You are on page 1of 7

ARALIN 3

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS

MGA PAKSA
1. Kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas

INAASAHANG MATUTUHAN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral na:

1. Matukoy at maipaliwanag ang kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas.


2. Makapagsaliksik ng mga natatanging nobela sa Pilipinas.

PAKSA 1: KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS

Mula sa Italyanong novella, inimbentong anyong pampanitikan sa tuluyan ang


nobela na karaniwang isang mahaba at masalimuot na salaysay ng mga magkakaugnay
na pangyayari. Umusbong ito sa Filipinas noong hulíng bahagi ng ika-19 na dantaon
ngunit namulaklak sa unang hati ng ika-20 dantaon.

Tinatawag itong nobéla sa Tagalog, Bikol, Iluko, at Kapampangan, kung minsan,


kathâng-búhay, at sugilánon naman sa Ilonggo at Sebwano.

Bagaman banyagang anyo, mauugat ito sa katutubo at pasalitâng panitikan, lalo


na sa mga épikóng-báyan, at sa mga didaktiko’t moralistang salaysay na dinalá ng mga
Espanyol na gaya ng pasyón at ng mga métrikó románse.

May mahabà’t matimyas na pantasya’t kababalaghan mula sa mga alamat at


kuwento ng mga bayaning-bayan hanggang sa pakikipagsapalaran ng mga prinsipe’t
prinsesa ng mga awit at korido. Marikit na halimbawa naman ng didaktikong akdang
tuluyan ang Urbana at Feliza (1864) at Si Tandang Basio Macunat (1865).

May espiritung realista na ang nobéla nang lumitaw alinsunod sa Ninay ni Pedro
Paterno noong 1885, at lalo na sa mga dakilang Noli me tangere (1887) at El
Filibusterismo (1891) ni Jose Rizal.

Ang halimbawang ito sa realismo ang ituturing na higit na makabuluhang paraan


ng pagnonobéla sa nakaraang mahigit sansiglo.

Page | 1
Sa pangkalahatan, ang Nobelang Filipino o Nobela sa Pilipinas ay ang
mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa
mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino,
o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad
ng Ingles at Kastila.
Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang
Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene
Sue, ang Conde de Montecristo (1844–46) at ang La Dama de las Camellias (1848)
ni Alexandre Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Kasaysayan ng Nobelang Pilipino

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na


may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Panahon ng Kastila

Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang


pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa
pamahalaang Kastila.

Mga uri ng Nobela sa Panahon ng Kastila


1. Nobelang Panrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal.
2. Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago,
at diwang nasyonalismo.

Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila

1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni


Dr. Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik
2. Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de
Placencia at Padre Domingo Nieva na
tungkol sa relihiyon.
3. Urbana at Felisa ni Padre Modesto de
Castro na tungkol sa kagandahang-asal at
relihiyon.
4. Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon.
5. Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela).
6. Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon
ng propaganda na tungkol sa paghihimagsik at pag - aaklas.

Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon
ng Amerikano, ang Panahon ng Aklatan Bayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw
at Panitik (1922–1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong
Panahon ng Aklatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol
sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa
mga pahayagan ang mga nobela na payugto-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa

Page | 2
mga kabanata. Si Lope K. Santos, Ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong
paglalathala.
Halimbawa ng mga pahayagan:

1. Ang Kapatid ng Bayan


2. Muling Pagsilang
3. Ang Kaliwanagan
Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan

1. Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos


2. Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
3. Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng
Bayan
4. Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
5. Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina
ang mga nobelista na sumulat ng tula at maikling kuwento.
Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito

1. Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo


2. Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang uri ng nobela dahil sa


pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.

Panahon ng Hapon

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa
kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway).

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

1. Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz


2. Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio
Santiago
3. Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
4. Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Republika (1946–1972)

Noong panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema


ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa
nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.

Halimbawa ng nobela sa panahon na ito:

Page | 3
1. Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes
2. Binhi at Bunga - Lazaro Francisco
3. Dekada 70 - Lualhati Bautista
4. Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
5. Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
6. Daluyong - Lazaro Francisco

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)

Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga


nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pang-
araw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa
Liwayway at nasa pamantayang pangkalakalan (commercial).

Halimbawa ng nobela sa panahong ito

1. Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol


2. Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati
Bautista

Dekada 50
Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung kaya,
lumutang ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang
larawan ng buhay sa mga nobela.
Mga Nobela ng Dekada 50
• “Maganda pa ang Daigdig” ni Lazaro Francisco
• “Pagkamulat ni Magdalena” nina Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong
• “Ang Tundo man ay may Langit din” Ni Andres Kristobal Cruz
• “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez
Dekada 60
Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi-kabilang protesta laban sa
bulok na sistema ng pamahalaan. Sa unang tatlong taon ng dekada 60 ay nanatili ang
mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang
pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang
mamamayan.

Mga nobela ng Dekada 60


• “Daluyong” ni Lazaro Francisco
• “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez

Page | 4
• “Apoy sa Madaling Araw” nina Dominador Mirasol at rogelio Ordoñez
• “Sa Kagubatan ng Lungsod” at “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M. Reyes
• “Dugo sa Kayumangging Lupa” ni Efren R. Abueg
• “Ipaglaban mo ako” at “Nagbabagang Paraiso” ni Liwayway Arceo
Dekada 70
Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga
namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito, nalatahala ang karamihan sa
mga nobelang nabanggit sa dekada 60. Ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula
ay lumaganap sa panahong ito. Kabi-kabila ang mga rali at protesta ng mga estudyante,
manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ni pangulong Ferdinand
Marcos ang batas militar. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalan ang bibig ng mga
mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging
maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan.
Mga Nobela ng Dekada 70
• “Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan
• “Madilim Ang Langit sa Bayan ko” ni Jose Mercedes
• “Nangluhod sa Katihan” nina Fausto Galaruan at Gervasio Santiago
• “Canal de la Reina” ni Liwayway Arceo
• “Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariot” nina Clodualdo del Mundo at Gervasio Santiago
• “Ginto ng Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol
Dekada 80
Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersiyal, lalo
na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula.
Muling naibalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga
manunulat na may layunin ay nawala.
Mga Nobela ng Dekada 80
• “Gapo” ni Lualhati Baustista
• “Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig” ni Reynaldo A. Duque
• “Tutubi, Tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe” ni Jun Cruz Reyes
• Kulang ng isa sa Sandusena Ba’t di pa magkasya sa sa Labing- isa Nalang” ni Victor
Francisco
• “Bata, Sinaksak isinilid sa Baul” ni Tony Perez

Mga Nobela ng Dekada 90


• “Ang kaulayaw ng Agila” ni Lilia Santiago
• “Bulaklak ng Maynila” ni Domingo Landicho

Page | 5
• “Malaybay” ni Edmund Coronel
• “Moog” ni Buenaventura Medina
Mga Nobela Kasalukuyang panahon
• “Kung paano Ko Inayos Ang buhok Matapos ang mahaba- Haba ring Paglalakbay” ni
Norman Wilwayco
• “Unang Ulan ng Mayo” ni Eleen Sicat
• “Gerilya” ni Norman Wilwayco
• “Ang Banal na Aklat ng mga Kumag” ni Allan Alberto Derain

Mga Gawain

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Sa kasunod na mga gawain, tuklasin kung may alam ka na tungkol sa Kasaysayan


ng Nobela sa Pilipinas.

Gawain Blg. 1. Gamit ang grapikong pantulong itala ang Kasaysayan ng Nobela sa
Pilipinas at mga akdang umusbong sa bawat panahon. (Maaring gumamit ng
alinmang grapiko na naisin).

PAGTATASA: PASULAT AT PASALITANG PRESENTASYON

Batay sa mga Nobela mula sa Pilipinas, gawan ng presentasyon at iulat ang mga
artikulo sa bawat kategorya.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kategorya:Mga_nobela_mula_sa_Pilipinas
1. Banaag at Sikat
2. Bata, Bata..Pa’no Ka Ginawa?
3. El Filibusterismo
4. Ermita
5. Gagamba
6. Luha ng Buwaya
7. Makamisa
8. Mga Ibong Mandaragit
9. My Brother, My Executioner
10. Noli Me Tangere
11. Po-on Isang Nobela
Mga Pamantayan sa Pagsasagawa ng Presentasyon

Page | 6
Nilalaman mula sa kategorya 50%
Presentasyon (PPT - Virtual) 30%
Tanong/sagot 20%
Kabuuan 100%

Page | 7

You might also like