You are on page 1of 4

PLANONG PAGKATUTO

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5


Unang Markahan – Modyul 3

I. Layunin:
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral;
 Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan;
 Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain;
 Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at saloobin
tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan..

II.Paksang Aralin:
Pagkamatapat: Pagpapahayag at Pagganap ng mga Gawain
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide in ESP Unang Markahan – Modyul 3
Nakalaang Oras: 30 minuto Bilang ng Araw ng Pagtuturo: 2 Araw: 1 Synchronous
(Online Learning)1 Asynchronous (Offline Learning)
Mga Kagamitan: Laptop, PPT, Projector

III.Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay:
2. Buuhin ang mga sumusunod na salita.
a. LIBATA=BILITA
b. LETEISNBYO=TELEBISYON
c. IORDA=RADIO
d. OAT=TAO

3. Pagganyak

1. Base sa larawan na makikita sa may


kanang bahagi, saan ito sumisimbolo?
2. Masasabi niyo ba na ang bata ay may
isinasauli sa isang nakakatanda sa
kaniya? Bakit?
3. Sa palagay mo ba, mayroon pa bang
tao na ganito ngayon? Paano mo
masasabi?

Katapatan- ay susi ng mabuting pagsasamahan at ito ay magbubunga ng


pagkakaisa at pagkakasundo sa mga taong nakapaligid sa atin. Ay tinatawag
na pagsusuring kritikal na malinaw at makatuwirang pag-iisip ng isang tao.
Maaring maingay ito sa pagpapasya o pagdedesisyon sa mga bagay kung tama
o mali ang gagawing aksyon.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
“Ang Batang Tapat”
Nagpamalas ng katapatan ang apat na taong gulang na si Prince Jovan
Aviguetero nang sambitin nito sa kanyang ina na isauli sa may-ari ang napulot
niyang pitaka sa isang pamilihan sa Tarlac. Nag-iikot ang mag-inang
Aviguetero, tubong Mangatarem, Pangasinan, sa isang RTW store sa Camiling,
Tarlac nang matagpuan ni PJ ang isang pouch bag na may lamang cellphone,
identification cards at P10,000. Pero sa kabila ng pangangailangan ng mag-ina
ng mga sandaling iyon, nanaig ang busilak na kalooban ng paslit. “Ma, may
napulot akong wallet. Ibalik sa may-ari sabi niya. Nasorpresa ako na sinabi
niya ‘yun, “kuwento ni Evangeline Aviguetero, ina ni PJ. Tumatak daw kay PJ
ang napanood sa telebisyon na pagsasauli ng mga napupulot na gamit.
Mismong ang mag-ina ang nagtungo sa pulisya para ipaalam ang napulot na
pouch bag at mahanap ang may-ari nito. “Ang sabi ng bata, nakita niya sa
damit ‘yung pouch. Habang nagkakalkal daw sila, nakita niya yung bag. In the
spirit of christmas, dinala sa aming opisina," ayon kay P/Chief Insp. Diosdado
Lagasca ng Camiling PNP. Inakala raw ng may-ari ng pouch bag na nadukutan
siya, ayon sa pulisya. Natukoy naman at naibalik sa may-ari ang pouch bag na
nakilalang si Julie Tomas, na sinuklian naman ang kabaitan ng bata. Payo
naman ni PJ sa iba pang bata na katulad niya, isauli sa tunay na may-ari ang
mga bagay na mapupulot. – AST, GLCalicdan/FRJ, GMA News

2. Pagtatalakay/Pagpapahalaga

Narito ang ilan lamang sa mga hakbang upang maging matapat

1. Ang pagiging isang matapat at mapagkakatiwalaang tao


 Sabihin kung ano ang tunay mong naramdaman. 
 Huwag subukan na itago ang iyong tunay na damdamin kapag
nakikipag-usap sa isang kaibigan, miyembro ng pamilya, o kasosyo - ang
isang matapat na tao ay hindi natatakot na maging matapat at direktang
kasama ang isang mahal niya, at ang pagsisinungaling ay gagawing
hitsura ka lamang ng isang taong hindi mapagtiwala, nawawala ang
kanyang tiwala sa iba.
2. Ang pagiging matulungin at mapagbigay
 Gawin ito sa pamamagitan ng pagdalo sa mga palabas at pagbabahagi
ng musika ng isang kaibigan na nangangarap maging isang musikero, o
pag-aaral sa isang miyembro ng pamilya upang matulungan kang
makapasa sa isang pagsusulit at makamit ang isang partikular na
layunin ng propesyonal.

3. Paglinang ng malusog na mga hangganan


 Piliin na maging tapat.
 Ang katapatan ay isang bagay na inaalok namin sa iba na kusang-loob,
hindi obligasyon, kaya huwag pilitin na maging matapat sa mga kaibigan
o pamilya dahil hinihiling o inaasahan nila ito mula sa iyo. Sa halip,
piliing maging tapat sa mga taong talagang pinagkakatiwalaan at
pinaniniwalaan mo.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
 Ang katapatan ay nagbubunga ng pagkakasundo at mabuting
pagsasamahan.
 Ang katapatan ay dapat tanggapin hindi lang ang magagandang
sinasabi ng kapwa kundi pati na ang mga puna na makakatulong sa
pag-unlad ng iyong sarili.
 Ipakita ang katapatan sa isip, sa salita at sa gawa.
 Labanan ang tukso na magtutulak sa iyo upang hindi maging matapat.
2. Paglalapat
 May mga proyekto ka ba sa paaralan na hindi ka naging tapat?
Isalaysay mo ito. Paano mo itinama ang iyong ginawa? Bakit
mo ito itinama? Ano ang nangyari pagkatapos?
IV. Pagtataya

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong ayon sa kuwento.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


______________________________________________________________________

2. Para sa iyo, bakit mahalaga ang pagiging matapat?


______________________________________________________________________

3. Ano ang maaaring maging epekto ng pagiging hindi matapat sa kapwa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________

4. Naniniwala ka ba sa salitang “Honesty is the best policy”? Bakit?


______________________________________________________________________

5. Ano ang payo ni PJ sa ibang mga bata kung sila ay makapulot din tulad niya?
______________________________________________________________________
Ikalawang Tagpo- Synchronous Learning
Panuto: Lagyan mo ng karugtong kung ano ang gagawin mo sa sumusunod na
sitwasyon.

1. Nakita mong nahulog ang pera ng kaklase mo ng hindi niya ito namalayan.
Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________

2. Napanood mo sa telebisyon na maraming pulis ang sangkot sa korupsyon.


Isang pulis ang tatay mo. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________
3. Nakita mo sa inyong kapit-bahay na ang isang tindera ay nangungupit ng
benta. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________

4. Nag-away kayo ng bunso mong kapatid nang dahil sa laruan at biglang


hinawakan niya ang baso at binato sa iyo ng tuluyang nabasag. Pagdating ng
mga magulang mo galing sa opisina sinabi ng bunso mong kapatid na ikaw
ang may gawa kung bakit nabasag ang baso. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________

V. Takda

You might also like