Sinasabi na ang foklor ay ang salamin ng isang lipunan. Nasa foklor
nakaimbak ang kaalaman, karanasan, kasaysayan ng isang lahi. Ngunit ang disiplina na nakaugat ang foklor ay tila malawak at hindi pa gaanong pinapag- aralan. Umuugatang foklor sa larangan ng antropolohiya na ang kahulugan ay ang pag-aaral ng sanlibutan at ang kasaysayan at kasalukuyan nito. Ngunit umuugat rin ang poklor sa larangan ng sining at ang ibat-ibang disiplina kaugnay nito tulad ng sining at panitikan.Maraming dimensiyon ang foklor at kukulangin sa isang papel ang pagtatalakay ng ibat-ibang bahagi nito at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan. Dahil dito,kadalasang isinasantabi ang foklor kapalit ang mas nakababatang kapatid nitong antropolohiya o ang mga pinsan nitong sining at panitikan. Dapat isaalang-alang na ang foklor ay makikita rin sa pinong sining dahil may aspektong foklor ang musika, at paglikha ng sining tulad ng pagpipinta o paggawa ng rebulto. Maaari ring sabihin na may foklor sa disiplinang pantaong kinetika dahil ang sayaw at laro ay may aspektong foklor at mayroon rin sa disiplinang ekonomiyang pantahanan sapagkat ang aspektong foklor ay makikita rin sa pagluluto at sa mga rekadong kinakailangan dito. Mayaman ang Pilipinas kung panitikan ang pag-uusapan. Marami man ang nasusulat maasahan mong mas marami pa ang nakatago at nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao sa kasalukuyan.Patuloy itong nagpasalin-salin hanggang sa kasalukuyan, ayon nga ka F.Hornedo( 1994: 61) "Today, oral literature remains a living tradition because it has survived through centuries of encounters with alien cultures among various cultural communities" A. Foklor ng Pilipinas (Philippine Folklore) Mahalagang bigyan ng isang makabuluhang depinisyon ang salitang poklor at kung paano ito mauugnay sa Pilipinas bilang foklor nito. Ngunit, sapaghanap ng kahulugan nito ay problemado na pagtatalakay nito. Ayon kayLuis Torralba, SJ sa libro ni Mellie Leandicho Lopez na ang foklor pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nito, ay nangangailangan ngmakabuluhang kahulugan at buong paglilinya ng mga hangganan nito maskilampas ng 150 taon na ang nakalilipas sa mga akademikong gawain sa nakakaakit na larang ng pag-uugaling agham.(A Handbook of PhilippineFolklore, p. 30) Dagdag pa dito ay ang paghanap ng katumbas na kahulugan ng salitang [folklore] sa wikang Tagalog upang mas madali itong maintindihan at mabigyan ng kahulugan. Nilikha ni E. Arsenio Manuel noong 1956 ang salitang kaalamang- bayan sa Pilipinas sa Tagalog bilang katumbas ng Philippine folklore (A Handbook of Philippine Folklore, p.32) Ngunit, hindi ito tinanggap ng mga karamihan at mas kinilingan ang terminong ―poklor ngPilipinas. Aniya naman ni Jose Villa Panganiban, ―ang kaalamang-bayan (poklor) ay mga pahayag ng sining (arte), panitikan (literatura), ugaliin (kustumbre), at paniwala (kreensya) na hinango sa salinsabi (tradisyong oral) ng kulturang sauna (primitibo) at subkultura ng lipunang sibilisisado, maging sa kabukiran o sa kabayanan (Ang Panitikang Poklorika at ang Kaunlarang Rural sa Kultura, pp. 20-21).I dagdag natin sa mga kahulugan ang depinisyon ni Damiana L. Eugenio na ang ‘Foklor‘ ay ang “lore” o tradisyonal na pag-aaral ng”folk” na maaaring pangkat ng mga tao na nauugnay sa kanilang pagkakapareho sa aspektotulad ng wika, relihiyon, hanap-buhay, atbp. (Philippine Folk Literature: An Anthology, p. 1) Dagdag pa niya na malawak ang Foklor upang maging bahagi dito ang katutubong kaalaman ng ating mga ninuno: ang kanilang salinsabi, sining at paglikha, kaugalian at paniniwala, laro at libangan, at ang kanilang madyik at ritwal (Philippine Folk Literature: An Anthology, p. 1). B. Pagsusuring Kritikal (Critical Analysis) Ang Pagsusuring Kritikal ang pinakamainam na estilo sa pagtalakay ng foklor ng Pilipinas. Ipinapaloob nito ang lahat ng aspekto ng isang paksa atnagiging huwaran ito sa mga susunod na pananaliksik. Sa isang pagsusuring kritikal, prosesong paghihimay himay ng isang masalimuot na paksa ang ipinapatupad upang makilatis ito nga maigi at mabigyan kahulugan ang nasabing paksa sa lahat ng aspektong ipinapaloob nito. Ayon kina Gloria San Juan at iba pa sa kanilang librong Panunuring Pampanitikan, -Ang gawang pagsusuri ay hindi madali ngunit mahalaga. Madalas na ang manunuri ay nagtitimbang timbang muna ng kanyang sasabihin o isusulat tungkol sa anumang tekstong nais bigyang pansin . Sa aspektong panitikan, ang ibat-ibang literaturang teorya ay ang pinakamainam na instrumento sa pagsusuring kritikal. At sa genre ng poklor, ang teoryang istrukturalismo sa pananaw nitong mananaliksik ang pinaka-akmang pamamaraan sa pagsusuring kritikal ng mga naitalang mga salinsabi tulad ngmga kuwentong bayan, bugtong, pabula, mitolohiya, at iba pang panitikang pasalita na naitala. Ayon kay Terry Eagleton, -ang modernong pagsusuring istrukturalismo ng pagsasalaysay (narrative) ay nagsimula sa mga simulating sulatin sa mga mito ng istrukturang antropolohistang Claude Lévi-Strauss,isang Pranses, na siyang pumuna ng ibat-ibang mito bilang varyasyon sa ilang pundasyong tema. Sa ilalim nitong maraming ibat-ibang mito ay mga natatanging pandaigdigang istruktura, na anumang mito ay maaaring ikahon (Literary Theory: An Introduction, p. 90). Sa mga aspekto ng foklor ng Pilipinas na hindi pasulat tulad ng mga laro,pagkain, sayaw, musika, at sining, akmang suriin kung ano ang layunin nitong aspekto sa lipunan at kung paano ito nakatulong sa pag-usbong ng nasabinglipunan. May layuning praktikal at pang-tungkulin (practical and functional) ang bawat kasangkapang poklor. Ayon kay Howard Risatti, ―Lahat ng kagamitang nilikha ng tao sa simpleng dahilan na nilikha ang mga ito ng tao ay may layunin sapagkat pinagtuonan ito ng panahon at hirap upang malikha ito. Maski ang layunin nito ay magbigay aliw o gawing buo ang isang indibidwal o bilang proteksiyon sa kanyang mga kalaban o magbigay katuwaan at kasiyahan, hindi nagbabago ang nasabing katotohanan (ATheory of Craft: Function and Aestic Expression). Batay sa panunuringkritikal, ang aspekto ng kagamitan ay masusing sisiyasatin kung ano ang layunin nito para sa lipunan at kung paano ito napabuti at napausbong ang foklor ng Pilipinas.
C. Lipunang Pilipino (Filipino Society) Ang lipunang Pilipino ang siyang
tinutukoy nitong pananaliksik. Sakop nito ang urban at rural na bahagi ng Pilipinas, ang kalunsuran at kaanayunan nito. Maaaring ikahon ito sa barangay, bayan, o lunsod ngunit pare-parehong napapasailalim ang mga terminong ito sa lipunang Pilipino. Binubuo nitong lipunang Pilipino ang pamilyang Pilipino, ang magkakapit-bahay sa lugar, at ang mga taong bahagi sa kani-kanilang buhay. Isang pangkalahatang pamamaraan ang pagtalakay at pag-ugnay nitong lipunang Pilipino sa pagsusuring kritikal ng Poklor ng Pilipinas dahil kailangang masakop nito ang magkabilang-dulo ng lipunang Pilipino sa antas ng ekonomiya, sa antas ng pananampalataya, sa antas ng edukasyon, sa antas ng bilang ng populasyon, at iba pa. Sa pamamagitan ng tradisyunal na alamat, pag-aaral upang linawin ang kasaysayan ng pamumuhay at kultura ng mga tao. Sa hilagang Europa at sa UK, ang saklaw ng pananaliksik ay limitado lamang sa pasalitang panitikan, pribadong panitikan, pribadong pananampalataya, atbp. Sa Alemanya at Pransya ay malawak na kinabibilangan ng materyal na kultura tulad ng mga katutubong materyales, sistema ng lipunan. Sa bansang Hapon ay may tatlong kategorya ng nasasalat na kultura upang malaman ng panukala ni Yanagita Kunio mula sa pananaw ng pagkolekta ng mga data ng katutubong, sining ng wika na kilala sa pamamagitan ng tainga, sikolohikal na kababalaghang kaalaman sa isip. Ang teorya na kinabibilangan ng pananaliksik sa sibilisadong pamumuhay na sibilisadong etniko, pribadong etniko sa sarili na pagkakakilanlan bilang alamat at malawak na pakiramdam ng antropolohiya sa kultura laban sa cultural anthropology at ethnology (estolohiya) na isang paghahambing sa pag-aaral ng mga hindi nai-publish na mga grupong multi-etniko. Bilang karagdagan, ang mga makasaysayang pag-aaral ay ginagawa sa mga makasaysayang pag-aaral, ngunit ang mga katanyagan ng alamat ay tumutukoy sa mga kaugalian ng pang-araw- araw na buhay, kabilang ang tradisyon ng tradisyon ng bibig, laban sa mga pag- aaral sa kasaysayan, na malamang na gumawa ng mga indibidwal na pangyayari na nakasentro sa mga pangyayari ng isang problema sa pamamagitan ng mga materyal na sanggunian. Ito ay ipinakilala bilang isang pagsasalin ng Alamat na kung saan nagsimula ang pananaliksik sa unang kalahati ng ikalabinsiyam na siglo sa pamamagitan ng pangalan ng Echigo, Mukokuroshi, at Togakuin, at itinatag at binuo ng Yanagita Kunio et al. Kaugnayan ng Wika, Kultura at Foklor
Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat etnikong grupo sa
loob ng Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng kanilang pagkakakilanlan sa lipunan. Nahahati ang kultura sa dalawang komponent, ang materyal at di- materyal na kultura. Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga bagay na nililikha at ginagamit ng bawat etnikong grupo na nagiging tanda ng kanilang kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo naman ng norm, paniniwala at wika ang di-materyal na kultura. Ito ang kulturang hindi nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Hindi nahihiwalay sa ganitong kultura ang mga pamahiin o palaisipan, gawi sa iba’t ibang aspektong pangkultural at paraan ng pagsasalita ng grupong gumagamit nito. Ang kahinaan lamang ng materyal na kultura sa di-materyal na kultura ay ang dinamikong sistema nito. Madali ang pagbabagong nagaganap sa materyal na kultura sanhi ng pag-usbong ng teknolohiya. Kilala ang kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Patuloy itong nagbabago at umuunlad kasabay sa pagdaan ng panahon. Hindi mapipigilan ang pagbabagong ito sapagkat mas higit na madali ang paraan ng paggamit ng mga makabago. Isa sa mga etnikong grupo ang katutubong Maranao ang naapektuhan na ng pagbabago ng materyal na kultura sa kanilang siklo ng buhay. Sa kasalukuyang panahon, iilan lamang sa Maranao ang nakakaalam ng sinaunang kultura nila. Subalit habang tumatagal ay nauubos din ang mga matatandang nagbibigay paalala sa karamihan upang panatilihin ang nakagawian. Kung may nanatili man sa pagsunod sa sinaunang materyal na kultura sa siklo ng buhay, nahahaluan parin ito ng makabago o modernisadong kagamitan.Ang kuwentong bayan ay kategorya ng mga kuwento na kakikitaan ng mga tradisyon o paniniwala ng bawat mamamayan. Ito’y mga karaniwang paniniwala na walang siyentipikong paliwanag bagkus patuloy pa ring sinusunod. Sa pag-aaral,ang kalipunan ng mga nakalap na kuwentong pasaling-dila ay may kinalaman sa kultura at kuwento ng isang lugar.
Figure 1. Kwento Model
Sa tulong ng naturang pagpapangkat, nabuo ang Kwento Model (Figure 1)
bilang eskima sa pagsasauri ng mga alamat at kwentong-bayan ayon sa kahalagahan nito bilang impormasyon. Ang kwento model ay gumagamit ng mga konseptong kaalaman ,karanasan at kolektibong kamalayan na bumubuo sa siklo ng pagkukwento sa isang naratibo. Ang modelong ito ay nagpapakita ng kaugnayan ng kaalaman at karanasan ng tao. Ang isang kwento ay maaring nalaman lamang ng isang indibidwal at hindi niya naranasan o kaya’t parehong nalaman niya mula sa iba at naranasan rin niya. Napagtanto ng mgamananaliksik na sa kultura ng pagkukwento, may mga kwentong nabuo mula sakaranasan ng tao bago pa man niya malaman na mayroon nang kuwento tungkol sanaturang pangyayari. Samantala, may mga kwentong narinig o nakagisnan na ng indibidwal bago pa man niya mismong maranasan ang naganap sa kwento. Sa huli,ipinapakita ng modelong ito ang kaugnayan ng mga kwentong nagmula sa kaban ngkaalaman at karanasan ng mga indibidwal sa pagbuo ng kolektibong kamalayan ng kanilang pamayanan.
PAGSASANAY 1
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga oral na panitikan o foklor na hanggang ngayo'y
pinaniniwalaan o tanyag sa mga baranggay? 2. Anu-ano ang uri o klasipikasyon sa mga oral na panitikan o foklor sa natatanging lugar? 3. Anu-ano ang mga halimbawa sa bawat uri o klasipikasyon ng mga panitikan sa sa natatanging pangkat? 4. Alin sa mga foklor ang mas marami ang bilang na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan at nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao? 5. Alin sa mga uri ng foklor ang hindi na halos nakikita at nanganganib na mawala sa bansa? PAGSASANAY 2
B. Panuto: Ipagawa ang sumusunod:
1. Pagtitipon ng mga foklor na magpapakitang ang paggamit ng lokal na
wika ay mahalagang usapin sa mga pangyayari at usaping lokal at global (hal. paggamit ng wikang lokal sa pagsasalin dila sa foklor na naging sanhi ng mabilisang pagkakakilanlan nito. 2. Magsaliksik sa sariling pamayanan para gumawa ng imbentaryo ng mga salita, sagisag, konsepto mula sa pamayanan sa iba’t ibang kategorya ng kultura (hal. pagkain, flora at fauna, sining, kasaysayan, arkitektura, at iba pa) na maaaring iambag sa bansa. 3. Roundtable discussion sa klase tungkol sa relasyon ng wika, kultura at foklor at ng isa sa mga domain gaya ng siyensiya, kapaligiran, karapatang pantao, kapayapaan, at iba pa. 4.Pananaliksik tungkol sa isang domain ng kultura (hal. pagkain, katawan, espasyo, laro, trabaho, at iba pa) at pagtitipon ng mga salita kaugnay ng domain na ito para makapagpalitaw ng mga idea, kabatiran (insights), o palagay tungkol sa wika,kultura at foklor ng Filipino. 5. Pag-aaral sa mga produksiyong kultural (hal. panitikang-bayan, awit, tula, kuwento, dula, at iba pa) ng iba’t ibang grupong pangkultura sa Pilipinas para mapalitaw ang kanilang pananaw-mundo.