You are on page 1of 8

Ikaapat na Markahan- Modyul 2:

Ang Pananalig ko ay Pag-asa Ko

1|P age
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. matutukoy ang kahulugan ng pananalig sa Diyos at pag-asa;
2. maipaliliwanag kung paanong ang pag-asa at positibong pananaw at pagmamahal sa
Diyos at sa kapuwa ay tumutuloy sa kabanalan; at
3. maisasabuhay ang positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos at sa
kapuwa.

Pagtalakay
Naranasan mo na bang humarap sa malaking problema sa buhay? Paano mo ito
nalampasan? Nagpatibay ba ito ng iyong pananalig sa Diyos o nagpahina ng iyong
pananampalataya sa Kanya?

Ang bawat isa sa atin ay nakararanas ng mga suliranin sa buhay. Kung minsan ay
nagkakaroon ng hindi magandang pangyayari gaya ng, pagkawala ng mahal natin sa buhay
o iba pang mga masasakit na karanasan. Sa bawat pangyayaring ito, mahalaga ang
pagkakaroon ng pag-asa. Ito ang magbibigay sa atin ng positibong pananaw sa buhay,
katatagan at pananalig sa Diyos. Ang ating pagtitiwalang ibibigay sa Diyos sa panahon ng
pagsubok ay magpapalakas ng ating loob na ito ay harapin nang may pag-asa. Ang pag-asang
ito ang magdadala sa atin sa mas mabuti at tamang landas, ang lalo pang magtiwala sa tulong
ng Diyos at sa paggawa ng kabutihan at tama. Ito rin ang gagabay sa atin upang maging
matulungin sa ating kapuwa na nakararanas din ng tulad sa ating naranasan.
Nakapagbibigay tayo ng lakas ng loob sa kanya at pag-asa dahil para na rin nating sinasabi
na kung nakayanan natin ang mga problemang dumaan sa ating buhay ay makakayanan din
niya iyon sa tulong ng Diyos.
Maging ang mga taong kilala sa ating lipunan na matagumpay na ngayon sa buhay, ay
nakaranas din ng hirap bago nila narating ang tagumpay. Hindi sila napahinto ng pagsubok
sa pag-abot sa kanilang pangarap, sapagkat nanatili silang positibo sa buhay. Kaya bilang
halimbawa, gawin mo sanang inspirasyon ang mga karanasan ng mga taong ito. Huwag kang
hihinto at mawawalan ng pag-asa sa buhay. Sana ay mas palalimin mo pa ang iyong
pagtitiwala at pananalig sa Diyos dahil Siya lamang ang maaari mong hingan ng tulong sa
oras ng kahirapan at pangangailangan. Lagi kang umasa na nandiyan lamang Siya at handa
kang tulungan sa iyong mga kahirapan at pagsusumikap. Kung hindi ka hihinto at patuloy
na magsisikap tiyak na ikaw rin ay magtatagumpay sa iyong mga gustong marating sa buhay.

Mga Gawain
Gawain 1 Panuto: Sa loob ng isang linggo, gumawa ng sarili mong kalendaryo ng pagtatala
ng mga mabubuting gawain na nagawa mo para sa iyong kapuwa; kaibigan man, kapamilya,
o ibang mga tao.

2|P age
RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG TALAAN
PUNTOS
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman 4
Maayos at organisado ang mga ideyang inilahad 3
Wasto ang pagbabaybay at gramatika 2
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
KABUUANG PUNTOS 10

Araw / Petsa Tala ng Kabutihang Nagawa

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Gawain 2 Panuto: Basahin ang tula. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pag-asa
ni Ludivina B. Bauzon

Sa bawat pagsubok na darating sa buhay


Pag-asa’y huwag hayaang, sa’yo ay mawalay
Sa puso’t isipan mo’y laging ikintal,
May Ama sa langit na sa ati’y nagmamahal.

3|P age
Di kita iiwan, ni pababayaan man,
‘Yan ang mga pangakong, sa ati’y binitawan,
Gaano man kahirap ang pinagdaraanan
Tiyak na sa tulong Niya, ito’y malalampasan

Kaya’t halina, aking kaibigan


Tiwala sa Diyos ay iyong ilaan.
Sa kanya ilagak, ang iyong kabalisahan
Upang kapayapaan ay iyong maranasan.

Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula?


________________________________________________________________________

2. Sino ang tinutukoy sa tula na maaaring tumulong sa atin sa ating mga


suliranin sa buhay?
_______________________________________________________________________

3. Ano ang maaari nating gawin para maging magaan ang ating loob sa mga
problemang dumarating sa atin o sa ating pamilya?
_______________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos?


________________________________________________________________________

5. Paano mo maipakikita ang pagtitiwala mo sa Diyos?


________________________________________________________________________

Gawain 3 Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang ginamit sa aralin na makikita sa
ibaba.

1. POSITIBO 6. DIYOS
2. PANANAW 7. KAPUWA
3. PAG-ASA 8. KAPAYAPAAN
4. TIWALA 9. MAGMAHAL
5. PAGSUBOK 10. KABALISAHAN

4|P age
K A P A Y A P A A N D
A B A C A M D N M K I
I R G O P A T S V A Y
B M A G M A H A L P O
I O S U I N H G A U S
G U A P A N A N A W I
A P A G S U B O K A I
N F G L P N S A O T W
P A P A L G K O P T A
K A B A L I S A H A N
P O S I T I B O V C X
T I W A L A J Y U O P

Pagsusulit

A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Kapag dumaranas ka o kayo sa pamilya ng matinding problema, ano ang dapat mong
gawin?
A. Magtiwala at manalangin sa Diyos.
B. Umasa sa magulang at nakatatanda sa pamilya.
C. Hayaan lang, bata pa naman ako kaya wala akong magagawa.
D.Umiyak nang umiyak at huwag nang lumabas ng bahay kahit kailan.
2. Nais mong mas lalo pang lumalim ang iyong pananalig sa Diyos, ano ang dapat mong
gawin?
A. Mag-aral ng Salita ng Diyos at laging manalangin.
B. Sundin ang mga itinuturo ng simbahan
C. Laging magsimba o sumamba
D.Gawin lahat nang nabanggit.
3. Narinig mo sa pangaral sa inyong simbahan na ang pagmamahal sa kapuwa ay
magpapalapit sa iyo sa Diyos. Ano ang iyong gagawin?

A. Wala, dahil wala naman akong kakayahan.


B. Tutulong ako sa mga taong nangangailangan.
C. Uunahin ko muna ang sarili ko dahil baka ako man ay mangailangan din.
D.Pipiliin ko lamang ang mga taong tutulungan ko at mamahalin.
4. Umuwi ang tatay mo nang malungkot dahil natanggal daw siya sa trabaho. Siya lamang
ang inaasahan ninyong magpapamilya. Ano ang iyong gagawin?
A. Magdadasal ako upang humingi ng tulong sa Diyos sa pagsubok na ito.
B. Sasabihin ko kay Tatay na maghanap kaagad ng ibang trabaho.
C. Sasabihin kong hayaan niyang si Nanay naman ang magtrabaho.
5|P age
D. Aalis muna ako sa amin at titira sa tiya kong mayaman dahil kaya niya akong
suportahan.
5. Nakasalubong mo sa daan ang isang pamilyang palaboy-laboy sa kalye. Napag-alaman
mong sila ay walang tahanan at umaasa lang sa limos para sa araw-araw na
pangangailangan. May natira ka pang pera pero iyon ay nais mong ihulog sa iyong
alkansiya. Ano ang iyong gagawin?
A. Ibibigay ko ang pera ko at magtitiwala sa Diyos.
B. Iiwasan ko sila dahil marurumi at mababaho sila.
C. Babalik ako at lilipat ng daan para di ko sila makasalubong.
6. Nagbigay ng surprise quiz ang inyong guro. Hindi ka nakapag-aral dahil nagbantay ka sa
Lola mong may-sakit. Ano ang iyong gagawin?
A. Mangongopya ako sa aking mga katabi
B. Magsasakit-sakitan ako para hindi ako pasalihin sa pagsusulit.
C. Gagawin ko ang pagsusulit nang may pagtitiwala na ipapaalala ng Diyos ang aking
mga napag-aralan.
7. Nakita mong nagbubulungan at nagtatawanan ang iyong mga kaklase habang nakatingin
sa iyo. Ano ang iyong gagawin.
A. Hindi ko na lang sila papansinin at magsisikap pa ako sa aking pag aaral.
B. Pupuntahan ko sila at tatanungin nang maayos kung bakit nila ako
pinagtatawanan.
C. Isusumbong ko sila sa aking mga magulang para sabihin ang ginawa nila sa akin sa
aming punong guro.
D. Hahamunin ko sila ng away paglabas namin ng paaralan para malaman nila kung
sino ang mas matibay.
8. Kaarawan ng iyong nanay. Alam mong wala kang perang pambili ng regalo. Ano ang
gagawin mo?
A. Magkukunwari na lang ako na nakalimutan ko ang kaarawan ni Nanay.
B. Pupunta ako sa Lola ko at uuwi nang gabi na para tulog na siya pagdating ko.
C. Hahalikan at pasasalamatan ko si Nanay at ipagdarasal ko ang mahabang buhay
para sa kanya.
D. Kukuha ako ng pera sa pitaka ni Tatay kapag natutulog na siya at wala nang
nakakakita sa akin.
9. Inutusan kayo ng punong guro na linisin ang paligid ngunit naglalaro kayo at
kasalukuyang natatalo ang inyong grupo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin na mamaya na namin gawin pagkatapos naming maglaro.
B. Sasabihin ko sa mga kaklase ko na huminto muna kami at gawin ang ipinagagawa
ng punong guro.
C. Aalis at magkukunwaring hindi kami inutusan ng punong guro.
D. Tatawagin ko ang tagapaglinis ng paaralan upang siya na lang ang maglinis sa
paligid dahil binabayaran naman siya ng gobyerno.

6|P age
10. Nagkaroon ka ng pagkakataon na makapag-exam para sa isang scholarship pero
bumagsak ka. Ano ang iyong gagawin.
A. Mag-aaral pa ako nang mabuti at susubok muli sa ibang pagkakataon.
B. Hindi na ako kailanman sasali sa mga pagsusulit para sa scholarship.
C. Iisipin ko na hindi talaga ako magaling kaya wala akong pag-asang makapasa sa
mga ganitong pagsusulit.
D. Hindi na ako mag-aaral dahil mahina ako at walang kakayahan para maipasa ang
aking mga pagsusulit.

B. Panuto: Punan ng angkop na salita mula sa kahon ang mga patlang.


pananalig pag-asa Diyos
pagmamahal positibong pananaw kapuwa

i. Ang________________________ ay pagtitiwala sa Diyos.

ii. Ang _____________________ lamang ang maaari nating sandigan at pagtiwalaan sa oras ng
kagipitan.

iii. Ang ______________________ ay nagbibigay sa atin ng lakas ng loob para harapin ang
anumang pagsubok sa buhay.

iv. Lagi tayong magkaroon ng ________________________________ sa buhay para hindi tayo


pabagsakin ng mga problema.

v. Mararanasan natin ang __________________________ng Diyos kung tayo ay lalapit at


magtitiwala sa Kaniya.

7|P age
8|P age
K A P A Y A P A A N D
A B A C A M D N M K I
I R G O P A T S V A Y
B M A G M A H A L P O
I O S U I N H G A U S
G U A P A N A N A W I
A P A G S U B O K A I
N F G L P N S A O T W
P A P A L G K O P T A
K A B A L I S A H A N
P O S I T I B O V C X
T I W A L A J Y U O P
PAGSUSULIT
GAWAIN 5
1. A
2. D
3. B
4. A Iwawasto ng guro
5. A sapagkat maaaring
6. C magkakaiba-iba
7. A ang sagot ng mga
8. C bata.
9. B
10. A
II.
11. pananalig
12. Diyos
13. pag-asa
14. positibong pananaw
15. pagmamahal
GAWAIN 4 GAWAIN 3 GAWAIN 2 GAWAIN 1
Maaaring 1. Oo Maaaring Iwawasto ng guro
magkakaiba-iba ang 2. Hindi magkakaiba-iba ang sapagkat maaaring
sagot. 3. Hindi sagot. magkakaiba-iba
4. Oo ang sagot ng mga
Gagabayan ng rubrik 5. Hindi Gagabayan ng rubrik bata.
sa pagsagot sa 6. Oo sa pagsagot sa
gawain. 7. Oo gawain.
8. Oo
9. Oo
10. Oo
Susi sa Pagwawasto

You might also like