Professional Documents
Culture Documents
Panitikan
(Pahapyaw na pagtatalakay)
Mga Pamantayang Pangnilalaman
• Nabibigyang-halaga ang kasaysayan ng pag-
unlad ng panitikan sa Pilipinas.
• Nabibigyang linaw ang iba’t ibang katangian ng
panitikan sa bawat panahong hinati-hati ang
kasaysayan ng pag-unlad nito.
• Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksa sa
bawat panahon sa kasaysayan ng pag-unlad ng
panitikang Pilipino.
• Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pinag-
daanang karanasan ng mga manunulat sa iba’t
ibang panahon.
Panahong Pre-Kolonyal
• Ang ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikan bago pa dumating ang mga
Kastila dito sa Pilipinas. Ngatataglay ang
panitikang ito ng kasaysayan ng ating
lah, mga kwentong bayan, alamat, epiko,
kantahing bayan, salawikain, kasabihan,
bugtong, palaisipan at iba pa.
Nag-aangkin din ang ating mag ninuno
ng sariling baybayin o alpabeto na kaiba
sa kasalukuyang alpabeto Romanong
dala rito ng mga kasitila.
Ang katutubong Abakada na tinawag
na Alibata
Sinaunang Panitikang Pilipino
Katulad ng maraming mga banyagang
kabihasnan, mayroon nang panitikan sa
Pilipinas noong unang mga kapanahunan.
Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa
sari-saring mga lipon at pangkat ng mga
taong dumating sa mga kapuluan nito. May
pagkaka-agwat-agwat na dumating sa
sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga
Indones, at mga Malay.
• Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay
na mayroon nang sistema ng pagsulat at
pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man
dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan
nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo.
Subalit karamihan sa mga naisulat na
panitikang katha ng sinaunang mga tao sa
Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila.
Nangabulok at natunaw naman ang ibang
naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng
punong kahoy at mga dahon ng mga
halaman.
Panahong Kolonyal
• 1521- dumating ang mag kastila sa Pilipinas. Ang
layunin nila’y hindi lamang pananakop bagkus
mapalaganap ang kristiyanismo sa mga unang
Pilipino.
• Ginamit ng mga kastila sa panulat ang alpabetong
Romano bilang kapalit ng abakadang Alibata o
baybayin.
• Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas-
kinilalang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas.
Katangian ng Panitikan
Tatlong anyo ng panitikan ang lumaganap noong
panahon ng Kastila. Ito’y ang mga sumusunod:
Patula- berso, awiting-bayan, dalit, dasal,
pasyon, awit at korido
Tuluyan- nobena o talambuhay ng mga santo,
mahahabang salaysay at kwento
Dula- (a)dulang panlansangan
(b)dulang pantanghalan o entablado
(c) dulang Pantahanan
Propaganda at Himagsikan
• Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay
nabihisan ng kulturang Kastila at paksaing
panrelihiyon
• Mahigpit na gumapos ito sa puso’t diwa ng mga
unang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at
umabuso sa kapangyarihan ang mga nandayuhan
• Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong may
isip at mulat sa katotohanan ay hindi matanggap
ang kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyang
mga lahi
• Ginamit ng mga Pilipino ang
panukat bilang sandata upang
maipahatid sa kapwa Pilipino
ang tunay na kalagayan ng
bansa
Halimbawa:
Hinggil sa Kahalagahang pantao:
Sa ikauunlad ng bayan,
Disiplina ang kailangan.
Tayo’y magtanim
Upang mabuhay
Mga babasahin:
Napalitan ang mga negatibong balita ng mga balita
tungkol sa pangkaunlaran, pang-ekonomiko,
disiplina, pangkultura at iba pa.
Halimbawa ng Pahayagan:
1. Bulletin Today 6. Phil. Daily Express
2. Times Journal 7. Evening Express
3. People’s Journal 8. Evening Post
4. Balita
5. Pilipino Express
Mga Magasin: