You are on page 1of 4

N1

Lagpas dalawang bagyo, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility nitong Hulyo – H1

Philippine Area of Responsibility, papasukan ng tatlo hanggang apat na bagyo ngayong ika-pitong buwan
nitong taon.

Lead: Nagbanta ang mga eksperto na mapaminsala at malakas ang mga bagyong inaasahang darating sa
Philippine Area of Responsibility (PAR) sa buwan ng Hulyo dulot ng climate change.

Ayon kay Benison Estajera, climatologist ng Pagasa, inaasahang tatama sa lupa ang mga bagyo sa
mainland Luzon at Eastern Visayas.

Dagdag pa niya, ang mga papasok na bagyo sa Hulyo ay paiigtingin ng habagat.

N2

Pangulong Ferdinand Marcos , ‘di pa gumawa ng wakas na desisyon tungkol sa pakikipagsundo sa


America para tanggapin sa bansa ang mga Afghan Nationals.

President Marcos, ibinahagi na patuloy pang pinag-aaralan ang impact ng pagtanggap sa mga Afghan
nationals at wala pang ginawang pakikipagsundo sa America.

Hindi pa gumawa ng pangwakasang desisyon si Pangulong Marcos tungkol sa pakikipagsundo sa


Amerika para tanggapin sa bansa ang mga Afghan nationals sa kadahilang patuloy pang pinag aaralan
ang epekto nito.

Ayon ni Marcos sa isang interbyu sa Paranaque City, titingnan niya kung may paraan na maisagawa ito
nang hindi nalalagay sa panganib ang Pilipinas.

Samantala, kinilala ni Marcos ang maraming isyu na kasangkot tulad ng seguridad, legal at logistic.

N10

Department of Trade and industry, kumokontra sa pagbebenta ng lato-lato sa kadahilanang wala itong
certificate of product notification.

Pagbebenta sa sikat na laruang lato-lato, gustong ipagbabawal ng Department of Trade hanggat


magkaroon ito ng certificate of product notification.

Salungat ang Department of Trade (DTI) sa pagbebenta ng mga lato-lato sa Mercado sapagkat wala pa
itong certificate of product notification.

Ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Hunyo tatlumpo, wala raw certificate of product
notification ang sikat na laruang lato-lato.

Samantala, ayon ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kung may certificate ang Food and Drug
Administration na nakalagay na walang certificate of product notification ang lato-lato, hindi dapat
ibebenta ito sa Mercado.
N5

Senate President Juan Miguel Zubiri, iginiit na ‘di kinakailangang magsagawa ng loyalty check ang mga
senador upang mapatanunayan ang kanilang suporta.

Loyalty Check sa mga senador, hindi importante ayon ni Senate President Zubiri.

Igiinit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi na kailangang magsagawa ng loyalty check ang
mga senado sa kabila ng mga planong patatalsikin siya sa kaniyang posisyon.

Aniya, nagsisilbi siya base sa kagustuhan ng mga kapwa senador.


Dagdag pa niya, hindi kailangan na patunayan pa ang suporta sa kanya ng kaniyang mga kapwa
senador.

N6

Mahigit dalawampu’t limang libong mga botante, binura ng Comelec sa voters list.

Commission on Elections, tinanggal ang lagpas dalawampu’t libong mga botante.

Nilinis ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang listahan ng mga botante sa dahilang ito’y mga
duplicate, pumanaw na o lumipat na ng lugar.

Ayon ng ahensya, ginawa nila ito upang ihanda ang darating na Sangguniang Kabtaan o SK elections
nitong Oktubre.

Samantala, bahagyang nasa tinatayang 25,440 records ang naibura mula sa National Lists of Registered
Votes.

N7

Pag-alis ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), iginiit ng mga mambabatas upang maiwasan
ang mga krimen na maidulot nito.

Mga mambabatas, muling nanawagan na aalisin ang POGO sa bansa.

Muling iginiit ng mga mambabatas ang pag-alis ng POGO sa bansa matapos mapaulat ang kalupitang
sinapit ng ilang kidnap victims ng mga Chinese.
Natagpuan umano ang 25 suspek na sangkot na kidnapping at lima umano sa ito ay mga Pinoy.
Samantala, ang ilang mga biktima ay pinuputulan ng daliri upang takutin ang mga kamag-anak upang
magbayad ng ransom.
N9
Department of Tourism, inilabas ang bagong tourism slogan na “Love the Philippines” bilang kapalit sa
“Its more fun in the Philippines”.
“Its more fun in the Philippines” tourism sa bansa, pinalitan ng “Love the Philippines” bilang selebrasyon
sa ika limampung taon ng Philippine tourism.
Idinaos ang selebrasyon ng ika-50 taon ng Philippine tourism sa pamamagitan ng pagpalit sa tourism
slogan bilang “love the Philippines”.
Nitong Martes, isinagawa sa Manila Hotel ang paglulunsad ng bagong tourism slogan na "Love the
Philippines," na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Samantala, taong 2012 nang gamitin ang slogan na "It's More Fun in the Philippines" upang makahikayat
ng mga turista.

N8
Mga labi ng tao, pinaniniwalaang natagpuan sa mga parte ng titan sub na nawasak.
Limang tao, nasawi sa nawasak na titan sub habang sumusisid patungo sa lumubog na barkong Titanic.
Nagresulta ng pagkamatay ng limang indibidwal matapos nawasak ang isang titan sub habang sumusisid
patungo sa lumubog na barkong Titanic base sa isang pahayag ng US Coast Guard.
Ayon sa ulat ng Agence France- Presse, Ang mga medikal na propesyonal ng Estados Unidos ay
magsasagawa ng isang pormal na pagsusuri ng mga inaakalang mga labi ng tao na maingat na
nakuhang muli.

Samantala, sakay ng Titan sub ang British explorer na si Hamish Harding, French submarine expert Paul-
Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at anak na si Suleman, at si Stockton Rush.

N4

Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe, iginiit na mas dapat unahin
ang pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airpost.

Pagsasaayos ng NAIA, mas dapat unahin sa halip na ang tourism slogan ng bansa.

Iginiit ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe na mas dapat
bigyang pansin ang pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airpost kaysa ang tourism
slogan ng bansa.

Kanya itong iginiit matapos inilunsad ng DTI ang bagong slogan na “Love the Philippines” sa
bansa.

Ayon kay Poe, naiintindihan naman nila ang pagsisikap ng DOT na mahimok ang mga byahero na
bumisita sa bansa.

N3

Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB), inaprubahan ang pagdagdag ng P40 sa
mga mangagawa sa pribadong sektor ng National Capital Region.
Pagdagdag ng P40 sa sahod ng mga mangagawa sa National Capital Region, inaprunahan ng
RTWPB.
Patuloy na inaasahan ng mga minimum wage earner ang umento sa sahod sa susunod na
buwan matapos aprubado na ang pagtaas ng P40 sa kanilang sweldo.
Ayon sa Department of Labor of Employment, naglabas ang Regional Wage Board ng NCR ng
Wage No. NCR-24 noong Hunyo dalawampu’t anim.
Samantala, inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB) ang bagong
wage order na nagbibigay ng P40 arawang sahod para sa mga manggagawa sa NCR.

You might also like