You are on page 1of 6

KAGAMITAN SA PAG-AARAL

SA

PANITIKANG PANREHIYON
SINING NG KOMUNIKASYON 1

ILLYN P. MONGAS
2021

Lahat ng karapatan ay reserbado. Walang anumang bahagi ng materyal na ito ang


maaaring ipalimbag, ipalathala, o isalin sa anumang porma, maging ito man ay
elektroniko o mekanikal na kinabibilangan ngunit hindi limitado sa
photocopying, pagrerekord o pag-iimbak ng impormasyon,
siste ng pagkalap nang walang liham pahintulot mula sa

University of Southern Mindanao


Kabacan, Cotabato
YUNIT I. Mga Akdang Pampanitikan ng Mindanao
Aralin 1
1.a Si Usman, Ang Alipin
1. b Ang Kuwentong Bayan

Mga Tiyak na Pamantayan sa Pagganap


1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kuwentong bayan.
1. Nakagagawa ng sariling bersyon ng kuwentong- bayan.

ALAM MO BA?

Ang Kuwentong Bayan


Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong
panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang herenerasyon sa
paraang pasalindila o pasalita. Maraming kuwentong-bayan ang
pumapaksa sa mga hindi pang-karaniwang pangyayari tulad ng ibong
nangingitlog ng ginto o kaya’y mga anito, diwata, engkantada,
sirena, siyokoy, at iba pa.
Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang kultura, kaugalian, pananampalataya, at
mga suliraning panlipunan sa panahon kung kalian ito naisulat. May mga kuwentong-bayang
ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit sa
karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas
Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang
pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga detalyeng nagdudulot ng ibang
bersyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan bagama’t nananatili
ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan nangyari ang kuwentong-
bayan.

BASAHIN NATIN

Ang mababasa mo ay isang kuwentong bayan ng Maguindanao na tinatawag ding


Maguindanaoan, Maguindanau o Maguindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring
katawagan. Ang mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong taga- kapatagang
bahain o people of the flood plains ay itinuturing na pinakamalaking pangkat etniko ng mga
Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila sa katimugang bahagi ng Mindanao at ang kanilang
rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang lambak na napapaligiran ng matataas na kabundukan
maliban sa bahaging kanluran.isang ilog, Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng
tubig at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi ng lambak ay
nagmimistulang mababaw na lambak.
"Si Usman, Ang Alipin" (Kuwentong-bayan mula sa Maguindanao)

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampi lna isang
Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang


nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si
Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat. Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke
malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni
Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo,
nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay
dapat kitlin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang
mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad
na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang
anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate.
Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at
pakwalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa
pagsusumamo ng kanyang anak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit
hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng
lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit
ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan.
Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din. Sa
bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre
Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan
para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang
lumindol nang malakas.
Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo. Isang malaking
bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan.
Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan
ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga
naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon
ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na
pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang
matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap.
Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang
sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong
kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan. Source: Pluma na book sabi sa
article

PAGLINANG SA TALASALITAAN
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang pagsusumamo ng anak ay hindi pinakinggan ng amang sultan.
a. pagkainis c. pagmamakaawa
b. pagdadabog d. pagsigaw
_____2. Ang panangis ng anak ay hindi inalintana ng ama.
a. pag-iyak c. pagkagalit
b. pagsigaw d. nauupos
_____3. Nagpupuyos ang ama sa sobrang galit sa anak.
a. nanghihina c. galit na galit
b. nauupos d. nagmamalaki
_____4. Ang malupit na sultan ay nasawi dahil sa kanyang kasamaan.
a. nahirapan c. nasaktan
b. nasugatan d. namatay
_____5. Napagtanto ng mamamayan na mabuti ang kanilang bagong pinuno.
a. nalaman c. naitanong
b. napagpasiyahan d. napag-usapan

SAGUTIN NATIN

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga katangian ni Usman? Bakit kahit wala naman siyang kasalanan ay
ipinabilanggo siya ng sultan?
2. Paano mo ilarawan ang sultan bilang isang pinuno? Bilang isang ama?
3. Bakit nagmakaawa si Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan upang pakawalan si
Usman?
4. Paano nakaligtas ang magkasintahan sa tiyak na kapahamakan?
5. Paano nagbago ang kaharian nang sina Usman at Potre Maaseta na ang naging sultan at
sultana?

GAWIN MO

Gumawa ka ng sariling bersyon ng kuwentong bayan. Maaari mong gawing batayan


ang “Si Usman, Ang Alipin”. Sikaping maiugnay ito sa tradisyon ng inyong tribo. Isulat ito sa
iyong sagutang papel
PAGSUBOK (Aralin 1)

Isulat sa patlang ang Tama kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay wasto at Mali naman
kung ang ipinapahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang o sa sagutang papel.
____1. Si Usman ay nakatira sa isang malayong sultanato bilang isang prinsipe.
____2.Naiinggit si Sultan Zacaria sa lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang
anyong pisikal.
____3. Nakadama ng pag-big si Potri Maasita kay Usman sa unang pagkikita pa lamang.
____4. Kamatayan ang inihatol ng hari sa magkasintahang Usman at Poti Maasita.
____5. Bago makarating sa bilangguan si Usman Zacaria upang ipataw ang kaparusahan sa
dalawa ay biglang bumaha nang malakas.
____6. Tinulungan nina Usman at Potri Maasita ang mga sugatan at ang mga nasawi.
____7. Nagbunyi ang taumbayan at nagalak nang malaman nilang mabait na tao si Usman at
may mabuting kalooban si Potri Maasita.
____8. Si Usman, na dating prinsipe ay naging sultan at naging sultana si Potri Maasita.
____9. Biniyayaan ang sultanato sa ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran ng buong
kaharian
sa pamumuno ni Usman at Potri Maasita.
___10. Namayani pa rin ang kapangitan at kalupitan sa pamamahala ni Usman.

B. Suriin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang ipinapahayag
tungkol sa kuwentong- bayan ay tama at ekis (x) naman kung mali.
____1. Nagsimula na ang kuwentong- bayan bago pa dumating ang mga Espanyol.
____2. Ang kuwentong- bayan ay karaniwang makatotohanan na hango sa tunay na buhay.
____3. Nagkaroon ng ibat’t ibang bersiyon ang mga kuwentong- bayan sa bawat rehiyon.
____4. Masasalamin ang kultura, kaugalian at pananampalataya sa mga kuwentong-bayan.
____5.Lumaganap ang mga kuwentong-bayan sa pamamagitan ng pagsasaling- dila.

You might also like