You are on page 1of 19

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Paaralan: _____________________________ Petsa: _____________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan - Unang Linggo
Ispiritwalidad, Susi sa Mabuting Pagkatao

I. Panimula

Mahirap itanggi na kapag ang tao ay may tapat na pananalig sa


Diyos, inaasahan na sa kaniya ang pagiging mabuting tao dahil ang
pananampalataya ay may malaking papel na ginagampanan upang
mahubog ang kaniyang pag-uugali at gawi. Ang pananampalataya at
pagmamahal ng isang tao sa Diyos ang dahilan upang kaniyang magawa
ang mga bagay na tama sa paningin ng tao at ng Diyos.

Ang paglinang sa pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang basta


pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Kaniya. Lumalago at lumalalim ang
pag-ibig na ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa Kaniyang salita at pagtupad
sa mga ito. Dahil nabuo na ang paggalang at mataas na pagrespeto ng isang
tao sa Diyos, ito ang magiging dahilan upang gawin lamang niya ang mga
bagay na mabuti at makapagpapasaya sa ating Amang nasa langit.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.


Halimbawa: Pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng
mabuting pagkatao anuman ang paniniwala; pagkakaroon ng positibong
pananaw, pag-asa at pagmamahal sa kapuwa at sa Diyos.
III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. matutukoy ang mga paraan kung paano maisasabuhay ang
pananalig sa Diyos;
2. mailalarawan ang ibat-ibang pangrelihiyong pagdiriwang at gawain;
3. maipaliliwanag kung paano nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad.

IV. Pagtalakay

Ang taong may pananalig nang buong puso sa Diyos ay kaakibat na


ang pagkakaroon ng mabuting kalooban. Naipakikita niya ito sa paggawa ng
kabutihan sa kaniyang kapwa at sa iba pang nilalang dito sa lupa. Kusang
lumalabas ang kaniyang kabaitan dahil ito ang hinubog sa kaniya ng
kaniyang pananampalataya. Ang pagkakaroon niya ng totoong relasyon sa
Diyos ang tumutulong sa kaniya upang umiwas sa kasalanan at
maimpluwensyahan ang mga tao sa paligid na maging mabuting tao rin. Ito
ay dahil nakikita sa kaniya ang mga kaugaliang karapat-dapat kaya siya ay
kinagigiliwan at nirerespeto kanino man siya makisalamuha.

Tunay ngang kahanga-hanga ang bunga ng ispiritwalidad sa isang


tao. Ito ay mas mapalalalim kapag isinasabuhay ng isang tao ang kaniyang

2
pananalig sa Diyos. Wala ito sa kasarian, katanyagan, katalinuhan, lahi,
kulay ng balat, estado sa buhay o maging sa relihiyon man. Ito ay nasa
puso at kalooban ng isang tao na tunay na nagmamahal at may mataas na
paggalang at pagkatakot sa Diyos.

Paano nga ba naipakikita ang mataas na antas ng ispiritwalidad? Ito


ay naipakikita sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain gaya ng:

a. pagtulong sa mga nangangailangan


b. pag-aalaga sa may sakit.
c. pangangalaga sa kalikasan
d. pagtupad nang may katapatan sa mga tungkulin
e. pagsunod sa batas at anumang awtoridad sa tahanan, trabaho,
lipunan o sa simbahan man
f. palagiang pagdarasal
g. pananambahan o pagsisimba
h. pagbibigay o pagsuporta sa simbahan o sambahan
i. pagpapatawad
j. pagninilay sa Salita ng Diyos.

Ang pananalig sa Diyos ay hindi lamang sinasabi ng bibig. Ito’y higit


na nakikita sa mga kilos, gawi o pag-uugali ng isang tao. Ang paggalang sa
anumang relihiyong kinaaaniban ng isang tao ay tanda rin ng ispiritwalidad
dahil ang tunay na pananalig ay wala sa relihiyon o anumang sektang iyong
kinabibilangan ito’y personal na relasyon mo sa ating Panginoon.

Sa Pilipinas madalas na iniuugnay ang relihiyon sa ispiritwalidad.


Ang mga Pilipino ay likas na relihiyoso at may malalim na paggalang sa
Diyos. Masasalamin ito sa kultura na ipinakikita sa mga pagdiriwang na
halos ay may kinalaman sa pananalig ng mga Pilipino sa Dakilang Lumikha.
Ilan sa mga ito ay ang Pasko, Mahal na araw, pista, binyag, Ati-atihan,
Santakrusan, Pahiyas at iba pa. Para naman sa mga kapatid nating Muslim
ay ang Ramadan. Ito ang pinakamahalaga nilang pagdiriwang. Maging ang
ibang relihiyon ay may kani-kaniya ring pagdiriwang gaya ng anibersaryo ng
pagkatatag ng Iglesia ni Cristo na kinikilala sa buong Pilipinas at ang
National Bible Day ng mga Born-again Christians.

Kapag ginaganap ang mga pagdiriwang na ito ay hindi maisasantabi


ang pagbibigay-halaga ng mga Pilipino sa pananampalataya. Palagi nilang
hinihingi ang basbas ng Diyos sa mga araw na ito. Halina at ating talakayin
ang ilan sa mga panrelihiyong pagdiriwang na ito.

3
Pasko

Ang Pasko ay isa sa pinakamasayang pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay


ginaganap tuwing ika-25 ng buwan ng Disyembre. Inaaalala sa araw na ito
ang kapanganakan ng Panginoong Hesu-Kristo. Tuwing Pasko, ang mga
Kristiyano ay nagbibigayan ng mga regalo. Ang mga bata ay nagmamano sa
kanilang mga ninong at ninang at sila ay binibigyan naman ng aginaldo. Sa
Pilipinas, mahaba ang pagdiriwang ng Pasko sapagkat sa unang araw pa
lamang ng Setyembre ay nagsisimula nang maglagay ng mga palamuti ang
mga tao patungkol dito. Maririnig na rin ang mga awitin at tugtuging
pamasko sa simula pa lamang ng buwang ito.

Mahal na Araw

4
Ang Mahal na Araw o Cuaresma ay ang pag-alala sa paghihirap at
kamatayan ng Panginoong Hesu-Kristo sa Krus ng kalbaryo upang matubos
ang mga tao sa kasalanan. Sa Pilipinas iba-iba ang paraan ng pag-alala sa
Mahal na Araw. May mga taong nagpipinitensiya o pagpapahirap sa sarili
gaya ng pagsugat at paghampas sa likod, pagbubuhat ng krus, at pag-
gapang sa lupa. Naniniwala sila na sa pamamagitan nito ay mapatatawad
kanilang kasalanan. Ang iba naman ay bumibisita sa mga simbahan o ang
tinatawag na Visita Iglesia. Ito ay pagtupad sa pangako na mabisita ang
pitong simbahang Katoliko at mag-alay ng panalangin sa Diyos. Sa mga
araw na ito ay maririnig mo rin ang pasyon o ang pabasa. Ito ay pagbasa
nang paawit sa kasaysayan ng Panginoong Hesu-Kristo lalo na sa kanyang
paghihirap at kamatayan.

Pista ng Nazareno

Ito ay ginaganap tuwing ika-siyam ng Enero. Tinatawag din itong


Traslacion o ang paglilipat sa imahen ng Itim na Nazareno mula sa tahanan
nito sa Bagumbayan o Luneta patungo sa simbahan ng Quiapo. Maraming
debotong katoliko ang naniniwala na nakapagpapagaling ng mga
karamdaman ang Itim na Nazareno. Naniniwala rin sila na ang kanilang
mga dalangin o kahilingan sa buhay ay maipagkakaloob. Ito ang dahilan
kung bakit sa araw na ito ay dumadagsa ang mga deboto na nais makisali
sa prusisyon ng Traslacion o paglilipat sa Itim na Nazareno mula sa Luneta
patungong Quiapo. Karamihan sa mga taong sumasama rito ay may mga
panata o pangako sa Diyos at para sa kanila ang pagdalo sa pagdiriwang na
ito, gaano man kahirap ay isang pagtupad sa ipinangako.

5
Ramadan

Ang Ramadan ay ang isang buwang pag-aayuno ng mga kapatid


nating Muslim. Ito ay ginaganap sa ika-siyam na buwan ng kalendaryong
Islam. Ito ang pinakasagrado para sa paniniwalang Islam. Ang Ramadan ay
ang panahon na binibigyang halaga ng mga Muslim ang kanilang relasyon
sa Dakilang Lumikha na tinatawag nilang Allah. Sa panahong ito sila ay
hindi kumakain at umiinom mula bukang liwayway hanggang dapithapon.
Ginugugol nila ang kanilang mga oras sa pagdarasal at pag-gawa ng mabuti
sa kapwa.

Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

6
Ang anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo ay noong Hulyo
27, 1914. Kaya ngayon ang Iglesia Ni Cristo ay mahigit nang isang daang
taon. Sa tuwing sasapit ang araw na ito ang libo-libong miyembro ng Iglesia
Ni Cristo sa bawat panig ng bansa ay nagdiriwang at nagsasama-sama sa
isang lugar upang doon gunitain at ipagdiwang ang kanilang araw ng
pagkakatatag. Sa panahon natin ngayon, sila ay nagtitipon-tipon sa
Philippine Arena na nasa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ito ay napakalaki
at napakaluwang na lugar para sa kanilang pinakamahalagang araw.

National Bible Month

Ang National Bible Month ay ginagawa tuwing buwan ng Enero. Sa


bisa ng Republic Act No. 11163 ideniklara ang huling Lunes ng buwan ng
Enero bilang National Bible Day. Ito ay nagbibigay pagpapahalaga sa Bibliya
bilang pinaka batayan ng pananampalatayang Kristiyano. Madalas ay
namimigay ng mga kopya ng Bibliya ang mga Born-Again Christians at mga
Protestante sa mga paaralan at ibat-ibang establisimyento bilang pag-alala
sa araw na ito.

7
V. Mga Gawain

Gawain # 1

Panuto: Magtala ng ibat-ibang gawain na magpapataas ng iyong antas sa


ispiritwalidad. Isulat ang mga ito s a graphic organizer na nasa ibaba.
Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot sa gawain.

RUBRIK PARA SA PAGGAWA SA GAWAIN 1


ISKOR
Pamantayan
Kumpleto at akma ang mga isinulat na kasagutan. 10
Kumpleto ang mga sagot ngunit may ilang maling ideya na naisulat. 7
Nakapagsulat ng sagot ngunit may kakulangan at hindi akma sa aralin. 5

Mga Gawaing Mag-


papataas Ng Antas
Sa
Ispiritwalidad

Gawain #2

8
A. Panuto: Sagutin nang tapat ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng
tsek (√) ang hanay kung ginagawa mo ito palagi, minsan o hindi.

PALAGI MINSAN HINDI


1. Nakikilahok ka ba sa mga gawain sa
inyong simbahan o sambahan.
2. Nananalangin o nagdarasal ka ba
para sa ibang tao?
3. Pinatatawad mo ba ang mga
nakasakit sa iyong damdamin?
4. Iginagalang mo ba ang pananalig ng
ibang tao?
5. Tumutulong ka ba sa mga taong
nangangailangan?
6. Matiyaga ka bang nakikinig sa panga
ngaral ng salita ng Diyos gaano man
ito kahaba?
7. Iniiwasan mo bang makipag-chat o
makipag-text habang nagsisimba o
sumasamba?
8. Nakikihalubilo ka ba sa mga taong iba
sa iyo ang relihiyon?
9. Nagtatanong ka ba sa mga naka
tatanda tungkol sa inyong relihiyon?
10. Naiisip mo ba na sana ay maghari
ang kapayapaan sa buong mundo.

B. Panuto: Mula sa Gawain 2 pumili ng isa sa mga sinagutan mo ng


MINSAN o HINDI. Sumulat ng isang talata na naglalarawan kung paano mo
magagawang PALAGI ang iyong sagot. Gawin ito sa mga patlang na inilaan.

RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG TALATA


PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman ng talata 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inilahad 3
Wasto ang pagbabaybay at gramatika 2
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
KABUUANG PUNTOS 10

(Ang iyong talata ay dapat maglalaman lamang ng limang pangungusap.


Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot sa gawain.)

9
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain # 3

Panuto: Magsaliksik o magtanong tungkol sa iba’t-ibang gawaing


panrelihiyon sa Pilipinas. Ilarawan ang mga ito ng isa o dalawang
pangungusap lamang.

RUBRIK PARA SA PAGGAWA SA GAWAIN 3


ISKOR
PAMANTAYAN
Kumpleto at akma ang mga isinulat na kasagutan. 3
Nasagutan ngunit may ilang maling ideya na naisulat 2
Nakapagsulat ng sagot ngunit may kakulangan at hindi akma sa 1
aralin.

1. Pasko

____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Mahal na Araw

10
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Pista ng Nazareno

____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Ramadan

____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain #4

11
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Nakita mo at narinig ang pag-aaway ng iyong mga kamag-aral. Pinag-


aawayan nila ang tungkol sa kanilang paniniwala dahil magkaiba sila ng
relihiyon. Napansin mong umiinit na ang kanilang pagtatalo. Ano ang
iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na lamang na marinig sila ng aming guro at bawalan.
B. Kakampi ako sa isa sa kanila na alam kong nasa katuwiran.
C. Aawatin ko sila at sasabihin kong igalang nila ang paniniwala ng
bawat isa.
D. Iiwasan kong makisali sa kanila dahil ayaw kong makipag-away.

2. Nalaman mo na isinugod sa ospital ang iyong lolo dahil nahihirapan


itong huminga. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagdarasal ko ang kaniyang kaligtasan at agarang paggaling.
B. Maglalaro ako sa kuwarto ni Lolo kasi wala naman siya.
C. Pipilitin ko sila na isama ako sa ospital dahil gusto kong bantayan
si Lolo.
D. Bata lamang ako at walang magagawa. Hihintayin ko na lamang na
makalabas siya sa ospital.

3. Nagsimba kayong mag-anak. Habang nakaupo ka at nakikinig, napansin


mo na medyo napatagal na yata ang sermon o pangangaral.
Nakaramdam ka na ng pagkainip. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatayo ako at maglalaro na lamang muna sa labas.
B. Magtitiyaga ako at makikinig hanggang sa matapos ang
pangangaral.
C. Kakain na lamang ako ngunit hindi tatayo sa aking kinauupuan.
D. Matutulog muna ako at hihintayin ko na lamang na gisingin ako ng
nanay ko.

4. Habang naglalakad ka pauwi ay nakasalubong mo ang isang pulubi at


humihingi ito ng limos sa iyo. May natira kang pera na inilalaan mong
panghulog sa iyong alkansiya. Ano ang iyong gagawin?
A. Ibibigay ko na ang tira kong pera sa kaniya.
B. Magkukunwari akong hindi ko siya nakita o narinig.
C. Sisigawan ko siya at paalisin.
D. Tatakbo ako para makaiwas sa kanya.

5. Araw ng Linggo ginigising ka ng iyong nanay upang ang inyong mag-


anak ay makapagsimba sa unang misa sa umaga, ngunit inaantok ka pa

12
dahil napuyat ka sa panonood ng telebisyon kagabi. Ano ang iyong
gagawin?
A. Pipilitin kong tumayo dahil gusto ko ang pagsisimba.
B. Magbibingi-bingihan ako at magtutulog-tulugan.
C. Sasabihin ko kay Nanay na iwan na lamang muna ako.
D. Sasabihin ko na may assignment akong tatapusin.

6. May proyekto para sa kabataan ang inyong barangay. Nais ng inyong


pinuno na mag-donate kayo ng mga plastic bottles, mga papel o lumang
dyaryo na maaaring ipagbili upang maging pondo. Subalit nag-iipon ka
ng pera para sa iyong sapatos. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko ibibigay ang mga naipon kong plastic bottles at dyaryo
para may maibenta ako at maipambili ng nais kong sapatos.
B. Ibebenta ko ang naipon ko at ilalagay ang pera sa aking alkansiya.
C. Iipunin ko lahat nang maaring i-donate sa aming bahay para
makatulong sa proyekto ng aming barangay.
D. Hihingi ako ng pera sa aking nanay para ibigay sa kanila bilang
tulong sa proyekto.

7. Nakita mong pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang inyong bagong


kamag-aral dahil sa kaniyang pananamit. Nalaman mo na siya ay isang
Muslim. Nais ng mga kaklase mo na sumama ka sa kanila sa
pambubulas sa kanya. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako sasali sa kanila at pagsasabihan ko sila na hindi tama
ang nais nilang gawin.
B. Sasali ako sa kanila, katuwaan lamang naman iyon.
C. Kakampihan ko siya at aawayin ang mga mambubulas niya.
D. Aalis ako at iiwanan ko sila dahil ayaw kong madamay sa gulo.

8. Sa iyong paglalakad pauwi ay may napulot kang isang pitaka. Punong-


puno ito ng lamang pera. Naisip mo na may kakulangan ang inyong
pamilya sa pera lalo na ngayong pandemya dahil nahinto ang
hanapbuhay ng iyong tatay. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko kay Tatay na gamitin na lamang namin ang pera.
B. Hahanapin namin ang tirahan ng may-ari at isasauli ang pitaka.
C. Ibibigay ko sa mga pulubi ang pera.
D. Ibibigay ko sa mga pulis ang pera.

9. Nakita mong hinahabol ng mga bata ang isang pusa at binabato nila ito.
Napag-alaman mo na kinain pala nito ang kanilang ulam na naiwan sa
mesa. Ano ang iyong gagawin?

13
A. Makikisali ako sa kanila sa pagbato at paghuli sa pusa dahil hindi
tama ang kaniyang ginawa.
B. Aabangan ko sa kabilang dulo ang pusa para hulihin at ikulong.
C. Babawalan ko ang mga bata at pagsasabihan sila na huwag
mananakit ng hayop dahil ang mga ito’y nilalang din ng Diyos.
D. Isusumbong ko sa may-ari ng pusa ang ginagawa ng mga bata para
mapagalitan sila.

10. Nasa simbahan kayo ng iyong pamilya nang may nag-chat sa’yo na
kaibigan. Nais niyang makipagkwentuhan sayo. Ano ang iyong
gagawin?
A. Papatayin ko muna ang cellphone ko at sasagutin na lamang siya
pagtapos na ang misa.
B. Ilalagay ko sa silent mode ang cellphone ko at sasagutin ang mga
chat niya.
C. Lalabas muna ako ng simbahan at kakausapin ko siya.
D. Makikipag-chat ako sa kanya.

Gawain #5
Panuto: Alin sa mga sumusunod na mga katangian ang nagpapatunay na
ang isang tao ay may mataas na antas ng ispiritwalidad at may mabuting
pagkatao? Itiman ang bilog sa kaliwa bago ang bilang.

1. Pagiging matapat sa gawain kahit walang nakakikita.

2. Pagdarasal bago kumain kahit maraming nakatingin.

3. Pandaraya sa kapuwa.

4. Pagpapahiram ng pera kahit sa taong walang kakayahang


makapagbayad.

5. Paglilingkod ng libre sa simbahan nang may katapatan.

6. Pag-amin sa pagkakamali at paghingi ng tawad.

7. Pakikipag-away sa mga kapitbahay.

8. Pagtupad sa mga pangako sa Diyos at sa kapuwa.

9. Pagdaramot sa kapuwa.

14
10. Pagtitiwala sa kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala.

VI. Pagsusulit

A. Panuto: Isulat ang TAMA PO o MALI PO sa patlang bago ang bilang.

_______1. Dapat nating tratuhin ang Diyos nang may mataas na paggalang.

_______2. Ang pagtulong nang may hinihinging kapalit ay tama lamang.

_______3. Ang paggalang sa relihiyon o paniniwala ng iba ay pagpapakita ng


ispiritwalidad.

_______4. Ang pag-alam o pag-aaral sa paniniwala ng ibang relihiyon ay


masama at hindi makatutulong sa pakikipagkapuwa.

_______5. Ang pagsasama-sama ng pamilya sa araw ng Pasko ay mabuting


gawain.

_______6. Dapat mong tanggihan ang inaalok na tulong ng hindi mo


kapananampalataya.

_______7. Mapananatili ang kapayapaan kung ikaw ay mapagpakumbaba.

_______8. Ang paghingi ng tawad at pag-amin sa pagkakamali ay senyales


ng kahinaan at karuwagan.

_______9. Ang taong may pagmamahal sa Diyos ay nagsusumikap na


makagawa ng tama at mabuti.

_______10. Ang ispiritwalidad ay naipakikita sa pagiging relihiyoso lamang.

B. Panuto: Tukuyin ang gawaing panrelihiyon na inilalarawan sa


pangungusap. Guhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

1. Ang (Pasko, Mahal na Araw, piyesta) ay pag-alala sa kapanganakan ng


ating Panginoong Hesu-Kristo.

2. Ang (binyag, Ramadan, kasal) ay ang pinakamahalagang pagdiriwang ng


mga Muslim.

3. Ang (Mahal na Araw, Pasko, piyesta) ay ang pag-alala sa kamatayan ng


ating Panginoong Hesu-Kristo.

4. Ang (Pasko, Anibersayo ng Iglesia ni Cristo, Ramadan) ay ang pag-alala sa


pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo.

15
5. Ang (Mahal na Araw, Pasko, National Bible Day) ay ang pagbibigay halaga
sa Bibliya bilang batayan ng paniniwalang kristiyano.

VII. Pangwakas

Panuto: Sumulat ng isang panalangin na nais mong hilingin sa Diyos lalo


na mga nangyayari sa ating panahon ngayon. Gawin ito sa limang
pangungusap lamang.

RUBRIK SA PAGGAWA NG REPLEKSYON


ISKOR
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inihayag 3
Wasto ang pagbabaybay at gramatika 2
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
KABUUANG PUNTOS 10

__________________________________________________
__________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
__
VIII. Sanggunian

16
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y. 2020-
2021. https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-
learningcompetencies_1.html

Peralta, Gloria A. EdD at Ylarde, Zenaida R. 2016. Edukasyon sa


Pagpapakatao 6. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang
Aklat. Pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon.

https://getting-it-together.moadoph.gov.au/teacher-guide/graphic-
organisers.html

Yabut, Homer. 2013. De Lasalle University


https://www.researchgate.net/publication/
282905631_ISANG_PAGLILINAW_SA_MGA_PANINIWALA_AT_PAGPAP
AKAHULUGAN_SA_ISPIRITWALIDAD_AT_RELIHIYON_NG_MGA_PILIPI
NO

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/
mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2018/ra_11163_2018.html#

https://www.google.com/search?
q=location+of+philippine+arena&rlz=1C1CHBD_enPH801PH801&oq=locatio
n+of+Philippine+arena&aqs=chrome.0.0.16216j0j7&sourceid=chrome&ie=U
TF-8

Larawan mula sa:

Abac, Felamer E., et al. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao –


Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon.
Pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon.

17
IX. Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 3 GAWAIN 4

1. c
Iwawasto ng guro Maaaring 2. a
sapagkat maaaring magkakaiba-iba ang Gagamitin at 3. b
magkakaiba-iba ang sagot. gagabayan ng rubrik 4. a
sagot ng mga bata. sa pagsagot at 5. a
pagwawasto ng 6. c
Gagabayan ng rubrik
gawain 7. a
sa pagsagot sa
8. b
ikalawang bahagi ng
9. c
gawain.
10. a

GAWAIN 5 PAGSUSULIT

1.

2. 1. TAMA
2. MALI
3. 3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
4. 6. MALI
7. TAMA
5. 8. MALI
9. TAMA
6. 10.MALI
II.
7. 1. Pasko
2. Ramadan
8. 3. Mahal na Araw
4. Anibersaryo ng Iglesia
9. ni Cristo
5. National Bible Day
10.

18
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Ludivina B. Bauzon
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Agnes R. Bernardo, Vivian R. Dumalay,
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio
Tagaguhit: Isagani D. Tique
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

19

You might also like