You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA “POST-EGR”

Pangalan: MIKE ARAMBALA OJEDA Istatus: Estudyante


Pinuno sa Kapulungan (Cell Leader): John Lloyd Suelan Iskor: _______

1. Magbigay ng kahit tatlong bahagi ng buhay mo kung saan maipapahayag mo


ang natamong tagumpay. Ipaliwanag ang mga ito (hal. Takot sa kamatayan)
Sagot: Ang pamumuhay dito sa mundo ay maiituring na isang malaking
pagsubok at balakid sa pamumuhay kasama si Kristo. Sapagkat ang pisikal
na mundo ay hitik sa temtasyon, pagka alipin sa mga bisyo, makamundong
gawain na hindi naaayon sa kristyanong doktrina. Ayon nga sa Juan 5:24, na
kung sino ang nakikinig sa salita at maniwala sa anak ng tao ay
magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ‘di maaring husgahan
dapatwat magagapi ang kamatayan at muling mabubuhay. Ang mga bahagi
sa aking buhay na natutukoy sa katanungan ay ang mga sumusunod:
“pisikal”,natagumpayan ko sa pamamagitan nang isang panalangin sa Diyos
Ama na nagdulot ng pagkakaligtas sa isang malaking pagsubok sa aking
buhay kung saan ako ay nakaranas ng operasyon sa apendiks. Pangalawa ay
“pag-ibig”, sa isang maling desisyon na umibig sa isang tao na sa paniniwala
kong ‘di iyon naaayon sa kagustuhan nang Diyos ngunit ako’y binigyan ng
pagkakataong maituwid ang pagkakamaling iyon. Pang huli ay “propesyon”,
isang natupad na panalangin na ako ay makapasok sa Departamento ng
Edukasyon at mabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa gobyerno sa
pamamagitan ng paghubog sa mga kabataan.

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng “scripture memory” sa iyong espiritwal na


paglalakbay.
Sagot: Ang pagsasaulo ng mga bersikulo na naiiukol sa banal na kasulatan
ay maaaring ituring na “essential” sa pamumuhay kasama si Kristo na
siya’ng nagbigay ng pagkakataon sa akin upang mapa unlad ko ang aking
spiritual na aspeto.

3. Para sa iyo anu-ano ba ang mga benepisyong makukuha sa “fellowship”?


Magbigay ng tatlo at ipaliwanag ang mga ito.
Sagot: Naniniwala ako na ang pagtipun-tipon ng mga tao na may
pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay isang mahalagang
paraan upang mapa-unlad ang ating diwa ukol sa paniniwalang Kristyano.
Ayon nga sa Hebreo 10: 24-25, naipapahayag dito ang importansya ng
makikipag salamuha sa mga kapatid natin kay Kristo at ituring itong gawain
sa araw-araw at pagpapanatili ng pagkakaisa at pagpapalago sa paniniwala
at pagkilala kay Kristo, upang maisagawa ito kailangan nating gawin ang
mga sumusunod: 1. Pagpapalakas ng pananampalataya sa Diyos Ama
sapamamagitan ni kristo, 2. Pagpapaunlad ng diwa at kaisipan upang mas
maging matapang sa mga pagsubok sa buhay at pang huli 3.
Pagpapalaganap ng salita ng Diyos na mayroong buong tiwala sa sarili.

4. Kumbinsido ka ba na ang pagbabahagi ng magandang balita ay napakahalaga sa


iyong paglago bilang isang disipulo ni Kristo? Magbigay ng isang kongretong
paliwanag ukol dito.
Sagot: Opo, naniniwala ako na ang paglalahad ng katotohanan sa
pamamagitan ng salita ng Diyos ay nakakapagpapalago sa aking banal na
paniniwala sa Diyos sapamamagitan ni Kristo. Ayon nga sa pahayag sa
Mateo 28:19-20, na nabibigyang pansin ang pagkilala sa baptism, sa lahat
ng tao na naniniwala kay Kristo sa ngalan ng Ama, ng Anak at nang banal na
Espiritu at naituturo ang lahat ng nailahad ni Kristo at mga kautusan nito at
pagkakaroon ng pagtitiyak mula sa Diyos na nariyan siya hanggang sa
katapusan ng mga araw.

Isinumita ni:

Lagda

You might also like