You are on page 1of 15

GIYA

(Guided, Integrated, Yearning Activities)

Para sa Mag-aaral
FILIPINO 6
Unang Markahan,Ikaapat na Linggo,1-4 Araw
Mga Layunin:
1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon sa
( pagpapahayag ng saloobin/damdamin)
2. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon sa
(pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid, pagpapahayag ng ideya)
3. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t-ibang sitwasyon sa
(pagsali sa isang uapan at pagbibigay ng reaksyon)
4. Nasusukat ang mga kaalamang natutuhan hinggil sa paggamit ng magagalang
na pananalita sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin

MELC Code: F6PS-Id-12.22, F6PS-IIc-12.13,F6PS-IIIF-12.19,f6PS-IVg-12.25,F6PS-IVh-12.19

Isinulat ni:

ARLYN A. VISITACION
Mababang Paaralan ng Timuay Danda

1
Unang Araw

I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw!
Ang pag – aralan mo ngayon ay tungkol sa
paggamit ng magagalang na pananalita sa iba’t-
ibang sitwasyon.Subukin mo muna sang iyong
kaalaman batay sa pagsasanay na iyong
sasagutin.

Panuto: Isulat ang letrang A kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng paggalang at O kung hindi.

1. Magandang umaga po,Gng.Baya. Ako na po ang magdadala


ng mga gamit ninyo.
2. Hindi ko kailangan ang iyong opinyon.
3. Maraming salamat po sa ibinigay ninyong tulong sa aming
pamilya.
4. Mali ka,hindi ganyan ang paggawa nito.
5. Ipagpaumanhin po ninyo nahuli ako sa pagpupulong.

Alam mo ba?
Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba;t-ibang paraan.
Sa kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng
paggalang sa kausap.

Po,ho. Opo (pangsagot sa tanong o tawag)


Makikiraan po (pakikiraan)
Salamat po (pagpapasalamat)
Maari po ba? (paghingi ng pahintulot)
Walang anuman (pagsagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/gabi/
Araw (po) (pagbati)
Pasensya na po (paghingi ng paumanhin)
Paki (paghingi ng pabor o tulong)

1
II. Pinatnubayang Gawain: Piliin Mo!

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap.Isulat


ang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at
Mali kung hindi.
1. Pinagtawanan ni James ang kapatid nang nadapa ito.
2. Tinanggap nang maluwag ni Aling Sonya, ang pagpanaw ng
kanyang anak na sundalo dahil sa COVID-19.
3. Masayang tinanggap ni Jane ang regalong galing sa
kanyang mga kaibigan.
4. Iniiwasan ni Dona ang mga kaibigang mapanghusga sa
kapwa.
5. Naniniwala po ako na mas nakabubuti sa lahat ang desisyon
ng pangulo.

III. Di-Pinatnubayang
Gawain: Tuklasin Mo!
Panuto: Punan ang patlang at piliin sa ibaba ang magagalang
na salita na angkop gamitin upang mabuo ang pangungusap.

1. _______ ba akong lumabas.


A. Maaari po B. Pwede C.Gusto

2. ______ na po kayo sa nangyari.


A. Ayaw ko B.Pasensya C.Gusto ko

3. ”______ kayo sa aming munting tahanan”.


A. Tuloy po B.Diyan po C.Dito lang po

4. ”_____ bang palitan ang binili ko?’’


A. Gusto ko B.Palitan mo C.Maari po

5. _____ ako ng tawad.


A. Humihingi B.Humihingi po C.Pahingi

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Piliin ang letra ng magagalang na pananalita sa
pagpapahayag ng saloobin, at isulat ang sagot sa patlang.

1) ”__________ ako ng tawad sa lahat ng aking kasalanan.


A. Humihingi B. Hihingi
po C. Pahingi po

2
2) __________ ang nangyari sa inyong pamilya.
A. Ikinalulungkot ko po C. Kapani-paniwala ba
B. Totoo ba

3) ___________ ang aking pamilya sa tulong na inyong ibinigay.


A. Nagagalak po C. Naiinis
B. Di natuwa

4) __________ at ngayon lang kami nakarating.


A. Pasensya na po C. Pasensya ha
B. Pasensya
5) __________ ang aking pasasalamat sa kabutihang inyong
naipakita.
A. Labis-labis po C. Sobra-sobra
B. Labis

Ikalawang Araw
I. Maikling Aralin

Mainam bang gumamit ng magagalang na pananalita sa


pakikipag usap? Mahalagang maalala at magamit ang
magagalang na pananalita sa pang araw-araw na
buhay.Basahin ang usapan ng magkaibigan.

Jane: Magandang araw po! Si Jane po ito.Ano po ang


maipaglilingkod ko sa inyo?
Marga: Magandang umaga Jane.Si Marga ito.Nabasa mo ba
ang ibinigay ni Gng. Gomez?
Ano
Jane: ang pinag-usapan
Ikaw pala ito nila?
Marga. Opo, nabasa at naintindihan ko
Ano- anonaang magagalang na pananalita
kung bakit mahalaga ang ginamit
na panatilihing malinisnila
angsa
usapan? mga kamay dahil ang mga kamay ay nagdadala at
nagkakalat ng mikrobyo.
Marga: Tama! Ang paghuhugas nang kamay ay isang gawaing
pangkalusugan at isang mahusay na paraan upang
makaiwas sa sakit na dulot ng mga mikrobyo o virus.
Jane: Maraming salamat Marga sa pagtawag mo.
Marga: Walang anuman Jane.

3
4
May mga magagalang na pananalita at pagbati na maaaring
gamitin upang kalugod-lugod ang ating pakikipag-usap sa
pagbabahag ng obserbasyon at pagpapahayag ng ideya.
Halimbawa: Magandang araw po.
Opo
Maraming salamat
Walang anuman

II. Pinatnubayang Gawain:

Subukin Mo!
Panuto: Piliin ang angkop na magagalang na pananalita na
dapat gamitin sa pagbabahagi ng obserbasyon sa
paligid.Isulat ang letra ng ng tamang sagot.

1. Isang araw,nakita mo sa labas ng inyong bahay ang iyong ina


na walang suot na face mask.Ano ang iyong dapat sabihin?
A. Ang face mask mo
B. Nanay, nalimutan po ninyong magsuot ng face mask.
C. O, face mask mo
2. Umaga na nang nakasalubong mo ang iyong guro.Ano ang
sasabihin mo?
A. Magandang umaga po
B. Pasensya po
C. Salamat po
3. Nasalubong mo ang iyong pinsan.Nagpasalamat siya sa iyo
dahil tinuruan mo siya sa tamang paghuhugas nang kamay.Ano
ang sasabihin mo?
A. Salamat
B. Paalam
C. Walang anuman
4. Gusto mong sumama sa iyong kuya sa palengke. Paano ka
hihingi ng pahintulot ?
A. Nanay, sasama ako kay kuya
B. Nay,pwede po akong sumama kay kuya sa palengke?
C. Sama ako

5. Dumating ang kaibigan ng tatay mo sa inyong bahay at


hinahanap siya, ano ang sasabihin mo?
A. Magandang umaga po. Tuloy po kayo.
B. Sandali
C. Hintay

4
III. Di-Pinatnubayang Gawain
Panuto: Lagyan ng T kung tama at M kung mali ang bawat
pahayag.
_________1. Maraming salamat po.
_________2. Tuloy ka
_________3. Makikiraan po.
_________4. Magandang araw po.
_________5. Akin yan

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Piliin ang magagalang na pananalita na gagamitin sa
pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid at pagpapahayag ng
ideya.Piliin ang sagot sa sa loob ng kahon.

Pasensya na po kayo Opo,


Humihingi po kami Magandang umaga po
Tuloy po kayo.

1 _____________ Bb.Garcia ,handa na po ang mga face


mask na Ibigay natin sa mga bata.
2 _____________ kailangan po talaga na isuot ninyo ang
inyong face mask at panatilihin po natin
ang social distancing.
3 _____________ ng patawad sa nagawa naming kasalanan.
4 _____________ tinulungan ko po si ate sa paglilinis ng
bakuran.
5 _____________ Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

Ikatlong Araw
I. Maikling Aralin
Ngayon, gagamitin mo ang magagalang na pananalita
sa pagsali sa isang usapan at pagbibigay ng reaksyon.

Basahin at unawain ang usapan.

Mark: Magandang araw po Ginoong Ben! Kumusta po


kayo?
Ginoong Ben: Magandang araw din sa iyo Mark. Ok lang
naman ako.
Mark: Saan po kayo pupunta?

5
Ginoong Ben: Magkakaroon ng bayanihan sa paglilinis ang
ating barangay, para makaiwas sa sakit na
dengue.
Mark: Maaari po ba akong tumulong sa paglilinis
Ginoong Ben?
Ginoong Ben: Ikinagagalak ko ang iyong pagtulong Mark.
Halika sabay na tayong pumunta sa barangay
hall.
Mark: Maraming salamat po.
Ginoong Ben: Walang anuman Mark.

Ano-ano ang salitang magagalang ang ginamit sa usapan?


Ano- ano ang magagalang na pananalita ang ginamit nila sa
usapan?

Ang magagalang na pananalita sa usapan ay:


 “Magandang araw po ,
 “Kumusta po kayo”? Maaari po ,Ikinagagalak ko,
 Maraming salamat po at Walang anuman.

Dapat nating tandaan ang gamit ng po at opo sa


pakikipag-usap sa nakatatanda gaya ng pagbati at
paghingi ng pahintulot sa pagsali sa usapan at pagbibigay
ng reaksyon.

II. Pinatnubayang Gawain:


Subukan Mo!

6
Panuto: Lagyan ng tsek ( ̷ ) ang kahon na sa palagay mo ang
siyang akma sa bawat pahayag.

Magagalang na Pananalita Pagbati Paghingi ng pahintulot


1. Magandang araw po.
2. Maaari po ba akong
magbigay ng mungkahi?
3. Pwede po ba akong
tumulong sa paglilinis
ng bakuran?
4. Magandang gabi po .
5. Maaari po bang
pakinggan natin ang
kanyang reaksyon?

7
III. Di-Pinatnubayang Gawain: Magsanay Ka!

Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang angkop na


magagalang na pananalita na angkop sa pagbibigay ng
reaksyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Narinig mo ang usapan ng iyong tatay at nanay tungkol sa pag-


babawal ng paglabas ng mga bata dahil sa COVID. Anong
sasabihin mo?
A. Lalabas ako.
B. Ipagpaumanhin po ninyo bakit po hindi pwedeng lumabas ang
mga bata?
C. Ako ay lalabas!
2. Naiwan ni Rose ang kanyang face mask.
A. Pakiabot po ng aking face mask kuya.
B. Ang face mask ko.
C. Kunin mo ang face mask ko
3. Habang nagwawalis ka natalsikan ng maliit na bato ang iyong
kapatid. Ano ang sasabihin mo?
A. Aalis na po ako.
B. Pasensya na,hindi ko sinasadya.
C. Ay, di ko nakita!
4. Sa daan napulot mo ang pitaka ng isang ale, iniabot mo ito sa
kanya at siya ay nagpasalamat. Ano ang iyong itutugon?
A. Walang anuman po.
B. Magandang umaga po.
C. Sige po
5. Nakabasag ka ng baso habang nag-uusap ang iyong nanay at
kaibigan nito. Ano ang sasabihin mo?
A. Salamat po.
B. Magandang hapon po.
C. Pasensya na po hindi ko sinasadya.

IV. Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang ( ̷ ) kung magalang na pananalita ang


ginamit sa pagbibigay ng obserbasyon sa paligid at ( X) kung
magalang na pananalita sa pagpapahayag ng ideya.Isulat ang
sagot sa patlang.
_____ 1. Maraming salamat po, sa inyong pagtugon sa
panawagang magsuot ng face mask tuwing lalabas ng
bahay.

8
_____2. Pasensiya na po kayo, pero mas mabuti po siguro na
magkaisa tayong lahat sa pagpapatupad sa paglilinis
ng ating kapaligiran araw-araw.
_____3. Maaari po bang panatilihin natin ang social distancing
habang kayo po ay nakapila.Maraming salamat po.
_____4. Magandang umaga po Gng.Santos.Nais ko po sanang
makilahok sa Oplan Kalinisan sa ating barangay.
_____5. Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng ideya
kung paano natin panatilihing malinis ang ating
kapaligiran.

Ikaapat na Araw
I. MAIKLING ARALIN

Pagkakataon mo na upang patunayan pang muli ang


iyong mga natutuhan kaugnay sa paggamit ng
magagalang na pananalita sa iba’t – ibang sitwasyon.

Tandaan ang ilan sa mga halimbawa ng magagalang na pananalita na


angkop sa iba’t –ibang sitwasyon.

Pagbati at Pagpapahayag ng Saloobin


1. Magandang umaga po.
2. Magandang gabi po.
3. Kumusta po kayo?
4. Maaari ko po bang sabihin ang aking saloobin?

Paghingi ng Paumanhin
1. Ipagpaumanhin nyo po.
2. Patawarin n’yo po ako.
3. Pagpasensiyahan nyo na po. Hindi nap o mauulit.

Pagbibigay ng Reaksyon
1.Mahusay po kayong umawit, dagdagan lang po ng konti ang
ensayo.
2. Maganda po ang ginawa ninyo, kulang lang ng materyales.
3. Magaling po kayo,kailangan lang ng konting ensayo.

9
II. Pinatnubayang Gawain: Subukan Mo!
Panuto: Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na sitwasyon?
Piliin ang tamang sagot sa ibaba at isulat sa patlang.
Aalis na po ako. Walang anuman po.
Kumusta ka na? Magandang tanghali po
Pasensya na,hindi ko sinasadya

1. Nagkita kayo nang kaibigan mong matagal mo nang hindi nakita.


____________________________________________________

2. Paalis ka ng bahay para pumasok sa inyong paaralan.


___________________________________________________

3. Isang tanghali , nasalubong mo ang iyong guro sa pamilihan.


____________________________________________________

4. Nagpasalamat sa iyo ang iyong kapatid dahil sa iniregalo mo sa


kanya.
___________________________________________________

5. Nagkauntugan kayo ng iyong kaibigan nang sabay ninyong


pulutin ang lapis.
____________________________________________________

III. Di Pinatnubayang Gawain: Magsanay Ka!


Panuto: Lagyan ng ( ̷ ) ang kahon na akma sa bawat pahayag.

Magagalang na Pananalita Tama Mali


1. Ikaw na ang magsaing nanay.
2. Maaari po bang maglaro sa labas tatay?
3. Pakikuha po ng gunting sa ibabaw ng
aparador.
4. Ikaw pala ang kaibigan ni kuya.

10
5. Ipagpaumanhin po ninyo ang di ko pagdalo
sa inyong kaarawan.

11
IV. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang at Mali kung hindi. Isulat ang sagot
sa patlang.
______1. Ate, pakikuha po ng pitaka ko , ang sabi ni Mila sa
nakakatandang kapatid.
_____2. Maari po ba akong pumunta sa kaarawan ng aking
kaibigan? Ipaalam ni Bea sa kanyang mga magulang.
_____3. Dalhin mo ang mga gamit ko.Ang sabi ni Jane sa
kanyang ate.
_____4 Makikiraan po.
_____5 Maari po ba akong magbigay ng suhesstiyon sa
paggawa ng ating proyekto?

12
SANGUNIAN Tiniyak ang Antas ng Kalidad nina:
Mga larawan mula sa :
Alvyn https://Google.com
D. Dalogaog, HT – I Arlyn A.Visitacion, MT-I
Mga kwento o babasahin:
Abraham L. Managbanag, T-I Bonna Mae N.Dalguntas,T-I
Filipino Unang
Ann-Ann J. Santos, ITMarkahan – Modyul
Marc Ion8 Manlin, IT
Most Essential Learning Competencies (MELCs)F6PS-Id-
12.22, Rosario V. Tagotila
F6PS-IIc-12.13,F6PS-IIIf-12.19,F6PS-IVg-12.25,F6PS-IVh-
Education Program Supervisor
12.19, p.221

Reviewed By:

Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Raymond M. Salvador
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC- Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman,CESE


OIC- Schools Division Superintendent

13

You might also like