You are on page 1of 8

Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 6

W1-8 Markahan Ikaapat na Kwarter Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Sisikapin Kong Maging Isang Mabuting Tao


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
KASANAYANG PAMPAGKATUTO - pagpapaLiwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman
(MELCs) ang paniniwala
- pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling kapayapaan
(inner peace) para sa pakikitungo sa iba

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I. Panimula

Noong nakaraang aralin ay inyong nalaman ang mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal at pakikibahagi sa
pangdaigdigang pagkakaisa. Ang mabuting pagkamamamayan ay naipapakita sa pagsuporta at pagtupad sa mga batas sa
pambansang pagkakaisa.
Ikaw, paano mo maipapakikita ang pakikiisa at pagmamahal sa ating bansa?
Sa araling ito ay iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mo mapapaunlad ang iyong ispiritwalidad at magkakaroon
ka ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos
Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:
- Natatalakay ang mga gawain o paraan kung paano maisasabuhay ang pananalig sa Diyos.
- Napapahalagahan at naigagalang ang iba’t ibang paniniwala ng bawat isa.
- Naipaliliwanag kung paano nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
- Nabibigyang kahulugan ang pananalig at pag-asa,at maipaliliwanag kung paano ito tumuloy
sa kabanalan.
- Naisasabuhay ang positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa Diyos at kapuwa,at
- Nakagagawa ng isang plano ng pagpapalalim ng iyong pananalig.

Halina at awitin natin ang isang panalangin


Panalangin sa Pagiging Bukas-Palad
mula sa www.bukaspalad.com

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad,


Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay ng ayon sa nararapat,
Na walang hinihintay mula sa’yo.

Nang makibakang di inaalintana


Mga hirap na dinanas,
Sa tuwina’y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan.
Na ‘di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob mo’y syang sinusundan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa yo.

Ano ang iyong naramdaman matapos mo itong awitin?


Pagmasdan ang larawan, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Community Pantry

Kuhang larawan ni Jane S. Carandang


Ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa iba lalong lalo na sa mga taong nangangailangan. Marami din ang
nagbabahagi ng anumang kanilang kayang ibigay. Ang pagmamahal sa kapuwa ay pagmamahal sa Diyos.

Halina at basahin natin ang tula. Tuklasin kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananalig sa Diyos.

Paniniwala

Manalig sa sarili
Upang malampasan ang mga hamon ng buhay
Upang matamo ang iyong takdang gawain
Sa pinakamahusay na maari mong gawin.

Manampalataya sa Diyos
Upang magapi ang mga balakid
Upang magtagumpay at maging pinakamahusay.

Isang landas ang buhay


Mahaba at paliko-liko
Ngunit dapat kang matuto
At lumago sa bawat pihit mo.

Mabuting Asal, Magandang Buhay pahina 174


Ano ang mensahe ng tula?
Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalataya at pananalig sa Diyos?
D. Pagpapaunlad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Paano mo maipakikita ang mataas na antas ng ispiritwalidad? Kopyahin sa papel ang nakalarawan sa ibaba at kulayan ng
asul ang mga bilog na nagpapakita ng iyong napili.

Ang ispiritwalidad at pananampalataya ng bawat tao ay may malaking ginagampanan sa paghubog ng kanyang mabuting
pagkatao. Dahil sa kinagisnang damdaming maka-Diyos, nahubog sa atin ang pagmamahal sa kanya na nalinang ang ating
paghahangad na magkaroon ng mabuting pagkatao. Ang paglinang ng pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang basta pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa Diyos.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Basahin at unawain ang usapan nina Carla at Carlo sa ibaba.

Carla, sadyang maraming pagsubok


sa buhay. Ngunit hindi tayo dapat Tama ka, Carlo. Patuloy tayong
panghinaan ng loob. May awa ang gumawa ng kabutihan kahit
Diyos. nakakaranas tayo ng kahirapan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa sagutang papel.


1. Anong klaseng pananaw mayroon sina Carlo at Carla?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay?
3. Masasabi ba nating mabuting bata sina Carlo at Carla?
4. Ikaw, nais mo bang tularan ang kanilang papanaw? Bakit?
E. Pakikipagpalihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9

Pagmasdan ang mga larawan. Piliin, iguhit at kulayan ang larawan na nagpapakita ng kabutihan. Gawin ito sa isang malinis
na papel.

Marangal 6 Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 163


Gawain sa Pagkatuto Bilang 10

Kailan mo ginagawa ang mga sumusunod? Lagyan ng tsek ( ) sa tamang kolum ang iyong kasagutan. Gawin ito sa papel.

Sitwasyon Lagi Paminsan-minsan Hindi


1. Nagpapasalamat sa Diyos araw -araw
2. Nagdarasal bago kumain
3.Nagdarasal bago matulog
4. Nagbibigay sa mga nasalanta ng kalamidad
5. Tumutulong sa mga may sakit
6.Sumusunod sa mga bilin ng magulang
7. Ginagawa ang mga responsibilidad sa paaralan.
8. Nakikiisa sa pagdarasal ng taimtim.
9.Nagsasabi ng totoo
10.Nagbabasa ng Bibliya o Koran

Gawain sa Pagkatuto Bilang 11

Magsaliksik tungkol sa isang charitable institution. Maaari ka ring magtanong sa iyong mga magulang.Buuin
ang plano kung paano ka makatutulong. Gawin ito sa sagutang papel.

Pangalan ng Institusyon: ________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
Paano ka tutulong_______________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________.
Resorses o pagkukunan ng pondo: ______________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 12

Sa isang typewriting gumawa ng dasal o panalangin para sa mga sumusunod na intensiyon:

1. Kaligtasan para sa nararanasang pandemya (COVID-19)


2. Pandaigdigang Kapayapaan’
3. Pasasalamat sa mga biyaya ng Diyos

Gawain sa Pagkatuto Bilang 13

Kopyahin ang puso sa ibaba at isulat ang sagot sa patlang. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Paano ka magiging mabuti:

a. Sa isip _____________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
b. Sa salita ___________________________________________
_________________________________________________
______________________________________________
c. Sa gawa __________________________________
_______________________________________
A. Paglalapat

Matapos mong matutunan na ang kabutihang ginawa mo sa kapwa ay ginawa mo rin para sa Diyos. Isapuso at gawing gabay
ito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong pagmamalaki ang iyong natutunan
sa araw na ito.

Magsulat ng iyong realisasyon tungkol sa natutunan sa araling ito. Gawin ito sa sagutang papel.
 Natutunan ko na _______________________________________.
 May mga bagay na ayaw kong makalimutan tulad ng ___________________________________.
 Gusto kong subukan mula sa aking natutunan ay ____________________________________.
Ang pag-asa ay isang katangiang mahalaga dahil ito ay nakakatulong para maibsan ang nararamdamang sakit sa panahon ng
kahirapan. Ang taong may pag-asa ay marunong magdasal at iniaalay sa Diyos ang mga suliranin at umaasang magkakaroon ng
kalutasan ang problema.

Ang pagkakaroon ng pag-asa sa buhay ay maipapakita sa maraming paraan. May mga pangyayari sa buhay na nagdudulot ng
lungkot at paghihirap. Ang kailangan ay higit pang manalig sa Panginoon at panatilihin ang kahinahunan. Samahan ng sariling
pagsisikap ang pag-asa upang makamit ang minimithi.

Mahalagang isabuhay ang mga aral na natutunan sa araling ito. Paano mo magagawa ito? Ituloy ang mga pangungusap. Isulat
ito sa sagutang papel.

- Lagi kong gagawin ang ____________________________________________________________________.


- Sisimulan kong gawin ang __________________________________________________________________.
- Hihikayatin ko ang iba na __________________________________________________________________.
V. PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Iguhit sa patlang ang bituin ( ) kung nagpapahiwatig ng
pagmamahal at kabutihan sa kapwa ang pahayag at araw ( ) naman kung hindi.Gawin ito sa papel.

_______1. Tumutulong sa mga nangangailangan at hindi naghihintay ng anumang kapalit


_______2. Tinatapos ang mga nakatakdang gawain sa paaralan.
_______3, Ipinamamalita ang mga nagawang kabutihan sa iba.
_______4. Araw-araw nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap mula sa Diyos.
_______5. Binabalewala ang mga tagubilin at payo ng magulang.
_______6. Pinagtatawanan ang paraan ng paniniwala ng iba
_______7. Pantay na respeto ang ipinakikita sa iba’t ibang relihiyon.
_______8. Pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng sunog.
_______9. Pangmamaliit sa mga taong nakatira sa lansangan.
_______10. Pagdarasal para sa ikabubuti ng lahat.

B. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) kung ginagawa mo ito Palagi,
Bihira o Hindi Kailanman. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Sitwasyon Palagi Bihira Hindi


Kailanman
1. Nakikilahok ka ba sa mga gawain sa inyong simbahan?
2. Nagdarasal ka ba?
3. Nakikihalubilo ka ba sa mga taong iba ang relihiyon?
4. Nagtatanong ka ba sa mga nakatatanda upang maragdagan ang iyong
kaalamn tungkol sa pananalig?
5. Pinapatawad mo ba ang mga taong nakasakit ng iyong damdamin?

C. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung nagpapatunay na mayroong pag-asa sa buhay at
ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Isinasagawa ni Mila ang kayang gawin habang naghihintay ng tulong mula sa kapwa.
_____2. Naniniwala ako sa kasabihang “Ang buhay ay parang gulong; minsan nasa ibabaw, minsan nasa
ilalim.”
_____3. Mayroon akong positibong pananaw sa buhay kahit na may problemang dumarating sa buhay.
_____4. Nananalig ang mga tao nang lubos sa Panginoon sa tuwina kahit na may problema.
_____5. Isinasabuhay ng pamilya ni Mang Kanor ang pananampalataya sa Panginoon sa lahat ng oras.
_____6. Pinag-aaralan nang mabuti kung paano lulutasin ang suliranin
_____7. Humihingi ng tulong sa iba
_____8. Isinasaisip na ang lahat ng suliranin ay may kalutasan
_____9. Iniisip na lilipas din ang anumang hindi magandang pangyayari
_____10. Naglilibang at nagsasaya kahit may suliranin
VI. PAGNINILAY

Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay
ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto L Gawain Sa LP Gawain Sa Pagkatuto L
P Pagkatuto P
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6- Batayang Aklat pahina 132-143
Marangal 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 160-165, 173-179
Gabay sa Pagpapakatao 6 pahina 316-322
Mabuting Asal, Magandang Buhay 6 – Edukasyon sa Pagpapakatao pahina 174-181

Inihanda ni: Jane S. Carandang Sinuri nina: Edita T. Olan


Aleli M. Balita Jennifer E. Balitaan
Mary Grace R. Inciong Richelle G. Ledon
Mary Grace L. Asa

You might also like