You are on page 1of 2

Division Pangasinan II

Natividad District
Luna Elementary School
Jan 28, 2019
Lunes
FILIPINO V (A&B)
(1:30-2:20 - 2:20-310)
I. Layunin
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napanood.

II. Paksang Aralin:


Pag-uugnay ng sariling karanasan sa napanood

Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Filipino 5


K to 12 at Learner’s Guide sa Filipino 5
Online sources/internet
Kagamitan: Laptop, flat screen monitor, bond paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN
Balik aral
ano-ano ang mga uri ng pangungusap?
Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
Pagganyak
Ano-ano ang mga karapatan mo bilang mamamayan ng bansa?
Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo ito matamasa?
Anong maaaring mangyari kung hindi igalang ang karapatan ng iyong kapwa?
Paglalahad
Magpanood ng dokyumentaryo tungkol sa pamumuno ng mga Hapon noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
Pagtatakay
Sino ang namumuno sa ating bansa noon? Paano nila pinamunuan ang bansa?
Ano-anong mga karapatan ang hindi tinamasa ng mga Pilipino noon?
Ano-ano ang suliranin ang kinaharap ng ating bansa noon?
Paano nakalaya ang bansa sa hapon?
Gawin Ninyo
Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral.
Itanong:
Ano-anong mga pangyayari mula sa napanood ang maihahalintulad mo sa iyong sariling
karanasan?
Magbahaginan ng kasagutan sa klase.
Halimbawa mga karapatang di natamasa o kinuha ng iba.
Matapos ito, humanda sa pagbabahagi sa klase.
Gawin Mo
Sa isang malinis na papel, isulat ang maikling karanasan na maihahalintulad mo sa mga
pangyayaring napanood.
Iikot ang guro upang maiwasto ang natapos na Gawain.
Paglalahat
Maiuugnay sa sariling karanasan ang mga naganap na pangyayari sa napanood kung
naunawaang mabuti ang mga pangyayari at paksa ng napanood.
Pagtataya
Ang gawin mo ang magsisilbing pagtataya sa araw na ito. Bigyang puna ang natapos na Gawain
ng mag-aaral gamit ang rubric.
1. Nakasulat ng maikling talata tungkol sa sariling karanasan na ugnay sa napanood. 321
2. Wasto ang mga baybay ng salita at maayos ang pagkakasulat sa talata. 321
3. Nasunod lahat ng wasto ang pamantayan sa pagsulat ng talata. 321
4. Malinaw at organisado ang pagkakasulat sa talata. 321
5. Malinis ang pagkakasulat sa talata. 321
Takdang aralin
Magsaliksik ng mga iba pang naganap na pangyayari noong panahon ng martial law. Isulat ito sa
kwaderno.

You might also like