You are on page 1of 12

Ang Pagsasalin ng

Panitikang Rehiyonal
Tungo sa Pambansang
Panitikan
Roces Publishing Co.- nagsulong ng panitikang
Hiligaynon, Ilokano, Sebuwano, at Tagalog.

Ramon Muzones
- pangunahing nobelistang Hiligaynon.
- nagsimula bilang tagasalin ng mga bersiyong Ingles ng
mga panitikan ng iba’t ibang bansa tulad ng “Conde de
Monte Kristo” ni Alexander Dumas.
- Nakapagsulat ng animnapung (60) orihinal na nobela.
• Ang pagsasalin ay madaming paraan tulad ng:
*Pagsalimbibig o palipat dila ng mga sawikaing
magkakatulad ang nilalaman pero nasa iba’t ibang
wikang Filipino.
*Talakayin ang pagsasalin ng mga korido mula sa
Kastila o isang wikang rehiyonal tungo sa isa pang
wikang rehiyonal.
• Alinmang yugto sa kasaysayan ng pagsasalin sa
Filipinas ay maaring maglarawan ng mga
pagkakatagpo-tagpo ng kasaysayang pampanitikan at
Pagkakatulad ng mga pamantayang estetika.
DEKADA 30’

-ay naglalarawan ng pagkakatagpo-tagpo


ng mga tradisyong pampanitikan ng
realismong panlipunan sa iba’t ibang
panitikang rehiyonal.
• Noong 1938, itinaguyod ng magasing
Hilagaynon ang timpalak sa maikling kwento at
ang pangunahing patakaran nito’y kinakailangang
may tema ng hustisya sosyal ang kwento.
• Noong dekada 30’ sa Maynila ay nagsimula na rin
ang realismong panlipunan na marahil ito ang
hudyat ng hidwaan ng mga balagtasista’t
modernista, at ang grupong kinatawan nina Villa
Lopez, na magkatunggali ukol sa sining-para-sa-
sining laban sa panitikang may kamalayang
panlipunan.
• “Sa Alinsuso sang Iluluthang” ni Victorio L. Hinolan isa sa mga kwentong nagwagi
sa timpalak sa maikling kwento ng Hilagaynon magasin na isinalin sa pamagat na
“Sa Kanyon ng Baril” sa pag-asang mapapabilang ito sa ating pambansang
panitikan. Ang mga salik ng kuwentong ito bilang halimbawa ng isang akdang
isinalin tungo sa pambansang panitikan.
1. Ito’y isang piksyonal na akda, dahil ang mga pangunahing tauhan at ang banghay
ng kuwento’y likha ng imahinasyon ng awtor.
2. Sa katapusan ng kuwento ay matutuklasan ng tagapagsalaysay na panaginip lang
pala niya ang tauhan at ang mahabang talumpati nito, na bumubuo ng buong
kwento,
• Isang pamantayan sa pagsama ng isang malikhain o madamdaming paraan, ang
natatangi o espisipikong kultura, kasaysayan, at estruktura ng damdamin ng isang
rehiyon upang makilala ng mambabasang Filipino ang kaniyang pagkakaisa sa
karanasan ng kapuwa Filipino.
• Maari pang magbago ang pananaw ukol sa kasaysayan ng maikling kwento o sa
kanon ng maikling kuwento kung ijhambing natin ang dalawang kwentong ito.
Ayon kay Roger Sicat “Hindi ko kayang saklawin ang Pilipinas. Walang manunulat
na makakagawa nito. Sa hinaharap noong ako’y nagtuturo, maiisip ko na mabubuo
ang composite ng pambansang panitikan kung may manunulat na susulat sa tungkol
sa kanilang rehiyon at lalo na kung sila’y susulat sa wikang tinatawag ngayong
Filipino…”
Ibig sabihin na ang pagkakatulad ng dalawang kwentong nasulat sa magkalayong
rehiyon at magkakaibang wikang Filipino, at ang pagkakaiba naman ng dalawang
kuwentong nasulat sa iisang rehiyon sa iisang wikang Filipino ang isang patunay na
tradisyong pampanitikan-hindi wika o rehiyon- ang nag-uugnay sa mga akdang
pampanitikang Filipino.
Noon:
-ang pagsasalin ay may pagbabago sa
pamamaraan dulot na rin ng pag-aaral sa
teorya ng pagsasalin.

Hal. Sa unang antolohiya sinikap na lumikha


ng mataas o madulas na salin sa wikang
Tagalog dahil iyon ang sukatan ng
matagumpay at mahusay na pagsasalin
noong panahon na iyon.
Ngayon:
= ang pagsasalin sa drama ay madaling ipangatwiranan
dahil ito ay puro usapan o diyalogo.

Hal. Ang pagbati ng isang panauhin sa may-ari ng bahay at


ang sagot nito:
“Tagbalay”
“Saka”
Ang salin ni Ricky:
“Tao po”
“Tuloy”
Kasalukuyan

=ang umiiral na praktis ng mga tagasalin ng


panitikang rehiyonal tungo sa pambansang
panitikan ay ang mas lalong mahigpit na
katapatan sa orihinal, halimbawa na ang
pagpapanatili ng mas maraming terminong
rehiyonal kahit na may katumbas ang mga ito sa
tagalog. Ibig sabihin may umiigting na
paniniwala sa ilan sa tagasalin sa tradisyonal na
panukalang dapat maging tapat ang salin sa
orihinal.
• Tayo’y nagsasalin ng panitikang rehiyonal upang makilala ang
mga akdang sinulat ng awtor mismo.
• Nananalig ang mga mag-aaral ng panitikang pambansa sa mga
salin upang makabuo ng maayos at sarili nilang interpretasyon.
• Hindi maaring lumikha ng eksaktong kopya ang tagasalin dahil
oxymaron ang pariralang eksaktong salin. Pero kung katapatan
sa orihinal na ideal para sa tagasalin ay mapipilitan manlang
siya ng mag-ingat sa kaniyang gagawin.
Dapat isaalang-alang ng Tagasalin
1. Ideolohiya- may iba’t ibang lebel ang ideolohiya: ang
indibidwal na ideolohiya ng awtor; ang ideolohiya ng uring
panlipunang kinabibilangan niya, ng naghaharing uri, ng uring
namamayani sa modo ng produksiyonng mga publikasyon at
iba pa.
2. Mga pamantayang pampanitikan ng kaniyang panahon-
kabilang na rito ang mga kumbensiyon, salik, at
pamamaraang pampanitikan. Kailangang pagpasiyahan ng
tagasalin kung kikiling siya sa mga kumbensiyong
pampanitikan noong panahon ng awtor o sa kaniyang
panahon; o bubuwagin niya ang mga kumbensiyong ito at
mag-eksperemento siya.
3. Ang kulturang materyal at mga gawi ng kaniyang panahon, na
siyang batayang materyal ng kaniyang wika; at
4. Ang wika ng awtor

You might also like