You are on page 1of 18

89

Filipino 8
Ika-apat na Markahan–Modyul 7
Mga Hakbang Sa Pagsasagawa
Ng Isang Kawili-wiling
Radio Broadcast
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan-Modyul 7: Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Isang Kawili-wiling
Radio Broadcast
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilou D. Sayson
Editor: Roshelle G. Abella, Ritchel Elnar
Tagasuri: Jennie S. Jarabe, Maria Dina B. Jalisan, Marissa B. Cadorna, Analiza F.
Kadusale, Jershon T. Montaňo, Rustom R. Notato
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-wiling Radio
Broadcast!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kawili-wiling Radio Broadcast!!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Magandang Buhay! Handa ka na ba sa mga gawain natin sa linggong ito?


Halina’t ating tuklasin ang mundo ng radio broadcasting!

Ang radio ay isang uri ng teknolohiyang ginagamit sa komunikasyon na


maaaring magpahayag ng mensahe, balita, patalastas, palabas, musika at iba pa
sa tulong ng tinatawag na radio waves. Radio broadcasting naman ang tawag sa
pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang
kahulugan at mga angkop na salitang ginagagamit sa radio broadcasting.
Aalamin din natin ang iba’t ibang hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling
radio broadcast. Siguradong mag-eenjoy ka sa mga paksang ito!
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang:
 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio
broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito
F8PB-IVi-j-38
 Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang
radio broadcast
F8PT-IVi-j-38
 Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa
napanood sa telebisyon na programang nagbabalita
F8PD-Vi-j-38

MGA TIYAK NA LAYUNIN


lATLAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakakikilala sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling


radio broadcast.
2. Nakabubuo ng isang balita ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa
sariling komunidad sa pamamagitan ng broadcasting.
3. Nakapagpahahalaga sa mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang
radio broadcast.

1
SUBUKIN

Panuto: Lagyan ng check (/) ang bilang na nagpapahayag ng katotohanan tungkol


sa Radio Broadcast at ekis(x) ang hindi. Gamitin ang iyong kwaderno sa
pagsusulat ng sagot.

1. Ang pakikinig sa radyo, ang pinakapaboritong libangan ng tao.


2. Habang nakikinig ka sa radyo ay magagawa mo pa rin ang ibang mga
gawain.
3. Maraming mga sikat na DJ ang hinahangaan lalo na sa mga kabataan
ngayon.
4. Marami rin sa mga kabataan ang nangangarap maging isang Dj at
magsasagawa ng radyo broadcast sa kasalukuyan.
5. Mahalaga ang mga balita sa pang araw-araw na buhay
6. Maari ring makinig ng mga tugtugin at awitin sa radyo.
7. Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maingat sa pagsasalita.
8. Kailangang maging malinaw at malumanay ang pagsasalita upang
madaling maunawaan ng mga tagapakinig.
9. Ang isang DJ ay kailangang maging handa sa pagbasa sa mga sulat mula
sa tagapakinig.
10. Ang mga awiting patugtugin ay kailangang nababagaay sa panahon at
tagapakinig.
11. Magsalita na parang galit.
12. Sa pagbobroadcast, ang DJ ay maaring gumamit ng malalaswang
pananalita.
13. Magpatugtog ng musikang naaayon sa sariling kagustuhan.
14. Maging masiyahin sa pagbobroadcast.
15. Maingat sa pagbibigay ng balita.

2
TUKLASIN

Pansinin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mga tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. May kaugnayan ba sa larawan ang mga salitang nakapaligid nito?
Ipaliwanag.
3. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mahalaga pa ba ang
pagkakaroon ng radyo sa bahay? Ipaliwanag.

SURIIN

Ang radio ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong


magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito.
Mauunawaan ang gampanin ng radio bilang gabay sa kamalayang panlipunan.
Ang pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na bilang ng mga

3
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo ay tinatawag na radio broadcasting. Ito ay
isang paraan upang maparating o mapadalhan ng mga impormasyon ang mga
tao tungkol sa mga isyung panlipunan, balita, at iba pang makabuluhang
pangyayari sa kapaligiran at sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng radio broadcast, malalaman ng tao ang mga papasok


na sakuna at kalamidad sa bansa gayundin ang pagpapabatid sa takbo at
kalagayan ng panahon. Sa pamagitan ng balita dulot ng radio broadcast,
makapaghanda agad-agad ang mga tao sa paparating na kalamidad o sakuna.
Nalalaman din ng tao ang mga impormasyon tungkol sa mga programa at
proyekto ng pamahalaan tungo sa kaunlaran ng bansa. Ito rin ay nagbibigay
kasiyahan sa mga tao sa isang kumunidad sa pamamagitan ng mga tugtog ng
musika at iba pang mga programang panradyo. Ang mga patalastas tungkol sa
mga makabagong produkto ay maari ring idaan sa radio broadcast.

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcast, kailangang isaalang-alang ang


mga mahalagang bagay gaya ng sumusunod.

1. Pag-aralan ang mga gamit sa radio broadcasting at maging pamilyar sa


mga ito. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng mikropono, speakers at iba
pang mahalagang kagamitan; Magtakda ng isang call sign at frequency ng
estasyon.
2. Maging maingat sa pagsasalita at paggamit ng mga salita dahil iba-iba ang
mga tagapakinig. Sa pagbroadcast, ang mga DJ ay kailangang maging
malinaw at malumanay ang pagsasalita upang madaling maunawaan ng
mga tagapakinig. Kailangang maging handa sa pagbasa sa mga sulat mula
sa tagapakinig. Ang mga awiting patugtugin ay kailangang nababagay sa
panahon at tagapakinig. Iwasang magsalita na parang galit. Sa
pagbobroadcast, iwasang gumamit ng malalaswang pananalita.
Magpatugtog ng musikang naaayon sa kagustuhan ng mga tagapakinig.
Maging masiyahin sa pagbobroadcast. Maging maingat sa pagbibigay ng
balita at impormasyon.

Sa iyong paglalakbay sa mundo ng radio broadcasting mahalagang


malaman mo ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang radio broadcast
nang sa gayon ay maging epektibo at kawili-wili ang ipaparating na balita o
impormasyon sa mga tagapakinig ng iyong istasyon.

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISANG RADIO BROADCASTING

1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.


2. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor kung
mayroon.
3. Ihanda ang radio script o gabay na gagamitin para maging maayos ang
daloy ng programa at matiyak ang mga impormasyong ibabahagi.

4
(Maaaring mag-ensayo muna upang masiguro ang kaayusan ng radio
broadcast).
4. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil
iba-iba ang iyong tagapakinig.
5. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa pagbobroadcast tulad ng
mikropono, musika o mga awiting patutugtugin at iba pa.
6. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcasting, napakahalagang malaman


ang mga angkop na salitang gagamitin para rito upang magkaroon ng lubos na
pagkakaunawaan sa mga taong magsasagawa nito. Narito ang ilang mga angkop
na terminolohiya o salitang gagamitin sa radio broadcasting:

 Announcer – tintawag na on air talent na nagbabasa ng iskrip, balita o


anunsyo sa radio
 DJ (Disk Jockey) – isang dalubhasa sa pagpaparami ng mga gawaing
musical. Maaaring nababago ang musika gamit ang kanyang teknikal na
pamamaraan.
 Voiceover – isang teknik pamproduksyon na pinagsasalita ang isang tao
ng live o nirecord.
 Voice track – ang inirekord na boses ng isang personalidad sa radyo o DJ
na iparirinig sa isang tiyak na oras gaya ng umpisa o sa dulo ng programa.
 Ad lib - mga salitang binibigkas, musikang ipinatugtog at aksyong
isinasagawa na wala sa iskrip.
 Bed – tumutukoy sa element ng produksyon gaya ng musikang
instrumental, patuloy na sound effect at iba pa.
 Billboard – maririnig matapos ang balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig
kung anong produkto ng isponsor ang naghatid balita.
Halimbawa: Ang programang ito ay inihahatid sa inyo ng Dunkin
Donut, ang pasalubong ng bayan.
 Bumper – ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. Ipinababatid nito
sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod.
Halimbawa: Magbabalik an gating palatuntunan matapos ang
ilang palala.
 Bumper Music – isang music clips na ipinaririnig kapag maglilipat ng
programa gaya ng paglalagay ng komersyal para maiwasan ang dead air.
 Cue – isang palatandaan sa pagsisimula at patuloy na pagsasalita, o
pagpaparinig ng nirekord at iba pa.
 Dead Air – walang anumang naririnig sa radyo. Karaniwan dahil ito sa
computer error, operator error at iba pa.
 Delayed Broadcast – programang inirekord o hindi live na iparinig sa
ibang araw.
 Jingle – kantang pangkomersyal o pang estasyon

5
 Open Mike – live ang broadcast. Nakabukas na mike sa particular na oras
 PSA (Public Service Announcement) – isang ad na tumatakbo para sa
pampublikong interes sa halip na para sa isang produkto
 On Air – tanda na kasalukuyan na ang pagbobroadcast
 Radio Script – isang isinulat na material na naglalahad kung ano ang
gagawin at sasabihin. Ginagamit ito para masiguro na maayos ang daloy
ng programa at matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.

Pagnilayan:

Bakit mahalaga ang radio broadcast sa buhay ng mga tao? Mahalaga ito
sapagkat nagdudulot ito ng kaalaman o kamalayan sa mga tagapakinig dahil
naaabot nito ang iba’t bang sulok ng bansa at kahit ang pinakaliblib na lugar sa
isang komunidad.

Samakatuwid ang radio broadcast ay may malaking pakinabang hindi lamang


sa kaunlaran sa buhay ng tao kundi pati na sa kaunlaran ng panitikan at kultura
ng ating bansa.

PAGYAMANIN

GAWAIN A
Isulat ang A kung ang mga pahayag sa ibaba na may kinalaman sa pagsasagawa
ng radio broadcast ay tama at B naman kung ang pahayag ay mali.
1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon.
2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba’y
malinaw magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakakaakit ba
sa mga nakikinig ang kanilang boses? Gumamit ba s’ya ng wikang
Filipino o Ingles sa pagbobroadcast?
3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil
iba-iba ang iyong mga tagapakinig.
4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
5. Hindi mahalaga ang boses sa pagbo-broadcast.
6. Gumamit ng mga salitang may kalaswaan sa pagbo-broadcast.

GAWAIN B

Sa isang radio broadcast, hindi mapipili kung sino-sino ang iyong mga
tagapakinig dahil kahit sino ay pwede, maging bata man o matanda basta’t nakabukas
ang radyo. Kung gayon dapat lang na maging responsible sa kanyang pananalita ang
isang DJ o anchor.

6
Isulat ang salitang tumpak kung ang mga pananalita sa pahayag ay angkop gamitin
sa isang radio broadcast at salitang waley naman ang isulat kung hindi.
1. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka phone patch
habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo s’ya upang malaman
niyang galit ka.
2. Gumamit ka ng mga salitang simple o payak ngunit mauunawaan ng lahat ng
iyong mga tagapakinig bata man o matanda.
3. Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila nakangiti rin
ang boses na narinig nila.
4. Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.
5. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat,
ermat, bebot at iba pa.

ISAISIP

Napakahalaga nitong radio broadcast sa


buhay ng tao. Nagdudulot ito ng kamalayan o
kaalaman sa mga tagapakinig dahil naaabot nito
kahit ang pinakaliblib na sulok sa isang komunidad.
Malaki ang pakinabang na dulot nito hindi
lamang sa kaunlaran sa buhay ng tao kundi pati na
sa kaunlaran ng panitikan at kultura ng ating bansa.

ISAGAWA

Kumusta na? Naging malinaw na ba sa iyo ang paksang pinag-aralan?


Naging makabuluhan ba ang mga gawain para sa lalong pag-angat ng iyong
kaalaman? Kung gayon, mukhang handa ka ng isagawa ang gawain sa paglalapat.

Nalaman mo na ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng radio


broadcasting gayon pa man wala tayong sapat na kagamitang panradyo brodkast
kung kaya pwedeng gamitin ang iyong cellphone o anumang kagamitang
panrekording. Magsagawa ng isang broadcasting mula sa nakuhang mga ideya
tungkol sa kaalamang natutuhan sa napanood na programang nagbabalita sa

7
telebisyon o kaya narinig sa radyo at bumuo ng isang balita ukol sa mga
kasalukuyang pangyayari sa iyong sariling komunidad sa pamamagitan ng
broadcasting gamit ang mga hakbang na natutuhan mula sa diskusyon. Ipasa ito
sa messenger ng iyong guro sa Filipino o kaya sa inyong Group Chat.

Tandaan: Siguraduhin ang paggamit ng mga angkop na salita at tamang


terminolohiya sa pagbobroadcast.

Tatasahin ang iyong ginawang broadcasting batay sa sumusunod na rubrik:

Krayterya 5 4 3 2 1
Panananalita
Lubos na malinaw at matatas ang pananalita
Pagkamalikhain
Maganda at malikhain ang awtput na nagawa (angkop ang
musika o tunog na ginamit sa pagbobroadcast)
Nilalaman
Kompleto at wasto ang mga detalyeng nakasaad
Kaangkupan ng mga pananalita
Angkop at maingat ang mga pananalitang ginamit.
Gumamit din ng tamang terminolohiya sa pagbobroadcast.

Pagpapakahulugan:

5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Mahusay-husay
2 – Kailangan ng husay
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa kwaderno.

1. Ano ang tawag sa pagpapalaganap ng impormasyon tungo sa malawak na


bilang ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo?
A. broadcast B. balita C. telebisyon D. radio broadcasting
2. Ang mga DJ sa pagbobroadcast ay kailangang maingat sa_____.
A. pagkilos C. pananamit
B. B. pananalita D. wala sa nabanggit

8
3. Ang radio announcer ay kilala rin sa tawag na?
A. on air talent B. VJ C. host D. lahat ay tama
4. Malumanay ang pananalita ni Belinda habang nakikipag usap kay Amparo.
Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang?
A. dahan-dahan B. malungkot C. mabagsik D. masakit
5. Saan ginagamit ang bumper sa pagbobroadcast?
A. sa musika
B. sa loob ng balita
C. sa pagitan ng musika at balita
D. sa pagitan ng balita at patalastas
6. Anong uri ng mga salita ang dapat iwasan sa paggamit habang
nagbobroadcast?
A. pormal na salita C. tamang salita
B. malalaswang salita D. wala sa nabanggit
7. Alin sa mga sunusunod ang isa sa mga hakbang pagsasagawa ng isang
kawili-wiling radio broadcast?
A. Maging magalang sa pagtatapos ng iyong broadcast.
B. Talakayin ang anumang paksa sa inyong estasyon kahit hindi pa tiyak
ang pangalan nito.
C. Gumamit ng mga salitang malalaswa at bulgar sa pagbo-broadcast dahil
iba-iba ang iyong tagapakinig.
D. Patutugtugin ang kahit anumang awitin kahit hindi angkop sa iyong
pagbo-broadcast.
8. Ano ang tawag sa kantang pangkomersyal o pang estasyon?
A. jingle B. awitin C. kanta D. voice over
9. 9. Ano ang tawag sa mga salitang binibigkas, musikang ipinatugtog at
aksyong isinasagawa na wala sa iskrip?
A. Voice B. ad lib C. alibi D. DJ
10. Sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast, ano
ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga binanggit na gawain sa ibaba?
1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.
2. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba-
iba ang iyong tagapakinig.
3. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
4. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-broadcast.
A. 1-2-3-4 B. 1-2-4-3 C. 1-4-2-3 D. 1-3-2-4

9
11-15. Panuto: Kilalanin ang mga terminolohiyang hinihingi sa bawat bilang. Piliin
lamang ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

Cue On air
PSA Dead air
Open mike Bumper music

______________1. tanda na kasakukuyan na ang pagbobroadcast


______________2. isang palatandaan sa pagsisimula at patuloy na pagsasalita,
o pagpaparinig ng nirekord at iba pa.
______________3. isang music clips na ipinaririnig kapag maglilipat ng
programa gaya ng paglalagay ng komersyal para maiwasan
ang dead air.
______________4. live ang broadcast. Nakabukas na mike sa particular na oras.
______________5. isang ad na tumatakbo para sa pampublikong interes sa halip
na para sa isang produkto.

KARAGDAGANG GAWAIN

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain. Ngayon naman
ang iyong pagkakataon para ibahagi ang iyong sariling refleksiyon tungkol sa ating
aralin. Punan mo lamang ang mga patlang ng iyong mga kasagutan.

Aking natutuhan na
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________.

Aking napagtanto na
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________.

Gagamitin ko ito sa
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________.

10
11
Panimulang pagtataya
1./
2./
3. /
4. /
5. /
6. /
7. /
8. /
9. /
10. /
11. X
12. X
13. X
14. /
15. /
Pangwakas na Pagtataya
1. D 9. B
2. B 10. D
3. A 11. On air
4. A 12. cue
5. D 13. Bumper music
6. B 14. Open mike
7. A 15. PSA
8. A
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mga Aklat
Arogante, J. Retorika sa mabisang Pagpapahayag. Binagong Edisyon.
Mandaluyong City. National bookstore. 2004
Austria, Lorenza p. et.al. Filipino.Pakikipagtalastasan at Pagpapahalaga, Manila.
Academic Paublishing House. 1996.
Bola, Asuncion B. et. al. Panitikang Pilipino Filipino 8, Pasig City. Book Media Press,
Inc. 2013.
Gonzales B. et. al. Sangwikaan. Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na
Paaralan. Quezon City. Phoenix Publishing House. 1998.
Website

brainly.com, https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-broadcast-2
Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. sa https://pdfcoffee.com/48-pangwakas-na-
gawain-pdf-free.html
Mga Salitang ginagamit sa Radio Broadcasting. (April, 2021). Tuklas-Kaalaman
Channel. (youtube.com)

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like