You are on page 1of 6

Paaralan Babag I Elementary School Baitang 5

Guro Dexter V. Sagarino Asignatura Edukasyon sa


Pagpapakatao
Petsa SEPT.27,2022 Markahan Ikalawang Markahan
Oras 11:20-12:00 Bilang ng Araw 1 araw

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang
gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain.
C.Pinakamahalagang Kasanayan sa Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya
Pagkatuto (MELC) (Kung at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at
mayroon,isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa pamilyang kinabibilangan. Hal. Suliranin sa paaralan at pamayanan
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan (Kung
mayroon,isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II.NILALAMAN Katapatan ng sariling opinyon/ideya
III.KAGAMITAN PANTURO
A.Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b.Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c.Mga Pahina saTeksbuk
d.Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B.Listahan ng mga Kagamitang LRMDS of ESP 5—Cabanatuan City, ph. 40-46
Panturo para sa mga Gawain sa https://depedligaocity.net/EsP_5_Activity_Sheets_v1.0.pdf , ph.16
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula Sasabihin ng guro ang layunin para sa pagkaunawa ng mga mag
aaral.
- Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling
opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may
kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan. Hal.
Suliranin sa paaralan at pamayanan

Sa modyul na ito ay iyong higit na matutuhan ang mga


maaari mong gawin upang mas lalo mong maunawaan ang
kahalagahan ng pagpapahayag nang may katapatan ng sariling
opinyon o ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyon na may
kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan upang malutas ang
suliranin sa paaralan at pamayanan.
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
GAWAIN 1:Tsart
Punan ang tsart sa ibaba upang lubos maunawaan ang
kahalagahan ng mga tao sa na may kinalaman sa iyong sarili at
pamilyang kinabibilangan upang malutas ang suliranin sa paaralan
at pamayanan.

Pangalan Siya ay Natulungan ko Tinulungan niya ako sa:


aking: siya sa:

1. Nanay Rosa nanay Gawaing—bahay Aking mga takdang-aralin

BALIKAN!
Magbigay ng saloobin ukol sa kabutihang naidudulot ng pagsasama
ng maluwag ang pagsasabi ng tapat.
ANO ANG BAGO?
GAWAIN 2:Tula
Sa Totoo Lang Po!
ni: Dr. Erico M. Habijan et.al.

Kung nais mong maging isang mabuting bata


Maging tapat sa lahat ng ginagawa
Ipaalam at sabihin ang mga inaakala
Sa mga magulang at nakatatanda.

Sa totoo lang ang kasinungalingan


Ay isang kasalanan na di nahuhugasan
Nagsisilbing batik kahit kanino man
Kaya’t katahimikan ay di makakamtan.

Sa totoo lang dapat kahit masakit


Sabihin natin ang dapat ipilit
Pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo
Na di mababayaran ng kahit na sino.
Sa totoo lang di dapat manloko
Pagkat tiwala ng tao ay walang presyo
Ang katapatan tuwina’y isapuso
Sa lahat ng oras at saan mang dako.

Ipakita ang katapatan sa lahat ng bagay


Sa isip, sa salita at maging sa gawa
Maging bahagi ng buhay kahit ikaw ay bata
Upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano ang tinutukoy sa tula? Sa inyong palagay bakit ito ang
ipinamagat ng manunulat sa tula?
2. Ipaliwanag ang isinasaad ng bawat saknong ng tula.
3. Alin sa mga saknong ng tula ang higit na nakaagaw ng
iyong pansin? Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano ang mensahe ng tula na nais iparating ng manunulat?
5. Bilang mga mag-aaral, ano ang naging epekto ng tulang
ito sa inyo?
6. Magbahagi ng mga gawaing nagpapakita ng katapatan sa kapwa
tao.
B. Pagpapaunlad ANO ANG AKING NALALAMAN?
GAWAIN 3: Natutuhan ko!
 Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang
tauhan dito? Itala rin ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin.
Gawin mo ito sa papel.
a. Hindi bumibili ng diyaryo ang magulang mo dahil dagdag
lang yan sa gastusin, pero alam mo na may diyaryo araw-araw sa
silid-aklatan ninyo.
Gagawin: ___________________________________________
Dahilan: ___________________________________________
b. Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas
na bagyo.
Gagawin: ___________________________________________
Dahilan: ___________________________________________
c. Nakita mong may malaswang pinapanood sa internet ang
iyong mga pinsan at niyaya ka nilang manood.
Gagawin: ___________________________________________
Dahilan: ___________________________________________
ANO ANG MAYROON?
GAWAIN 4: Unawain Mo!
1. Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkapwa tao?

2. Maituturing bang pakikipagkapwa tao ang pagsapi sa mga


samahan? Bakit?

3. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at


makibahagi sa mga gawain ng pangkat?

4. Ano ang maaaring gawin upang maipakita ang


pagmmahal sa kapwa?

5.Makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating pagkatao sa


pamamagitan ng pakikipagkapwa tao? Ipaliwanag.

ANO IYON?
GAWAIN 5: Tuklasin Mo!
Basahing mabuti ang mga sumusunod na Golden Rule.
Mabuting pakikitungo sa kapwa
Mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa
Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.
Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili
Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
Sagutin ang mga tanong:
1. Maari bang mamuhay ang tao ng nag iisa?
2. Masaya ba ang mag isa?
3. Ano kaya ang pakiramdam ng mag – isa?
4. Ano ang maari nating gawin upang mapalawig ang
maayos na pakikisalamuha sa kapwa?
5. Dapat ba tayong maging mabuti sa ating kapwa?bakit?
6. Sino ang dapat nating tulungan at mahalin? Bakit?
ANO PA?
GAWAIN 6: Sagot Mo, Kailangan Ko!
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
1. Nasisiyahan ka ba kapag nakakikita ka ng tao na
pinagtatanungan ng estranghero ngunit ang ibinibigay namang
impormasyon ay mali at naiiba sa totoo? Ano ang nararapat mong
gawin?
______________________________________________
2. Noong maliit ka pa, ang buong akala mo ay anak
ka ng magulang mo. Ngunit pagdating mo ng grade I, natuklasan
mong ampon ka lamang pala. Walang nakakaalam sa iyong mga
kaibigan na ikaw ay ampon lamang. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________
3. May nagawa kang pagkakamali sa klase na hindi
mo alam. Paulit- ulit mo itong nagagawa hanggang kausapin ka ng
isang kaibigan at sabihin sa iyo ang iyong pagkakamali at sabihan
kang huwag nang gawin ang dati mong ginagawa. Ano ang
magiging reaksiyon mo?
______________________________________________
4. Malakas ang loob ng isa sa iyong mga kaklase na
manggulo kapag wala ang guro. Nangunguha rin siya ng naiibigang
gamit na hindi kanya. Alam mong mali ang kanyang ginagawa
ngunit takot kang ipaalam ito sa iba. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ng
guro. Ano ang magagawa mo para matigil na ito?
_______________________________________________
ANG KAYA KONG GAWIN
GAWAIN 7: Oo/Hindi!
Isulat ang Oo sa patlang kung sumasang – ayon ka sa sinasabi sa
bawat pangungusap at Hindi naman kung hindi ka sumasang -
ayon.
________1. Maaaring mabuhay ng masaya ang tao kahit walang
tulong mula sa iba.
________2. Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita ng
pakikipagkapwa-tao.
________3. Dapat na maging mapagmalaki kung nakukuha mo ang
lahat ng iyong pangangailangan ng mag – isa.
________4. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa
pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal.
________5. May mga pangangailangan ka na maari lamang na
matugunan sa pamamagitan ng pakikipag – ugnayan mo sa iyong
kapwa.
ANU ANU PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA
AKIN?
GAWAIN 8: Kaibigan Ko, Ilalarawan ko.
Sumulat ng sariling karanasan na nagpapakita ng katapatan sa
pagpapahayag ng kanilang saloobin aa opinyon sa iba
D. Paglalapat ANO ANG NATUTUHAN KO?
Sagutin ang mga sumusunod ng may katapatan ayon sa inyong
sariling opinion.
Lagyang ng tsek ( √ ) ang patlang kung tama ang isinasaad sa
bawat pahayag, ekis (x) kung mali at gawing tama ang mali.
______1. Ang pakikisalamuha sa kapwa ay nagdudulot ng
magandang relasyon.
______2. Ang mabuting pakikisama sa kapwa ay kasiya-siya.
______3. Ang masamang ugali ay susi sa pagkakaroon ng maayos
na pakikipagkapwa tao.
______4. Ang kabutihang loob ay nakatutulong upang magkaroon
ng maayos na samahan at pagkakaibigan.
______5. Maaring mabuhay ng masaya at mapayapa ang isang tao
ng walang tulong ng iba.
______6. Ang taong may mahusay na pakikisama ay maraming
kaibigan.
______7. Ang tao ay nabubuhay para sa sarili lamang.
______8. Mahalin lamang ang sarili.
______9. Kung ikaw ay mabuti sa iyong kapwa magiging mabuti rin
sila sa iyo.
______10. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iba na hindi
naghihintay ng anumang kapalit ay maituturing na makabuhuhang
pakikipagkapwa -tao.
V. PAGNINILAY Nauunawaan ko na ___________
Nabatid ko na ________________

You might also like