You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division Office, Quezon City
GENERAL ROXAS ELEMENTARY SCHOOL
Jasmin St., Roxas District, Quezon City
Telefax: 729-05-27; Email: gen.roxas2015@gmail.com

COT2
KINDER
May 16, 2023

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (PNEKBS-Ii-8)
 Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
halimbawa at katangian nito;
 Nakapaghihinuha ng mga maaaring mangyari sa kuwento;
 at nasasabi ang kahalagahan nang wastong pagtatapon ng basura sa kapaligiran.

II. PAKSA: Sanhi at Bunga ng Pangangalaga sa Kapaligiran ( BASURA MONSTER )


Kagamitan: PowerPoint Presentation, video ng maikling kuwento, plaskard, ng batang lalaki, at
laptop
Pinagkukunan: youtube, MELCs, Google. Com para sa mga larawan
Subject Integration: Science – Wastong pangangalaga ng kapaligiran, Bahagi ng Katawan
Math - Pagdadagdag

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Balik-Aral
 Noong nakaraang lingo ay inaral natina ang tungkol sa mga halaman, ano-ano nga ulit
ang mga parte ng halaman?
 Anong tulong ang ibiibigay ng mga halaman sa tao, hayop, at kapwa halaman?

B. Paghawan ng Balakid
 Pagamit ng Estratehiying WORD NETWORK gamit ang larawan
Tignanang mabuti ang ipapakitang larawan ni teacher, sabihin nga sa akin kung ano ang
tawag natin sa bagay na ito.

 Ano ang masasabi ninyo sa basura? Ito ay…


C. Pangganyak
Paggamit ng Estratehiyang PICTURE ANALYSIS

 Ito si Patrick, inutusan siya ng kanyang ate na itapon ang basura, kaso hindi inabot ni
Patrick ang track ng basurahan kaya naisip niya itapon na lang kung saan ang basura.
Nakita niya ang tumpok ng basura sa kanto. Ano sa palagay ninyo ang kanyang
gagawin?
 Kapag ang basura sa kanto ay dinagdagan pa ni Benjie ng kanyang basura ano sa
palagay ninyo ang mangyayri sa mga basura doon? Sa inyong palagay, tama ba ang
ginawa ni Patrick? Bakit?

D. Paglalapit ng Aralin
 May ikukwento ako sa inyo, ito ay tungkol sa Monster”
 Nakakita na ba kayo ng monster? Ano ang masasabi ninyo sa intsura ng monster?
 Ang pamagat ng aking ikukwento ay “Basura Monster”
 Gayahin nga si Teacher, Basura Moster.
 Ngayon tanong ni Teacher janet, ano ba ang gusto ninyong malaman kay Basura
Monster?
 Bago amo magkuwento, ano-ano ba ang dapat natin tandan kapag nagkukwento si
teacher?

 Pagkukuwento gamit ang video presentation

E. Talakayan
Paggamit ng Estratehiyang DRTA ( Direct Reading Thinking Activity )

Mga gabay na tanong habang nagbabasa


Stop and Ask #1
 Sino ang dalawang bata sa kuwento?
 Ano ang paborito nilang gawin?
 Saan sila nagtatapon ng basura?
 Ano daw ang nakatira sa liog?
 Saan daw napunta ang mga basurang itinatapon nila sa ilog?
 Ano sa palagay ninyo ang mangyayari monster kapag patuloy na nagtapon sina
Buboy at Ana sa Ilog?

Stop and Ask #2


 Ano ang nagyari sa monster dahil sa mga basurang itinatapoon nian Buboy at Ana?
 At mula sa pagiging mata lamang ay nagkaroon siya ng ano?
 Dahil kumpleto na ang bahagi ng katawan ng monster, ano ang kanyang ginawa sa
mga basura at isda na nasa ilog?
 Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kapag nagsawa na si Basura monster sa ilog?
Stop and Ask #3
 Bakit natakot ang mga tao sa kay Basura Monster nang makita nila ito? Ano ba ang
mag ginawa niya?
 Ano ang nagging resulta nang patuloy na pagkakalat ni Basura Monster sa kalusugan
ng mga tao?
 Bakit nalungkot sina Buboy at Ana nang makita nila ang ginagawa ni basura
Monster?
 Sa inyong palagay ano kaya ang gagawin nina Buboy at Ana para mapaalis sib asura
Monster?

Stop and Ask #4

 Kanino humingi ng tulong sina Buboy at Ana?


 Ano ang ang naisp na paraan ng kanilang Mayor para mawala ang problema nila kay
Basura Monster?
 Ano ang ginawa ng mga tao sa mga basurang nakakalat?
 Ano ang natutunan mong aral mula sa ikinuwento ni Teacher Janet?

F. Paglalahat
 Ano ang mangayayari sa ating kapaligiran kapag hindi mo itinapon ang iyong mga
basura sa tamang lalagyan?

G. Paglalapat
 Hand Printing
 Bakatin ang inyong dalwang kamay at gawin ang mga sumusunod na panuto sa
ibaba.
Kaliwang Kamay – Gumuihit ng isang paraan kung paano pangangalagaan ang iyong
kapaligiran.

Kanang Kamay – Gumuhit ng maaring maging resulta ng iyong ginawang pangangalaga sa


iyong kapaligiran.

Halimbawa
Kaliwang Kamay Kanang Kamay
H. Ebalwasyon
 Ngayon mga bata tukuyin natin ang mga maaaring maging resulta ng maling pag-
aalaga sa ating kapaligiran.May ipapakita akong mga larawan, at tukuyin ninyo kung
ano ang maaaring maging resulta nito. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.

III. TAKDANG-ARALIN
Pumuli lang ng isa sa mga sumusunod na gawain sa ibaba at gawin ito. Magpapicture sa kasama
sa bahay bago at pagkatapos mo itong gawin. (Isend sa akin ang screenshot sa ating FB Group
Messenger.

1. Magwalis ng kalat sa inyong sahig.


2. Ligpitin ang mga laruan pagkatapos maglaro.
3. Pagkagising sa umaga ikaw ay magligpit ng pinaghigaan.
Ayosin at itago ang mga gamit sa apg-aaral pagakatapos mong sumagot sa iyong modules.

Prepared by:

JANET E. AUSTRIA
TEACHER III

Observed by:

ANGHEL T. ALIBAYAN
MASTER TEACHER I

You might also like