You are on page 1of 28

MAHALAGANG KAALAMAN

NG MATATAG NA KRISTIANO

Preapared by
R.T. FORNAL

1
PANIMULA

Ang paglago ng bawat mananampalataya ay isang seryosong usapin sa iglesya ng Diyos.


Ang paglago ng mga mananampalataya ang tunay na basehan ng paglago ng isang church.
Kung ang mga mananampalataya ay hindi healthy ang paglago, hindi rin magiging healthy
ang kalagayan ng church.

Ang healthy o matatag o malusog na paglagong espirituwal ay mayroong tatlong bahagi na


dapat makita sa buhay ng bawat kristiano. Ito ay ang (1) paglago sa kaalaman, (2) paglago
sa pagsasabuhay, at (3) paglago sa karanasan.

A. Paglingon sa mga “Basic” na Aralin

Ang kalikasan ng mga aralin ay mayroong tatlong level: (1) Basic, (2) Intermediate, at (3)
Advance. Kung hindi nauunawaan ng sinuman ang “basic” o mga panimulang aralin,
sasakalin sila ng “intermediate “ o ng “advance” na mga aralin. Na kung saan, ay posibleng
isipin ng sinuman na mali ang nilalaman ng “intermediate” at “advance” na katuruan
bagamat pareho ang topic.

Sa mga araling ito ay pag-uusapang muli ang mga “basic” o panimulang aralin na bagama’t
maaaring napag-aralan na ay hindi nauunawaan. Ang malusog na espirituwalidad ay hindi
nakasalalay sa dami ng napag-aralan, kundi sa nauunawaan. Ang paglago ay hindi rin
nakabase sa kung ang mga aralin ay napag-aralan na, kundi sa kung nauunawaan ito. Ang
pangunahing dahilan kung bakit maraming mananampalataya ang hindi healthy ang
paglago, sa kabila ng maraming pag-aaral na ginawa, ay dahil sa hindi nila nauunawaan
maging ang mga “basic” na doktrina ng Biblia.

Kung ang mga “basic” na katuruan ay hindi nauunawaan, ang hamon sa paglago,
paglilingkod, at ministeryo ay parang isang pagsakal sa kanila. Sa iba naman, kung sila ay
nasa ministeryo ng paghahayo o pagtuturo, sila ay magiging mapanganib na tagapagturo
dahil wala silang pundasyon ng kaalaman.

Kung nasa area ng paglilinkod na ang sinuman, huwag bibitiwan ang paglilingkod o
anumang ministeryo. Habang nagmiministeryo balikan natin ang mga “basic” na katuruan
ng mayroong malinaw na layunin—ang maging tama at matatag ang ating paglago para sa
ikatatag ng church at sa kaluwalhatian ng Panginoong Jesus.

B. Layunin

Baguhin natin ang “score card” natin sa pagtuturo. Hindi lang basta may maituro. Alisin
natin sa “mind set” natin ang salitang “napag-aralan na ‘yan” o “naituro na ito”. Bagkus,
lagi nating itanong ang katanungang, “natutunan ba nila ang mga katotohanang ito?” Ang
layunin ng mga araling ito ay hindi lang na maituro, kundi ang maipaunawa sa bawat mag-
aaral ang mga katuruang pag-aaralan dito.

2
C. Tamang Pag-gamit Ng Mga Araling Ito

(1). Basahin at pag-aralang mabuti ang mga talatang dapat pag-aralan bilang paghahanda
bago ang araw ng pagtuturo ng nakatakdang aralin.

(2). Pag-aralang mabuti ang araling ituturo bago ito ituro. Siguraduhing nauunawaang
mabuti ang aralin bago ito ituro.

(3). Ang ilang mga pangunahing puntos ng mga aralin ay nagsisimula sa katanungan,
huwag itong itatanong sa bawat mag-aaral. Ang purpose ng mga tanong ay pagbibigay-
daan sa mga mahahalagang katotohanan na pag-aaralan.

(4). Pag-aralang mabuti kung papaano tatapusin ang aralin sa loob ng isang oras bago ito
ituro.

(5). Sa bahagi ng REALIZATION, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang natutunan at
napagtanto mula sa araling pinag-aralan. Bigyang-diin ang mga katotohanan sa araling
napag-aralan.

Nawa ay gamitin ng Espiritu Santo ang mga araling ito para sa ganap na pagkaunawa ng
mga mag-aaral sa mga basic na katotohanan mula rito, para sa ikalalago at ikatatatag sa
pananampalataya ng bawat isa, upang ang church ay maging matatag din, para sa
kaluwalhatian ng Panginoong Jesus.

SOLI DEO GLORIA

In Christ,

RTF
July 2022
Lipa City Batangas

3
PART ONE: INTRODUCTION

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO AY ALAM ANG KAHALAGAHAN


NG PAGLAGO SA KAALAMANG ESPIRITUWAL

“ Kaya’t mula ng marinig namin ito, patuloy naming idinadalangin sa Diyos na nawa’y
9

puspusin Niya kayo ng kaalamang kaloob ng Espiritu upang lubusan ninyong maunawaan
ang Kanyang kalooban. Sa gayon, makapamumuhay kayo nang karapat-dapat at
10

kalugud-lugod sa Panginoon, sagana sa mabuting gawa, at lalawak ang inyong


pagkakilala sa Diyos” (Colosas 1: 9-10).

Layunin: Mabigyang diin ang kahalagahan ng paglago sa espirituwal na kaalaman.


Maunawaan din ng bawat isa na hindi magiging matatag na kristiano ang sinuman kung
kulang siya sa biblikal na kaalaman.

Mga Talatang Pag-aaralan: Colosas 1: 9-10; Hebreo 5: 11-12; Oseas 4: 6

Memory Verse: Oseas 4: 6, “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan sa


kaalaman: sapagkat ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka…” (Ang
Biblia)

Panimula: Sa sistema ng mundo, ang paghahanda sa maayos at siguradong kinabukasan


ay nagsisimula sa pag-aaral upang matapos ang kursong gusto at kailangan nila. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ang bawat mag-aaral ay nagkakaroon ng kaalamang kailangan
nila para sa matatag at siguradong kinabukasan.

Ang matatag na kristianong pamumuhay ay nangangailangan ng kapuspusan sa espirituwal


na kaalaman sa iba’t ibang anggulo ng kristianong pamumuhay.

TANONG 1: ANO ANG ISANG NAPAKAHALAGANG KAILANGAN NG ISANG


MANANAMPALATAYA SA TOTOONG PAGLAGO?

SAGOT: MAPUSPUS NG KAALAMAN. “Kaya’t mula ng marinig namin ito, patuloy


naming idinadalangin sa Diyos na nawa’y puspusin Niya kayo ng kaalamang kaloob ng
Espiritu upang lubusan ninyong maunawaan ang Kanyang kalooban” (Colosas 1: 9).

(1). Sikapin ng bawat isa na magpatuloy sa paglago sa kaalamang espirituwal. Ang


kapuspusan sa paglago ay hindi nakukuha sa isa o minsanang pag-aaral, kundi sa patuloy
na pag-aaral ng Salita ng Diyos. (2). Patuloy na magpaturo. Ang paraan ng Diyos para
sa kapuspusan natin sa kaalamang espirituwal ay nasa pagtuturo at pagpapaturo sa mga
mananampalataya na lumalago sa espirituwal na kaalaman.

Point: Obligasyon ng bawat mananampalataya na magpalago sa espirituwal na kaalaman.


Ang kakulangan sa kaalaman ay basehan ng hindi paglago.

4
TANONG 2: BAKIT LUBHANG MAHALAGA ANG MAPUSPUS NG
KAALAMANG ESPIRITUWAL?

Apat na dahilan kung bakit napakahalaga ng kapuspusan sa kaalamang espirituwal:


(1). Maunawaan ang kalooban ng Diyos. “…upang lubusan ninyong maunawaan ang
Kanyang kalooban.” (v.9). Ang paglago sa espirituwal na kaalaman ay nagbubunga ng
pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. (2). Makapamuhay ng karapat-dapat at kalugud-
lugod sa Panginoong Jesus. “Sa gayon, makapamumuhay kayo nang karapat-dapat at
kalugud-lugod sa Panginoon… (v.10). Ang paglago sa espirituwal na kaalaman ay
nagbubunga ng buhay na karapat-dapat at kalugud-lugod sa Diyos. (3). Maging sagana sa
mabubuting gawa. “ …sasagana sa mabuting gawa…” (v.10). Ang mga mabubuting
gawa ay palaging bunga ng paglago sa espirituwal na kaalaman. Ang mga masasamang
pag-uugali ay bunga ng mga maling pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. 4. Lumawak ang
pagkakilala sa Diyos. “ …at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos” (v. 10). Isa sa
napakahalagang bahagi ng kristianong pamumuhay ay ang lumawak ang pagkakilala ng
bawat isa sa Diyos, at hindi ito mangyayari kung hindi lalago ang bawat isa sa kaalamang
espirituwal.

Point: Ang paglago sa kristianong pamumuhay o ang mabungang kristianong pamumuhay


ay nagsisimula sa paglago sa kaalamang espirituwal. (Read Hebreo 5: 11-12)

REALIZATION: Ang pagreject sa paglago sa espirituwal na kaalaman ay mayroong


nakakatakot na bunga—mabubuhay tayo na posibleng rejected din ng Diyos. Oseas 4: 6,
“Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan sa kaalaman: sapagkat ikaw ay
nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka…” (Ang Biblia)

Ikaw, ano ang narealize mo o napagtanto mo sa araling ito? (tanungin ang mga mag-
aaral)

Conclusion: Lagi nating tatandaan, ang kakulangan sa kaalamang espirituwal ay


kapahamakan. Lagi kang ihuhulog sa pagkakasala, paglayo sa kalooban ng Diyos, at
pagiging worldly, kung kulang tayo sa mga espirituwal na kaalaman. Ang isang healthy na
kristiano ay hindi lang alam ang kahalagahan ng paglago sa kaalamang espirituwal, bahagi
ng kanyang buhay ang patuloy na paglago sa mga espirituwal na kaalaman. Ang nais ng
Diyos ay mapuspus tayo ng kaalamang espirituwal.

GOD BLESS YOU!

PRAYER

5
PART TWO:

LUMAGO SA KAALAMAN

6
Aralin 1

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO AY ALAM KUNG SAAN


NAGSISIMULA ANG TAMANG PANANAMPALATAYA

“Kayat ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang


kung may nangangaral tungkol kay Cristo” (Roma 10: 17).

Opening Prayer:

Layunin: Masuri ng bawat isa kung ang kanilang pananampalataya ay biblikal na


pananampalataya o nakasalig kay Cristo.

Memory Verse: Roma 10: 17, “Kayat ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at
makakapakinig lamang kung may nangangaral tungkol kay Cristo.”

Panimula: Nabubuhay tayo sa panahong namamayagpag sa maraming tao (maging sa


ilang mananampalataya) ang sistema ng “relatibismo” (relativism), at sikularismo
(secularism). Hinuhubog ng relatibismo at sekularismo sa tao ang isang MALING kultura
ng kaalaman at paniniwala, “Na kung marami ang naninuiwala, totoo ito”. Sa maraming
tao (at sa ilang mananampalataya) ang pinapaniwalaan nilang katotohanan ay nagmula sa
mga napapakinggan nila sa iba—sa pamilya, kapatid, kaibigan o kakilala—ngunit walang
malinaw na basehan mula sa bibliya. Ang sistema at kulturang ito ay lubhang mapanganib
sa usapin ng pananampalataya dahil possible na magkaroon ang sinuman ng
pananampalatayang mula sa sabi-sabi o katuruan ng tao at hindi ng katuruan ng Biblia.

TANONG: SAAN NAGSISIMULA ANG PANANAMPALATAYA?

SAGOT: ANG PANANAMPALATAYA AY BUNGA NG PAKIKINIG. “Kayat ang


pananampalataya ay bunga ng pakikinig…” (Roma 10: 17).

A. UNAWAIN NATIN ANG KAHULUGAN NG SALITANG, “PAKIKINIG”

Ang salitang “pakikinig” ay hindi lang tumutukoy sa may “napakinggan”. Ang salitang
“pakikinig” sa usapin ng pananampalatayang nakapagliligtas ay mayroong dalawang
mahalagang kahulugan:

(1) Nauunawaan ang mensaheng napakinggan.

(2) Tinatanggap sa sarili na totoo ang mensaheng napakinggan.

Kung ang dalawang ito ay naganap sa buhay ng isang tagapakinig, ito ay magiging
pananampalataya.

Point: Kung ang isang mensahe patungkol kay Cristo ay hindi natin naunawaan, hindi ito
magbubunga ng totoong pananampalataya sa ating buhay. Maraming tao ang nagsasabing
may pananampalataya sila, subalit sa likod ng pananampalatayang sinasabi nila ay wala

7
silang nauunawaan patungkol sa mga ginawa ni Cristo. Ito ay huwad at mapanganib na uri
ng pananampalataya.

B. NIGATIBO AT POSITIBONG BAHAGI NG “PAKIKINIG”

1. NIGATIBO. Ito ang huwad na uri ng pananampalataya. Ang nigatibong bahagi ng


pakikinig sa usapin ng pananampalataya ay ang pakikinig sa mensahe ng
pananampalatayang hindi biblikal. Kapag pinaniwalaan ang mensaheng hindi biblikal at
itinurin ito sa sarili na totoo, ang sinuman ay magkakaroon ng pananampalatayang hindi
biblikal, at magbubunga ito ng huwad na pag-asa at kaligtasan.

2. POSITIBO. Ito ang pananampalatayang nakapagliligtas. Ang positibong bahagi ng


pakikinig sa usapin ng pananampalataya ay ang pakikinig sa mensaheng patungkol kay
Cristo. Ang pananampalatayang nabuo mula sa pakikinig sa mensahe o katuruan patungkol
kay Cristo—naunawaan ito, at tinanggap sa sarili na ito ang katotohanan—ito ang totoong
pananampalataya na nagbubunga ng kaligtasan.

Pagsisiguro: Ang pananampalataya mo ba ay nagsimula sa mensahe patungkol kay Cristo?


“Kayat ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may
nangangaral tungkol kay Cristo” (Roma 10: 17).

REALIZATION: (Tanungin ang ilang mag-aaral): (1) Anu-ano ang nauunawaan mo


patungkol sa ginawa ni Cristo? (2). Anu-ano ang napagtanto mo sa araling ito?

Conclusion:

Isa tayong matatag na kristiano kung nauunawaan at alam natin na ang ating
pananampalataya ay bunga ng pakikinig ng mensahe patungkol kay Cristo.

GOD BLESS YOU

PRAYER

8
Aralin 2

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG KAPANGANAKANG-MULI (REGENERATION)

“Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli


ang isang tao, hindi siya paghahariaan ng Diyos” (Juan 3: 3).

Mga Talatang Pag-aaralan: Juan 1: 13; Tito 3: 5; 1 Pedro 1: 23-25; Ezekiel 36: 26

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng kapanganakang-muli.

Memory Verse: Juan 3: 3, “Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak


na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.”

Panimula: Ang salitang, “pagsisimulang muli” o “bagong simula” ay napakahalaga sa


maraming tao na nabigo, nawalan ng trabaho, o nagkamali sa buhay—upang mabago ang
kalagayan ng buhay. Gayun din naman sa espirituwal na kalagayan ng buhay ng tao, kung
walang “pasimulang muli” o “bagong simula”, ang tao ay hindi magbabago at hindi
maliligtas. Ang kapanganakang-muli, o born again, o regeneration ay “pasimulang muli”
o “bagong simula” sa buhay ng tao upang maligtas.

TANONG 1: BAKIT KAILANGAN NG KAPANGANAKANG-MULI?

SAGOT: KAILANGAN ANG KAPANGANAKANG-MULI UPANG ANG TAO AY


MALIGTAS. “Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli
ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos”(Juan 3: 3). Kung hindi paghaharian ng
Diyos ang isang tao, hindi siya maliligtas. Ibig sabihin, kung hindi maipapanganak na muli
ang isang tao, (1) hindi nila mauunawaan ang ginawa ni Cristo sa krus, (2) hindi sila
mananampalataya kay Cristo, (3) hindi nila mauunawaan ang kahalagahan ng kaligtasan,
(4) hindi nila hahanapin ang kaligtasan, (5) hindi nila masusunod ang kalooban ng Diyos.

Point: Ang kapanganakang-muli ay ang makapangyarihang pagkilos ng Diyos na kung


saan ay muli Niyang binibigyan ng bagong buhay at ng bagong puso ang tao, upang
makaunawa at boluntaryo ito manampalataya at sumunod sa kalooban ng Diyos. Ang tao
ay patay sa kasalanan (Efeso 2: 1). Ang isang patay ay walang damdamin, walang
kakayahang mag-iisip at umunawa, at walang magagawa. Ito rin ang kalagayang
espirituwal ng isang makasalanan—walang kakayahan. Kaya kailangan ng lahat ang
kapanganakang-muli upang maligtas (Juan 3: 7), “Lahat ay kailangang ipanganak na
muli.”

TANONG 2: ANO ANG KAPANGANAKANG-MULI?

SAGOT (1). Ang kapanganakang-muli ay simula ng bagong buhay. Ang isang sanggol
na ipinanganak ay nagpapasimula sa bagong yugto ng buhay. Ganun din ang
kapanganakang-muli, ito’y bagong yugto ng buhay. Ang kapanganakang-muli ay simula
ng totoong espirituwal na buhay. (2). Ang kapanganakang-muli ay pagbibigay ng Diyos
9
ng bagong puso. “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin
ninyong puso ay gagawin kong masunurin” (Ezekiel 36: 26). Ang kapanganakang-muli ay
pangako ng Diyos sa tao upang maligtas. (3). Ang kapanganakang-muli ay gawain ng
Diyos. “Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban
ng tao, kundi ng Diyos” (Juan 1: 13) (Ang Biblia). (a) Sa pamamagitan ng Espiritu
Santo. “Ngunit nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas,
at ang Kanyang pag-ibig sa tao, Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa
nating sarili, kundi ayon sa Kanyang kaawaan ay Kanyang iniligtas tayo, sa pamamagitan
ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo” (Titu 3: 4-
5) (Ang Biblia). Ang kapanganakang-muli ay hindi isang relihiyon, kundi proseso ng
pagliligtas ng Diyos sa tao. (b) Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos—ang Mabuting
Balita. “Sapagkat muli tayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng
buháy at walang kamatayang Salita ng Diyos…At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral
sa inyo” (1 Pedro 1: 23, 25b).

Point: Ang kapangnakang-muli ay hindi nagmula sa kakayahan o disisyon ng tao. Hindi


ito bunga ng pananampalataya. Ito ang mahiwagang pagkilos ng Diyos sa buhay ng tao
upang bigyan ang tao ng bagong puso at pagkaunawa, upang sila ay boluntaryong tumalima
kay Cristo at maligtas.

TANONG 3: ANO ANG PALATANDAAN NG MGA TAONG IPINANGANAK NG


MULI?

SAGOT (1). Nananalig at tumatalima kay Cristo (Juan 3: 36). Ang tunay na
ipinanganak na muli ay mabubuhay sa kaligtasan na inilalarawan ng pagsunod kay Cristo.
(2). Nananalig kay Cristo. “Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang
bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.” (2 Cor. 5: 17). Ang
kapangnakang-muli ay tumutukoy rin sa pagiging bagong nilalang, at ang sinumang
nabubuhay kay Cristo ay palatandaan na sila ay ipinanganak ng muli. Ang sinumang
ipinanganak ng muli ay mayroong pananampalataya at pagbabago ng buhay sa harapan ng
Diyos.

REALIZATION: Anu-ano ang naunawaan mo patungkol sa kapanganakang-muli?


(Tanungin ang ilang mag-aaral).

Conclusion: Ang kapanganakang-muli ay bahagi ng kagandahang-loob ng Diyos sa tao


upang tayo ay maligtas (Titu 3: 4-5).

GOD BLESS YOU

PRAYER

10
Aralin 3

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG PAGPAPAWALANG-SALA (JUSTIFICATION)
SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA

“Datapwat ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos na nagpapawalang-sala sa


makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa kanyang pananalig.” (Roma 4: 5)

Mga Talatang Pag-aaralan: Roma 1: 17; 3: 23-26; 4: 5

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa kung papaano pinawalang-sala ng Diyos ang tao at
kung ano ang kahalagahan nito.

Memory Verse: Roma 4: 5, “Datapwat ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos
na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa kanyang
pananalig.”

Panimula: Maraming kristiano ang hindi napapahalagahan ang kahalagahan ng


kristianong pamumuhay, ang kahalagahan ng pananampalataya kay Cristo, at ang
kahalagahan ng pamumuhay sa kabanalanan dahil hindi nauunawaan ang mensahe ng
pagpapawalang-sala ng Diyos.

TANONG 1: KAILAN NAGSISIMULA ANG PAGPAPAWALANG-SALA NG


DIYOS SA TAO?

SAGOT: SA PANANAMPALATAYA. “…ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga


tao ay nagsisimula sa pananampalataya at nagiging ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya” (Roma 1: 17). Walang ibang paraan ang Diyos na ibinigay sa tao upang
mapawalang-sala sa mga kasalanan at tumanggap ng katuwiran ni Cristo kundi sa
pamamagitan lamang ng pananampalataya—mula simula hanggang wakas. Ang
pagpapawalang-sala ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng magagawa ng tao. “Datapwat
ang hindi gumagawa kundi nananalig sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan
ay pinawalang-sala dahil sa kanyang pananalig” (Roma 4: 5).

Tanandaan: Ang tanging instrumento ng pagpapawalang-sala sa atin ng Diyos ay ang


ating personal na pananampalataya kay Cristo. Kung wala ang pananampalatayang ito,
wala ring pagpapawalang-sala ng Diyos sa atin. Ibig sabihin, ang buong kaligtasan natin
ay nasa pananalig natin kay Cristo.

TANONG 2: ANO ANG PAGPAPAWALANG-SALA NG DIYOS?

SAGOT (1). Ito ay panghukumang gawa ng Diyos. Ang pagpapawalang-sala ay isang


panghukumang disisyon ng Diyos upang patawarin ang mga nagkasala (Roma 3: 23-24; 4:
5) at tanggapin sila kagaya ng matuwid at marapatin ang kanilang buhay sa Kanya. Ang
pagdedeklara ng Diyos ng pagpapawalang-sala sa atin ay lubhang napakahiwaga at
kakaiba. Sino tayo para patawarin ng Diyos? Ngunit ito ang biyaya ng Diyos para sa ating
11
ikaliligtas. (2). Ang pagpapawalang-sala ay pagkakaloob ng katuwiran ni Cristo sa
sinumang sumasampalataya (Roma 5: 17-18). Kung paanong sa pagkakasala ni Adan
ay ibinilang ang lahat na makasalanan (Roma 5: 12, 17a), gayun din naman, sa
pamamagitan ng katuwiran ni Cristo sa krus ay ibinilang din na matuwid ang sinumang
nananalig sa Kanya (Roma 5: 17).

Point (1). Ang pagpapawalang-sala ay hindi sa literal, kundi sa espirituwal. Literally


ay nagakakasala pa rin tayo, ngunit sa espirituwal, tayo ay pinawalang-sala na ng Diyos
dahil sa pananalig kay Cristo. Hindi tayo ginawang perpekto ng pagpapawalang-sala ng
Diyos, ipinosisyon o ibinilang lang tayo ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng
katuwiran ni Cristo dahil sa pananalig natin sa Kanya. Bahagi ito ng kagandahang-loob at
habag ng Diyos sa tao. Ito ang isang rason kung bakit ang kaligtasan natin ay kagandahang-
loob lamang ng Diyos.

Point (2). Ang katuwirang mayron tayo ay hindi natin katuwiran, kundi katuwiran
ni Cristo. Kaya’t sa ating kaligtasan ay wala tayong maipagmamalaki sa harap ng tao at sa
harap ng Diyos. Sa pagkakasala ni Adan ay ibinilang tayong makasalanan, ngunit sa
katuwiran ni Cristo ay ibinilang naman tayong matuwid dahil sa pananalig natin sa Kanya.
Ang buong mirito ng pagpapawalang-sala sa atin ng Diyos ay kay Cristo. Ang
pagpapawalang-sala ay isang napakahalagang pagpapala ng Diyos, na nagliligtas sa atin
mula sa nakaraan at nagbibigay ng kasiguruhan sa atin sa hinaharap.

KAHALAGAHAN NG PAGPAPAWALANG-SALA: Ang doktrina ng


pagpapawalang-sala ay sentro ng Mabuting Balita. Ang Diyos ay Hukom at ang
Tagapagbigay ng Kautusan, matuwid at banal. Darating ang araw na haharap ang lahat ng
tao sa paghuhukom ng Diyos, ngunit ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo ngayon ay walang dapat ikatakot sa hukuman ng Diyos.

REALIZATION: Anu-ano ang naunawaan mo patungkol sa pagpapawalang-sala ng


Diyos sa iyo? (Tanungin ang ilang mag-aaral).

Conclusion: Ang isang matatag na kristiano ay alam ang kahalagahan ng pagpaapwalang-


sala ng Diyos. Ang mga katotohanang ito nawa ay magdala sa bawat isa sa matuwid na
pamumuhay, pagpapasakop at pagsunod sa Diyos.

GOD BLESS YOU!

PRAYER

12
Aralin 4

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG PAGSISISI (REPENTANCE)

“Ipinangaral kong dapat silang magsisi at lumapit sa Diyos,


at ipakilala ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa” (Gawa 26: 20b).

Mga Talatang Pag-aaralan: Gawa 26: 20; Lucas 13: 3, 5; 15: 10; Gawa 3: 19; 17: 30; 1
Juan 1: 9; 3: 9-10

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa kung ano ang totoong pagsisisi sa kristianong
pamumuhay.

Memory Verse: Gawa 3: 19, “Kaya’t masisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang
pawiin Niya ang inyong mga kasalanan.”

Panimula: Mayroong isang tao na naglalakbay patungo sa isang lugar na gusto niyang
puntahan. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay ay napansin niyang siya ay naliligaw at
mali ang daang kanyang tinatahak. Sa halip na magbago ng daan, ipinagpatuloy niya ang
paglalakbay gamit ang maling daan. At sa bawat hakbang niya ay lalo siyang napapalayo
at naliligaw.

Ang kristianong walang pagsisisi sa buhay ay kristianong naliligaw at napapalayo sa Diyos.


Habang walang pagsisising ginagawa sa buhay, hindi siya lumalakad sa tamang daan ng
kristianong pamumuhay na itinakda ng Diyos para sa lahat. Ang pagsisisi ay bahagi ng
pang-araw-araw na kristianong pamumuhay, ngunit marami ang hindi nauunawaan kung
ano ang totoong pagsisisi.

TANONG 1: BAKIT MAHALAGA ANG PAGSISISI?

SAGOT: MAHALAGA ANG PAGSISISI SA KRISTIANONG PAMUMUHAY


SAPAGKAT NAGKAKASALA TAYO ARAW-ARAW. “Ngunit sinasabi ko sa inyo:
kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak
din kayong lahat” (Lucas 13: 5). Ang pagsisisi ay biyaya ng Diyos sa mga kristiano
sapagkat tayo ay nagkakasala parin at ang solusyon ng Diyos ay ang pagtatapat natin nito
sa Kanya at ang pagsisisi (1 Juan 1: 9). Nagsisisi tayo dahil makasalanan tayo.

Point: Ang pagsisisi ay hindi para ibalik ang kaligtasan, hindi ito paraan para magkaroon
muli ng kaligtasan, ito ay palatandaan ng mamuhay sa kaligtasan. Ang pagsisisi ay bunga
ng kapanganakang-muli, bunga ng totoong pananampalataya. Kaya’t ang totoong may
pananampalataya ay mabubuhay na may pagsisisi.

TANONG 2: ANO ANG TOTOONG PAGSISISI AT ANO ANG HINDI TOTOONG


PAGSISISI? “Ipinangaral kong dapat silang magsisi at lumapit sa Diyos, at ipakilala ang
kanilang pagsisisi sa pamama gitan ng mga gawa” (Gawa 26: 20b). Ang buong
kristianong pamumuhay ay maaaring magpatuloy ng malinis at tama sa pamamagitan ng
13
pagsisisi, at maaari rin namang maging huwad dahil sa maling pagkaunawa sa salitang
“pagsisisi”.

Kahulugan: Unawain natin ito: Ang salitang “pagsisisi” mula sa orihinal na salin—ang
Greek (metanoeo)—ay mayroong kahulugan na “pagbabago ng isipan” o “pagbabago ng
isip” na umuugnay sa pagtalikod sa kasalanan.

A. Ang pagkalungkot sa nagawang kasalanan laban sa Diyos ngunit walang


pagtalikod rito ay hindi pagsisisi. Ang taong nagkakasala—mananampalataya man o
hindi—ay maaaring makadama ng kalungkutan ngunit hindi nila iiwanan ang kasalanan.
May mga kristiano na nahuhulog sa pagkakasala at nalulungkot sa kasalanang nagawa,
ngunit habang hindi nila tinatalikuran ang kasalanan, walang pagsisising naganap sa
kanilang buhay. Naliligaw sila, at ang kapahamakan at sumpa ay nasa kanilang buhay.

B. Ang pagkalungkot sa nagawang kasalanan na mayroong kasabay na pagtalikod


rito ang totoong anyo ng pagsisisi. Ang kasalanan ay paglayo sa Diyos, at ang pagsisisi
ay paglapit sa Diyos na makikita sa pamamagitan ng gawa at pamumuhay. “Ipinangaral
kong dapat silang magsisi at lumapit sa Diyos, at ipakilala ang kanilang pagsisisi sa
pamamagitan ng mga gawa” (Gawa 26: 20b). “Kaya’t magsisi kayo at magbalik-loob sa
Diyos upang pawiin Niya ang inyong mga kasalanan” (Gawa 3: 19). Ang pagsisisi ay
pagtalikod sa kasalanan.

Point: Inilalarawan ng pagsisisi kung sino ang totoong anak ng Diyos, at kung sino ang
hindi. Ang totoong pagsisisi ay patungkol sa pagtalikod sa kasalanan. “Ang tinanggap ng
Diyos bilang anak Niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat siya’y may
bagong buhay na galing sa Diyos. At yamang ang Diyos ang Ama niya, hindi siya
maaaring magpatuloy sa pagkakasala. Dito makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos,
at kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumawa ng matuwid at hindi
umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos” (1 Juan 3: 9-10).

REALIZATION: Ano ang mahalagang katotohanan na naunawaan mo patungkol sa


pagsisisi? (tawagin ang ilang mag-aaral at hingin kung ano ang kanilang natutunan).

Conclusion: Ang pagsisisi ay hindi minsan lang na naganap sa buhay ng isang kristiano,
ang pagsisisi ay kabuuan ng pamumuhay kristiano. Ang kristianong hindi nagsisisi ay
nananatili sa kasalanan, o maaaring hindi siya totoong kristiano.

GOD BLESS YOU.

PRAYER

14
Aralin 5

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG PAGPAPAKABANAL
(SANCTIFICATION)

“Hindi ba ninyo alam na ang makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng


Diyos?...Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y nilinis na sa inyong mga
kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayo’y pinawalang-sala na sa pangalan ng
Panginoong Jesu-Cristo at ng Espiritu ng Diyos” (1 Cor. 6: 9a, 11)

Mga Talatang Pag-aaralan: Juan 17: 17; 1 Tes. 5: 23; 2 Tim. 2: 20-21; 2 Cor. 3: 18

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa ang kahulugan ng “pagpapakabanal” o sanctification


at ang kahalagahan nito sa kristianong pamumuhay.

Memory Verse: 1 Corinto 6: 11b, “Subalit kayo’y nilinis na sa inyong mga kasalanan at
itinalaga na kayo sa Diyos.”

Panimula: Isa sa nakababahalang kalagayan ng maraming estuyante ng ilang kilalang


Unibersidad sa Pilipinas ngayon ay ang pagiging aktibista nila laban sa gobyernong
nagpapaaral mismo sa kanila. Nakakabahala dahil pinapag-aral sila ng gobyerno at
pagkatapos ay nilalabanan nila ang gobyerno. Wala sa tuno.

Ganito rin ang isang kristianong walang pagpapakabanal sa harapan ng Diyos—lumalaban


sa Diyos. Naligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos, tinubos ng dugo ni
Cristo na naghirap at namatay sa krus ng kalbayo para lang maligtas mula sa impiyerno
ngunit walang buhay na nakatalaga para sa paglilingkod sa Diyos.

I-KAHULUGAN NG PAGPAPAKABANAL

Ang Greek na salita para sa salitang “pagpapakabanal” ay “hagiazo” o “hagiasmos” na ang


kahulugan ay “nakatalaga para sa Diyos”—inihiwalay mula sa gawa ng makasalanang
mundo at itinalaga para sa paglilingkod sa Diyos. Sa pagpapawalang-sala ay inalis ng
Diyos ang kahatulan sa kasalanan, at sa pagpapakabanal ay progresibong nililinis tayo ng
Diyos mula sa polusyon ng kasalanan. Mangyayari lamang ito kung nakatalaga ang buhay
natin para sa Diyos. Ito ang pagpapakabanal.

Point: Ang bawat totoong kristiano ay nakatalaga ang buhay sa paglilingkod sa Diyos—
nakatalaga ang buhay para sa Diyos. At ang pagpapakabanal na ito ay nasusukat sa
pamumuhay sa “katotohanan” at ang katotohanang ito ay nakapundasyon sa Salita ng
Diyos lamang. Ibig sabihin, ang anumang gawain na pagpapakabanal ay kinakailangang
nakabase lamang sa Salita ng Diyos. “Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan;
ang Salita Mo ay katotohanan” (Juan 17: 17). Anumang gawaing espirituwal na hindi
nakabase sa Salita ng Diyos ay hindi nakapagpapabanal sa tao.

II-DALAWANG MAY BAHAGI SA PAGPAPAKABANAL NA ITO


15
(1). Ang Bahagi ng Diyos sa Ating Pagpapakabanal. Sa pasimula ay nilikha ng Diyos
ang tao ayon sa Kanyang wangis (Gen. 1: 26-27), ngunit ang wangis na ito ng Diyos sa tao
ay nasira dahil sa kasalanan. Ang pagpapakabanal ay gawain ng Espiritu Santo sa tao, na
kung saan ay tinutulungan Niya tayong mga mananampalataya na maging banal at
mapanumbalik ang kaluwalhatian at wangis ni Cristo sa ating buhay. “At ngayong naalis
na ang talukbong sa ating mukha, tayong lahat ay nagiging sinag ng kaningningan ng
Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang
bumabago sa ating anyo upang lalong maging maningning, hanggang sa maging
mistulang larawan Niya” (2 Cor. 3: 18).

(2). Ang Bahagi ng Tao sa Pagpapakabanal. Ang pagpapakabanal ay isang disiplinang


espirituwal, isang pagsasanay sa wastong pamumuhay kristiano na kailangan nating supilin
ang anumang mali upang maghari ang kabanalan. “Pinahihirapan ko ang aking katawan
at sinusupil ang sarili baka pagkatapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil”
(1 Cor. 9: 27). Ang kabanalan ay nangangailangan ng disiplinang espirituwal, ng
pagsusumikap, at ng determinasyon. Dahil ang kultura ng mundo, ang gawa ng laman, at
ng diyablo ay laging laban sa atin. Ang gawaing pagpapakabanal ay nangangahulugan ng
pagiging patay sa sarili. Hindi ito magagawa ng sinumang hindi nakatalaga ang sarili sa
Diyos.

Point: Sa pagpapakabanal, ang Diyos at ang mananampalataya ay magkaagapay—


mayroong bahagi ang Diyos at mayroong bahagi ang mananampalataya. Ang
kapanganakang-muli ay pasimula ng kristianong pamumuhay, at ang pagpapakabanal ay
pagpapalago sa kristianong pamumuhay. Ang kapanganakang-muli at pagpapawalang-sala
ay gawain ng Diyos lamang (monergism), at ang pagpapakabanal naman ay pagtutulungan
ng Diyos at ng mananampalataya (synergism), at ito ay nagpapatuloy habangbuhay,
hanggang sa pagharap kay Cristo. “Magpakabanal kayo…sapagkat hindi ninyo makikita
ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito” (Hebreo 12: 14).

REALIZATION: Ang pagpapakabanal ay pagtutulungan ng kristiano at ng Diyos, ang


tanong, paano mo masasabing nakikipagtulungan ka sa Diyos para sa iyong
pagpapakabanal? (tanungin ang ilang mag-aaral)

Conclusion: Ang isang matatag na kristiano ay nakatalaga ang buhay para sa paglilingkod
sa Diyos. Kung hindi ganito, walang kabanalan ang buhay.

GOB BLESS YOU.

PRAYER

16
Aralin 6

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG KALIGTASAN
(SALVATION)

“Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan,


sapagkat sa silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay
ng Diyos sa ikaliligtas ng tao” (Gawa 4: 12).

Mga Talatang Pag-aaralan: Roma 5: 8-9; 1 Tesalonica 1: 10; Juan 3: 36; Pahayag 20:
15; Mateo 25: 41

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa kung ano ang kaligtasang sinasabi ng Biblia, at mapag-
aralang muli kung paano maliligtas ang tao.

Memory Verse: Juan 3: 36, “Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan,
ngunit ang hindi tumalima sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay—mananatili sa kanya
ang poot ng Diyos.”

Panimula: Mayroong isang bagong mananampalataya na nagtanong sa kanyang kaibigan,


“Ligtas ka na ba?” Sumagot ang kaibigan nito, “Ligtas mula saan?” Biglang nag-isip ang
bagong mananampalataya sa isinagot ng kaibigan, halatang hindi alam ng bagong
mananampalatayang ito ang tamang kahulugan ng katanungan.

Maraming mga mananampalataya ang naniniwalang sila ay ligtas na ngunit hindi alam
kung ano ang kaligtasan ito.

Bagamat ang salitang “kaligtasan” ay mayroong malawak na kahulugan. Kagaya ng


kaligtasan sa sakit, kaligtasan sa mga sakuna, at kaligtasan sa kalamidad. Ngunit ginagamit
rin ng Biblia ang salitang “kaligtasan” upang tukuyin ang pinakamataas na uri ng
kaligtasan—ang espirituwal na kaligtasan.

TANONG 1: ANO NGA BA ANG KALIGTASAN?

SAGOT 1: ANG KALIGTASAN AY KALIGTASAN MULA SA POOT NG DIYOS.


Ito ang sinasabi ng 1 Tesalonica 1: 10, “at maghintay sa Kanyang Anak na si Jesus. Siya
ang muling binuhay na magbabalik mula sa langit at magliligtas sa atin sa darating na
poot ng Diyos.” Kagaya rin ng sinasabi ng Roma 1: 18, “Nahahayag mula sa langit ang
poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong sumisiil sa
katotohanan.” Ganito rin ang sinasabi ng Efeso 2: 3b, “Kaya’t sa ating likas na kalagayan,
kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.” At ang paalaala ng Juan 3: 36, “Ang
nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi tumalima sa Anak,
hindi magkakaroon ng buhay—mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.”

17
Mensahe: Ang pinakamataas at pinakamahalagang kaligtasang sinasabi ng Biblia ay
kaligtasan mula sa poot ng Diyos. Dahil sa kasalanan, kinapootan ng Diyos ang tao (Efeso
2: 3b).

SAGOT 2: ANG KALIGTASAN AY KALIGTASAN MULA SA IMPIYERNO. Ang


sabi ng Pahayag 20: 15, “Itinapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang
pangalan sa aklat ng buhay.” Ang mga walang kaligtasan ay mapupunta sa impiyerno
upang doon ay magdusa ng walang hanggang pagdurusa. Ito rin ang sinasabi ng
Panginoong Jesus sa Mateo 25: 41, “At sasabihin naman Niya sa mga nasa kaliwa,
“Lumayo kayo sa Akin, mga isinumpa! Kayo’y pasaapoy na di-mamamatay, na inihanda
parasa diyablo at sa kanyang mga kampon.”

Mensahe: Ang isa sa napakataas at napakahalagang kaligtasan na itinuturo ng Biblia ay


kaligtasan mula sa impiyerno. Ang taong walang kaligtasan ay mapupunta sa walang
hanggang impiyerno na siyang kapahayagan ng poot ng Diyos.

TANONG 2: SINO ANG TAGAPAGLIGTAS NG TAO MULA SA POOT NG


DIYOS AT SA IMPIYERNO?

SAGOT: SI CRISTO LAMANG. “Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang


kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang Kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng
Diyos sa ikaliligtas ng tao” (Gawa 4: 12). Ang dugo ni Cristo ang kabayaran ng ating mga
kasalanan, upang sa ating pananalig sa Kanya, tayo ay mapawalang-sala at mapawi ang
poot ng Diyos sa atin. Ito ang sinasabi ng Roma 5: 8-9, “Ngunit ipinadama ng Diyos ang
Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan
pa. At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo, lalo nang
tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan Niya.”

Point: Ang kaligtasan ay sa Diyos. Ang kaligtasan ng tao ay nakabase sa Diyos, hindi sa
magagawa ng tao. Ang kaligtasang ito ay matatanggap ng tao sa pamamagitan ng pananalig
kay Cristo lamang. “Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang
hindi tumalima sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay—mananatili sa kanya ang poot ng
Diyos”(Juan 3: 36).

REALIZATION: Ano ang natutunan mo sa araling ito patungkol sa kaligtasan?


(Tanungin ang mga mag-aaral).

Conclusion: Tandaan, personal na pananalig lamang kay Cristo ang paraan ng kaligtasan.
Mapalad ang sinumang nananalig kay Cristo sapagkat makakaiwas sila sa poot ng Diyos
at sa walang hanggang lugar ng kaparusahan at paghihirap, ang impiyerno.

GOD BLESS YOU

PRAYER

18
Aralin 7

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG KATIYAKAN NG KALIGTASAN
(ASSURANCE)

“Mga kapatid, yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo sa


kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay” (2 Pedro 1: 10).

Mga Talatang Pag-aaralan: 1 Juan 2: 15-16; 3: 6, 14, 24; 5: 13; Roma 3: 22; 4: 5; 8: 9,
16; Juan 3: 16, 36; Efeso 1: 13-14

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa ang katiyakang mayroon sa pananampalataya kay


Cristo.

Memory Verse: Roma 8: 9b, “Kung ang Espiritu ni Cristo’y wala sa isang tao, hindi siya
kay Cristo.”

Panimula: Maaari bang ang sinuman ay magkaroon ng katiyakan sa kaligtasan? Sa ibang


tao, ang usapin sa katiyakan sa kaligtasan ay “nakakasakit” at “nakakairita”. Kapag sinabi
mong “may katiyakan ka sa kaligtasan”, iisipin ng iba na nagyayabang at nagmamalaki ka.
Hindi ito pagmamalaki. Hindi ito pagyayabang. Dahil ang Biblia mismo ay nagtuturo sa
atin ng katiyakan sa kaligtasan. “Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong
nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan” (1 Juan 5: 13).

I-APAT NA KALAGAYAN NG TAO SA USAPIN NG KATIYAKAN

(1). May mga taong hindi ligtas, at alam nila na sila ay hindi ligtas. Maaaring ang mga
taong ito ay malinaw sa kanila ang bigat ng kasalanan at maaaring alam nila na nabubuhay
sila ng hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. (2). May mga taong ligtas na ngunit hindi
nila alam na sila ay ligtas na. May mga tao na umaasa at sumasandig sa biyaya ng Diyos,
ngunit wala silang nalalaman para sa katiyakan. Pinipilit nila na labanan at talikuran ang
kasalanan at pag-aalinlangan, ngunit wala silang kaalaman para sa katiyakan. (3). May
mga taong ligtas na at alam nila na ligtas na sila. Ito ang mga tao na malinaw sa kanila
ang katuruan ng kaligtasan, ang gospel at ang mga ginawa ni Cristo sa krus para sa kanila.
Naniniwala sila sa patotoo ng Espiritu Santo sa kanilang buhay na sila ay mga anak ng
Diyos (Roma 8: 16). (4). May mga tao na hindi ligtas ngunit ang pagtitiwala sa sarili
ay ligtas sila. Ito ang mga tao na nabubuhay sa maling pananampalataya at mayroong
huwad na katiyakan ng kaligtasan.

II-DALAWANG PANGUNAHING SANGKAP NG KATIYAKAN

A. OBJECTIVE ELEMENT: Ito ang paniniwala at pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos


patungkol sa ating kaligtasan. Ang pangunahing basehan ng ating katiyakan sa kaligtasan
ay ang “maniwala” sa sinasabi ng Diyos. Kung tayo ay naniniwala sa sinasabi ng Diyos na
sa sinumang sumampalataya ay “hindi mapapahamak, kundi magkakaroon ng buhay na

19
walang hanggan” ito ay katiyakang ibinibigay at ipinapangako ng Diyos sa mga nananalig
kay Cristo (Juan 3: 16).

Point: Sa Salita ng Diyos natin hanapin ang ating katiyakan.

B. SUBJECTIVE ELEMENT: Ito ang mga ebidensya ng espirituwal na buhay sa ating


puso. Kung tunay tayong nabubuhay sa mga pangako ng Diyos para sa ating kaligtasan,
dapat tayong magsumikap sa pamumuhay:

(1). sa KABANALAN, “Ang nananatili sa Kanya ay hindi magpapatuloy sa pagkakasala.


Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasalaay hindi nakakita ni nakakilala sa Kanya” (1
Juan 3: 6).

(2). Sa PAGSUNOD sa Salita at kalooban ng Diyos. “Ang sumusunod s autos ng Diyos


ay nananatili sa Diyos, at mananatili naman sa kanya ang Diyos. At sa pamamagitan ng
Espiritung ipinagkaloob Niya sa atin ay nalalaman nating nananatili Siya sa atin” (1 Juan
3: 24).

(3). Hindi MATERIALISTIC, hindi WORLDLY. “Huwag ninyong ibigin ang


sanlibutan o ang mga bagay sa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa
Ama. Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan—ang nakapupukaw sa masamang pita ng
laman, ang mga nakatutukso sa paningin, at ang karangyaan ng buhay—ay hindi nagmula
sa Ama kundi sa sanlibutan” (1 Juan 2: 15-16).

(4). MAHALIN ang mga kapatid sa Panginoon. “Nalalaman nating lumipat na tayo sa
buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay
nananatili sa kamatayan” (1 Juan 3: 14).

(5). Mamuhay ayon sa Espiritu. “Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi
ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang
Espiritu ni Cristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Cristo” (Roma 8: 9). Ang pamumuhay
sa kasalanan at anumang bagay na hindi kalooban ng Diyos at ang pamumuhay sa
katiyakan ay imposibleng pagsamahin.

Point: Sa pamumuhay sa katiyakan, dapat nating tingnan sa ating sarili: Una, kung
tinatanggap at pinapaniwalaan natin ang pangako ng Diyos. Ikalawa, ay kung nabubuhay
tayo ng tama ayon sa kalooban ng Diyos.

III-MGA PUNTOS SA KATIYAKAN

(1). Ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya


(Roma 4: 5). Kung hindi totoo ang katiyakan sa kaligtasan, lilitaw na hindi perpekto ang
katuwiran ni Cristo para tayo ay mapawalang-sala at hindi Niya nabayaran sa krus ang
kasalann ng tao. (2). Ang Espiritu Santo bilang tatak ng pagkahirang sa atin ng Diyos
(Efeso 1: 13-14). Kung hindi totoo ang katiyakan ng kaligtasan, lilitaw na nabigo ang
Espiritu Santo na tatakan tayo para sa kaligtasan. (3). Ang pananampalataya kay Cristo
(Juan 3: 16, 36; 6: 47; 1 Juan 5: 13; Roma 3: 22). Kung hindi totoo ang katiyakan sa

20
kaligtasan, lilitaw na hindi totoo ang Salita at pangako ng Diyos para sa kaligtasan ng
sinumang nananampalataya.

REALIZATION: Papaano mo ngayon masasabing may katiyakan ka sa kaligtasan?


(Tanungin ang ilang mag-aaral).

Conclusion: Bagamat ang katiyakan ay mayroong elements ng objective at subjective, ang


pinakapundasyon ng ating katiyakan ay ang objective sapagkat naglalaman ito ng mga
pangako ng Diyos. Ang subjective ay kung paano tayo mamumuhay sa katiyakan.

GOD BLESS YOU

PRAYER

21
Aralin 8

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG MABUTING BALITA

“Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag naming sa


inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (2 Tesalonica
2: 14).

Mga Talatang Pag-aaralan: 1 Cor. 15: 1-4; 2 Cor. 5: 21; Roma 1: 16; 2 Tesolonica 2: 14

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa kung ano ang Mabuting Balita at ang kahalagahan nito.

Memory Verse: 2 Tesalonica 2: 14, “Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng


Mabuting Balitang ipinahayag naming sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.”

Panimula: Sabi ng isang pintor sa kapwa pintor, “Kung walang pintura hindi natin
mailalarawan sa tao ang kaganadahan ng mundo.” Sa parehong kalagayan, kung wala ang
Mabuting Balita, hindi natin mailalarawan ang kabutihan ng pagliligtas ng Diyos sa tao.
Ang Mabuting Balita lamang ang tanging mensaheng maglalarawan sa tao ng biyaya at
pagliligtas ng Diyos.

Sa bawat aklat ng Biblia, sa bawat kasaysayang nakatala rito, at sa bawat bahagi ng mga
kabanata at talata ay naglalaman ito ng Mabuting Balita. Ngunit ang pinakasentro na
mensahe ng Mabuting Balita ay ang mensahe ng Mabuting Balita para sa kaligtasan ng
kaluluwa ng tao.

TANONG: ANO ANG MABUTING BALITA?

SAGOT 1. Ang Mabuting Balita ay PATUNGKOL sa ginawa ni Cristo sa krus upang


mailigtas tayo sa ating kasalanan. “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, Siya’y
ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa Kanya at mapabanal sa harapan ng
Diyos sa pamamagitan Niya” (2 Cor. 5: 21). Dahil sa ating mga kasalanan, si Cristo na
walang bahid ng kasalanan ay ibinilang na makasalan upang sa ating pananalig sa Kanya
ay mapabanal tayo sa harapan ng Diyos. Sinasabi rin ng Biblia na si Cristo ay namatay
dahil sa ating mga kasalanan, “…si Cristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan…” (1
Cor. 15: 3). Ito ang Mabuting Balita.

Message: Ang Biblia ay naghahayag na walang ibang namatay para sa ating mga kasalanan
kundi si Cristo lamang. At ang kamatayan ni Cristo ay Mabuting Balita sa atin dahil para
ito sa ating kaligtasan.

SAGOT 2. Ang Mabuting Balita ang tanging KAPANGYARIHAN ng Diyos sa


ikaliligtas ng nananampalataya. “Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay
Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat
nananampalataya…” (Roma 1: 16). Ang mensahe ng Mabuting Balita ang tanging
22
itinalaga ng Diyos para sa kaligtasan ng mga mananalig at ito ay patungkol kay Cristo. Ang
totoong Mabuting Balita ay patungkol kay Cristo—patungkol sa Kanyang pagliligtas sa
atin.

Message 1: Tiyak ang ating kaligtasan dahil ang pananampalataya natin ay nagmula sa
mensahe ng Mabuting Balita patungkol kay Cristo. Kung ang pananampalataya naman ng
sinuman ay hindi nagmula sa mensahe ng Mabuting Balita patungkol kay Cristo, ang
pananampalataya nila ay isang huwad na pananampalataya—hindi makapagliligtas.

Message 2: Ang Mabuting Balita ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
Ngunit kung ang Mabuting Balita ay hindi mensahe ng Church, ang kapangyarihan ng
Diyos para magligtas ng tao ay wala rin sa Church. Ito ang isang dahilan kung bakit ang
Church ay hindi nagiging malago at matatag. Ang paghahayo na walang mensahe ng
Mabuting Balita ay paghahayong walang dalang kaligtasan sa mga tao.

SAGOT 3. Ang mensahe ng Mabuting Balita ang tanging INSTRUMENTO ng Diyos


upang tawagin ang tao sa kaligtasan. “Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng
Mabuting Balitang ipinahayag naming sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating
Panginoong Jesu-Cristo” (2 Tesalonica 2: 14). Mapalad ang nananalig kay Cristo matapos
na mapakinggan ang mensahe ng Mabuting Balita, sapagkat makakasama sila sa
kaluwalhatian ng Panginoong Jesus.

Message: Ang tao ay may maraming paraan patungkol sa kaligtasan. Ngunit ang Mabuting
Balita ang tanging paraan ang Diyos upang tawagin ang tao sa kaligtasan. Ito lang ang
tanging instrumento ng Diyos upang tawagin sa kaligtasan ang sinuman.

SAGOT 4: Ang Mabuting Balita ang SALIGAN ng ating pananampalataya. “At


ngayo’y ipinapaalala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa
inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong
pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong
nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo…” (1 Cor. 15: 1-2). Ang
pananampalatayang n akapagliligtas ay nakapundasyon sa Mabuting Balita.

Message: Ang paglalapat ng Diyos ng kaligtasan sa tao ay nagsisimula sa Mabuting Balita.

REALIZATION: Ano ang nauunawaan at napagtanto mo ngayon patungkol sa Mabuting


Balita? (Tanungin ang mga mag-aaral).

Conclusion: Kung walang Mabuting Balita, ang tao ay mananatiling walang kaligtasan.
Ang mensahe ng Mabuting Balita ang dapat na maging mensahe ng Church sa mundo.

GOD BLESS YOU

PRAYER

23
Aralin 9

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG PAGIGING ANAK NG DIYOS
(ADOPTION)

“At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos


at kasamang tagapagmana ni Cristo” (Roma 8: 17a).

Mga Talatang Pag-aaralan: Roma 8: 15-17; Juan 1: 12-13; Galacia 3: 26; 4: 4-7

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa, una, kung ano ang pagiging anak ng Diyos, ikalawa,
kung sinu-sino ang mga anak ng Diyos, at ikatlo, kung ano ang pag-asa ng mga anak ng
Diyos.

Memory Verse: Roma 8: 17a, “At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos
at kasamang tagapagmana ni Cristo.”

Panimula: Kung ang kapanganakang-muli ay pagbabago ng ating puso, ang pagiging anak
ng Diyos o “adoption” ay pagbabago ng katayuan—mula sa pagiging kaaway ng Diyos
tungo sa pagiging anak ng Diyos.

Ang salitang “adoption” ay nagmula sa Greek word na, “huiothesia” (hu-yo-teh-siyah), na


ang kahulugan ay, “placing a son” o “ginawang anak”. Ito ang kalagayan ng mga
mananampalataya sa harapan ng Diyos, ginawa silang mga anak ng Diyos.

TANONG 1: PAPAANO TAYO NAGING MGA ANAK NG DIYOS?

SAGOT: NAGING ANAK NG DIYOS ANG SINUMANG NANANALIG KAY


CRISTO. “Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos”
(Galacia 3: 26). “Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya ay pinagkalooban
Niya ng karapatang maging anak ng Diyos” (Juan 1: 12). Ang pananalig kay Cristo ang
pundasyon ng pagiging anak ng Diyos. Mali ang mga Universalists na nagtuturo na lahat
ng tao sa mundo ay anak ng Diyos. Hindi lahat ng tao sa mundo ay anak ng Diyos, kundi
yun lamang may pananalig kay Cristo ang mga naging anak ng Diyos. (1). Si Cristo ang
nagbigay ng karapatan sa sinuman na maging anak ng Diyos dahil sa kanilang pananalig
sa Kanya (Juan 1: 12). At ang pagiging anak natin ngayon ng Diyos ay hindi nagmula sa
atin, ginawa ito ng Diyos para sa atin (Juan 1: 13). (2). Ang pananalig kay Cristo ang
basehan ng pagiging anak ng Diyos.

Point: Ang pangunahing pagpapala ng pananampalataya kay Cristo ay ang pagiging anak
ng Diyos—ito ang korona ng kaluwalhatian ni Cristo sa mga pananampalataya sa Kanya.

TANONG 2: ANO ANG BENEPISYO NG PAGIGING ANAK NG DIYOS?

SAGOT: ANG DAKILANG BENEPISYO NG PAGIGING ANAK NG DIYOS AY


ANG PAGIGING TAGAPAGMANA NG KAHARIAN NG DIYOS. “At yamang mga
24
anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo” (Roma 8:
17a). Anu-ano ang mga katotohanang nakapaloob rito? (1). Ang mensahe ng pagiging
tagapagmana ay tumutukoy sa pagiging “tunay” na anak ng Diyos. Inampon tayo at
napabilang sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig natin kay Cristo. (2). Ang
mensahe ng pagiging tagapagmana ay tumutukoy rin sa mga taong makakapasok sa
kaharian ng Diyos. Walang ibang pagmamanahin ang Diyos ng kaharian ng langit kundi
ang mga anak ng Diyos. (3). Ang mensahe ng pagiging tagapagmana ay tumutukoy rin
sa kaligtasan. Walang ibang maliligtas kundi ang mga anak lamang ng Diyos sa
pamamagitan ng pananalig kay Cristo. (4). Si Cristo ang kasiguruhan ng pagiging
tagapagmana natin. “…at kasamang tagapagmana ni Cristo” (Roma 8: 17a). Si Cristo
ang Tagapag-kaloob ng ating mamanahin—ang langit. Ang pagiging tagapagmana natin
ang pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, kaya ito ay totoo at mapapanaligan.

Point: Kung mayroong pamilyang panlupa, mayroon ding pamilyang panlangit. Ang
“adoption” ay bahagi ng pagliligtas ng Diyos sa mga nananalig kay Cristo upang gawin
silang miyembro ng pamilya ng Diyos—ito ang pamilyang panlangit.

TANONG 3: ANO ANG MGA BASEHAN NG PAGIGING ANAK NG DIYOS?

SAGOT: (1). Pananalig kay Cristo (Galacia 3: 26). “Dahil sa inyong pananalig kay
Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.” Ang pananalig kay Cristo ay panlabas na
patotoo na tayo ay anak ng Diyos. (2). Ang patotoo ng Espiritu (Roma 8: 16). “Ang
Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos.”
Ang patotoo ng Espiritu sa ating puso na tayo ay anak ng Diyos ay panloob na karanasan
at patotoo ng Espiritu sa mga nananalig kay Cristo. (3). Ang patnubay ng Espiritu (Roma
8: 14). “Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.” Ang
pamumuhay na nasa ilalim ng patnubay ng Espiritu, una sa lahat, ay pamumuhay sa
kabanalan, at ito ay patotoo na tayo ay anak ng Diyos.

Message: Ang pagiging anak ng Diyos ay bahagi ng pagliligtas ng Diyos sa tao, na kung
saan, ang bawat isang nananalig kay Cristo ay ginawa ng Diyos na bahagi ng pamilya ng
Diyos.

REALIZATION: Papaano mo ngayon masasabing, ang pagiging anak ng Diyos ay


napakahalag? (Tangungin ang mga mag-aaral).

Conclusion: Mapalad tayo dahil ibinilang tayong mga anak ng Diyos dahil sa pananalig
natin kay Cristo.

GOD BLESS YOU.

PRAYER.

25
Aralin 10

ANG ISANG MATATAG NA KRISTIANO


AY NAUUNAWAAN ANG PANANAMPALATAYA AT GAWA
(FAITH & WORKS)

Mga Talatang Pag-aaralan: Roma 4: 5; Santiago 2: 17

Opening Prayer:

Layunin: Maunawaan ng bawat isa ang kaibahan ng pananampalataya at gawa sa usapin


ng kaligtasan at pagiging matuwid na kristiano.

Memory Verse: Santiago 2: 17, “Gayon din naman, patay ang pananampalatayang
walang kalakip na gawa.”

Panimula: Maraming tao ang ipinagpapalagay na sa pamamagitan ng kanilang mga gawa


sila ay maliligtas at tatanggapin ng Diyos sa langit. Ipinagpalagay nila na sa pamamagitan
ng kanilang magagawa ay mabibigyan nila ng kasiyahan ang Diyos sa hustisyang Kanyang
hinihingi dahil sakasalanan. Ito ay isang huwad na pag-asa. Ang matatag na
mananampalataya ay nauunawaan nila ng malinaw ang punto sa pagitan ng
pananampalataya at mga gawa sa usapin ng kaligtasan at pamumuhay-kristiano.

I-PAG-UNAWA SA DALAWANG TALATA

Apostol Pablo Apostol Santiago

“Datapwat ang hindi gumagawa kundi “Gayon din naman, patay ang
nananalig sa Diyos na nagpapawalang-sala sa pananampalatayang walang kalakip
makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa na gawa.” (Santiago 2: 17)
kanyang pananalig.” (Roma 4: 5)

Sa biglang tingin, ang dalawang talata ay tila magkasalungat na tila magkalaban si Pablo
at si Santiago. Ngunit ang totoo ay nagkakaisa sila at hindi sila nagsasalungatan.
Kailangan lang nating unawain ang focus ng kanilang pagtuturo.

Focus: KALIGTASAN Fucos: KRISTIANONG


PAMUMUHAY

Si Pablo at si Santiago ay mayroong magkaibang focus sa kanilang itinutro. Magkaiba


ang panahon ng kaligtasan sa panahon ng kristianong pamumuhay. Si Pablo ay
nakafocus sa usapin ng kaligtasan at nililinaw niya na ang pagpapawalang-sala ng Diyos
sa tao ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (Roma 1: 17; 4: 5). Samantalang
si Santiago naman ay nakafocus sa kristianong pamumuhay at binibigyang pansin niya
ang mga taong nagsasabing may pananampalataya sila ngunit hindi naman makita sa
kanilang pamumuhay ang bunga ng kanilang pananampalataya. Itinuturo ni Santiago na
kung tunay ang iyong pananampalataya, magbubunga ito ng mga mabubuting gawa.

26
II-PAG-UNAWA SA EQUATION NG KALIGTASAN

(1) Wrong Equation: FAITH + GOOD WORKS = SALVATION

Hindi maipagkakaila na napakaraming tao ngayon na nakasandig ang kaligtasan sa


ganitong equation: Faith plus Work equals Salvation. Salungat ito sa sinasabi ng Efeso
2: 8-9, “Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong
pananalig kay Cristo. Ang ang kaligtasang ito ay kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo.
Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.”

(2). Right Equation: FAITH = SALVATION + GOOD WORKS

Ang kaligtasan ay kaloob ng Diyos, hindi ito nagmula sa magagawa ng tao (Efeso 2: 9).
Isang malaking kamalian sa kristianong pamumuhay ang isipin natin na ang ating mga
mabubuting gawa ay nagdadagdag sa atin ng kaligtasan. Mayroon tayong mabubuting
gawa dahil ligtas na tayo.

Point: Ang ating mga mabubuting gawa ay bunga lamang ng kaligtasang mayroon tayo sa
pamamagitan ng pananalig kay Cristo.

III-DALAWANG MAGKAIBANG PANAHON

Iba ang panahon ng kaligtasan sa panahon ng kristianong pamumuhay. Tayo ay


pinawalang-sala ng Diyos sa pamamgitan ng pananampalataya lamang (Roma 1: 17; 4: 5),
ngunit ang pananampalatayang ito ay hindi natatapos sa panahon ng kaligtasan. Kung totoo
ang pananampalatayang ito, magbubunga ito ng mga mabubuting gawa sa kristianong
pamumuhay. Sa panahon ng kaligtasan, kailangan nating manampalataya upang
mapawalang-sala. Sa panahon naman ng kristianong pamumuhay ay kailangan naman
nating ipakita ang ating mabubuting gawa bilang bunga ng ating pananampalataya. Hindi
na tayo naghahanap ng kaligtasan sa panahon ng kristianong pamumuhay dahil ligtas na
tayo, kundi nabubuhay na tayo sa kalooban ng Diyos na ipinapakita ng ating mabubuting
gawa. Ang mabubuting gawa ay ebidensya ng totoong pananampalataya.

REALIZATION: Ano ang naunawaan mo sa araling ito patungkol sa pananampalataya at


gawa? (Tanungin ang mga mag-aaral).

Conclusion: Ang pananampalataya at ang gawa ay parehong mahalaga ngunit sila ay


magkaiba. Sa kristianong pananampalataya at katuruan ay dapat nating unawain ang mga
ito sa tamang posisyon ayon sa sinasabi ng Biblia upang maging wasto ang ating
kristianong pamumuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos.

GOD BLESS YOU.

PRAYER.

27
For Further Reading

Beeke, Joel R. Developing Healthy Spiritual Growth (Darlington Eng.: EP books, 2019).
_____________The Quest for Fall Assurance (Edinburgh: Banner of Truth, 2000).
Berkhof, Luis. Systematic Theology (Edinburgh: Banner of Truth, 2021).
Brown, John. Sytematic Theology (Grand Rapids MI.: Reformed Heritage Books, 2015).
Dever, Mark. What is Healthy Church (Quezon City PHIL.: CGM, 2008).
Erickson, Millard. Christian Theology (Grand Rapids, MI.: Baker Academic, 2007).
Grudem, Wayne. Sytematic Theology (Nottingham England, IVP, 2000).
Haldane, Robert. Romans (Edinburgh: Banner of Truth, 2020).
Packer, James I. Consice Theology (Wheaton, ILL.: CrossWay, 2020).
______________ God’s Words (Grand Rapids, MI.: Baker Books, 1988).
Sproul, R.C. Essential Truths of the Christian Faith (Carol Stream, ILL.: Tyndale, 1992).
___________ Everyone’s a Theologian (Ann Arbor, MI.: Reformation Trust, 2014).
Watson, Thomas. A Body of Divinity (Edinburgh: Banner of Truth, (1692) 2015).
Weil, Roger. Foundation of Christian Faith (Arlington, London: Grace Publications,
2017).

28

You might also like