You are on page 1of 26

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
AGRIKULTURA- PAG-
AALAGA NG HAYOP
IKAPITONG LINGGO

Self-Learning Kit
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Alternative Delivery Mode
AGRIKULTURA: IKAPITONG LINGGO
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Emily E. Paraiso
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief:Maria Lourdes L. Ipong
Name of Division EPS In Charge of LRMS: Nanette A. Nacor
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng Lungsod Talisay City, Cebu
Department of Education – Region VII
Office Address: J.P. Rizal Street, Poblacion, City of Talisay, Cebu
Telefax: CID 491-3793
E-mail Address: talisay.city.division@deped.gov.ph
5

EPP
Unang Markahan
Ikapitong Linggo

PAG-AALAGA NG HAYOP

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pag-aalaga ng hayop!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Ikapitong Linggo ng Edukasyong Pantahanan


at Pangkabuhayan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pag-aalaga
ng Hayop!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ngisang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upangmapagtibayang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain nanaglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan kang makabisado ang likas
na katangian ng Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan sa Ikalimang
Baitang.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming


iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Kinikilala ng wikang ginamit sa modyul na ito
ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng mga aralin ngunit ang
pagkakasunud-sunod kung saan mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang
tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay binubuo ng aralin:


Aralin I: Pag-aalaga ng Hayop

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya ng manok, pato, itik,
pugo at tilapia;
2. naiisa-isa ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop gaya ng manok,
pato, itik, pugo at tilapia;at
3. nasusunod ang mga paraan sa pag-aalaga ng hayop gaya ng manok, pato,
itik, pugo at tilapia.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Aling hayop ang maaaring alagaan sa anyong tubig?


A. baboy C. kambing
B. isda D. manok

2. Anong hayop ang ginagamit sa mga magsasaka sa pag-aararo?


A. baboy C. kalabaw
B. baka D. pusa

3. Anong hayop ang maaaring mapagkukunan ng pagkain tulad ng karne at


itlog?
A. baka C. kambing
B. isda D. manok

4. Kailan maaring ipagbili ang squab o batang kalapati?


A. 20 hangang 30 araw
B. 25 hangang 30 araw
C. 28 hangang 36 araw
D. 30 hanggang 40 araw

5. Aling hayop ang maaaring mapagkakakitaan, mapagkukunan ng gatas at


karne?
A. isda C. kambing
B. manok D. pusa

6. Alin ang HINDI dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng manok?


A. bahay o kulungan
B. kapital o puhunan
C. maduming lugar
D. pagkain o feeds

7. Sa iyong edad ngayon, ano ang angkop na hayop ang pwede mong alagaan?
A. ahas C. kalabaw
B. baka D. manok

2
8. Bakit kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng hayop?
A. dagdag sa trabaho
B. nagpapasayang sa gastusin
C. nagbibigay problema sa pamilya
D. nakatitipid sa gastusin ng pamilya

9. Alin ang pagkain ng manok na ibinibigay para sa mga bagong pisang sisiw
hanggang anim na linggo?
A. starting mash C. laying mash
B. growing mash D. broiler mash

10. Sa anong paraan pwedeng mapagkakakitaan ang isda?


A. itapon
B. kainin
C. ipamimigay
D. ibinta sa palengke

Kumusta ang mga sagot mo? Sa palagay mo ba’y tama lahat?

Kung tama lahat ang sagot mo, napakahusay! Ipinakita nito na marami ka nang
alam tungkol sa paksa sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang
modyul para maalala muli ang alam mo na. Malay mo, matututo ka ng ilan pang
bagong bagay.

Kung mababa ang nakuha mo, huwag sumama ang loob. Ang ibig sabihin nito’y
para sa iyo ang modyul na ito. Makatutulong ito na maintindihan mo ang
mahalagang ideyang magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Kung pag-
aaralang mabuti ang modyul na ito, matutuhan mo ang mga sagot sa lahat ng
tanong sa pagsasanay at marami pang iba! Handa ka na ba?

Tunghayan muna ang susunod bago simulan ang Aralin 1.

3
Balikan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit sa kuwaderno ang


happy face  kung nagsasaad ng kabutihang dulot sa pag-aalaga ng hayop
at sad face  kung hindi.

_____ 1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.


_____ 2. Nakakadagdag ng utang sa pamilya.
_____ 3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng mag-
anak.
_____ 4. Nakapagpapaganda ng kapaligiran.
_____ 5. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at kawalan
ng hanapbuhay.
_____ 6. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable at maalalahanin.
_____ 7. Nakatitipid sa gastusin ng pamilya.
_____ 8. Nagdudulot ng sakit sa pamilya.
_____ 9. Nakapagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak.
_____10. Nakauubos ng pera sa pamilya.

4
Tuklasin

Basahing maigi ang tula.

MGA ALAGA NAMING HAYOP

Kami ay may alaga


Bakang mataba
Bunto’t ay mahaba
Maaliwalas ang mukha

Si kuya din ay may manok


Sa umaga at gabi
Palaging nakatiktilaok

Mayroon naman akong kalabaw


Na ginagamit sa pag-aararo araw-araw.

May kambing naman na pwedeng ibenta


kapag lumaki na

Silang lahat ang aming alaga


Na nakakatulong namin hanggang sa pagtanda.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kuwaderno.


1. Anu-ano ang mga hayop na tinutukoy sa tula?
2. Nakakatulong ba ang pag-aalaga ng hayop sa ating
pamilya? Bakit?
3. Kung papipiliin ka ng isang hayop na gusto mong aalagaan,
ano ito? Bakit?

5
Suriin

Aralin

1 PAG-AALAGA NG HAYOP

Ang pag-aalaga ng hayop ay nakatutulong sa kabuhayan ng isang mag-anak. Hindi


lamang ito isang pang hanapbuhay kundi isang libangan na nagbibigay kasiyahan sa
tao.

Mga Hayop na Maaaring Alagaan

Manok

Madaling mag-alaga ng manok kahit sa maliit na lugar. Maaaring mais


at palay lamang ang pagkain ng mga ito. Kung maluwag ang bakuran,
naghahanap din ito ng mga uod sa lupa o sa damuhan. May piling mga
manok na kailangan ang wastong paraan ng pag-aalaga upang maparami at
makapagbigay ng karne at sariwang mga itlog.

6
Uri ng Manok na Aalagaan

Matatagpuan sa poultry farms ang dalawang uri ng manok.

1. Layer – Inaalagaan ang manok na ito para sa mga itlog nito.


Upang regular na mangitlog ang layer, kailangang
malayo ang mga ito sa ingay. Kailangan ng asin para sa
magandang pangingitlog ng layer.

2. Broiler – Inaalagaan ang manok na ito sa taglay nitong karne. Ito


ang uri ng manok na niluluto sa mga fast foods restaurant,
palaman sa sandwich, o ginagawang nuggets o chicken
balls. Inaalagaan sa ating bansa ang lahing banyaga
tulad ng Lancaster, New Hampshire, Bantres, White
Leghorn, at Plymouth.

White Leghorn New Hampshire Cobb

Narito ang mga pagkain para sa pag-aalaga ng manok:

1. Starting mash – Pagkain ito para sa mga bagong pisang sisiw hanggang anim na
linggo.
2. Growing mash – Ibinibigay ito bilang pagkain para sa anim na linggo hanggang
sa handa nang ipagbili o hanggang sa mangitlog ang inahin.
3. Laying mash – Ibinibigay ito sa mga manok na nagsisimulang mangitlog.

7
Kalapati

Nabubuhay ang kalapati kahit saang lugar at sa kahit na anong klima.


Gustong-gusto nito ang tumira sa maraming puno. Kailangang mataas ang kulungan
ng kalapati upang ligtas sa daga, pusa, at ahas.

Karaniwang inaalagaan ang mga lahi ng kalapati gaya ng White Kings, Red
Corneans, at Giant Homer. Ang pag-aalaga ng kalapati ay nagsisimula sa apat
hanggang walong pares. Pagkaraan ng 25 hanggang 30 araw, maari nang ipagbili
ang squab o batang kalapati.

Rock Dove Giant Homer

Red Corneans White Kings

Pagkain ng Kalapati

Ang mga alagang kalapati ay nabubuhay sa pamamagitan ng sumusunod na


pagkain:
1. munggo 5. buto ng sunflower
2. sorghum 6. giniling na mais
3. palay 7. giniling na pritong mani
4. mumo ng tinapay

8
Paraan ng Pagpaparami ng Kalapati

1. Natural na pagtatalik – Pinabayaan lamang ang kalapati na pumili ng asawa


sa sarili nitong panahon at kondisyon.
2. Artipisyal na pagtatalik – Ikinukulong sa loob ng dalawang linggo ang isang
pares na kalapati na may hustong gulang na.

Paghahanda ng Tirahan ng Kalapati

3. Gumawa ng kulungan ng kalapati na may maraming pinto.


4. Lagyan ng tuyong dahon ang loob ng bahay ng kalapati.
5. Maglagay ng malaking lalagyan ng tubig na iinuman at paliliguan kung
mainit ang panahon.
6. Dalawang pugad ang kailangan ng kalapati. Ang isa ay para sa pangingitlog
Ang isa naman ay para sa pagpipisa.

Pugo

Ang karaniwang pugo ay isang uri ng maliit na ibong hinuhuli o inaalagaan para
sa karne at itlog. Kutipaw ang tawag sa isang batang pugo. Ito ay ibon na may
maliit ngunit mapintog na pangangatatawan, mga 18 sentimetro (7 pulgada)
ang haba, at kadalasan ay nasa lupa lamang.

Tulad ng ibang hayop, ang karne at itlog ng pugo ay maaring kainin. Ang dumi
at balahibo nito ay mahusay na napagkukunan ng pataba o organikong abono.
Ang produksyon at pagpaparami ng pugo ay nagbibigay ng dagdag kita sa mga
naninirahan sa mga lugar.

Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Pugo:

1. Ang batang pugo ay binibigyan ng starting mash hanggang isang buwan.


2. Ang inahin ay nagsisimulang maglahi pagkaraan ng 40 na araw. Nakatayo
kung mangitlog ang pugo.
3. Nilalagyan ng buhangin ang kahoy na pangingitlugan ng pugo upang hindi
mabasag ang itlog nito.

9
4. Madaling magulat ang pugo kaya kailangan tahimik ang paligid sa oras ng
pangingitlog.

Kulungan ng Pugo

1. Patayo ang kulungan ng pugo na may sukat na “4X8X1” talampakan.


Maaaring 250-300 layers ang maalagaan dito.
2. Ang sahig ay ¼ pulgadang wire mesh. Ang pantakip sa ibabaw ay
maaaring lawanit o plywood.
3. Tatlong dingding na wire mesh o bamboo slats ang kailangan. Maaaring
apat na palapag ang kulungan kung maliit ang lugar.

MGA KARAGDAGANG KAALAMAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP

1. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon


 Ang sapat na bentilasyon sa mga alagang hayop ay nagbibigay ng
hustong oxygen.
2. Maaliwalas na lugar
 Iwasan ang pagsisiksikan ng alagang hayop sa kulungan.
3. Tamang paraan ng pagpapakain.
 Ang pagbibigay ng sapat at tamang pagkain para sa mga alagang
hayop ay makabubuti para sa magandang produksyon.
4. Kalinisan at kaayusan
 Ang pagpapanatiling tuyo at malinis na kulungan ay nakabubuti
para maiwasan ang pagkakaroon ng parasite at iba pang peste na
nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa alagang hayop.
5. Kapaligiran
 Maging alerto sa pagbabago ng klima o panahon. Dapat may
alternatibong gagawin sa bawat uri ng panahon.
6. Maglagay ng maraming pakainan o painuman para sa mga alagang hayop.
7. Pabakunahan ang mga hayop laban sa peste at sakit.
8. Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang malulusog na
hayop.

10
Mga Panuntunang Pangkalusugan sa Pag-aalaga ng Hayop

Pag-aralan ang sumusunod na mga panuntunan tungkol sa pag-aalaga ng


hayop:

1. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng hayop.


2. Huwag bibigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop na may
malubhang kalagayan.
3. Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop lalo na kung may
masamang kalagayan.
4. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.
5. Ibaon agad sa lupa ang mga gamut kung hindi na maaaring gamitin upang
maiwasan ang aksidente.
6. Sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at
mahawa pa ng sakit ang iba pang hayop.
7. Gumamit ng bota, guwantes, mask o plastic na damit sa paglilinis ng
kulungan at sa pag-aasikaso ng alagang hayop na may sakit.
8. Maglinis ng katawan pagkatapos gampanan ang gawain.

Pag-aalaga ng Isda

Piliin ang uri ng isdang pinakaangkop para sa sariling lugar. Ang mga isda tulad
ng karpa, hito, dalag at tilapia ay madaling alagaan kaya mahusay palakihin sa likod-
bahay. Tiyaking may mapagkukunan ng mga karaniwang pagkain ang napiling isdang
aalagaan.

Tilapia Hito Dalag

Tilapia

Ang tilapia ay isang isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay


ito ng sustansiyang kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang
pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod bahay. Kung may anyong tubig tulad ng
ilog, sapa, lawa o dagat na malapit sa inyong pamayanan, maaari ring alagaan ang
tilapia rito. Ang tilapia ay mabilis lumaki habang bata. Ito ay maaaring magsimulang
mangitlog pagkalipas ng dalawa hanggang apat na buwan mula sa pagkakabili. Ang

11
babaeng tilapia, kung nangingitlog na, ay hindi gaanong kumakain dahil sa
pangangalaga nito sa itlog at semilya, kaya’t ang timbang nito ay hindi na gaanong
nadadagdagan pa.

Paraan ng Pag-aalaga ng Tilapia


Paggawa ng Palaisdaan

Iba’t-ibang paraan ng paggawa ng palaisdaan

Paggamit ng Kulungan

Ang paraang ito ay ginagamit sa malalaking ilog at lawa na kung saan ang
malalaking kulungan na may sukat na 1 x 1 x 1 metro kuwadrado ay maaaring
maglaman ng 250 – 1,500 maliliit na tilapia.

Paggamit ng Artipisyal na sapa.


Ang pamamaraang ito ay pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o kinulong
na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na malapit sa daluyan ng
tubig.
Paggamit ng Drum

Ang pamamaraang ito ng pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o kinulong


na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na malapit sa daluyan ng
tubig.

Pagpapakawala ng Similya ng Tilapia


Ang pagpapakawala ng Similya sa palaisdaan ay isinasagawa dalawang lingo
matapos malagyan ng pataba ang kulungan o palaisdaan. Ang taas ng tubig sa
palaisdaan ay dapat pamalagiin sa ilalim na 1/2 – 3/4 metro.

12
Pagpapakain sa mga isda

Ang mga alagang tilapia ay binibigyan ng mga pataba tulad ng pulbos na gatas
at harina, tinapay, darak at tira-tirang pagkain. Ang mga ito ay ibinibigay tuwing
ikalawang lingo mula sa papgkawala ng similya hanggang sa ikalawang buwan.

Pagyamanin

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B na isinasaad ang katangian, uri, at


lahi ng hayop. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Inaalagaan ang mga manok na ito para a. tilapia


sa mga Itlog nito.

2. Ito ay uri ng hayop na mainam alagaan sa b. laying mash


bahay na nagbibigay ng itlog at karne

3. Gustong- gusto nito ang tumira sa maraming puno . c. tinapay

4. Pinabayaan lamang ang kalapati na pumili ng d. starting mash


asawa sa sarili nitong panahon at kondisyon.
5. Ibininbigay ito sa mga manok na nagsisimululang e. pugo
mangitlog.

6. Isa sa pinakakilalang uri ng isda dahil ito f. manok


ay madaling pakainin at paramihin.

7. Ikinukulong sa loob ng dalawang linggo ang isang g. kalapati


pares na kalapati na may hustong gulang na.
8. Ito ay pinapakain para sa mga bagong pisang sisiw h. layer
hanggang anim na linggo.

9. Ang dumi at balahibo nito ay mahusay na napagkukunan ng i. natural na


pataba o organikong abono. Pagtatalik

10. Ito ay ipinapakain sa mga tilapia. j. artipisyal na


Pagtatalik

13
Isaisip

Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Panuto: Punan ng salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

sakit aksidente karne pabakunahan


hayop beterinaryo tilapia sunugin
itlog bentilasyon medikasyon

1. Ang mga manok ay nagbibigay ng __________ at __________.


2. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may __________.
3. __________ ang mga hayop laban sa peste at sakit.
4. Ang mga alagang __________ ay binibigyan ng mga pampataba tulad ng
pulbos na gatas at tinapay, harina at tira-tirang pagkain.
5. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng ____________.
6. Huwag bibigyan ng sariling __________ ang mga alagang hayop na may
malubhang kalagayan.
7. ___________ ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at
mahawa pa ng sakit ang iba pang hayop.
8. Isangguni sa ___________ ang mga alagang hayop lalo na kung may
masamang kalagayan.
9. Bigyan ng sapat na liwanag at _____________.
10. Ibaon agad sa lupa ang mga gamot kung hindi na maaaring gamitin upang
maiwasan ang ___________.

14
Isagawa

Panuto: Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Isulat ang TM kung tama
ang kaisipan, HT naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagpapalala ng problema sa kakulangan ng


pagkain.

2. Bukod sa pagkakakitaan, ang pag-aalaga ng hayop ay maaaring maging


libangan.

3. Patuloy na naghahanap ang mag anak na Pilipino ng mapagkukunan ng


dagdag na kita.

4. Ilan sa isinasaalang– alang sa pag-aalaga ng manok at iba pang hayop ay ang


pagtatapon ng dumi, suplay ng malinis na tubig, at pagkaing madaling
matagpuan.

5. Ang sinumang nais na pumasok o magbukas ng negosyo ay naghahangad na


umasenso ang kanyang buhay.

6. Isa sa hanapbuhay na nalilikha kaugnay ng paghahayupan ay ang paggawa ng


alahas.

7. Maliit na puhunan ang kailangan sa malawakang paghahayupan.

8. Nagsilbing pang-alis ng stress o pang-therapy ang pag-aalaga ng hayop.

9. Kailangan ng makaagham na pamamaraan upang maparami ang mga hayop.

10. Hayaang magsiksikan ang mga hayop sa isang kulungan upang makatipid sa
ilaw, tubig, lugar, at pagkain.

15
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa sa iyong kuwaderno.

1. Saan kayo pwedeng pumunta kung nagkakasakit ang inyong inaalagaang


hayop?
A. beterinaryo C. manggagamot
B. doctor D. nurse

2. Paano panatilihing malinis ang kulungan ng mga inaalagaang manok?


A. walisan ito buong oras.
B. walisan ang dumi nito araw-araw.
C. walisan lamang ang dumi kung kinakailangan.
D. walisan ito ng dalawang araw sa loob ng isang lingo

3. Bakit kailangang pumunta sa beterinaryo kung ang alaga mong hayop ay may
sakit?
A. dahil siya ang magpapaligo sa hayop
B. dahil siya ang mag-papakain sa hayop
C. dahil siya ang gumagastos sa mga gastusin
D. dahil siya ang nakakaalam kung anong lunas o gamot ang
kakailanganin
4. Anong uri ng manok ang mainam alagaan para sa mga itlog nito?
A. bantres C. layer
B. cobb D. plymouth

5. Aling pagkain ang ibinibigay para sa mga bagong pisang sisiw hanggang anim
na linggo?
A. broiler mash C. laying mash
B. growing mash D. starting mash

6. Anong hayop ang nabubuhay kahit saang lugar at sa kahit anong klima?
A. baboy C. kuneho
B. kalapati D. tilapia

7. Alin ang hindi kabilang sa mga pagkain ng kalapati?


A. buto ng sunflower C. harina
B. giniling na mais D. palay

16
8. Kailan ibinibigay ang laying mash para sa mga alagang manok?
A. kapag bagong pisa na ang sisiw
B. kapag nasa loob na ng dalawang lingo
C. kapag ang mga manok ay nagsisimulang mangitlog
D. kapag nasa anim na linggo hanggang sa handa na itong ipagbibili

9. Alin ang HINDI paraan ng pag-aalaga ng tilapia?


A. paggamit ng kulungan
B. paggawa ng palaisdaan
C. pagpapakain ng mga isda
D. pagsasamahin ang malilit at malalaking tilapia

10. Anong hayop na ang dumi at balahibo nito ay mapagkukunan ng pataba o


abonong organiko?
A. baboy C. kalapati
B. hito D. pugo

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang mga paraan kung paano mapangalagaan nang


mabuti ang mga alagang tilapia. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

17
18
ISAGAWA
Karagdagang Gawain TAYAHIN ISA - ISIP
1. M
1Paggamit ng kulungan 1. A 1. karne at itlog
2. paggamit na artipisyan 2. B 2. T
na sapa 2. sakit
3. D 3. T
3. Paggamit ng drum 3. pabakunahan
4. C 4. T
4. pagpapakawala ng 4. tilapia
5. D 5. T
similya ng tilapia 5. hayop
6. B 6. M
5. Pagpapakain sa mga
7. C 6. medikasyon
isda 7. M
8. C 7. sunugin
8. T
9. D 8. beterinaryo
9. T
10. D 9. bentilasyon
10. M
10. aksidente
BALIKAN
TUKLASIN SUBUKIN
PAGYAMANIN 1. 
1. manok,baka,kambing 1. B
2. 
2. Oo dahil nakapagbibigay 2. C
1. h 3. 
ito ng dagdag kita sa mag- 3. D
2. f anak. 4. 
4. B
3. g 3. kahit anong hayop na 5.
inyong napili. dahil ito ay 5.B
4. i 6.
nasisilbing libangan ng 6.C
5. b ating pamilya. 7.
7.D
6. a Nagbibigay ng dagdag 8.
kita. 8.D
7. j 9.
Nagbbibigay ng karne at 9.A
8. d 10.
itlog. 10. D
9. e
Nakakatipid sa gastusin ng
10. c pamilya.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A., Peralta Gloria EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L. Quiambao, and Jeffrey D. de
Guzman. 2016. Kaalaman sa Kaunlaran. Quezon City: Vibal Group,Inc.
Bailey, Pat. 2017. UCDAVIS. March 13. Accessed July 9, 2020. https://www.ucdavis.edu/.
BeanTown Jewish Gardens. 2016. Beantown Jewish Gardens. October 13. Accessed July 8, 2020.
https://www.beantownjewishgardens.org/.

BigTackle Box. 2014. BigTackle Box. Accessed July 9, 2020. http://bigtacklebox.blogspot.com/.

Decoratex.biz. 2019. Decoratex.biz. N.D. Accessed July 9, 2020. https://decoratex.biz/.


Dorado, Melchor. N.D. Organic Farming. Accessed July 9, 2020.
https://organicfarmingbymelchordorado.wordpress.com/.

Galolo, Jeandie O. 2017. SunStar. August 15. Accessed July 8, 2020. https://www.sunstar.com.ph/.

Gonzalez, Ruby. 2019. Hatchery International. April 26. Accessed July 9, 2020.
https://www.hatcheryinternational.com/.

Irvine, Kim. 2018. Domestic Animal Breeds. November 15. Accessed July 8, 2020.
https://domesticanimalbreeds.com/.
Kumar, Ashok V. 2019. DT NEXT. November 25. Accessed July 8, 2020. https://www.dtnext.in/.

Leyco, Chino S. 2018. Manila Bulletin. july 9. Accessed July 6, 2020. https://www.bilaterals.org/?ph-
us-renew-interest-in-exploring.

Ortiz, Haydee. N.D. Pinterest. Accessed July 9, 2020. https://www.pinterest.ph/.


Ramos, Airalyn. 2019. SlideShare. August 16. Accessed July 9, 2020. https://www.slideshare.net/.

Rosario, Westley R. N.D. Aquatec ni Doc Westley. Accessed July 9, 2020.


http://aquatechnidocwestly.weebly.com/.

Small Business Ideas. 2014. Small Business Ideas. January 5. Accessed July 9, 2020.
http://getsmallbusinessideas.blogspot.com/.

The Poultry Site. 2000. The Poultry Site. Accessed July 8, 2020. https://thepoultrysite.com/.
V Ashok Kumar. 2019. DT NEXT. November 25. Accessed July 8, 2020. https://www.dtnext.in/.

Wikipedia. N.D. Wikipedia. Accessed July 9, 2020. https://en.wikipedia.org/.

19

You might also like