You are on page 1of 7

FILIPINO

KUWARTER 2 – MODYUL 3
• Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula/nabasang
teksto.
• Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.

( F5PB -IIa -4, F5 EP -lla-f-10)

0
I.MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Ang katangian ng mga tauhan at tagpuan sa kuwento ay kabilang sa mahahalagang
detalye na kinakailangang mabigyang-pansin ng isang mambabasa.

Ito’y makatutulong sa pag-unawa sa nilalaman ng kuwento.

PAG-ARALAN NATIN
Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba tungkol sa isang mag-anak at humanda sa
talakayan.

Isang Sabado, namasyal ang mag-anak ni G. Ricardo Gonzales sa Lungsod ng


Baguio. Maraming tao at sobrang lamig sa araw na iyon. Masayang namamasyal at
naglalaro ang mag-anak sa Burnham Park. Maya-maya ay may napulot si G. Gonzales
na isang pitaka. Ang pitaka ay naglalaman ng maraming pera, dolyar, mga lisensya at ID
ng may ari. Mayroon pang ginto na nakapaloob sa isang maliit na supot. Hindi man
marami ang pera ng mag-anak, hindi nila inisip na angkinin ito. Agad hinanap ng mag-
anak ni G.Gonzales ang may-ari ng pitaka. Laking gulat ng balisang may-ari nang ibalik
sa kanya ang nawawalang pitaka. Agad naman itong nagbigay ng kaunting pabuya at
nangakong tuwing aakyat sila ng Baguio ay maaaring pumunta sa kanila at sila’y
bibigyan ng mga produktong galing sa Baguio nang libre. Ipinasyal ni G. Gonzales ang
mag-anak sa SM kung saan nakita sila ng isa sa mga kamag-anak nilang galing ng ibang
bansa. Binigyan sila ng tig- $20 mula sa nasabing kamag-anak. Nag-umpisa na ang
pagtanggap nila ng pagpapala dahil sa nagawang kabutihan sa kapwa. Tuwang-tuwang
umuwi ng Pangasinan ang mag-anak ni G.

Gonzales.

Mga Tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Saan naganap ang mga pangyayari sa kuwento?
3. Ilarawan ang Lungsod ng Baguio ayon sa kuwento.
4. Paano mo ilalarawan ang mag-anak ni G. Gonzales?
5. Bakit hindi itinanong sa maraming tao kung sino ang may-ari ng napulot na pitaka?

I. MGA GAWAIN
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang kuwento. Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat tanong.

Isang araw, lumuwas ng Bani, Pangasinan ang magkapatid na Ric at Lito upang
mamili ng mga isdang paninda. Marami silang nabiling isda sa palengke kaya maaga
silang nakasakay pabalik. Napansin nila, luma at butas-butas na pala ang nasakyang bus.
Balak nilang lumipat sa susunod na terminal ngunit hindi sila nakalipat. Dahil sa

1
pagod, nakaidlip sila sa bus. Maya maya’y bumigay na ang gulong ng bus na naging
sanhi ng kanilang aksidente. Natumba ang bus sa isang kalye ng Labrador, Pangasinan.
Nasugatan sa ulo si Lito at sa balikat naman si Ric. Hindi nagtagal, may dumaan na kotse.
Huminto ito sa tapat ng bus na naaksidente. Isang matandang babae ang drayber ng
kotse. Tinawag ng babae ang mga sugatan . Inutusan ni Ric si Lito na sumama dahil mas
malubha ang sugat niya. Dinala sila sa isang ospital sa Dagupan City. Inayos naman ni
Ric ang kanilang mga kargang isda. Isinakay din sina Ric at iba pang mga pasahero sa
isang dyip hanggang sa terminal ng bus sa Dagupan. Sa pagsakay ni Ric ng bus sa
terminal, tamang-tama naman na naroon na si Lito na nakasakay. Kaya sabay din silang
nakauwi ng bahay. Nakalulungkot man ang sinapit ng magkapatid sa daan, ngunit natuwa
sila at nagpasalamat sa Panginoon dahil nakauwi silang buhay.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. ang magkapatid B.ang
babaeng drayber
C. ang drayber ng bus
2. Ano ang nangyari sa magkapatid?
A. naaksidente.
B. nakauwi nang maayos
C. nakaligtas

3. Bakit naaksidente ang magkapatid?


A. Naubusan ng gasoline ang sasakyan.
B. Luma at butas-butas na ang sasakyan.
C. Nakatulog ang drayber ng bus.
4. Saan naaksidente ang magkapatid?
A. sa Bani, Pangasinan
B. sa Labrador, Pangasinan
C. sa Bugallon, Pangasinan
5. Ilarawan ang lugar na pinuntahan ng magkapatid.
A. May isang oras ang haba ng biyahe papunta roon.
B. Malapit lang ang Bani, Pangasinan.
C. Mahaba at malayo ang lugar na iyon.

GAWAIN 2

Panuto: Punan ng wastong paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan sa kuwentong


binasa.

Tagpuan/Tauhan Katangian Patunay sa Pangyayari


Ric
Lito
Tsuper ng bus
Matandang babae
Bus

Ngayong alam mo na kung paano mo maibibigay ang katangian ng mga tauhan sa


kuwento, maaari mo ng sanayin ang iyong sarili sa susunod na gawain.

2
GAWAIN 3

Panuto: Buuin ang krusigrama ng katangian ng mga tauhan at tagpuan ng isang kuwento
sa tulong ng mga
parirala/pangungusap sa
ibaba.
Krusigrama

Pahalang:

1. Panahong nakapaglaro
nang maayos ang mga
bata.

5. Laging naghuhugas ng
kamay,

naliligo

Pababa:

1. nakikinig sa mga payo ng magulang

2. natutuwa sa lahat ng bagay


3. gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap

4. nagagalit palagi

TANDAAN NATIN
Ang katangian ng mga tauhan sa kuwento ay kabilang sa mahahalagang
detalye na kinakailangang mabigyang-pansin ng isang mambabasa. Ito’y

makatutulong sa pag-unawa sa nilalaman ng kuwento.


LAGUMANG PAGSUSULIT

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat seleksyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang
letra ng wastong sagot.

1. Naglaro si Aya kanina. Iniligpit niya ang mga ginamit na laruan sa loob ng isang
malakingkahon. Si Aya ay ______________.

A. mainipin C. maalaga

B. masinop D. masayahin
2. Si Pedro ay isang batang palaboy. Palagi siyang pinagagalitan ng kanyang ama dahil
hindi siya sumusunod at hindi nakikinig sa bilin ng kanyang magulang. Hindi na rin
siya nag-aaral. Si Pedro ay ____________

A. kaaya-aya C. nakakatuwa

B. kaawa-awa D. wala sa nabanggit

3
3. Si Majoy at Niήa ay magkaibigan. Sila ay mahilig sa pagbabasa. Palagi silang nagaaral
ng kanilang leksyon. Kaya naman sila ang nangunguna sa kanilang klase. Ano ang
katangian ng magkaibigan?

A. matalino C. palaaral

B. responsible D. lahat ng nabanggit

4. Hindi marunong biruin si Audrei. Agad siyang umiiyak sa isang tukso lamang ng
kanyang kaibigan. Si Audrei ay ________________________.

A. sensitibo C. masipag
B. mabait D. masayahin
5. “Pupugutan ko ng ulo ang sinumang nagkakalat na malaki ang aking tainga.” Sabi ng
Hari. Ang hari ay_______________________.

A. mabait C. maalalahanin
B. maunawain D. mabagsik

6. Naaksidente sina Ric at Lito dahil sa bus na nasakyan nila. Ilarawan ang bus.

A. lumang luma na C. sira na

B. bago pa D. wala sa nabanggit

7. Maaga pa’y nasa tabi ng simbahan na si Nora upang magtinda ng sampaguita.


Ibinibigay ni Nora ang kita sa kanyang ina. Si Nora ay _______________.

A. matulungin C. responsible

B. masayahin D. maagap

8. Maagang nakatulog ang mag-anak nina Mang Juan. Maging ang mga kapitbahay nila
ay nakatulog na dahil walang kuryente. Ilarawan ang kanilang lugar.

A. magulo C. maaliwalas

B. maingay D. matahimik

9. Si Albert ay pumasok sa banyo ng kanilang silid-aralan. Nagulat at natuwa siya sa


nakita dahil ______________ang banyo.

A. malinis at mabango C. marumi B.

maliwanag D. mabaho

10. Si Bb. Reyes ay palaging nakasuot ng makakapal na damit tuwing pumapasok sa

trabaho. Bakit siya palaging nagsusuot ng makakapal na damit? A. Nagtatrabaho

siya sa malamig na opisina.

4
B. Nakasanayan na niyang magsuot ng makapal na damit

C. Madilim at mainit ang lugar ng kanyang trabaho.

D. A at B

B. Panuto: Anong katangian ng tauhan ang inilalarawan sa bawat bilang? Pumili


ng sagot sa kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. mapagkakatiwalaan d. masikap

b. maingat e. masunurin

c. madaldal
______1. Pinipili ni Andy ang mga palabas sa telebisyon na maganda para sa kabataan

______2. Ipinahahawak kay Minda ang pera ng kanyang kaibigan.

______3. Pinipilit ni Christine na makakuha ng mataas na marka kahit mahirap ang


aralin.

______4. Si Jerico ay nagsusuot ng facemask at face shield kapag ito ay lumalabas.


______5. Dapat iwasan ang ugaling ito upang hindi mapahamak. Isipin ang dapat
ipahayag.

C. Panuto: Magbigay ng mga salitang maaaring maglarawan sa salita sa loob ng


kahon.

1.

2.

__________

__________ bayani __________

__________

5
6

You might also like