You are on page 1of 5

Paaralan TALLUNGAN E/S Baitang GRADE 4

Guro JULIETA L. GELIDO Asignatura FILIPINO


Petsa Pebrero 12,2021 Markahan Ikalawang Markahan
Bilang
1:01-3:03
LESSON Oras Ng 1
EXEMPLAR Araw

I. Layunin

A. Pamantayang
Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa pahayag/teksto at ulat
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa pahayag/teksto at ulat

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa pahayag/teksto at ulat
Pagkatuto (MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa pahayag/teksto at ulat

II. Nilalaman Pagsasabi ng sanhi at bunga ayon sa pahayag/teksto at ulat


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
Most Essential Learning Competencies Filipino 4
a. Mga Pahina sa F4PB-IIdi-6.1 F4PN-IIi-18.1 F4N IIIi-18.2
Gabay ng Guro

b. Mga Pahina sa SLM module 4 pahina 23-36


Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitang Panturo SLM module 4
mula sa Portal ng
Learning Resources

B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo Powerpoint presentation
para sa mga Gawain sa Activity sheet
Pagpapaunlad at Google Meet
Pakikipagpalihan
IV. Pamamaraan
Alin ang salitang magkasintunog sa bawat salawikain?

1. Kung may tiyaga


may nilaga.
A. Balik-aral 2. Ubos-ubos biyaya
maya-maya nakatunganga.
3. Ang taong gipit
sa patalim kumakapit.

Pagsasabi ng Kahulugan ng Sanhi at Bunga.

Ano ang sanhi?


B. Paglalahad Sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari.

Ano ang bunga?


Bunga ay tumutukoy sa naging resulta o epekto ng naunang pangyayari.

Subukin:
Teksto Sanhi Bunga
C. Pagtatalakay
1. Kung may tiyaga Kung may tiyaga may nilaga Narito pa ang iba
may nilaga pang halimbawa:
2. Ubos-ubos biyaya Ubos-ubos biyaya nakatunganga
Malakas ang ulan at
maya-maya
bumabaha na sa ibang
nakatunganga
lugar dahil nasa signal
3.Ang taong gipit sa Ang taong gipit sa patalim kumakapit
number 3 na ang
patalim kumakapit
bagyong Oyong.

Alin ang sanhi? dahil nasa signal number 3 na ang bagyong Oyong
Alin ang bunga? Malakas ang ulan at bumabaha na sa ibang lugar

Naiwan ni Aling Rosa na nakasindi ang kandila kaya nasunog ang kanilang bahay.

Alin ang sanhi? Naiwan ni Aling Rosa na nakasindi ang kandila


Alin ang bunga? kaya nasunog ang bahay nila

Araw-araw akong nagdidilig ng hal;aman kaya malalaki at malulusog ang mga ito.

Sanhi- Araw-araw akong nagdidilig ng halaman


Bunga- kaya malalaki at malulusog ang mga ito

Alamin natin ang mga Hudyat na Salita para sa Sanhi at Bunga upang mas
maunawaan natin ang aralin.

Mga Hudyat na Salita para sa Sanhi Mga Hudyat na Salita para sa Bunga

sapagkat resulta
dahil sa bunga nito
dahilan sa kung gayon
palibhasa dulot nito
kasi aya naman
at iba pang kauri nito tuloy

D. Pagsasanay Tuklasin Natin!


Gawain 1 Basahin ang tula,

“ Habang hindi pa huli…”

Sa pagbuhos nang malakas na ulan,


Baha ay hindi maiiwasan
Ang patag at malalawak na daan
Nagmimistulang kalmadong karagatan

Ano nga ba ang dahilan?


Basura’y tapon dito, tapon kung saan-saan
Pamumutol ng mga puno sa kabundukan at
Iba pang kawalan ng disiplina
Ng mamamayan.

Dahil dito, unti-unting nasisira ang yamang kalikasan


At biyayang taglay ng kapaligiran.
Iba-iba’t uri ng sakit ay nararanasan,
Nawawala rin maging ang kabuhayan.

Ilang delubyo pa ang kailangang dumating


Upang tayo ay magising.
Habang hindi pa huli, ang mali ay baguhin.
Ang wasto ay gawin at mabuti ay panatilihin.

Sagutin:

1. Tungkol saan ang paksa?


2. Bakit hindi maiiwasan ang pagbaha sa pagbuhos ng malakas na ulan?
3. Ano-ano ang epekto ng maling gawaing ito sa kalikasan at sa tao?
4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pamagat na “ habang hindi pa huli….”
5. Ano-ano ang dapat gawin upang hindi masira ang kalikasan?

Batay sa tula, isulat ang sanhi at bunga ng bawat pahayag na nasa loob ng
kahon.

1. Malakas na buhos ng ulan ang nagpapabaha sa mababang lugar ng


bayan.
Sanhi: ______________________________________________________
Bunga: _____________________________________________________

2. Pinuputol ang mga puno at nagtatapon ng basura kahit saan kaya


palaging may pagbaha sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Sanhi: ______________________________________________________
Bunga: _____________________________________________________

Gawain 2
Tukuyin ang angkop na Bunga na ibinigay na Sanhi sa bawat bilang. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. May sirang ngipin a. Nanguna siya sa


si Lita. kanilang klase.

2. Patuloy ang b. Madaling matapos


pagkakaingin sa ang gawain.
kagubatan.

3. Napalakas ng c. Pumunta siya sa


bagyo. dentista.

4. Nagbabasa ng d. Unti-unti itong


aklat araw-araw nasisira at
si Nik. nakakalbo.

5. Nagtutulungan e. Marami ang


kami sa aming nasirang tanim at
proyekto. bahay.

Ano ang Sanhi?

Ano ang bunga?


E. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang mga hudyat na salita para sa Sanhi? para sa bunga?

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sabihin ang sanhi at bunga sa pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Unti-unting nawalan ng matitirahan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang
buhay nila.
Sanhi: _____________________________________________________________
Bunga: ____________________________________________________________
2. Lumikas ang mga tao mula sa kanilang bahay dahil tumataas hanggang baywang ang
tubig baha.
Sanhi: _____________________________________________________________
F. Pagtataya Bunga: ____________________________________________________________
3. Sumakit ang ngipin ni Marta dahil mahilig siya sa kendi, inumang de-bote at iba pang
sitsirya.
Sanhi: _____________________________________________________________
Bunga: ____________________________________________________________
4. Hindi nag-aaral nang Mabuti si Emong kaya mababa ang nakuha niyang marka.
Sanhi: _____________________________________________________________
Bunga: ____________________________________________________________
5. Iniwan ng mga kasamahan si Fe dahil siya ay madamot.
Sanhi: _____________________________________________________________
Bunga: ____________________________________________________________
V. Reflections

Prepared

JULIETA L. GELIDO,T3
Demonstration Teacher

Checked: Noted:

MAY M. SIRIBAN MARIVIC C. ROSALES


Master Teacher – 1 Principal I

You might also like