You are on page 1of 26

1

12

Filipino 1
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
MGA BABALA AT SALITANG
NAGLALARAWAN
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Mga Babala at Salitang Naglalarawan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mergie D. Cruz, Myrla P. Gargoles
Editor: Amalia O. Samson, Ritchel Elnar, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Maria Chona S. Mongcopa, Amalia O. Samson, Venicar P. Eltanal, Brijade D.
Abordo, Roellyn B. Kabristante

Tagalapat: Edsel Mari A. Uy

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo, EdD.


Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, EdD. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Babala at Salitang
Naglalarawan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino1 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Babala at Salitang Naglalarawan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino1 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol


sa Mga Babala at Salitang Naglalarawan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

MGA BABALA AT SALITANG NAGLALARAWAN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nababasa ang mga salita at babala na madalas


makikita sa paligid. FIPT -III b-2.1
2. Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong
nabasa. FIPN –III c-d – 4
3. Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop,
pangyayari at lugar. FIWG –IIIc-8

PANIMULA

Magandang araw sa iyo!


Tingnan mo ang iyong paligid. Marami ka bang
nakikitang mga babala? Alam mo ba ang mga
kahulugan nito? Maaari mo rin bang mailarawan ang
mga tao, bagay, hayop, pangyayari at lugar sa ating
kapaligiran?

1
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang mga
kahulugan ng mga babalang makikita sa iyong
paligid. Matututuhan mo rin kung paano ilalarawan
ang mga bagay, tao, hayop, pangyayari at lugar.

MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na


ikaw ay:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga babala sa
tulong ng larawang ipinakita;
2. Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari;
3. Nababasa ang mga salita at babala na
makikita sa ating paligid; at
4. Nasusunod ang mga babala.

2
SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan ng mga


babala at hanapin ang katumbas na mensahe
sa bawat larawan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. A. Bawal magtapon ng basura


B. Bawal kumain dito.
C. Bawal pumitas ng mga
bulaklak
D. Bawal umihi rito.
https://bit.ly/3oi0wbY

A. Bawal manigarilyo
2. B. Bawal tumapak sa
damuhan
C. Bawal ang hayop dito
https://bit.ly/3oiIE0n
D. Bawal mamitas ng halaman

3. A. Bawal kumain dito.


B. Bawal mag-ingay rito.
C.Bawal manigarilyo rito.
https://bit.ly/2MpBJ8B
D. Bawal umihi rito.

3
B. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uri sa sumusunod
na pangungusap.

1. Sariwa ang mga gulay sa palengke.


2. Matangkad ang kuya ko.
3. Masarap ang aming ulam.

Magaling! Nasubukan mong


gawin ang Panimulang
Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating
paggalugad ng bagong
kaalaman tungkol sa paksa.
Ang mga babala ay
makatutulong upang mapanatili
ang kaayusan at kalinisan ng
paligid. Bukod dito ay
mailalarawan mo rin ang mga
makikita mo dito.

TUKLASIN

4
GAWAIN 1

Basahin ang teksto sa ibaba.


Paalala: Maaaring humingi ng tulong at gabay ng iyong
magulang sa pagbabasa. Maaari ring ikaw mismo ang
magbabasa kung kaya mo na.

Si Alvin
ni Ritchel Elnar

Papunta si Alvin sa paaralan. Maayos


pa rin tulad nang dati ang kanilang lugar.
Habang binabagtas niya ang kahabaan
ng daan patungong paaralan, nakikita
niya ang mga magagarang sasakyang
dumaan. Sa mga poste ng kalsada ay
may nakapaskil na babala: Bawal
https://bit.ly/39JCdPV
tumawid dito, Stop o Hinto, Hinaan ang
pagpapatakbo at iba pa. Sa isang kanto nakikita niya ang
napakagandang hardin, dito niya nakikita ang makukulay
at mababangong bulaklak. Mamitas pa sana siya upang
ipatong sa mesa ng kaniyang mabait na guro ngunit may
nakapaskil na “Bawal Mamitas ng Bulaklak dito!”

Habang papalapit na sa paaralan nakita niya ang


isang mama na nagmamadali sa paghihila ng kaniyang
maitim na kalabaw na kumakain ng damo at halaman.

5
Sinundan ni Alvin ang mama at doon niya nakita ang
babalang nagsasabi na, Bawal ang mga hayop dito!

Napaisip si Alvin, ang mga babalang ito ay


nakatutulong para mapanatili ang kaayusan ng kanilang
lugar. “Nakatutuwang paglalakbay” pahayag niya.

SURIIN

PAGSUSURI

1. Ano-ano ang mga nakikita ni Alvin habang binabagtas


ang daan patungong paaralan?
__________________________________________________
__________________________________________________

2. Ano-ano ang mga salitang naglalarawan sa mga bagay


na tinukoy sa teksto?
__________________________________________________
__________________________________________________

6
3. Batay sa teksto paano napapanatili at
napapangalagaan ang kapaligiran, buhay at kalikasan
sa kanilang lugar?
__________________________________________________
__________________________________________________

PAGLALAHAD

Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang


naglalarawan. Ang mga salitang naglalarawan ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari ay tinatawag na pang-
uri.

mabait na guro

(Ang pang-uring mabait ay naglalarawan sa guro na isang


tao.)

makukulay at mababangong bulaklak

(Ang pang-uring makukulay at mababango ay


naglalarawan sa salitang bulaklak na isang halaman o
bagay.)

7
magarang sasakyan

(Ang pang-uring magara ay naglalarawan sa salitang


sasakyan na isang bagay.)

maitim na kalabaw

(Ang pang-uring maiitim ay naglalarawan sa salitang


kalabaw na isang hayop.)

maaayos na lugar

(Ang pang-uring maayos ay naglalarawan sa lugar o pook.)

nakatutuwang paglalakbay

(Ang pang-uring nakatutuwa ay naglalarawan sa salitang


paglalakbay na isang pangyayari. )

8
Ang mga babala ay mga nakapaskil o nakasulat na
mga paalala na kadalasan nating nakikita sa ating
kapaligiran. Ito ay mga paalalang dapat nating sundin para
sa ating kaligtasan at bilang pangangalaga sa ating
kapaligiran (https://bit.ly/39HongW).

Ang mga sumusunod na pahayag upang


mapangalagaan ang kapaligiran, buhay at kalikasan ay
tinatawag na babala.

Bawal tumawid dito.


Stop o Hinto.
Hinaan ang pagpapatakbo.
Bawal mamitas ng bulaklak dito.
Bawal ang mga hayop dito.
Bawal hawakan, nakapapaso.
Bawal tumambay rito.

Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging


panganib sa buhay o nararanasan ng tao na maaaring
magresulta sa kamatayan, sakit o pagkabalda at
makapinsala sa kapaligiran. Pautos ang tono nito upang
magbigay ng pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa
mambabasa. Maaaring sa pamamagitan ng salita o
larawan maisasaad ang isang babala
(https://www.slideshare.net/AnaJane Morales2/paunawa-babala-
at-paalala).

9
https://bit.ly/2YIpw1r https://bit.ly/2YgDK9z

https://bit.ly/36ceVjM https://bit.ly/3iLfuG9

https://bit.ly/3cBzgmo https://bit.ly/39FRSjk

10
GAWAIN 2

A. Panuto: Piliin ang angkop na salitang naglalarawan sa


tao, hayop, bagay o pook. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. A. maliksi
B. matigas
C. mabagal

A. maganda
2.
B. mabagal
C. matangkad

https://bit.ly/3to4uDG

3. A. makisig
B. mabilis
C. matanda

https://bit.ly/3tl54lr

11
4. A. payapa
B. maingay
C. marumi

A. mabunga
5.
B. mataas
C. matamis

A. mabait
B. maamo
6.
C. mabangis

https://bit.ly/39HGu6l

A. bilog
7. B. parisukat
C. tatsulok

https://bit.ly/3a7GgEE

12
ISAISIP

Maraming mga babala ang


ating makikita sa paligid. Ito ay
nagpapaalala sa atin sa mga
dapat gawin upang
mapangalagaan natin ang
ating kapaligiran at maiwasan
ang mga sakuna.
Gumamit tayo ng mga
salitang naglalarawan upang
ilarawan ang mga bagay, tao,
hayop, pangyayari o lugar sa
ating paligid. Tinatawag natin
itong salitang naglalarawan o
pang-uri.

13
ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Sumulat ng isang babala na maaaring gabay sa


bahay o paaralan. Lagyan ito ng disenyo at
pangkulay upang maakit ang ibang mga bata na
basahin ito. Gawin ito sa short bondpaper.

RUBRIK SA PAGSULAT NG BABALA


Krayterya Napakahusay Mahusay Nangangailangan Puntos
15 10 pa ng kasanayan
5
Kaisipan/ Malinaw, tiyak at Di-gaanong Hindi malinaw, at
Nilalaman makabuluhan malinaw at tiyak ang nabuong
ang nabuong tiyak ang babala
babala. nabuong .
babala.
Mga salita Wasto at Di-gaanong Hindi wasto ang
maingat na pinili wasto at di- mga salitang
ang mga salitang gaanong pinili ginamit sa babala.
ginamit sa ang mga
babala. salitang
ginamit sa
babala.
Paggamit Angkop ang Di gaanong Hindi angkop ang
ng imahe o ginamit na imahe angkop ang ginamit na imahe
simbolo o simbolo sa ginamit na o simbolo.
babala. imahe o
simbolo.
Malinis at Di-gaanong Hindi malinis at
Kalinisan/ malikhain ang malinis at malikhain ang
pagkamalik ginawang malikhain ang ginawang babala.
hain babala. ginawang
babala .
Kabuuan

14
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

Panuto: Ilarawan ang iyong paligid sa pamamagitan ng


pagguhit nito. Gawin ito sa short size bondpaper at
lagyan ng pangkulay.

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uri sa sumusunod


na pangungusap.

1. Ang bata ay matalino.


2. Si Melle ay matulungin.
3. Ang aming probinsiya ay mapayapa.
4. Makulay ang Kapistahan ng Sto. Niňo.
5. Ang mesa ay malinis.

15
B. Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan ng mga
babala at ibigay ang kahulugan o mensahe nito.

1.
___________________________________________

https://bit.ly/2M5fSTR

2. ________________________________________

https://bit.ly/2UFODQy

16
17
Panimulang Pagtataya
A. 1. A
2. A
3. B
B. 1. sariwa
2. matangkad
3. masarap
Gawain 2
1. A
2. A
3. C
4. A
5. B
6. C
7. A
Paglalapat
(Maaaring iba-iba ang sagot/awtput)
Refleksiyon
(Maaaring iba-iba ang sagot/awtput)
Pangwakas na Pagtataya
A. 1. matalino
2. matulungin
3. mapayapa
4. Makulay
5. malinis
B. 1. Bawal pumitas ng bulaklak.
2. Bawal hawakan dahil maaari kang mapaso.
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
Acson, Tom S. et al. Sanayang Aklat sa Filipino 1:
Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros
Oriental, 2017.
Babala. Accessed Pebrero 3, 2021, sa
https://bit.ly/39HongW
Morales, Ana Jane. Paunawa, Babala at Anunsyo.
Published Oktubre 31, 2019,
https://www.slideshare.net/AnaJaneMorales2/pauna
wa-babala-at-paalala
MERGIE D. CRUZ, Teacher II. Siya ay nagtapos ng kursong
Bachelor of Elementary Education sa Negros Oriental
State University- Main Campus, Dumaguete City. Sa
kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Matuog Elementary
School, Tayasan 1 District.
1

MYRLA P. GARGOLES, Teacher III. Siya ay nagtapos ng


kursong Bachelor of Elementary Education sa Negros
Oriental State University- Guihulngan Campus,
Guihulngan, Negros Oriental. Sa kasalukuyan, siya ay
nagtuturo sa Matuog Elementary School, Tayasan
District I.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like