You are on page 1of 27

Zamboanga Sibugay

GIYA
(Guided Integrated Yearning Activities)
para sa mga Mag-aaral
Filipino 6

Unang Markahan - Linggo 1- 1-5 Araw

Mga Layunin:
1. Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pag-unawa sa binasang
teksto.
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang pabula.
3. Naiuugnay ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa pabula sa
totoong buhay.
4. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano.

MELC Code:
F6PN-Ia-g-3.1
F6PB-Ic-e-3.1.2
Isinulat nina:
ASSA B. RADJAEL- Mababang Paaralan ng Moalboal
CHARITY C. DUJALE- Mababang Paaralan ng Kahayagan
ABRAHAM L. MANAGBANAG- Mababang Paaralan ng Buluan
BONNA MAE N. DALGUNTAS- Mababang Paaralan ng Natalia R. Changco

1
UNANG ARAW

I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw minamahal kong mag-aaral!

Sa araw na ito ay pag- aaralan natin ang


kahalagahan ng pagkakaibigan

Bago mo simulan ang pagbabasa sa ating maikling kwento ay


may mga bagay kang dapat sundin upang maging maganda
at maayos ang daloy ng iyong pagkatuto.

1. Maupo nang maayos.

2. Tandaan ang mga mahalagang detalye sa ating


kwento.

3. Iwasan ang paggawa ng mga bagay na walang


kinalaman sa gawain.

4. Sagutin nang maayos ang mga tanong na may pag-


iingat at katiyakan.

Kaya mo bang tuparin ang ating panuntunan?

Tunghayan natin ang kuwento tungkol sa mga


magkakaibigang insekto sa bukid.

Basahin mo ang pabula tungkol sa “Ang Langgam at ang


Tipaklong”.

2
Si Langgam at Si Tipaklong

Isang araw ng tag-init, habang ang iba’t ibang mga


insekto at hayup sa bukid tulad ng paruparo, ibon, suso at
bubuyog na masayang nagliliparan, nagtatalunan at
naglalaro ay may isang batang langgam naman ang
abalang- abala sa paghahakot ng kanyang pagkain.

Napansin at nilapitan siya ni Tipaklong, kasunod ang


tanong na wari ba’y mga salita ng pang-iinggit. Sabi ni
Tipaklong, “Hoy! kaibigang Langgam, bakit hindi ka
naglalaro gaya ng karamihan? Masayang-masaya ang lahat
sa paglalaro.”

Napangiti lamang si Langgam at sinabing, “Iba na kasi ang


panahon ngayon. Biglaan na lamang bumubuhos ang
malakas na ulan, kaya nais kong samantalahin ang
magandang pagkakataon upang makapag-ipon ng pagkain
at maayos ang aking tirahan.”

“Ganun ba?” tugon naman ni Tipaklong.” Oh sige, ikaw


ang bahala. Ikaw na rin ang nagsabing minsan iinit, minsan
uulan kaya minsan lang din tayong makapagsasaya.”

“Maraming salamat sa iyong imbitasyon, kaibigang


Tipaklong. Ako muna ay magpapatuloy sa pag-iipon at pag
aayos,” sabi ni Langgam.

Kinahapunan, unti-unting pumatak ang malalaking butil ng


ulan. Habang ang langit ay 3patuloy sa pagdilim, sunud-
sunod naman ang malakas na dagundong ng kulog at
paglabas ng talim ng kidlat. Agad na lumaki ang tubig.
Parang maamong tupa namang nagsipagyukuan ang mga
Nagustuhan mo ba ang binasang kuwento? Sa
ating pabula, sino - sino ang naglalaro?

Sino naman ang abalang- abala sa paghahakot


ng pagkain?

Sino naman ang lumapit at nagyaya sa kanya na


maglaro?

Ano ang nangyari pagsapit ng hapon?

Sino ang kumatok at nanghingi ng tulong sa


kanyang kaibigan?

Siya ba ay tinulungan ni Langgam?

Ano ang aral na napulot mo sa ating kwento?

II. PINATNUBAYANG GAWAIN

4
Ngayon, ay babalikan natin ang
mahahalagang pangyayari sa binasang
kwento.

Basahin at sundin ang panuto.

Gawain: IBIGAY MO!


Panuto: Magbigay ng limang mahahalagang pangyayari
sa binasang kwento at isulat ang sagot sa loob
ng bilog.

Mahahalagang
Pangyayari sa
kuwento

III. DI-PINATNUBAYANG GAWAIN

Ayon sa ating napag-aralan,


5 isang mabuting
kaibigan si Langgam dahil sa kabila ng lahat ay
pinatuloy at tinulungan pa rin niya ang kaibigang
Gawain: PUNAN MO!
Panuto: Punan ng angkop na katangian ang bawat patlang
upang mabuo ang tamang kahulugan ng bawat
pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Madaling nakauunawa sa klase si Nelia dahil siya


ay_______.
A. mabait na bata
B. masayahing bata
C. masipag mag-aral

2. Gustung-gusto ng mga tao si Allen sapagkat siya ay


________.
A. Masipag B. mapandaya C. tamad

3. Walang may gustong makipagkaibigan kay Nilo dahil


sa kanyang pagiging_______
A. maka-Diyos B. mayabang C. masunurin

4. Kinagigiliwan ng mga guro si Margie. Bukambibig ang


kanyang pangalan sa mga guro dahil siya ay
A. magalang B. sinungaling C. mabagal

5. Tagapag-alaga ng bunsong kapatid si Adelyn tuwing


namamalengke ang kanyang nanay. Si Adelyn
ay________.
A. masinop B. pabaya C. mapagkakatiwalaan
IV. EBALWASYON

6
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay
sa kuwento.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula?


A. Tipaklong at Langgam
B. Paruparo at Ibon
C. Suso at Bubuyog

2. Ano ang ginawa ng mga ibon at insekto sa bukid?


A. nag-iimbak ng pagkain
B. naglalaro
C. nagtatanim

3. Bakit hindi nakikipaglaro si Langgam sa iba pang insekto?


A. Siya ay natatanim sa palayan.
B. Siya ay naglilinis ng bahay.
C. Siya ay abala sa pag-iipon ng pagkain at pag-aayos ng
tirahan.

4. Alin ang HINDI angkop na aral sa ating pabula?


A. Ang taong handa ay malayo sa anumang sakuna.
B. Ang taong masipag at matiyaga ay di maghihirap sa
buhay dumating man ang taggutom.
C. Mainam sa buhay ang hindi na maghanda sa
kinabukasan.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Langgam, tutulungan


mo ba si Tipaklong?
A. Oo, dahil nangangailangan ng tulong ang aking kaibigan.
B. Oo, pero sisingilin ko siya ng bayad para sa pagkain.
C. Hindi, dahil siya ay tamad.

IKALAWANG ARAW

7
I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw mahal kong mag-aaral!


Kumusta, natatandaan mo pa ba ang
kwentong binasa mo kahapon?

Ang binasa mong kuwento kahapon ay


isang halimbawa ng pabula. Ang pabula
ay nagpapahiwatig ng mga katangian ng
tao sa totoong buhay gamit ang mga
hayop bilang mga tauhan.

Mayroon ako ritong graphic organizer na


kung saan pinaghahambing ang mga
katangian nina Langgam at Tipaklong.
Maaari mo ba itong basahin?

A.

B.

8
II. PINATNUBAYANG GAWAIN

Basahin at unawain mo ang maikling pabula na inihanda ko.


Alamin mo ang magagandang katangian na ipinapakita ng
ating tauhan.

Ang Matalinong Uwak

Isang araw, sa panahon ng tagtuyot, naghahanap ang


isang uhaw na uwak ng tubig na maiinom. Uhaw na uhaw
siya at buong araw siyang naglalakbay. Mamamatay siya
sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa
pinakamadaling panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng
isang banga na may lamang maliit na tubig sa loob nito.
Subalit ang banga ay mataas at may makitid na leeg. Kahit
anong subok niya ay hindi niya abot ang tubig. 

Pagkatapos ay isang ideya ang kanyang naisip. Kumuha


siya ng maliit na bato at inilagay sa loob ng banga. Sa
bawat maliliit na bato na iniligay niya sa loob ay unti-unting
tumataas ang tubig. Ipinagpatuloy niya ang paglalagay
hanggang sa abot na ng kanyang tuka ang tubig at siya ay
nakainom.
Gawain: ISIPIN MO!
Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga magagandang

9
katangian ng ating tauhan.

UWAK

III. DI-PINATNUBAYANG GAWAIN

Paano mo maipapakita ang iyong


katalinuhan tulad ng uwak? Alamin natin
ito sa susunod mong gagawin.

Gawain: ANG DAPAT KONG GAWIN!


Panuto: Piliin ang tamang gagawin sa sumusunod na mga
sitwasyon.

1. Nagugutom ka sa iyong pag-uwi galing sa eskwela.


May nakita kang nahulog na pera mula sa bulsa ng
isang matandang babae. Ano ang gagawin mo?

10
A. Pupulutin ko ang pera at isauli sa matandang
babae.
B. Pupulutin ko ang pera at dagling ibili ng pagkain sa
tindahan.
C. Hahayaan ko lang ang perang nakita ko.

2. Pinagbawalan kang maligo sa ilog ng iyong mga


magulang. Nadaanan mo ang iyong mga kaibigan na
naliligo sa isang malinaw at malamig na ilog. Ano ang
gagawin mo?
A. Magtatampisaw sa ilog kasama ang aking mga
kaibigan.
B. Hindi ko susuwayin ang bilin ng aking mga
magulang.
C. Sandali ko silang sasamahang maligo sa ilog.
3. May takdang-aralin sa Filipino na ipapasa
kinabukasan. Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na
manood ng paligsahan sa plasa. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipagwalang-bahala ko muna ang aking takdang
aralin para makipagsaya kasama sila.
B. Sasama ako at bukas ko na lang gagawin ang
takdang-aralin.
C. Tatanggihan ko nang maayos ang aking mga
kaibigan upang magawa ko ang takdang-aralin.
4. Lahat ng iyong mga kaklase ay may selpon na para
gagamitin sa “online classes.” Gusto mong magkaroon
nito ngunit kulang ang iyong inipong pera. Ano ang
gagawin mo?
A. Hihingi ako ng maayos sa aking mga magulang
upang madagdagan ang perang pambili ko.
B. Pipilitin ko ang aking mga magulang na bilhan ako
nito.
C. Titigil nalang ako sa pag-aaral.
5. Nalalapit na ang kaarawan ng iyong ina. May
handaang gaganapin at kailangan ang iyong tulong sa
paghahanda. Ano ang gagawin mo?

11
A. Hindi ako lalabas ng silid at kunyaring may
ginagawa.
B. Sandali lamang akong tutulong para makapaglaro
ng basketbol.
C. Maaga akong gigising at tutulong sa mga gawain.

IV. EBALWASYON

Panuto: Isulat ang letrang T kung Tama at letrang M kung Mali

sa iyong sagutang papel.

______1. Magiging madali ang buhay para sa taong


nag-iisip at malikhain.

______2.Ang pabulang “Ang Matalinong Uwak” ay nagpapatunay


sa kasabihang “Ang bawat suliranin ay madaling
sagutin kung ating iisipin.”

______3. Edukasyon ay paunlarin upang kalokohan ang siya


mong aanihin.

______4. Kung hindi nalutas ng unang solusyon ang isang


problema ay humanap at mag-isip ng iba pang
solusyon.

______5. Ang kinabukasan ay matatamasa ng taong


Maghapong nakahiga.

IKATLONG ARAW

I. MAIKLING ARALIN
12
Isang magandang araw mahal kong mag-aaral. Sa
araw na ito ay lalakbayin mo ang isang panibagong
aralin na kung saan ay pwede mong mapupulutan
ng aral at maiugnay ang mga pangyayari nito sa
totoong buhay.

Nasubukan mo na bang maglakbay at magutom?


Kung ikaw ay nagugutom sa gitna ng kagubatan at
wala kang malalapitan ano ang gagawin mo? Ano
ang nararapat nating gawin sa mga pagsubok sa
buhay?
Basahin at unawain mo ang isang pabula tungkol sa
isang lobo na nagliliwaliw sa gitna ng kagubatan at
naghahangad ng makakain dahil siya ay
nagugutom.

ANG LOBO AT ANG UBAS

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo.


Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na
bunga. “Swerte ko naman. Hinog at tila matatamis ang bunga
ng ubas”, ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo
upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit
hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, subalit
hindi pa rin niya maabot ang ubas.

13
Nang mapagod na, ay sumuko rin sa wakas ang
lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. “Hindi na bale,
tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon.” ang sabi
niya sa sarili.

__________________________________________________

Aral:
Kung bumagsak sa pinapangarap sa buhay sa unang
pagkakataon ay huwag sumuko at mawalan ng pag-asa. Ang
mga pagsubok ay asim at pampalasa lamang sa buhay na
kailangang harapin upang matamis na bunga ang siya mong
aanihin.

II. PINATNUBAYANG GAWAIN

GAWAIN: PAYUHAN MO!


Panuto: Mamili sa loob ng kahon ng limang mahahalagang payo o
paalala na maaaring ibahagi sa taong may parehong pag-
uugali ni Lobo upang maabot niya ang kanyang inaasam- asam
sa buhay. Isulat sa loob ng “Bubble map organizer” ang iyong
sagot.

Huwag mawalan ng pag-asa.


Mag-isip ng positibo.
Pabayaan ang mga problema.
Manalig sa Panginoon.
Umiyak at sumigaw nang malakas.
Magsumikap sa buhay.
Maging matatag sa mga pagsubok.

14
Ang Mga
Paalala Ko:

III. DI-PINATNUBAYANG GAWAIN


GAWAIN: IBAHAGI MO!
Panuto: Magbigay ng limang PERSONAL na katangian na mabisa
mong gamitin sa panahong may kinakaharap kang
problema at pagsubok sa buhay. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng “Circle Map Organizer “.

Ang Mga
Personal Kong
Katangian

15
IV. EBALWASYON

Panuto: Piliin ang letra na nagtataglay ng nararapat mong gawin


sa sumusunod na sitwasyon.

1. Kung ikaw ang lobo sa kuwento, ano ang gagawin mo?


A. Hahanap ako ng paraan para maabot ko ang ubas.
B. Titiisin ko na lang ang gutom huwag lang mapagod.
C. Susuko na lang ako para hindi mapagod sa pagtatalon.

2. Tapos na ang inyong klase.Habang naglalakad ka sa daan


pauwi ng bahay nakakita ka ng puno ng bayabas na hitik sa
hinog na bunga. Gusto mong kumain ngunit natatakot kang
mamitas baka mahuli sapagkat malapit lang ito sa bahay ng
may-ari. Ano ang gagawin mo?
A. Mamitas ako ng bunga kung may pahintulot sa may-ari.
B. Mamitas ako ng bunga kahit hindi nagpaalam sa may-ari.
C. Mamitas ako ng bunga at hahanap lang ng tiyempo na hindi
mahuhuli ng may-ari.

3. Magkakaroon kayo ng mahabang pagsusulit kinabukasan kaya


ikaw ay nag-aaral nang mabuti. Pinagbutihan mo ang pag-aaral
dahil ayaw mong magkamali kahit isa. Matapos maiwasto ang
inyong mga papel, nalaman mo na mayroon kang apat na mali.
Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak nang malakas dahil nabigo sa aking layunin.
B. Kukunin ko ang papel at iwawasto kong muli baka si titser
ang mali.
C. Tatanggapin ang resulta at pagbubutihan ko na lang sa
susunod.

4. Inutusan ka ng iyong Nanay na bumili sa tindahan. Pagdating


mo sa tindahan napansin mong nawala ang pera sa iyong
bulsa. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi uuwi ng bahay para hindi mapapagalitan
B. Uuwi sa bahay at sasabihin sa Nanay na nawala ang pera.
C. Mangutang nalang sa tindahan para may madala sa bahay.

16
5. Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maligo sa Talon ng Donya
Josefa ngunit binawalan ka ng iyong mga magulang dahil sa
iyong murang edad. Ano ang gagawin mo?
A. Tatakas ako ng bahay para sasama sa mga kaibigan.
B. Sasama ako sa mga kaibigan,di-bale ng mapalo pag-uwi ng
bahay.
C. Kakausapin ko nang maayos ang aking mga kaibigan na
hindi ako papayagan ng aking mga magulang.

IKAAPAT NA ARAW

I. MAIKLING ARALIN

Magandang buhay!

Basahin at unawaing mabuti ang inihandang


Maikling Talakayan para sa iyo nang lubusan
mong maunawaan ang ating aralin. Bago mo
simulan ang paglalakbay sa aralin na ito, may
mga bagay kang dapat sundin upang maging
maganda at maayos ang daloy ng iyong pag-
aaral.

Mga Panuntunan:

1. Isulat ang mga importanteng detalye na nakuha sa


binasa.
2. Iwasan ang mga bagay na walang kinalaman sa
Gawain.
3. Sagutin ng maayos ang mga tanong na may pag-iingat
at katiyakan.

17
Kung ikaw ay baguhan sa isang lugar at may nais kang
malaman. Ano ang gagawin mo?

Alam mo bang mahalaga ang pagtatanong? Sa pamamagitan


ng mga tanong hindi lamang sagot o kaalaman ang ating
makukuha. Nahahasa rin tayong mag-isip. Marami ang mga
tanong ngunit ang pag-aaralan natin ay ang tanong na bakit
at paano.

Basahin ang talata sa kahon at pag-aralan ang biswal na


representasyon.

MAHALAGA PA BA SILA?

Ang kabaitan ay hindi lamang sa tao nakikita kundi sa mga


piping nilalang tulad ng aso, pusa, kabayo, kalabaw, baka,
baboy, manok at mga ibon. Pag- ingatan nating hindi sila
masaktan. Kung may alaga kayong hayop, bigyan sila ng
pagkain, malinis na tubig, at maginhawang lugar na
mapagpahingahan. Kung atin lang iisipin, napakaraming bagay
ang iniaasa natin sa mga hayop.
Ang ating kinakaing karne, itlog, mantikilya at gatas ay galing
sa kanila. Ang ginagawang sapatos at tsinelas ay galing sa
kanilang balat. Nagtatrabaho sila sa atin araw-araw, katulong
sila sa pag-aararo ng ating bukirin, nanghihila ng kareta at
kalesa, nag-aalaga ng ating tahanan, nanghuhuli ng mga
dagang sumisira sa pagkain at kasangkapan.
Kung minsan, nalilimutan natin ang kanilang serbisyo lalo na
kung sila’y matanda na at wala nang silbi.

18
MAHALAGA PA BA SILA?

Bakit mahalaga Sila ang ating katuwang sa araw-araw


ang mga alagang na gawain. Katulong at kaibigan din.
hayop?

Sila ay dapat alagaang mabuti, bigyan


Paano sila dapat ng pagkain, tubig na inumin, at
pangalaagan? maginhawang mapagpahingahan.

Tatratuhin ng maayos at mamahalin


Paano sila na parang mga sarili natin.
pangasiwaan ang
mga piping nilalang
na ito?

II. PINATNUBAYANG GAWAIN

GAWAIN: TANUNGAN NA!


Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng
pinakamalapit na sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang pakinabang na makukuha ng mga magsasaka sa


alaga nilang mga hayop.
A. upang yumaman C. mapagaan ang gawain
B. upang mabuhay D. lahat ng nabanggit

2. Bakit malaki ang tungkuling dapat nating gampanan sa ating


mga alagang hayop?
A. pasanin lamang sila
B. sila ang bumubuhay sa atin
C. karamay sa ano mang oras
D. malaki ang naitulong nila sa atin

3. Paano mo maipamamalas ang iyong malasakit sa mga hayop?


A. papaliguan ko C. hindi patrabahuin
B. ipapasyal sa parke D. tatratuhing mabuti

19
4. Alin ng di- nararapat gawin sa inyong mga alaga?
A. papakainin ko siya
B. ipapasyal ko siya sa parke
C. aalagaan ko siyang mabuti
D. papabayaan sa kanilang kinalalagyan

5. Bakit tinatawag na piping nilalang ang mga hayop?


A. hindi natin sila maiintindihan
B. hindi natin sila makakausap
C. hindi sila magaling magsalita
D. hindi natin sila maririnig

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN

GAWAIN: ALAMIN MO!


Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at alamin kung ano
ang tamang tanong na angkop gamitin dito. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga kabundukan ay kalbo na dahil sa ilegal na pagputol ng


mga punongkahoy.
A. Bakit inaabuso ng mga tao ang kapaligiran?
B. Bakit halos lahat ng kabundukan ay kalbo na?
C. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
D. Bakit kinakailangang makilahok sa pangangalaga ng
kalikasan?

2. Pinutol ng mga tao ang mga punongkahoy upang matugunan ang


kanilang pangangailangan.
A. Bakit halos lahat ng kabundukan ay kalbo na?
B. Bakit pinutol ng mga tao ang mga punongkahoy?
C. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
D. Paano mo hihikayatan ang iyong mga kaibigan o kakilala na
makiisa sa hangaring mapabuti ang kalikasan?

3. Isinumbong ng mga tao ang mga illegal loggers sa DENR.


A. Bakit halos lahat ng kabundukan ay kalbo na?
B. Bakit pinutol ng mga tao ang mga punongkahoy?
C. Paano nakatulong ang mga tao sa pagsugpo sa mga ilegal na
pagputol ng punongkahoy?
20
D. Paano mo hihikayatan ang iyong mga kaibigan na
mapangalagaan ang kalikasan?

4. Nagkaroon ng tree planting ang mga kabataan upang mapalitan


ang mga pinutol na punong kahoy.
A. Bakit halos lahat ng kabundukan ay kalbo na?
B. Bakit pinutol ng mga tao ang mga punong kahoy?
C. Paano nakatulong ang mga tao sa pagsugpo sa mga ilegal na
pagputol ng punong kahoy?
D. Paano nakatulong ang mga kabataan na mapalitan ang mga
pinutol na punong kahoy?
5. Bilang mag-aaral, iiwasan ko ang di tamang pagtatapon ng basura
sa kapaligiran.

A. Bakit kailangan mong pangalagaan ang kapaligiran?


B. Paano mo mapananatili ang kalinisan ng kapaligiran?
C. Bakit hindi maaaring magtapon ng basura kahit saan-saan?
D. Paano mo mahihikayat ang iyong kapwa mag-aaral na makiisa
sa iyong layunin?

IV. EBALWASYON

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

Bunga tayo ng pinaghalo-halong kagawian at


kaugalian. Tayo’y pinagsama-samang lahi tulad ng
pagka-Amerikano, pagka-Espanyol, at pagka-Tsino. Higit
na alam ng mga kabataan ngayon ang mga awiting
banyaga kaysa katutubong awitin. Ganoon din ang mga
katutubong sayaw, tulad ng pandanggo na wari’y hindi
bagay sa kanila. Di tulad ng dayuhang sayaw na kung
iindak ay tila walang kapaguran.
Maging sa pagbibigay pangalan sa mga anak ay
makabanyaga. Nawala na rin ang paghahalik sa kamay
sa mga matatanda. Kasama na ang pananamit at
pananalita.

21
1. Bakit halo-halo ang mga kagawian at kaugalian ng mga Pilipino?
A. dahil sa impluwensiya ng mga banyaga
B. pagkat madaling mapakiusapan
C. dahil hindi mahilig sa pakihalubilo
D. sobrang pagtangkilik sa sariling atin

2. Bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa sayaw at awiting


banyaga?
A. sosyal sa pandinig C. dala ng impluwensiya
B. nakaaangat sa estado D. astig ang dating

3. Bakit mahalaga ang pagmamano sa mga nakatatanda?


A. sabay sa uso C. bilang pananampalataya
B. tanda ng paggalang D. ito’y isang tradisyon

4. Paano mo pahahalagahan ang kagawian at kaugalian ng


pagiging Pilipino?
A. isantabi ang tradisyon C. dapat isabuhay ito
B. magtiktok ng K-Pop D. tangkilikin ang K-Drama

5. Paano mo maipapakita na ipinagmamalaki mo ang pagiging


Pilipino?
A. bumili ng mga produktong galing sa ibang bansa
B. manood ng pelikulang banyaga lamang
C. tangkilikin ang mga gawang Pilipino
D. gumamit ng mga salitang tag-lish

22
IKALIMANG ARAW

I. MAIKLING ARALIN

Sa wakas, narating mo na rin ang panghuling


araw ng mga Gawain sa linggong ito.
Para sa araw na ito, ipagpapatuloy at
pagyamanin pa natin ang iyong kakayahan.

 Ang tanong na bakit ay humihingi ng sagot na


nagpapahayag ng rason o dahilan ng isang
sitwasyon.
 Ang tanong na paano naman ay humihingi ng sagot
na tumutukoy sa paraan, kondisyon o kalidad na
maaaring gawin sa isang sitwasyon.

Pagmasdan at unawain ang halimbawa sa ibaba.

TANONG SAGOT
Bakit ka umiiyak? Inaway kasi ako ni Jody.

Bakit ka niya inaway?


Naapakan ko kasi ang paa
niya.
Paano mo lulutasin ang
iyong suliranin?

Hihingi ako ng payo sa mga


nakatatanda.
Ang halimbawa sa tanong na bakit ay humihingi ng rason at
ang tanong na paano naman ay humihingi ng paraan.

Ngayon, subukan mo ang iyong galing at sagutin ang mga


tanong na bakit at paano.

23
II. PINATNUBAYANG GAWAIN

GAWAIN: TANUNGAN NA!


Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa bawat bilang.
Tukuyin kung alin sa sumusunod ang sumasagot sa
tanong na Bakit o Paano batay sa talatang binasa.

Masipag na bata si Joana. Madaling-araw pa lamang


ay bumabangon na siya para tumulong sa ina sa
paghahanda ng kanilang almusal. Magwawalis muna si
Joana ng bakuran bago maligo at kumain ng almusal saka
na siya papasok sa eskuwela. Ngunit bago ang lahat ng
ito, nagdarasal muna si Joana. Iniaalay niya sa Maykapal
ang bawat araw niya. Naniniwala siya na sa ganitong
paraan ay gagabayan siya ng Maykapal sa bawat araw.

1. Bakit ito ginagawa ni Joana?


A. Inaalay niya sa Maykapal ang bawat araw.
B. Maagang matapos ang kanyang mga Gawain.
C. Ginagawa niya ito para maging tanyag sa paaralan.

2. Bakit iniaalay niya sa Maykapal ang bawat araw niya?


A. Naniniwala siyang gagabayan siya ng Maykapal.
B. Pinipilit siya ng kanyang magulang na gawin ito.
C. Tutuparin ng Maykapal ang lahat ng kanyang hihilingin.

3. Bakit sinasabing masipag na bata si Joana?


A. Madaling-araw pa lamang ay bumabangon sa siya para
tumulong sa ina.
B. Inaalay niya sa Maykapal ang kiniyang mga gawain sa araw-
araw.
C. Naniniwala siya na gagabayan siya ng Maykapal sa bawat
araw.

24
4. Paano pinapakita ni Joana ang kanyang kasipagan?
A. Nagdarasal siya bago magtrabaho.
B. Maagang siyang bumabangon.
C. Nag-aalmusal siya bago pumasok.

5. Paano nakatutlong si Joana sa kanyang ina?


A. Nagdarasal siya sa Maykapal.
B. Naliligo at kumakain siya ng almusal.
C. Naghahanda siya ng almusal at nagwawalis.

III. DI-PINATNUBAYANG GAWAIN

Panuto: Kopyahin ang balangkas sa ibaba tungkol sa binasang


teksto. Buuin ito ng mga pangungusap na naglalaman
ng mga detalye mula sa binsang teksto.

Palabati at magalang si Miguel. Walang araw ang


lumipas na hindi ka niya mabati ng “Magandang umaga.”
Sa araw-araw, bago pumasok sa eskwela at pagdating sa
bahay, nagmamano siya sa kanyang mga magulang.
Maging sa paaralan ay iniyuko niya ang kanyang ulo
habang binabati ang kanyang mga nakakasalubong.

Nakasanayan na itong Gawain ni Miguel, ginagawa


niya ito upang mapadama sa kanyang mga magulang ang
kanyang paggalang. Gusto rin niyang tularan siya ng
kanyang mga nakababatang kapatid.

I. Ibigay ang mga ginagawa ni Miguel. (Paano niya ito


ginagawa?)
1. __________________________________________
2. __________________________________________
3. __________________________________________

II. Ibigay ang mga dahilan ni Miguel. (Bakit niya ito ginagawa?)
4. __________________________________________
5. __________________________________________
6. __________________________________________

25
IV. EBALWASYON

Panuto: Mag-isip ng isang mahalagan okasyon na


ipinagdiriwang ng iyong pamilya.
Sumulat ng talatang may limang pangungusap na nagsasalaysay
sa iyong pagdiriwang. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.
Tiyaking masasagot ang sumusunod na tanong:

Pangungusap 1: Ano ang ipinagdiriwang?


Pangungusap 2: Kailan at saan ito ipinagdiriwang?
Pangungusap 3: Sino-sino ang nakikilahok sa pagdiriwang?
Pangungusap 4: Bakit mahalaga sa inyong pamilya ang
pagdiriwang na ito?
Pangungusap 5: Paano ito ipinagdiriwang?

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA


1 2 3 4 5
ANYO
 pagsunod sa uri/anyong ipinapasulat
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng
pangungusap
ORGANISASYON
 lihikal na daloy ng mga pangyayari
 tiyak na balangkas na ginamit sa
pagsasalaysay
PAGKAMALIKHAIN
 katangi-tanging estilo sa pagsulat
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangagailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

26
SANGUNIAN
Mga latawan mula sa:
https://Google.com
https://Unsplash.com
https://Pixabay.com
Mga kwento o babasahin:
https://Google.com

Tiniyak ang Antas ng Kalidad nina:


Alvyn D. Dalogaog, HT-1

Abraham L. Managbanag, T-1

Bonna Mae N. Dalguntas, T-1

Ann-Ann J. Santos, IT

Rosario V. Tagotilla
Education Program Supervisor

Reviewed By:

Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS

Raymund M. Salvador
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent
27

You might also like