagalakang tinanggap ng San Roque ang balita tungkol sa kanilang bagongkura.
Kadarating pa lamang nito, ngunit nagbigay na ang mga tao ng kanilang haka-haka ukol
samagagawa at gagawin nito sa kanilang parokya."Masaya ang pista natin ngayon," anang mahiligin
sa pista. "Balitako'y aktibo si Padre Gonzalo."Siya na siguro ang magpapagawa ng ating simbahan,"
wika ng isang matandang manang.Pangarap din ng yumaong pari ang maipagawa ang simbahan,
hindi nga lamang naasikaso dahil sakatandaan."Marami na sigurong babait ngayon sa San Roque,"
pahayag namanng isang lalaking bihirang magsimba.Dati-rati'y hindi inaalintana ng isang agwador, si
Diego, kung wala O mayroon mang pari angSan Roque, ngunit nang mabalitaan niyang ang kura
ngayo'y si Padre Gonzalo, natigatig siya. Kura napala ngayon sa San Roque si Padre Gonzalo.
Narinig na niyang pari ito ngunit hindi niyakailanman inasahan na sa San Roque ito madedestino.

Akalain ko ba, akalain ko ba!" nasabi ng agwador na bagama't Diego nga ang pangalan aylalong
kilala sa San Roque sa taguring Egong Laki. Malaki siyang lalaki, may anim na talampakan angtaas,
maitim at may nakangising mukhang sa unang malas pa lamang ay mahihinuhanang pagmumulan ng
di mabilang na kaharutan -kung ang kaharutan ay maaari pang sabihin sa isangkasinlaki niya, sa
isang katulad niyang malapit nang maglimampung taong gulang. Nakatira siya saisang pagkaliit-liit na
bahay, kung bahay na matatawag ang kanyang tinitirhan, na parang isang

kahon lamang na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy. Siya ang pangunahing agwador sa San Roque;
maymapagbiro pang nagsabi na kaya raw itinayo ang posong tumutulo rito (patuloy ang tulo ng
posokahit hindi binobomba)
ay dahil sa kanya. Mula pagkabata’y agwador na si Egong Laki.
Kung
minsa’y nagiging tagasibak siya ng kahoy, tagapitas ng mangga

Page 1 of 8
(iyo’y
noong malinaw pa angkanyang mata), utusan sa kung anu-anong gawain ngunit ang pag-igib ang
talaga niyangikinabubuhay. Siya ang nagluluto kanyang pagkain at siya ang naglalaba ng kanyang
damit, Ulila nasiya sa magulang at wala sinumang nais tumunton sa kanya bilang kamag-anak."
Takang-taka si Egong Laki sa pangyayaring si Padre Gonzalo ang kura ngayon sa San
Roque."Agwador lang iyan noong araw," sa harap ng ilang kabataang agwador sa poso ay
sinabiniya." Diyos ni Egong Laki, akalain ko ba!""Hindi ako naniniwalang nag-agwador si Padre
Gonzalo," tutol ng isang binatilyo sa lolo ngmga agwador." Di ako naniniwala, Egong.""Ako rin, hindi
naniniwala, Egong.""Ako rin.""Hindi kami naniniwala, Egong.."Mula sa pagkakaupo sa kanyang balde
na pinakamaganda ang tatabnan sa lahat ng agwador,tumayo si Egong Laki. "Di kayo naniniwala?"
kumukumpas at nanlalaki ang mga matangtanong niya. "Di kayo naniniwala?"
”Di sabi, e. Hindi!”
Kinambatan ni Egong ang mga agwador. "Halikayo," yakag niya. Sumunod sa kanya angmaliliit at
nagkakatuwaang agwador. Lumapit sila sa sementadonng katawan ng poso na haloshanggang
baywang ni Egong Laki at hanggang dibdlb ng mga batang agwador. Sa sementadongkatawan ng
poso ay nakaukit ang maraming pangalan, karamihan ay mga pangalanng mga di kilala nang
agwador. Iniiukit ng mga agwador ang kanilang pangalan noong sariwa pa angsemento sa katawan
ng poso. Sa taas ng may apat na sulok na katawan ng poso ay nakaukit samalaking titik ang
pangalan ni Egong. Noon pa marahil ginagawa ang poso sa San Roque aysiya na ang prinsipe ng
mga agwador."Ang 'alan mo ang nandito," sabi ng isang pipitsuging agwador."Wala ang kay Padre
Gonzalez."
"Gago,' sabi ni Egong sa pipitsuging agwador. ”Gonzalo, Gonzalo, hindi Gonzales, gago.
Hindipa siya pari noon, agwador pa lang, Gago."Malabo ang kaliwang mata ni Egong Laki kung kaya
halos idikit na niya ang ubod ng lakingmukha sa katawan ng poso sa paghanap sa pangalan ng noo'y
hindi pa paring si Padre Gonzalo. Isangaraw nang malaki na siya, samantalang natutulog sa lilim
ng isang punong bunga, nabagsakan siyasa kaliwang mata ng isang nalaglag na bunga. Mabuti't
hindi siya nabulag."Eto, eto'ng 'alan niya," sabi ni Egong Laki at itinuro ng matabaat malaking daliri
ang isang pangalan sa dakong ibaba ng poso. "Ano, ' naniniwala na kayo?"Nakaukit sa kaiba-
ibabaan ng poso ang pangalang
G. Manuel
. Parang kinurusan angpangalang iyon; talagang kinurusan iyon ni Egong

noon pa man sapagkat ayaw niyang maukit sa monumento ng mga agwador -ang pangalang
G.Manuel."Ba't may krus?" tanong sa kanya ng isang bangas na agwador.
”Pa’no pari, na
siya, gago.
” sabi nina Egong. Noon pa lang gusto na niyang magpari. Nang tumigil
siya sa pag-aagwador, naging sakristan siya ni Padre Peleks, ang pari rito bago si Padre Gusting.
Naniniwala na kayo?”

"Naniniwala na kami, Egong. Ikaw naman, pwede ka rin sanang pari, kaya lang
grade three

Page 2 of 8
lang ang inabot mo, madalas ka pang nalagpak, at kalaki-laki mo na'y gago ka pa."Kumaskas ng
takbo ang nagsabi niyong pipitsuging agwador."Hayup," pahabol na sigaw sa kanya ni Egong Laki.
papuntahin mo nga rito ang ama mo't nangmaingudngod ko'ng nguso sa poso. Hala, papuntahm
mo.Masama ang bunganga ni Egong Laki ngunit talaga lamang siyang gayon. Hindi naman
siyalumalaban kapag hinahamon ng mga ama ng ipanghihir mga batang minumura niya. Palabiro
lamangsiya at harot talaga. Kahit na matanda na'y parang isip bata pa siya. Nakalakhan niya marahil
angkanyang kaharutan.Nang ipadala ni Padre Felix si Gonzalo Manuel sa seminaryo, marami sa mga
taga-San Roqueang naniniwala na ito ay makatatagal doon at magiging pari nga. Ulila na sa
magulang si Along; kahitmalupit ang nag-ampon ditong si Nana Petua, isang matandang dalaga, ay
sakdal baitpa rin ito. Tahimik itong bata at ni sinuman sa San Roque ay hindi nakatatandang
nakipagbabag itokahit minsan.Si Egong Laki ang malimit noong mamuwisit kay Along."Doon ka sa
huli ng pila," tila militar na iuutos niya kay Along kahit ito na ang sasahod.Susukut-sukot namang
kukunin ni Along ang dalawang balde at pupuwesto sa hulihan ng plla."Akin na 'ng laman ng balde
mo," tila gobernador-heneral na sisinghalan niya si Along kapagayaw na niyang maghintay ng
pagkakataong sumahod, at puno na ang mga balde ni Along. Isasalinniya sa kanyang balde ang
kinumpiskang tubig ni Along. Hindi ito tututol; buong kahapisangpanonoorin lamang nito ang
pagsasalin niya ng tublg.'Kanawan mong balde ko," tila isang heneral de giyerang imamando niya
kay Along kapagtinatamad siyang maghugas ng balde at ayaw ng kanyang suki na may makikitang
dumi sa tubig naihahatid niya. Kakanawan nga iyon ni Along. Ito na rin ang masasahod ng kanyang
balde at tilaaliping hihintaying mapuno ang mga iyon. Tatawagin na lamang siya ni Along, "Egong
puno na angbalde mo," kapag lumiligwak na ang tubig sabalde niya.Walang hindi sinunod si Along sa
kanyang mga utos noon basta't hindi masama. Kaya lamangsumusuway si Along ay kapag inaakala
nitong kasalanan na ang kanyang ipinapagawa.'Nasa'n ang bayabas?" uusisain halimbawa ni Egong
ang gustung- gusto niyang bayabas-kalabaw ni Tandang Doro na kanyang ipinananakaw kay Along.
Nasa tapat lamang ng poso ang malaking bakuran ni Tandang Doro; nasa daang iyon patungo sa
sementeryo ng San Roque. Ang posoay nakatirik sa isang krus na daan, isa ang naglalagos sa
luwasan at hulo, at isa nama'y nagmumula samay ilog at patungong sementeryo."Ayaw kong kumuha
roon," isasagot ni Along. "Kung gusto mo, ipanghihingi na lang kita saiba."

“Gusto kong bayabas ni Doro.”


"Egong, ayaw kong magnakaw."Minsa'y itinulak nga niya sa kanal na malapit sa poso
ang sumusuway na alipin. Hanggangbaywang na lumubog si Along sa sakdal- lapot na putik, ngunit,
hindi ito kumikibo, tiningnan lamangsiya. Naghihintay lamang ito ng pagkakataong makapagbanlaw
sa poso. Umiiyakito habang naghihintay makapagbanlaw, ngunit pati pag-iyak ay ipinagbabawal ni
Egong Laki."Huwag kang iiyak," banta sa kanya ni Egong Laki. "Huwag kangiiyak."Inihinto nga ni
Along ang pag-iyak.Hindi lamang ito ang kanyang ginagawa noon kay Along. Naging magkaeskwela
sila ni Along,inabutan siya sa ikatlong baitang. Kahit hindi nakikipagbabag sa eskwela si Along,
pagtapat niya sabahay ng nag-ampon ditong si Nana Petua. "Hayan ho si Along. Nakow,
nakipagbabag ho!"Sa harap ng bahay ni Nana Petua, habang nakakubli sa bakod na kawayan,
buong katuwaan niyarigpakikinggan ang bunga ng kanyang pagsusumbong."Nakipagbabag ka nga
ba?""Hindi po, Inay Petua, hindi po.""E, ano ang isinusumbongniEgong? Nakipagbabag ka nga,
ano?""Hindi po totoo iron, Inay Petua, hindi po totoo."Muling sisigaw si Egong Laki. "Totoo po Nana
Petua, nakipagbabagsi Along!"Papaluin na ni Nana Petua si Along. Saka pa lamang uuwi si
EgongLaki."Haw, haw, haw," tutop ang tiyang tatawa siya.Kinabukasan sa eskwela, hindi siya makibo ni
Page 3 of 8
Along. Takot sakanya si Along. Hanggang langit ang takot nito sa kanya."Ang bagay sa iyo, Along,"
minsan tuloy ay nasasabi niya kayAlong, ang bagay sa iyo'y magpari. Magpari ka."Hindi akalain ni
Egong Laki na magkakatotoo ang sinabi niya. Pari na ngayon si Along ---PadreGonzalo na ang tawag
dito at nakatira malaking slmbahan ---samantalang siya, siya
’y agwador p
a rin,nakatanghod pa rin at maghapong nagbabantay sa tumutulong poso.

Ang ginagamit na sasakyan ng yumaong Padre Agustin sa pagpunta sa mga pook na saklaw
ngparokya ay isang luma at kakarag-karag na kotse. Hindi kotse ang ginagamit ni Padre Gonzalo.
Sahalip isang segunda manong
scooter
ang ginamit niya. Madalas na makita sa San Roque siPadre Gonzalo na naka-scooter, at sa
malabong paningin ni Egong Laki, habang sinasapik-sapik nghangin ang puti niyang sutana, tila ito
isang mayabang at namamayagpag na hinete na nagpapatakbong isang mayabang at may pakpak
na kabayo.

Akala mo, heneral de dios," nagkukukotang kaloobang nasabi ni Egong Laki minsang maypasan siya
at sinalipadparan siya ng alikabok ni Padre Gonza.lo.. "Mabangga sana., mabangga sanaang heneral
de
dios.”
Isang .araw, nahull siya. ng pipitsuging agwador na nagpapangitngit na nakatingin sanagpapalipad
ng alikabok na si Padre Gonzalo."Wala ka lang iskuter nooter mater kaya ka naiinggit," sabi sa kanya
ng agwador nahumandan tumiplad. "Wala ka lang koter de moter de la bigay simbahan. Naiinggit ka
lang.""Ba't ako maiinggit?" singhal ni Egong Laki. "Ba't ako maiinggit? Kahit yata sanlibong
kotermoter?""Bakit hindi? Noong maluwas aka sa Menila.""Naluwas ka na ba?""Oo.""Kow, e wala pang
iskuter noon, hindi pa naiimbento. Naiinggit ka lang.'"Lumayo ka sa akin, Hudas. Ingungudngod ko
ang ngusong-baboy ng ama mo rito hala."Tumiplad ang takot sa higanteng agwador. "Iskuter ng
langit, motorsiklo ng langit, si EgongLiit, naiinggit.'Malaki ang itinahimik ni Egong Laki mula nang
dumating si Padre Gonzalo sa San Roque. Kunggabi'y hindi na siya lumalabas sa kanyang ulilang
bahay; hindi na rin siya nakikipagkwentuhan sa mgakabataang agwador na kahit iningungudngod
niya ang nguso ng mga ama ay hinahanap pa rin niyadahi1 sa kanyang mapangulilang pamumuhay.
Iyon lamang ang libangan niya kung gabi; angmakipaghunta sa mga apo niyang agwador. Siya ma'y
hinahanap din ng mga kabataang agwador."Sa'n kaya naroon si Egong?" itinatanong ng mga
agwador.""Humahanap ng anting-anting," may sasagot."Aaanhin naman niya ang anting-
anting?""Gagamitin siguro sa pagbili ng iskuter. Alam naman si Egong mahilig sa abra-
kadabra."Mahilig nga sa pagbibida ng tungkol sa kababalaghan si Egong. Sa kanya naririnig ng
mgabatang agwador ang bida tungkol sa gaholeng puting baton na hindi mahila kahit ng pitong
kalabaw,sa kanya rin nakaririnig ang mga agwador ng tungkol sa gabi na halos sinlaki ng Bundok
Arayat. Sa kanya rill naririnig ang tungkol sa dumarapang kawayan sa bakuran niTandang Doro at
ang may malaking tabakong kapre na nagpapadapa rito. Sa kanya rin naririnig ngmga kabataan ang
tungkol sa isang mahiwagang asoge na nakukuha lamang sa isang mahiwagangbiyak bato sa isang
mahiwagang gubat. Kailangan pang makipagbuno ka saisang mahiwagang espiritu bago mo makuha
iyon - na kapag ipinahid mo sa katawan ay mahiwaga kanang makalilipad. Sa kanya rin naririnig ang
Page 4 of 8
pagkakahulog ng perlas mula sa puso ng saging na kapagnakuha mo, matapos makipagbuno sa
mga espiritu at isinubo, ay hindi ka na makikita.Ang totoo, niloloko lamang sila ni Egong. Isang
gabing madilim at umaambon, ay nahiga siya saibabaw ng isang nitso sa matalahib na sementeryo
sa tabing daan, ngunit iyo'y upang takutin lamangang mga tindera ng dalag na uuwi mula sa
San Fernando. Ginulat niya ang mgaito, nagbagsakan ang mga sunong na banyera at nagtitili at
halos magkandaihi sa pagtakbo.

Nagsisisisi Egong sa abenturang iyon


, hindi lamang niya sinabi."Nasaan si Egong?" tanong ng isang bagong dating na agwador."Nasa
simbahan, nangungumpisal," may sumagot. .Nagtawanan ang mga agwador. Ni hindi nagsisimba si
Egong Laki, mangumpisal pa.Nagtawanan sila ngunit hindi nila alam, nang gabing iyo'y nasa
simbahan si Egong at maymahiwagang binubutingting doon.Kinabukasan, araw ng Linggo, hindi
tumugtog ang kampana. Nagtaka si Padre Gonzalo atnagtaka rin ang mga nagsisimba, lalo na ang
mga Hijas de Maria, kung bakit hindi tumugtog angkampana. Kinausap ng matanda ang binging
kampanero."May lumagot ng tali," sigaw ng binging kampanero. "Natatakot akong akyatin at baka
akomahulog.""Sino kaya ang lumagot ng tali?', Kunot-noong naitanong ng parisa sarili.
Hindi nila alam na si Egong Laki ang Iumagot at kumuha ng taling... lubid niyon.
Tinulungan ni Padre Gonzalo ang kampanero sa pagkabit ng bagong tali. Siya ang umakyat
sakampanaryo. Mula naman sa ibayo ng kalsada, sa likod ng datig na halamang santan, pinanonood
nilasi Egong Laki."Haw, haw, haw," tutop ang tiyang tawa ni Egong Laki. Saka pa lamang siya
nagbalik sakanyang nakasahod na balde. "Haw, haw, haw." Tawa pa rin niya nang naroon na siya sa
paso.Malapit lamang ang simbahan sa poso. lsang hapon, nakapaghatid si Egong ng tubig sadakong
luwasan. Sa labas ng bakod, nakita niya si Padre Gonzalo na nagtatanim ng kung anonghalaman sa
harap ng simbahan. Hindi nakuhang lumaki ng mga papayang itinanim ng pari, gayongwala namang
kumakain ditong kambing. Nagtaka si Padre Gonzalo; sa Parokya ng San Fernando, nahuli niyang
kinadestinuhan tumutubo ang lahat ng papayang kanyang itanim. Diyos ko, bakit kaya ritosa San
Roque ay ayaw tumubo ng kanyang papaya?"Bakit kaya namamatay ang papaya ko?" himutok ni
Padre Gonzalo. Dinidilig ko naman pero bakit
nalalanta?” Tumingala
sa langit si Padre Gonzalo, nag-iisip, waring hinahanap sa mapuputi atmatataas na ulap ang
kalutasan ng isang misteryo.


Hindi nga makabubuhay ng papaya si Padre Gonzalo. Kung gabi, tuwing magkakaroon
ngpagkakataon, pinupuntahan iyon ni Egong; dahan- dahan niya iyong binubunot. Hindi naman
niyaiyon binubunot nang todo; dahan-dahan lamang niyang inaaangat ang mga ugat. Naririnig niya
itonglumalangitngit."Haw, haw, haw," tawa sa sarili ni Egong kapag nakikita niyang may hawak na
regadera angparing nakaputing sotana at dinidilig ang mga papaya.

Haw, haw, haw. Ang papaya ng pari, angpapaya ng pari, haw, haw, haw, ayaw tumubo."Nagkatotoo
ang hula ng mga manang na ipagagawa ni Padre Gonzalo ang lumang simbahanisang araw,
nanundo ang pari ng mga karpintero. Giniba nila ang kaliwang bahagi ng simbahan.Kulang ang ang
Page 5 of 8
pondo ng simbahan kaya iyon muna ang ipagagawa. Naroon si Egong sa ikatlongaraw ng bayanihan.
Tinaon niyang wala si Padre Gonzalo; nagsalita ang pari sa isang pulong ngSamahan ng mga
Katolikong Kabataan (SKK) sa San Roque. Habang nagtatalumpati ang pari tungkolsa kabutihan
at kababaang-loob at maamo ang matang nakikinig ng mga kabataan, ninakawnaman ni Egong ang
alak na ginagamit sa misa.Mabuti'y may naitatagong ekstrang alak si Padre Gonzalo; kung wala,
wala siyang magagamitsa komunyon. lninom ni Egong ang alakniyang pinuslit sa simbahan."Haw,
haw, haw," tawa niya nang nakahiga na sa kanyang bahay at iniuugoy ng sarap ng alak."Ang sarap
ng alak ng pari. Espesyal. Haw, haw, haw."Ngayo'y nababahala na si Padre Gonzalo sa mga
nangyayari sa simbahan. Sino kaya anggumagawa niyon? Sino kaya ang nagbibiro sa kanya? Kung
hindi lamang bawal sa isang pari angmaniwala sa maligno, Diyos ko baka naniniwala na si Padre
Gonzalo.May mga misteryo pang nangyari kay Padre Gonzalo, isang pares ng kalapating
imported
nabinalak niyang iregalo sa Obispo nang kaarawan nito ang isang gabi'y bigla na lamang kinain ng
laho.Nakawala kaya iyon? Paano makakapasok ang pusa?

Inihaw iyon ni Egong Laki sa kanyang sasandakot na bahay."Haw, haw, haw," tawa ni Egong na
nang mabusog sa inihaw na kalapati ay nahiga sa sahig nakawayan at tinutop ang tila puputok na
tiyan. "Ang kalapati ng pari, ang sarap ihawin, haw, haw,haw."Nag-alaga rin ng isang pares na
dagang kuneho ang pari, ngunit hindi nagtagal, parang siniloito ng isang may matalas na kukong
maligno. Nilitson iyon ni Egong Laki sa kanyang lunggang bahay."He-he-he," tawa ni Egong na
humiga rin at tinutop ang tiyan.
“An
g tainga ng kuneho ng pari,he-he-he, ang sarap na lutuin."
“Hin
di na malaman ngayon ni Padre Gonzalo kung ano ang gagawin. Isang araw nga, samapilit na
mungkahi ng sakristan, nang lumuwas ng Maynila ay bumili siya ng isang
police dog
. Iyo'ypinainom niya ng gatas at pinakain ng tirang karne. Lumaki ang

police dog
. Tatahul-tahol na ito sa bakuran ng simbahan at kay lakas tumahol.Ngunit isang gabi, bagu-bagong
sumikat ang buwan, narinig na lamang ni Padre Gonzalo angnagmamakaawa at nagpapasak
kingking ng aso. Bumangon siya; ngunit ang tangi niyang inabutan ayang patalilis na anino ng isang
malaking lalaking nakahubad. Kalong niyon ang kanyang malaking aso.Kinabukasan sa gilid ng
simbahan, nakakita ng isang pandesal na kung anong may pampalamangpampatulog.Para nang
nakita ni Padre Gonzalo na kinuba ang kanyang ago. Gayunman, ngayo'y mayhinala na siya sa kung
sinong
lumagot ng tali

ng kampana, bumunot ng kanyang tanim na papaya,kumuha ng kanyang

kinatas na ubas na alak, at nagnakaw ng kanyang kalapati at kuneho.


"Diyos ko," nakapikit at nakatingala sa langit na dalangin ni Padre Gonzalo. "Mali po sana angaking
hinala."Tumahimik si Padre Gonzalo. Ngunit hindi pa lumulubay si Egong Laki. Isang
Page 6 of 8
hapon, nangmakita niyang naghahandang lumabas sa simbahan ang pari, nag-umang siya ng isang
pirasong kahoyna may tatlong pako sa dadaanan ng iskuter nito. Tinakpan niya iron ng alikabok. Sa
poso,hinintay niya ang pagdaraan ng iskuter ni Padre Gonzalo. Kunwa'y nagkanaw siya ng balde
nangdumarating ang kura.Blag! Una niyang narinig ang malakas na putok at nang lumingon siya'y
nakita niyangumiskiyerda ang iskuter. Bumalandra iron sa isang bakod na alambreng may tinik.
Tumilapon atsumalya si Padre Gonzalo. Nagsuguran ang mga nakakita sa pari. Nanghilakbot at
tumili angilang nakakitang babae. Tanging si Egong ang naiwan sa poso. Binuhat ng dalawang
batang agwadorang pari. tumutulo sa noo ng pari ang ilang
mahabang guhit ng dugo. Iyo’y pi
napahid ng hindimakapagsalitang pari. Alam niyang siya'y may nasagasaang pako."AIin po ang
masakit, Padre?""Paano po bang nangyari?""Pinako!" anang pipitsuging agwador na dala-dala ang
piraso ng kahoy na may pako." Walang galang naman ang gumawa niyon,
” anang i
sang batang babaing nakatirintas atnakaputing damit. Kagagaling nito sa simbahan."Hindi na
iginalang si
Father
. Mapunta sana sa kumukulong langis." ,Umakbay si Padre Gonzalo sa dalawang maitim na hubad
barong agwador. Nakatingin siya kay Egongna nakaupo sa baldeng poso. Patuloy na umaagos ang
dugo sa kilay ni Padre Gonzalo.May kung anong nadarama si Egong habang tinitingnan siya ni
Padre Gonzalo. Hindi, hindinaman gayon ang inaasahan niyang mangyayari

sa kura. Gusto lamang niyang biruin ito,paputukin ang goma ng iskuter,

pagtawanan, tama na
. Iyon lamang ang gusto niy,a. Ngunitnasugatan ang pari.Napadukmo si Egong Laki sa hanggang
baywang na katawan ng poso. Ibig niyang ibangag ditoang kanyang ulo.

Hindi sinita ng kura si Egong. Nagpahatid ang kura sa simbahan. Doon ay ginamot ng ilangHijas de
Maria ang sugat niya sa noo.Ginabi na naman si Egong sa pag-igib nang araw na iron. Marami ang
nagpapaigib sa kanyangunit ayaw niyang makipagsiksikan sa pila. Halos mag-aalas-otso na ng gabi
ay nasa poso pa rin siya.Tahimik siya at matamlay. Talagang hindi niya gusto ang nangyari kay
Padre Gonzalo.Hindi niya iyon sinasadya.Madilim sa poso sa gayong oras ng gabi. Humuhuni ang
mga kuliglig, nagliliparan ang mgapaniki. Naghatid na si Egong ng tubig sa luwasan, ngunit may
nagpapaigib pa sa kanya roon.Madilim sa bakuran ni Tandang Doro, ang bakurang sinasabi niya sa
mga agwador na maydumarapang kawayan. Dating hindi natatakot umigib si Egong, ngunit ngayong
gabi, pagkaraan ngnagawa niya kay Padre Gonzalo, ay waring kinakabahan siya. Tinampal niya ang
kumakagat na lamok.Bukas na niya ng umaga dadalhan ng tubig ang isa pang
nagpapaigib sa kanya. Bukas na…
Narinig niya ang pagkokak ng mga palaka sa ilalim ng mga bato sa paligid ng poso. Narinig niyaang
pagkikiskisan at pagbubulungan ng hangin at ng mga dahon. Sa katapat na bakuran ni TandangDoro
sa maitim na puno.roon, sarisaring anyo ang tila nakikita niya: parang pinanonood ng mga ito.Aywan
kung dinadaya lamang siya ng kanyang mga mata, may nakikita siyang maputi roon,pagkatapos ay
biglang mawawala, pagkaraan ay lilitaw na naman at mamasdan siya. Naririnig niyaang tibok lng
Page 7 of 8
kanyang puso. Tinampal niya ang lamok. Ngayo'y malapit ng mapuno ang isa niyangbalde. Isang
balde na lang...Nakaupo si Egong Laki sa kanyang balde nang sa kalsada, mula . sa hulo, ay may
makita siyanglumalakad na nakaputi. Sa simula'y tinangka niyang huwag tingnan iiyon, ngunit hindi
siya nakatiis nadi tingnan iyon
sapagkat iyo’y dumarating at papalapit sa kanya. Naalala niya ang mga
imahen sasimbahan. Malayo pa ang dumarating ay parang may naaamoy na siyang amoy-simbahan.
Bakitparang may pasan ang dumarating? Kinusot niya ang kanyang mga mata. Krus? Diyos ko, bakit
parangmay pasang krus ang dumarating? Muli niyang kinusot ang kaliwang mata. Tila may pasang
krus ngaang nakita niyang dumarating. Kumaluskos ang pinong bato sa may poso habang ito'y
lumalapit...Hindi makatinag si Egong sa kinauupuang balde. Nanlalamig siya. Ibig kuminig ng
kanyangkatawan. Tumigil ang nakaputi sa kanyang tagiliran, may isang dipa ang layo sa kanya.
Tiningala ito niEgong."Padre " nasabi niya nang makilala ang nakaputing lalaki.May benda sa ulo ang
butihing kura. Kagagaling nito sa hulo ng San Roque upang magbigay nghuling sakramento sa isang
patawirin doon. Naglakad lamang ito sapagkat nabutas nga ni Egong anggoma ng iskuter.Parang
itinulos sa pagkakatayo ang kura sa tabi ni Egong. Nakayuko ito, magkadaop angnakababang
kamay."Padre..."Hindi itinuloy ni Egong ang sasabihin. Lumiligwak ang tubig sa kanyang balde. Sa
kanyangbalde nakatingin ang kura. " Ako'y nauuhaw."Kinilabutan si Egong sa malalim na tinig na
iyon. Nakatingin pa rin sa pari, naalala kung sinoang nag'sabi ng mga katagang iyon. Kinapa niya ang
tatabnan ng kanyang balde at iniangat iyon.Ngunit hindi yumuko ang kura upang uminom sa tubong
tinutuluan ng tubig."Painumin mo ako, Egong. Nauuhaw ako.""Opo, Padre."Kinuha ni Egong ang isa
niyang baldeng walang laman. Isinahod niya iyon at kinanawan.Kumilos ang pari. Bumaba ang
maputing manggas ng sotana nito sa tatabnan ng balde. Halos madikitsi Egong sa kura. Naamoy
niya ang sotana ng pari. Amoy bendita at amoy insenso iyon.Amoy-rebulto rin iyon.Dalawang kamay
na itinaas ng kura ang balde. Uminom ito sa mga labi niyon. Pagkaraa'yibinaba nito ang balde, na
inabot naman ni Egong."Salamat." Mahina ngunit buo ang tinig na sabi ng kura.Napaluhod si Egong
sa basang semento. Dalawang kamay na napahawak siya sa sotana ngpari."Padre ako po ang...
naglagay ng pako..."Kinabukasan, namangha ang mga agwador sa kakatwang katahimikan ni Egong
Laki. Ni hindinila mabiro ito. Hindi rin ito nagsisiksik ng balde sa pila; naghihintay ito ng pagkakataong
sumahod."Sa'n mo dadalhin iyan, Egong?" tanong ng pipitsuging agwador ng pansanin na ni Egong
angkanyang kargahan."Sa simbahan.""Simbahan?""E, bakit?""Dadalhan ko ng inumin si
Padre Gonzalo," ani Egong. "Mula ngayon, ako na ang tagaigib niyang inumin."

Page 8 of 8

You might also like