You are on page 1of 3

Division Pangasinan II

Natividad District
Luna Elementary School

FILIPINO V (A&B)
(1:30-2:20 - 2:20-3:10)
I. Layunin
 Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Values Integration: PAGKA-MATAPAT


Paksang Aralin:
Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Filipino 5
K to 12 at Learner’s Guide sa Filipino 5
Online sources/internet
Kagamitan: Laptop, flat screen monitor, bond paper, pentel pen
III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak
(Magpapakita ng halaman)
Ano ang nakikita nyo?
Ano ang nangyari sa halaman?
Ano kaya ang naging dahilan kung bakit ito nalanta?
Ano ang resulta ng pagkalanta?

B. Paglalahad
 Ilahad ang paksang aralin sa klase
 Magpanood ng video clips
Tungkol saan ang napanood na kwento?
Sino ang mga tauhan sa kwento?
Anong dahilan bakit hindi tinulungan ni Ron si Jun?
Ano ang naging resulta ng kanyang pagtalikod sa kaibigan?
Anong aral ang natutunan nyo sa kwento?

C. Pagtatalakay
 Hindi kinain ng Oso si Jun dahil sa nagpanggap siyang patay.
 Ginamit ni Jun ang kanyang talino kaya siya ay nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

1. Gawin Natin
Maghanda ng mga pangyayari na nagsasaad ng sanhi at bunga ng isang pangyayari.

a) Sumakit ang tiyan


b) Nadulas
c) Kumain ng marami
d) Sumasakit ang ngipin

2. Gawin Ninyo
Bigyan ang bawat pangkat ng gawain

Pangkat 1:
Pagtambalin ang sanhi at bunga ng pangyayari
A B

1. Paggamit ng dinamita a. Pagguho ng lupa


2. Pagtatapon ng mga basura b. Pagbaha sa kapatagan
3. Pagkakaingin c. Pagkaubos ng mga isda
4. Pagpuputol ng mga puno d. Pagkakalbo ng kagubatan
5. Pagmimina e. Pagdumi ng hangin

Pangkat 2:
Iguhit ang bunga ng nasa larawan
1.

2.

3.

Pangkat 3:
Isulat ang sanhi at bunga ng mga larawan

1.

2.

3.

3. Gawin mo
Tukuyin ang sanhi at bunga sa mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang sanhi at
salungguhitan ang bunga ng mga pangyayari.
1. Hindi nakakain ng tanghalian si Fe kaya nakaramdam siya ng pagkahilo.
2. Naiwan ni Del ang kanyang ID kaya hindi siya pinapasok ng gwardiya.
3. Umuwing umiiyak si Donald dahil nawala ang kanyang pitaka.
4. Tuwing sabado at Linggo ay maaga pa ring gumigising si Loida upang makatulong sa ina sa
mga gawaing bahay.
5. Maraming nakaing candy si Jun kaya sumakit ang kanyang ngipin.

D. Paglalahat
Ano ang sanhi? Ano ang bunga?

IV. Pagtataya
Hanapin sa Kahon ang bunga ng isinasaad sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang angkop na sagot.
nagpapaganda ng kalusugan nagpapalakas ng pangangatawan nakasisira ng
mata nagiging antokin sa klase nakasisira ng ngipin

1. Pagkain ng prutas at gulay _______________________________


2. Regular na pag-eehersisyo _______________________________
3. Palagiang pagkain ng candy at iba pang matatamis na pagkain __________________
4. Pagpupuyat ________________________________
5. Labis na panunood sa telebisyon _________________________________

V. Takdang aralin
Sumulat ng limang pangungusap sa kwaderno.
Ikahon ang sanhi at bilugan ang bunga na bumubuo sa pangungusap.

Inihanda ni:

FELIPE C. IBERA JR.


Teacher I

Iwinasto ni:

HAZEL C. JURALBAR, Ph.D


Principal II

You might also like