You are on page 1of 3

EDITORIAL WRITING (FILIPINO)

Nararapat na bang ipagwalang-bisa


ang libel sa Pilipinas?
Sa ilalim ng Seksyon 4, Artikulo III, "Walang batas na dapat ipasa na pinaikli ang
kalayaan sa pagsasalita, pagpapahayag, o ng pamamahayag,” isang
garantiya ng Konstitusyon upang magkaroon ng malayang pagpapahayag at
kalayaan sa pamamahayag.

Sa bisa nang pagkakapasa ng R.A. 10175 o ang Cybercrime Law ng 2012 na


nagbigay ng sanggunian sa Art. 355 ng Revised Penal Code na nagpaparusa sa
cyber libel, ang banta sa karapatan ng ating mga mamamayan sa malayang
pagpapahayag at malayang pamamahayag ay naging mas seryoso.

Noong Disyembre 13, 2022, naghain si Senadora Risa Hontiveros ng panukalang


batas na naglalayong i-decriminalize ang libel. Ang anunsyong ito ay kasabay
nang paghatol kay Baguio City journalist at Rappler contributor Frank Cimatu ng
cyber libel na inihain ni dating agriculture secretary Manny Piñol, na nagmula sa
isang post sa Facebook noong 2017.

“Sa paglaganap ng “fake news” sa social media, dapat nating protektahan ang
propesyon ng pamamahayag at siguruhing hindi nito mamamantsahan. Kung
mabigo kaming gawin ito, kung hahayaan namin ang aming mga batas na
parusahan sa halip na protektahan ang pamamahayag, tinatanggal namin ang
aming mga karapatan sa Konstitusyon. This will cost us our democracy,” dagdag
pa ng Senadora.

Matatandaan din na noong 2014, inihain din ng dating senador na si Ralph Recto
ang Senate bill no. 2146, na naghangad na i-decriminalize ang libel, na
nagsasabing ito ay isang kasangkapan laban sa kritisismo. Sa kasamaang palad,
ang panukalang batas ay hindi man lang nakahatungtong sa antas ng komite.

Sa Universal Periodic Review ng United Nations noong Nobyembre, hinimok ng


Canada ang Pilipinas na amyendahan ang Revised Penal Code (RPC) at
cybercrime law para i-decriminalize ang parehong libel at cyber libel.
Mayroong hindi bababa sa dalawang uri ng libel sa Pilipinas: ang isa sa ilalim ng
RPC, at ang isa sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa ilalim ng Artikulo 353 ng RPC, ang isang taong mapatunayang nagkasala ng
libel ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at magbabayad ng
multang hanggang P6,000.

Ang cyber libel, na maaaring parusahan sa ilalim ng cybercrime act, ay tinukoy


bilang libel na ginawa "sa pamamagitan ng isang computer system o anomang
iba pang katulad na paraan na maaaring gawin sa hinaharap." Sa ilalim ng
implementing rules and regulations ng batas, ang isang taong napatunayang
nagkasala ng cyber libel ay nahaharap sa pagkakakulong ng anim na taon o
higit pa, o magbabayad ng multang P6,000 hanggang sa pinakamataas na
halagang itinakda ng korte, o kapareho.

Mula nang maipasa ang batas na sumasaklaw sa criminal cyber libel noong 2012,
binasura ng mga awtoridad ng Pilipinas ang humigit-kumulang isang-katlo o
1,131 kaso ng cyber libel mula sa kabuuang mga kasong libel na inihain.

Noong Hulyo 2022, mula sa nakalap na datos ng National Union of Journalists of


the Philippines, sa ilalim ng administrasyong Duterte, 56 na mamamahayag ang
kinasuhan ng libel – 10 sa kanila ay dahil sa cyber libel.

You might also like