You are on page 1of 1

Pagpasok ng K-12, tinanggalng Commission on Higher Education (CHED) ang Filipino bilang

pangunahing asignatura sa kolehiyo, sa halip ang mga dating asignatura pangkolehiyo sa Filipino
ay inilagay sa SHS.

Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 20, na nagtatanggal sa mga
nasabing asignatura bilang "core subjects" sa kolehiyo.

Naghain ng petisyon ang mga guro sa Filipino, Komisyon sa wikang Filipino (KWF) at Tanggol
Wika upang ito ay maibalik.

Bilang tugon ay naglabas ng Temporary Restraining Order (TOR) sa pag-aalis ng Filipino sa


kolehiyo ang Korte Suprema.

Ayon ni RR Cagalingan, tagapagsalita ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), hindi


konstitusyonal ang naturang kautusan.

"Iyung pagtanggal ng Filipino ay isang paglabag sa Konstitusyon, sa Artikulo 14 Seksyon 6, ang


wikang pambansa ay nasa Filipino, at [dapat] gagamitin sa ano mang antas ng edukasyon sa
Pilipinas. Kung tatanggalin mo siya... hindi mo sinusunod ang espirito ng Konstitusyon" aniya sa
programang "Sakto" ng DZMM.

Dagdag pa ni Cagalingan, na isang manunulat, hindi umano makakamit ang hangaring


globalisasyong ng bansa kung hindi muna kikilalanin ang sariling wika.

"Meron din tayong paniwala na paano ka pupunta sa global stage kung hindi mo kilala ang sarili
mo kasi ang wika ang kaluluwa ng bayan," banggit ni Cagalingan.

At nitong Setyembre 2018, tuluyang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon at kinatigan ang
CHED.

Nakatakda na muling maghain ng petisyon ang Tanggol Wika at KWF.

You might also like