You are on page 1of 7

ESP QTR 3 week 3-5

NAME___________________________________
Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay
Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mg Batas

1.Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko


tulad ng kwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa EsP4PPP-IIIc-d-20 11.
2.Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita. EsP4PPP-III-e-f-21

3.Naipamamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng


pagpapahalaga sa kultura. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng sariling disiplina para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.


Kabilang dito ang sining, wika, musika at panitikan. Kasama rin ang paninirahan at
kaugaliang kanilang ipinakikita sa pang -araw-araw na pamumuhay. Sa araling ito ay iyong
matututuhang ipagmalaki at pahalagahan ang kultura ng iba’t ibang pangkat etniko sa ating
bansa tulad ng kwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa. Tunay na kahanga-
hanga ang Kulturang Pilipino kung kaya’t ito ay dapat nating mahalin, pagyamanin at
paunlarin. Iba’t iba ang kultura ng bawat rehiyon at pangkat etniko. Mahalaga na
maunawaan at igalang ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang
kultura ng mga pangkat etniko sa bansa. Ang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa ating
kultura na nakagisnan ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bansa. Ano-ano kaya
ang mga kultura ng mga Pilipino na maaari mong ipagmalaki? Pag-aralan ang mga larawan
sa ibaba. Maaari mo bang sabihin kung ano ang kanilang ginagawa?

Alin-alin sa mga larawan ang kaya mong gawin? May maganda bang naidudulot
ang mga gawaing ito sa atin?
Gawain sa Pagkatuto 1: Kumpletuhin ang graphic organizersa ibaba. Magbigay ng mga salita
na may kaugnayan sa salitang kultura. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Bilang isang bata, mahalaga ring malaman mo ang pagsunod sa mga batas o panuntunan
tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita. Disiplina ang tawag dito.
Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may disiplina ay kahanga-hanga at
mayroon ding maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling disiplina ay bunga
ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang ibinubulong ng sariling konsiyensiya.
Kapag ang lahat ng tao ay may disiplina, magdudulot ito ng katiwasayan sa lipunan at lubos
na kaunlaran ng bansa. Gawain sa Pagkatuto 2: Ayusin ang mga letra sa loob ng bawat
kahon upang mabuo ang salita na may kaugnayan sa batas tungkol sa pangangalaga ng
kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto 3: Basahin sa Alamin Natin sa pahina 207-210 sa Edukasyon sa


Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang – Ikatlong Markahan ang kwentong pinamagatang
“Maipagmamalaking T’boli si Tatay”. Sagutin ang mga kasunod na tanong sa iyong sagutang
papel. Maipagmamalaking T’boli si Tatay Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji
sa South Cotabato, ang probinsya ng kanilang tatay. Sa Kanilang pamamasyal, sa daan pa
lamang ay excited na ang magkapatid sa kanilang pupuntahan. Sinabi ng kanilang nanay na
maliban sa kagandahan ng Lake Cebu ay marami pa silang makikitang ikasisiya nila. Wiling-
wili si Abegail sa natatanaw nilang kulay rosas at puting bulaklak ng lotus na nakukumpulan
at nakalutang sa tubig. Pagbaba pa lamang mula sa kanilang sasakyan ay inestima na sila ng
magigiliw ng tagapangasiwa ng resort na napili ng kanilang tatay. Siyang-siya muli si Abegail
dahil sa nakita niyang kakaibang mga suot ng mga taong sumalubong sa kanila. “Kuya Hadji,
kakaiba naman ang mga suot ng mga tao rito. Makukulay ang kanilang damit at marami pa
silang palamuti sa katawan mula ulo hanggang paa.” “Yon ba? Sila ay mga katutubong T’boli.
Sabi ng aming guro, sila ang mga katutubong tao na naninirahan sa lugar na ito noon pa man
at makukulay na T’nalak talaga ang kanilang kasuotan,” sagot ni Hadji kay Abegail. Dali-dali
silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayan na nasa pampang ng lawa kung saan maaari
silang magpahinga, magkwentuhan at hainan ng pagkain. Mabilis na inayos ng kanilang
nanay ang kanilang mga gamit at ilang dalang pagkain. Maya-maya lamang ay mabilis na
inihain sa kanila ng mga taong nakasuot T’boli ang mga pagkaing inorder ng kanilang tatay.
Habang kumakain ay may pangkat ng mga T’boli na may mas magagarbong kasuotan ang
nagsimulang nagtanghal sa kubo nila. Dala ng mga lalaki ang iba’t ibang instrumentong
pangmusika tulad ng tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong at kulintang.
Hawak din ng mga babae ang mga instrumento nilang hinihipan tulad ng sloli o plawta na
yari sa kawayan, kubing, at few o maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-
kuwerdas tulad ng sludoy at hagalong. Maya-maya pa ay nagsimula na silang tumugtog at
sumayaw. Maindayog ang kanilang mga galaw. Bawat sayaw ay ipinapaliwanag ni Tarhata
na siyang pinakapinuno ng mga nagtatanghal, ang mga kahulugan nito. May sayaw para sa
panliligaw, pagkakasal, paglalaban, pagwawagi at pag-ibig. Bawat yugto ay pinapalakpakan
nila. Gustong-gusto ni Hadji ang sayaw ng ibon na isinagawa ng isang batang lalaking kasing-
edad niya. Umawit din si Tarhata ng isang utom o awiting T’boli. Matapos umawit ay
nagpasalamat sila at nagpaalam. “Kayhuhusay nilang magtanghal! Talagang
ipinagmamamalaki nila ang kanilang kultura at pagiging T’boli,” pahabol ng kanilang nanay.
“Oo nga po. At kaygagara ng kanilang kasuotan. Mula sa ulo ay may paynetang may
abaloryong tanso at salamin. Pati ang mga tansong sinturon ay tumutunog-tunog pa at ang
mga anklet ay gayon din,” dagdag ni Abegail. “At pati mga tugtugin at awitin ay kakaiba
ngunit tunay na maipagmamalaki kahit kanino man,” banggit nman ni Hadji. Biglang
nagsalita ang kanilang tatay na kanina pa pala natutuwa. “Alam ninyo, mga anak,
nasisisyahan ako sa inyong mga sinasabi. Ang mga T’boli ay isa lamang sa napakaraming
pangkat etniko rito sa ating bansa. Bawat pangkat ay may iba’t ibang kuwentong bayan,
katutubong sayaw, awit, laro at iba pa. Ang pagkakaroon natin ng napakaraming pangkat
etniko ay hindi kahinaan ng ating bansa. Ito ang nagpapakulay at nagpapaganda ng ating
lahi. At bawat pangkat etniko ay tunay na ipinagmamalaki ng kanilang lahi.” “Dapat lang na
ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang sariling kultura. Paraan ito ng pagmamahal
sa kaniyang bansa,” sabat naman ng kanilang nanay. Bigla uling nagsalita ang kanilang tatay,
“Kaya naman ako ay talagang nagmamalaki sa aming mga katutubong T’boli. At dahil doon,
nakilala at mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!” Biglang nagtawanan ang mag-asawa.
Nagtataka namang nagtinginan ang magkapatid na Hadji at Abegail. Mga tanong: 1. Ilarawan
ang kultura ng mga T’boli pagkatapos nilang magtanghal na hinangaan ng nanay nina Hadji
at Abegail. 2. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura ng mga pangkat
etniko ng ating bansa? Gawain sa Pagkatuto 4: Basahin ang tula at sagutan ang mga tanong
na kasunod nito. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang Kapaligiran Tula


ni: Rossiel C. Campilan
Kaygandang pagmasdan nitong kapaligiran
Biyayang galling sa Diyos kung kaya’t ingatan
Pagyamanin natin at pahalagahan
Upang mga saling lahi ay makinabang.

Maipagpapatuloy itong kagandahan


Kung ang bawat isa ay magtutulungan
Sa pagtatanim at paghahalaman
Malinis na hangin tiyak makakamtan.
Disiplina’y paigtingin, mga batas ay sundin
Nabubulok at di-nabubulok na basura’y hiwalayin
Save the forest at keep the surroundings clean and green

Maging gawi sana at isabuhay natin.


Mga tanong: 1.
Ano ang mga aral na natutuhan mo sa nabasang tula?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Bakit mahalagang magkaroon ng disiplina sa sarili at sumunod sa mga batas?
__________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto 5:
Itala sa graphic organizer ang mga kultura ng iba’t-ibang pangkat etniko sa ating bansa na
dapat nating ipagmalaki at pahalagahan. Gawin sa isang malinis na papel.

Gawain sa Pagkatuto 6: Lagyan ng tsek kung ang gawain ay nagpapakita ng pagmamalaki o


pagpapahalaga sa kultura ng pangkat etniko at ekis namn kung hindi. Gawin ito sasagutang
papel. ________1. Malugod na pinasali ng magkakaibigang sina Albert, Lucas at Julio ang
isang batang Badjao habang sila ay naglalaro ng patintero sa isang bakanteng lote.
__________
2. Maraming koleksyon ng iba’t ibang awiting bayan tulad mga awiting Kundimam, Manang
Biday ng Ilocano at iba pa ang mag asawang Mang Julio at Aling Corazon sa
kanilangtahanan. ___________
3. Nagpakitang gilas ang mga mag- aaral ni Gng . Corazon sa pagtatanghal ng mga sayaw at
awit ng iba’t ibang pangkat etniko. ____________
4. Mahilig magluto ng kakanin at minatamis na pinasugbo, barkilyos, kalamay at iba pa
siAling Bining kahit hindi siya isang Ilonggo.
5. Pinagtawanan ng magkakaibigan ang katutubong nakita nila na namamasyal sa Baguio
dahil sa kanilang bahag na kasuotan. Gawain sa Pagkatuto 7: Magbigay ng mga batas o
panuntunang pinaiiral upang mapangalagaan ang kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng mga kahon. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto 8: Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong magawa
bilang displinadong mamamayan para sa sumusunod na larawan. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto 9: Sipiin ang talahanayan at sagutin. Gaano mo kadalas gawin ang mga
sumusunod: Lagyan ng () kung palagi, () kung paminsan-minsan at () kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel
Gawain sa Pagkatuto 9:
Buuin ang sumunod na larawan at iguhit ang katutubong kasuotan upang maipagmalaki mo
ang kultura ng pangkat etnikong iyong kinabibilangan. Maaari mong kulayan ang iyong
iginuhit. Lagyan mo rin ng iyong larawan ang nakalaang kahon. Kompletuhin ang patlang ng
hinihinging impormasyon. Gawin ito sa sagutang papel. (Humingi ng tulong at gabay sa mga
nakakatandang kasamahan sa bahay.)

Ako ay si
________________________________________________.
_____________________________________ ang pangkat etnikong aking kinabibilangan.
Nakalarawan sa itaas ang katutubong kasuotang maipagmamalaki ko. Ang kwentong bayan
na sikat sa aming pangkat etniko ay ___________________________________. Sikat na
katutubong sayaw naman ang _______________________________. Ang katutubong awit
namin ay ang_____________________________. Ang isa sa mga katutubong laro naming ay
ang _______________________. Maipagmamalaki ko ang mga ito sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Hand Stamping at Panata para sa Kapaligiran.
(Humingi ng tulong at gabay sa mga nakakatandang kasamahan sa bahay.)
1. Gamit ang water color na berde, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit sa
pagsusulat.
2. Kapag sigurado ka na at puno na ng kulay ang bawat daliri ay sabay-sabay mong ii-stamp
sa isang nakahandang bond paper.
3. Hayaan muna itong matuyo.
4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang Panata para sa Kapaligiran. Isulat mo ito sa ilalim
ng ini-stamp mong daliri sa bond paper

Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong naramdaman o realisasyon gamit ang mga


sumusunod na prompt: Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________. Naisasagawa ko
na_______________________________________.

You might also like