You are on page 1of 2

FACT SHEET #1 - Smuggling ng Metal

 Nagreklamo ang mga lokal ng manufacturer ng mga produktong bakal laban sa umano’y talamak na
pagpapalusot ng “finished metal products” 

 Nagtataka ang mga nagrereklamo kung paano nailusot ang mga steel rods sa presyong mas mababa sa
presyo ng scrap metals.

 Ang paliwanag ng Cebu Customs sa mga nagrereklamo ay “transaction value method” ang ginamit
para malaman ang buwis at taripa sa mga imported products.

 Sa sistema ng “transaction value method” tanging dokumento lang ng shipment na nakalagay ang
presyo at notaryado sa pinanggalingan ng produkto ang kailangan. Pwedeng tanggapin na lamang ito
ng customs collector kahit na may iba pang prescribed BOC valuation methods and references para
ma-double check ang deklaradong presyo.

 “Kung seryoso ang BOC na sawatain ang technical smuggling, madali lang, kung mahigpit nilang i-
enforce ang Valuation Procedure o kaya dapat i-cross reference yan sa Metal Bulletin Weekly, Steel
Business Briefing of London o MySteel ng China kung saan makikita ang tamang presyo ng bakal o
metal,” sabi ng tagapagsalita ng mga nagrereklamo.

 Ang reklamo ay nagmula sa Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing
Association at ipinarating kina Department of Finance (DOF) Sec. Cesar Purisima at Bureau of
Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon.

 Ang Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association ay may
annual sports festival kung saan nagsasama-sama ang lahat ng mga miyembro mula sa buong bansa
para makipagtagisan ng galing sa iba’t ibang isports tulad ng figure skating at gymnastics.

 Ang inirereklamo ay isang kumpanya na naka-base sa Mandaue at mayroong maliit na steel rolling
plant. Ang kumpanya ay ang pangunahing nag-aangkat ng finished steel products tulad ng ‘smaller
sized steel wire rods’ na nirorolyo para maging ‘reinforcing steel bars’ at ibinebenta sa mga hardware
store para sa mga maliliit na construction projects.

 Ang reklamo ay nagmula sa mga local na manufacturer ng mga steel products sa Cebu.

 Ang mga ‘finished metal products’ ay ibinebenta sa mas mababang halaga kaysa sa scrap metal.

FACT SHEET #2
Ayusin ayon sa wastong pagkakasunod and mga sumusunod na pangyayari
upang makabuo ng isang magandang balita
.

***Agad namang nakalabas ng station hospital ang 16 pang candidate soldier na


dumanas ng panghihina at dehydration at bumalik sa pagsasanay kahapon, sabi ni
Army 5th ID spokesman Col. Loreto Magundayao nang kapanayamin sa telepono.

***Umabot sa 37.5 degrees Celsius ang naitalang temperature alas-4 ng hapon sa


Quezon City.

***Ang nasawi at mga naospital aniya ay kabilang sa 350 candidate soldier na


nagsimula ng kanilang 6-buwang pagsasanay sa ilalim ng Division Training Unit
dakong alas-8 ng umaga Miyerkules.

****Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services


Administration(PAGASA), magiging mainit pa rin ang panahon sa mga darating na
araw.

***Isang lalaki na nag-aaplay bilang sundalo ang nasawi habang 16 pa ang


naospitaldahil sa matinding init na kanilang dinanas hanang nagsasanay sa Gamu,
Isabela, Miyerkules, kinumpirma ng pulis kahapon.

***At possible rin umanong umabot pa sa 38 degrees Celsius ang temperature sa Kamaynilaan.

****Ayon kay Magundayao, pumalo sa pagitan ng 37 at 39 degrees Celsius ang init


habang nagsasanay ang mga candidate soldier.

***Sa kasaysayan ng bansa,ang pinakamainit na temperature na naitala ay 42.2


degrees sa Tuguegarao City noong Mayo 1969.

***Gayunpaman, iginiit ng military official na walang pagkukulang ang Army dahil


“kumpleto” sa inuming tubig ang mga trainee at may nakaantabay pang bumbero na
bumabasa sa mga ito habang nagsasanay.

***Ayon sa pagtataya ng PAGASA, mula Biyernes hanggang Lunes ay posibleng


pumalo sa 38 degrees Celsius ang temperature sa Tuguegarao.

***Samantala, habang lumalapit ang inaasahang tag-ulan ay naitala kahapon sa


Metro Manila ang pinakamainit na temperature ngayong taon.

You might also like