You are on page 1of 45

ANO ANG

PANITIKANG
FILIPINO?
Ano ang
Panitika
n?
Panimula:
Nangggaling ang salitang
panitikan sa unlaping pang-
na nagiging pan-kapag ang
kasunod na salitang ugat ay
nagsisimula sa mga titik na
d.l,r,s at t; sa salitang ugat na
titik o letra na nawawala ang
simula sa pagkakasunod sa
unlaping pan- at sa hulaping –
an.
Panimula:
Dito nabuo ang salitang
panitikan na
nangangahulugan sa Ingles
na literature at sa Kastila ay
literatura na batay sa latin na
litera na ang kahulugan ay
letra o titik.
Ang Panitikang Filipino
ay pahayag na pasalita o
pasulat ng mga
damdaming Pilipino
tungkol sa pamumuhay,
pag-uugaling Panlipunan,
paniniwalang pampolitika,
at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.
Ang panitikan ng isang lahi ay
ulat na nagpapakilala ng
pagkukuro at mga damdamin ng
lahi nito. Sa Pantikan ng isang
bansa mababakas ang mga
kaisipan at mga bagay na
nilulunggati, kinahuhumalingan o
kinasusuklaman ng lahi nito. Ang
pagbabago sa kabuhayan ng
isang bansa ay nakiimpluwensiya
sa panitikan nito.
Ang tunay na panitikan ay
isang matapat na paglalarawan ng
buhay na isinasagawa sa paraang
makasining. Ito ay isang maayos
na pagtutugma-tugma ng mga
karansan ng tao, alinsunod sa
ninanais na paraan ng
pagpapahayag.
Ang pantikan, ayon kay Long
(1917), ay nasusulat na tala sa
pinakamabubuting kaisipan at
damdamin ng tao.
Ayon naman kay Dr. Rufino
Alejandro (1949), ang
panitikan ay katuturang
bungang-isip na isinatitik.
MGA URI NG PANITIKAN
1. Panggawaing Pantikan- ang layunin ng
panggawaing panitikan ay mapalaganap ang
kaalaman ukol sa gayo’t ganitong uri ng Gawain at
karunungan.
2. Masining na Panitikan- an gating bait, higit kaysa
ating damdamin, ang tinatawag na masining na
panitikan. Ang masining na panitikan ay may kambal
na layunin:
 Pukawin ang guniguni’t gisingin ang damdamin at;
 Magturo o maghikayat
MGA URI NG PANITIKAN
3. Malikhaing Panitikan- ang layunin naman ng
malikhaing panitikan ay tahasang pukawin an gating
guniguni at damdamin na nakakakita ng isaang saya
saa isang paraluman(ideal). Ito ay binansagang
gayon sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari
, kundi pangyayaring binigyang-kulay ng isang
maalab na damdamin at muling hinubog ng guniguni
ng kumatha.
MGA URI NG PANITIKAN
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating
kapakanan o damdamin; iyon ang pagitain uko sa
kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa
lahat ng panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning
ito at sa gayong para’ay gisingin sa ating puso ang
damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at
maghandog sa mambabasa.
MGA URI NG PANITIKAN

d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay


nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating
kalagayan sa buhay.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG
PAG-AARAL SA ATING SARILING PANITIKAN

 Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan


at kasaysayan.
 Mababtid nila ang kalakasan o kahinaan ng
kanilang paniniwala at pag-uugali.
 Magiging matatag at matibay ang kanilang
pagkalahi.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG
PAG-AARAL SA ATING SARILING PANITIKAN

 Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang


pampanitikan upang lalong pamayabong.
 Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating saariling
panitikan.
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN

Maging tuluyan o patula man, ang apat na


paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon saa
hinihingi na hangarin:
1. Paglalahad- kung nais magpaliwanag.
2. Paglalarawan- kung nais magpahiwatig ng
hitsura, anyo, lagay, hugis. Kulay, at iba pa.
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN

3. Pagsasalaysay- kung nais magpakita ng


pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
4. Pangagatwiran- kung nais magpaniwala,
manghikayat, o magpaganap.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA
PANITIKAN
1. KLIMA- may kinalaman sa pag-iisip at pag-
uugali ng tao.
2. GAWAING PANG-ARAW-ARAW- ang
hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tai
ay nagpapasok ng mga salita at kakanyahan ng
pagkukuro sa wika at panitikan ng isang lahi o
bansa.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA
PANITIKAN
3. KINATITIRAHAN- ang kinatitirahang pook ng
isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
4. LIPUNAN AT POLITIKA- mga ugaling panlipunan
at mga simulating pampolitika at pamahalaang
nagdadala ng kahilingan at kabihasnang
napapasama sa panitikan ng isang bansa.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA
PANITIKAN

5. RELIHIYON AT EDUKASYON- ang tayog, lalim,


at lawak ng isang panitikan ay nakukuha rinsaa
pananampalatayang dala ng relihiyon at sa
kabihasnan at kalinangang naituturo ng pilosopiya
ng edukasyon ng bansa.
DALAWANG ANYO NG PANITIKAN
1. Patula- ay masining na pagsasama-sama ng
mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat
at tugma o malayang taludtura.
2. Tuluyan- gumagamit ng payak at direktang
paglalahad ng kaisipan at maluwag na
pagsasaama-sama ng mga salita sakatutubong
takbo ng pangungusap.
MGA URI NG TULA
1. Tulang Liriko o Tula ng damdamin
Ito ay matatawag ding tula ng puso.Nagsasaad ito
ng marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin
ng may-akda.Narito ang ilan sa mga halimbawa ng
tuulang liriko.
-Soneto- tulang may labing-apat na taludtod at
nagsasaad ng mga aral sa buhay.
MGA URI NG TULA
1. Tulang Liriko o Tula ng damdamin
-Elehiya- ang paksa nito ay ang alala ng isang
namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis.
-Oda- tulang liriko na pumupuri sa isang
kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga
tao.
-Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan,
pag-asa, kaligayahan at iba pa.
MGA URI NG TULA
2. Tulang Pasalaysay- ito ay tulang may kwento at
may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang
kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa
nito.Narito ang mga halimbawa:
-Epiko- mahabang tulang nagsasalaysaya ng
pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway.
Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi
kapani-paniwala.
MGA URI NG TULA
2. Tulang Pasalaysay
-Awit at korido- mga tulang nagsasalaysay ng
pakikipagsapalaraan ng mga kilalang tao sa
kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at
prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig
samanatalang ang korido ay may wawaluhing
pantig.
-Balad- tulang inaawit habang may sumasayaw.
MGA URI NG TULA
3. Tulang Patnigan
-Karagatan- paligsahan sa tula na nilalaro bilang
parangal sa isang patay.
-Duplo- paligsahan sa tula na karaniwang
ginaganap sa ikasiyam a gabi sa bakuran ng
namatayan matapos mailibing ang patay bilang
pang-aliw sa mga naulila.
MGA URI NG TULA
3. Tulang Patnigan
-Ensileda- isa pang paligsahan sa pagtula ng
ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay
ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na
gabi.
-Balagtasan- ia pang tagisan ng talino sa
pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.
MGA URI NG TULA
4. Tulang Pandulaan- ito ay dulang isinusulat nang
patula tulad ng moro-moro o komedya. Ang moro-
moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula
sa Europa na comedia de capa y espada.Ito ay
pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa
pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. 
MGA URI NG TULUYAN
1. SANAYSAY- ito ay naglalahad ng kuru-kuro at
pansaariling kaisipan ng manunulat hinngil sa
anumang paksa.
Mga Uri ng Sanaysay
 Pormal o maanyo- seryoso ang tono at nakatuon sa
paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng
manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at
ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang
pangungusap.
MGA URI NG TULUYAN
1. SANAYSAY
 Impormal o personal- nagpapahayag ng
katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang
pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na
pakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa.
Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.
MGA URI NG TULUYAN

2. TALAMBUHAY- ito ay isang kathang prosa


tungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao
na isinulat ng iba.
Mga Uri ng Talambuhay
a. Maikli- pinipili ang mga bahagi ng buhay na
ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng
gagamiting mga pangyayari.
MGA URI NG TULUYAN

2. TALAMBUHAY
b. Mahaba- lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ay
isinasama. Ito ay nagsisimula sa kapanganakan ng
isaang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at
maging hannggang sa kanayang pagpanaw.
MGA URI NG TULUYAN
3. DULA- ang dula ay isang uri ng akda na
naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa
pamamagitannng mga usapan o dayalogo, at sa
mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na
ginaganap sa isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng
katotohanan, propaganda o editorial na may
layuning makisangkot ang mga manonood.
MGA URI NG TULUYAN
3. DULA
Masasalamin ditto ang kahapon, kasalukuyan at
bukas ng isang bayan. Masasabing ito ang
pinakamagandang uri ng panitikan sapagkat
pumapasok dito ang lahat ng uri ng tula-may
damdamin, may tinuturo, pumupuna, nanunudyo
at naratibo- na nagbibigay ningning sa kabuuan ng
dula.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAKILALA NG
KASAYSAYAN AT KALINANNGAN NG BANSAANG
PINANGGALINGAN
1. Banal na Kasulatan mula sa Palestina at
Gresia
2. Koran mula sa Arabia
3. Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos
4. Noli Me Tangere at El Filibustereismo mula sa
Pilipinas
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA
NAGPAKILALA NG KASAYSAYAN AT
KALINANNGAN NG BANSAANG
PINANGGALINGAN
5. Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia
6. Canbury Tales buhat saa Inglatera
7. Iliad at Odysyssey
8. El Cid Campeador mula sa Espanya
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

1. Panahon bago Dumating ang mga Kastila (Bago


mag ika-16 na siglo)
Pasaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong
ito at may impluwensiyang kaisipang Malayo-
Indonesyo. Ang Panitikan ng panahong ito ay nasa
anyo ng alamat, kwentong bayan, kantahing-
bayan, epiko, at mga karunungang-bayan.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

2. Panahon ng mga Kastila (1565-1898)


Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan sa
panahon ng mga Kastila. Ang layunin ng panitikan
sa panahong ito ay palaganapin ang Kristiyano.
Karamihan sa mga akda ay isinulat ng mga prayle.
Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan sa
kaisipang kanluranin.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

3. Panahon ng Propagnda at Himagsikan Laban


sa mga Kastila (1872-1898)
Naging makabayan at mapanghimagsik ang
panitikan sa panahong ito.
4. Panahon ng mga Amerikano (1899-1941)
Ang Panitikang Filipino sa panahong ito ay may
impluwensiya ng kaisipang demokratiko.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

5. Panahon ng Hapones (1942-1945)


Nakilala sa panahong ito ang malayang tula.
Tinularan ng ilang matakatang Pilipino ang tulang
hapon na hoccu o haiku. Pagpapaimbabaw at
pagdagsa ng henyong pampanitikan ang nangyari
sa panahong ito.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

6. Panahon ng Bagong Kalayaan (simula 1946)


Nagging masiglang muli ang Panitikan sa
panahong ito pagkatapos ng liberasyon ng
Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsisulat sa
mga wikang Filipino at Ingles.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

7. Panahon ng Aktibismo (Dekada ’70)


Sa panahong ito nagging mainit ang paksa ng
panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng
protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

8. Panhon ng Bagong Lipunan (1972-1986)


Sikil ang mga panulat sa panahong ito. Limitado
ang mga paksang matatalakay. Ang mga
manunulat ay hindi malayang magpahayag ng
mga sariling damdamin at kanilang kaiispan.
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO

9. Panahon ng Bagong Demokrasya (simula 1986)


Sumigla ang pamamahayag. Malaya ang mga
mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay
at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan.
Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon
na humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba’t
ibang larangan.
Maraming Salamat at
manatiling ligtas!

You might also like