You are on page 1of 2

Huwag mong burahin ang iyong tatak

Glenn Cantomayor

Gamitin. Palawakin. Paunlarin. Mga katagang dapat ipinta sa kaluluwa ng wikang


ating pinagmulan.

Nakahandusay at naghihingalo, nakalatag sa isang banda, tila isang bagay na


walang kuwenta. Ganyan ang estado ng ating Wikang Filipino matapos tanggalin bilang
asignatura sa kolehiyo. Mismo ang kaniyang mga tao ang naglipol gamit ang mga
plumang sana’y naging instrumento sa pagyabong at pag-unlad nito.

Nakasaad sa CHED’s Memorandum Order No. 20 series of 2013 (CMO No. 20s-
2013) ang pagtanggal ng asignaturang Filipino kasama na rin ang Panitikan bilang mga
asignatura sa kolehiyo. Sunod nito ang paghain ng apila ng Office of the Solicitor
General nitong Agosto (Buwan ng Wika) patungkol sa pagtanggal ng Korte Suprema sa
Temporary Restraining Order (TRO) sa pagpapanatili ng mga asignaturang ito.

Hindi na lingid sa kabatiran ng marami na ang wikang Filipino ay ang ating


pagkakakilanlan. Ito ay isang kasangkapang nagsilbing liwanag sa pakikipagtalastasan
na nararapat nating pangalagaan. Bagama’t itinuro na ito sa elementarya at sekondarya,
marami pa ring Pinoy ang nangangailangan ng karagdagang kaalaman patungkol dito.
Sa ano-anong mga espasyo kaya hinugot ang mga rason para tatanggalin ito sa
kolehiyo?

Batay sa Saligang Batas, dapat isama sa pag-aaral ang Konstitusyon, Panitikan,


at Filipino sa anumang kurikulum sa lahat ng institusyong pang-akademiko sa bansa.
Kung tuluyang mababaklas ito, paano na ang mga estudyanteng nag-aaral na may
kaugnay dito? Paano na rin ang mga guro na nagtuturo ng Filipino? Ayon sa grupong
Tanggol Wika,isang grupo ng mga guro sa Filipino, mahigit 10,000 na guro sa buong
bansa ang maapektuhan kapag nawala nag Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Sa mga
pahayag na ito, nag-iisip ba ang gobyerno? Problema nga sa mataas na unemployment
rate ay hindi mabigyan ng solusyon, dadagdagan pa ng mga gurong naapektuhan sa
pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Sa balitang nakalap ng ABS-CBN News, si Jiyoon Kim, isang kuryana, 23 taong


gulang, ang nagtapos ng Bachelor of Arts in Filipino sa Busan University of Foreign
Studies nito lamang Agosto. Isang banyagang nag-aral at sumiyasat sa wikang hindi
naman niya kinagisnan. Mabuti pa ang isang banyaga, may nais na pahalagahan at
tuonan ng pansin ating wika. E, tayo? May balak pang tanggalin at baklasin. Isang
malaking sampal sa ating mg Pinoy ang pag-aaral ng iba’t-ibang lingguwahe kung hindi
natin bigyan ng importansya at pagmamahal ang ating sariling wika.
Sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda, lahat tayo ay mayroong maggagawa
upang Wikang Filipino ay patuloy na namumuhay sabay sa daloy ng ating buhay. Kung
sa ibang bagay nga ay kaya nating pahalagahan at mahalin, sa sariling wika pa kaya?

You might also like