You are on page 1of 40

MGA TOPIKO AT LAYUNIN

1.Natatalakay ang Introduksiyon ng


Panitikan ng Pilipinas
2. Naiisa-isa ang Bisa ng Panitikan.
3. Naipapaliwanag ang Kahulugan ng
Kontemporaryong Panitikan.
PANITIKAN
PANITIKAN
Ang salitang Tagalog na “PANITIKAN” ay galing sa
unlaping PANG- +TITIK na salitang ugat + AN
hulapi. Samakatuwid: pang* titik* an.
Ang salitang ito ay panumbas ng tagalog sa
“literatura” o “literature”.
Latin – “litera” na ang kahukugan ay “letra” o titik.
Panitikan
Ang tawag natin sa lahat ng uri ng
pahayag- nakasulat man o
binibigkas o kahit ipinahihiwatig
lang ng aksiyon ngunit may takdang
anyo o porma katulad ng tula,
maikling kwento, dula, nobela at
sanaysay.
PANITIKAN
PANITIKAN
Ayon kay Azarias, sa kanyang aklat na “Pilisopia ng
Literatura”, ang Panitikan ay pagpapahayag ng
mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan pahayag ay iniaayos
sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng kalooban
at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o
pagkapoot, ligaya o lungkot. Pag-asa o pangamba.
PANITIKAN
Ayon kay Du (2014), ang panitikan ay isang
bukas na talaarawan ng mga mamamayan. Sa
talaarawang ito, mababasa ang panahon ng
kasaysayan ng kultura ng isang pangkat.
Makikita at makikilala mula rito ang tradisyon,
kaugalian, paraan ng pamumuhay, paniniwala,
at lahat ng tungkol sa isang grupo ng mga
mamamayan.
PANITIKAN
Ayon kina Ramos, et al. (1984) ang panitikan ay
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa
panitikan nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at
guniguni ng mamamayan o nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinhaga at masining na
pagpapahayag.
PANITIKAN
Ayon kina Ramos, et al. (1984), ang panitikan ay
hindi lamang lumilinang ng pagkamakabansa
kung hindi ito’y nag-iingat ng mga karanasan,
tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
Hinuhubog ng panitikan ang kagandahan ng
kultura ng bawat lipunan.
Kailan nga ba nagsisimula ang
Panitikan sa isang tao?
Nang matutong magsalita ang tao at buuin niya
ang karanasan sa bisa ng pagbigkas at pagsulat,
nagkakaroon Panitikan. Ito ay nag-uugat ng
paggamit ng wika.
Kategorya ng Panitikan
Panitikang Oral o Panitikang Bayan/ Folklore
- Ito ay hinango sa oral, pagbigkas o pasalitang
tradisyon.
Panitikang Panteatro
- Ang wika ay dinadaan lamang sa lengguwahe
ng katawan o galaw.
Mga Layunin sa Pag-aaral ng
Panitikang Pilipino
Una: Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang
henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng
kaisipan.
Ikalawa: Upang alaming tayo’y may marangal na
tradisyong katulad ng mga ibang lahi.
Ikatlo: Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan
ng ating panitikan at mapag-aralang ito’y iwaksi at
limutin.
Ikapat : Upang makilala ang ating mga kahusayan sa
panitikan at ang mga ito’y lalong mapaningning at
mapayaman.
Ikalima: Sapagkat tayo’y mga Pilipino ay kailangang tayo’y
magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.
LAYUNIN
Matuklasan ang iba’t-ibang tinig at boses ng
mamayang Pilipino. Tinig na maaaring
naisantabi sa mahabang panahon dahil sa
limitadong mga aklat at pampanitikang
mababasa, masusuri at maipalaganap.
1.Upang makilala natin ang
sariling kalinangan, ang
minanang yaman ng isip, at
ang henyo ng ating lahi na
iba kaysa ibang lahi.
2. Upang matalos na, katulad ng
ibang lahi tayo ay mayroon ding
dakila at marangal na tradisyong
ginagamit na puhunang-salalayan
sa panghihiram ng mga bagong
kalinangan at kabihasnan.
3. Upang matanto ang mga
kapintasan sa ating panitikan at
makapagsanay upang mailagan
at mapawi ang mga ito.
4. Upang makilala ang ating mga
kagalingang pampanitikan at lalong
madalisay, mapagyabong, at mapaningning
ang kagalingang ito.

5. Sapagkat tayo’y Filipino.


Ano ang Katuturan ng Panitikan?
Ang imbensiyon ng panitikan sa gayon ay
kaakibat ng paglaganap at pag-unlad ng
wika o ng kahit anumang wika.
- Verbal at Non- Verbal
Ang pag-aaral ng mga panitikan sa Pilipinas
ay mistulang pagmamapa ng Pilipinas.
Panitikang Filipino
Anumang uri o anyo ng panitikan na
isinulat, binigkas, ipinarating,
ipinahayag, ipinahiwatig, itinanghal,
ng sinumang Filipino sa loob at labas
ng bansa at sa alinpamang wikang
gamit ng mga Pilipino sa loob ng bansa
at sa daigdig.
Ang mga Anyo
at Elemento ng
Panitikan
Ang mga Anyo at Elemento ng
Panitikan
Apat na kilalang anyo ng
Panitikan sa buong daigdig:
1. Tula
2. Kuwento
3. Dula
4. Sanaysay
Tula
Apat na katangian ng tula ayon kay Lope K.
Santos :
1. Sukat
2. Tugma Pisikal
3. Talinghaga
4. Kariktan Panloob na Katangian
Tula
Alejandro G. Abadilla
- Ama ng modernistang panulaang Tagalog
- - nagpasimuno ng malayang taludturan
na tinatawag sa Pranses na vers libre
(hindi na strikto ang pagtutugma at
pagsusukat)
Tula sa Itnolingwistikong Termino
Ivatan – Laji
Sugbuhanon – Balak
Ilokano – Badeng at Daniw
Mangyan- Ambahan
Mga Uri ng Tula

1. Tulang Epiko
2. Tulang Liriko
3. Tulang Naratibo
4. Tulang Dramatiko
5. Soneto
Kuwento
Sang-ayon sa Kuwentistang si Edgar Allan Poe
ang maikling kuwento ay isang naratibo na
komplikasyon o problema ay umiikot sa isang
sentral na tauhan o bida.
Apat na Elemento ng Pagkukuwento
a. Banghay o Plot
b. Kasukdulan o Climax
c. Tauhan
d. Setting
Uri ng mga Tradisyunal na
Pagkukuwento
1. Mito
2. Alamat
3. Pabula
4. Nobela
5. Metafiction
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang katagang
inembento ng modernistang makata
na si Alejandro Abadilla para
pagdugtungin ang mga salitang
“salaysay” at “sanay”.
Uri ng Sanaysay
1. Pormal o impersonal
- Ang nagsasaysay ay nag-aastang
obhektibong tagamasid.

2. Impormal/ Personal
- Isinasangkot ng mananalaysay ang
kanyang sarili .
Dula
Pangunahing elemento ang
aksiyon o drama pero katulad ng
kuwento, may banghay rinm ito na
sumasalimuot at nagkakaroon ng
komplikasyon hanggang sa dumating
ang kasukdulan.
2 Pangunahing Anyo ng Dula

1.Gumaganyak ng
hinagpis o Kalungkutan
2.Komedya na
nagpappatawa
Dula
Ang isang yugto ng buhay ay isa ring
maituturing na ritwal na siyang pinbakabuod
ng dula.
Masasabing ang dula ay isang halos
kompletong anyong pamapanitikan dahil
maaaring ilangkap dito ang lahat ng anyo:
tula, kuwento at sanaysay.
BISANG PAMPANITIKAN
Ang Bisang Pangkaisipan
Nagbubunsod sa mga mambabasa na
mag-isip upang umunlad ang diwa at kaisipan.
Ang Bisang Pangkaasalan
Nilikha upang magbigay dunong
magbigay-aral at humubog ng katauhan.
Ang Bisang Pangdamdamin
Tumutukoy sa mga nabuong damdamin
base sa akdang nabasa.
Kahulugan ng Kontemporaryong
Panitikan
• Ito ay nagsimula noong taong 1996 hanggang
kasulukuyan; ang panahong ito ay itunuturing
na bagong Republika ng Pilipinas na kung
saan ang panitikan ay isinalin sa magazine,
pelikula, radyo, at internet. Pinaniniwalaan na
sa panahong ito kakikitaan ng pagmamahal sa
sariling bansa ang mga Pilipino sa salita at sa
gawa.
Kontemporaryong Panitikan
• Ang nilalaman ng mga sulatin
sa kontemporaryong panitikan ay
pumapatungkol sa realidad o sa totoong
buhay. Makikita dito ang repleksyon ng
buhay ng mga mamamayang Pilipino,
uri ng pamahalaan, at pamamaraan ng
pamamalakad sa bansa.
Kontemporaryong Panitikan
• Ang panahong ito ay kakikitaan ng mga
modernong kagamitan upang itampok ang
panitikang Pilipino. Si Mars Ravelo, Ryan
Cayabyab, Eraserheads, at Freddie Aguilar ay
ilan sa mga tao na maitutring sa
Kontemporaryong Panitikan.
Konklusyon
P – Pagmamahal
A – Alagaan
N – Nasyonal
I – Ingatan
T – Talaan
I – Ipagmalaki
K – Kaalaman
A – Aliw
N – Nakita
Mga Sanggunian
Santiago, Lilia et.al, Mga Panitikan ng
Pilipinas,Quezon Avenue, C&E Publishing
Inc.2007.
https://drevaompocclasses.wordpress.com/20
20/04/06/kontemporaryong-panitikan/
https://www.slideshare.net/CharlieAgravanteJ
r/panitikan
https://www.coursehero.com/file/64719766/G
awain-1docx/

You might also like