You are on page 1of 16

Sanaysay at Talumpati

Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay sumasalaw sa pag-aaral ng
pangkasaysayang pag-unlad ng sanaysay na kaagapay
ang pagsulat ng mga kontemporaryong anyo nito, pati na
ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati.
SANAYSAY
 Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuro-kuro ng mag akda.
 Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat
sa karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang
sanaysay ay nagmula sa dalawang salita; ang sanay at
pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng
kuro-kuro. Damdamin, kaisipan,saloobin, reaksyon at iba pa,
ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.
 Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa
pagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na
kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. Nakikita rin
ng mambabasa ang manunulat dahil sa paaran ng pagkasulat
nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman sa paksa.
Ang pinagmulan ng sanaysay
• 1580- nagmula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan
ng mga palagay at damdamin ni Michael Montaigne isang
Pranses na pinamagatang Essais. –sa mga nakabasa ng
Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng
mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga
may-akda.
• 1597- nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Frascisco
Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punong-
puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang
“Ama ng Sanaysay na nasusulat sa Ingles”
• 1700- kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit
maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni Bacon.
Isa na narito sina: Sir Thomaz Izaak Walton- Sumulat ng aklat
na
Pinamagatang the Compleat Angler. Naging paksa niya ang
tungkol sa pamimingwit t pakikipagkaibigan.
• Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga
katutubong kaugalian. Ito’y masuri niyang inilarawan sa
Religion Medici at Urn Burial.
• John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan
at sining ay kinalugdang basahin ng mga nagpapahalaga sa
dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay
sa sanysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy.
• 1800- sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard
Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith atbp.
• 1900- patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –
bukod sa panitikan at sining naging malaganap ang paksang
panlipunan at panrelihiyon.- nanaluktok sa panahong ito ang
pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxly, Matthew
Arnold, atb.
Sa Pransya- hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa
pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito
ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong
Panahon ng Panitikan Pranses.- ang mga sanaysay na isinulat
ni Francois de Rochefouldcauld tungkol sa mga sawikain ay
mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwesyahan ay si
Volatire- noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang
Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Bruneteire at
Anatole France.

Sa Estados Unidos- napatunayan ang mga sanaysay ni


Washington Irving sa Sketch Book na nailathala noong 1819 ay
katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na
english. Nagkakaiba lamang sa istilo sa pagkat higit na matimpi
ang istilo ni Irving.- nakilala rin ang mga sanaysay nina Ralph
Waldo Emerson, John Burroughs, atbp.
At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi
lamang mahusay na makata’t manunulat kundi iisa ring
institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.

Kilala rin mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver


Wendell Holmes at James Russel- lumaganap din sa panahong
ito ang dalawang magasing naglathala ng mga sanaysay ng ilang
piling manunulat, ang the atlantic monthly at ang harper’s
magazine.

Sa Pilipinas- ang kasaysayan ng sanaysay sa tagalog bilang


sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat ni Jose Rizal sa
kanyang The Indolense of the Filipino People at The Philippines-
ng A century Hence ni Marcelo H. De Pilar ang naging patnugot at
tagapaglathala ng La solidaridad at itinuturing na nangunasap.
Angkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina
Graciano Lopez Jaena, jose Burgos at Apolinario Mabini.
Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala
sa tulong ng The College Folio at literary Apprentice ng Unibersidad
ng Pilipinas. Kilalang mahusay na mananaysay sa sa panahong ito
sina I.V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez, atbp.

-Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodore A. Agoncillo,


Liwayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edrosa, Alfredo
Enriquez, Pablo Glorioso, Epifacio Matute, Clodualdo del Mundo,
Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C.
Santos.

Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbay kabilang na


dito ang mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni
Gemiliano Pineda, buhat sa Aming Sulok ni Paraluma Aspillera at
ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza. Sa mga aklat na pampaaralan
mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa sanaysay tulad
ng diwang Ginto, diwang kayumanggi at Panitikan para sa mataas na
paaralan
-Sa mga magasin na nalathala ay ang panitikan ni Alejandro G.
Abadilla at Free press na naglalaman ng mga sanaysay ang ni
B.S Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “lubos na
Sumasainyo” si Direktor Ponciano ng Surian ng Wikang
Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa katedral
na katipunan ng kanyan ilang piling sanaysay na karamihan sa
mga paksa at tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging
masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang
patimpalak ng Carlos Memorial Awards For Literature ang
pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanasay na nagwagi ay
yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng ibat-ibang
sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng
“Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila,
Rosario Torres, atbp.
Pangunahing Anyo ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo – Mga Sanaysay na nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at
nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang
lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng
pananalikisk at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga
salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga
terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik.
Ang sanaysay na pormal o baguhan – sanaysay na tinatawag
din na impersonal – kung ito’y maimpormasyon. Katulad ng
naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
pamamagitan ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maanyo rin
ito kung turingan sapagkat ito’y talagang pinag-aralan. Mainagt
na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan
kasi kaya makahulugan, matalinghaga, at matayutay. Mapitagan
ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaway
obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may akda. Ang tono
ay seryoso, paintelektuwal,nat walang halong pagbibiro.
Sulating Di-pormal o impormal – Ang mga sanaysay na
impormal o sulating di-impormal ay karaniwang nagtataglay ng
opinyon, kuro-kuro at paglalarawan ng isang ay akda. Ito ay
maaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang
sarili o mga bagay natungkol sa kanyang pagkatao.
Karaniwan na ang mga sanysay na dipormal ay naglalaman
ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga
panyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
Ang sanaysay na impormal o di-impormal- ay mapang-lungkot,
nagbibigay-lugod sa pamamagitan nang pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan. Pang araw-araw at personal o isyung maaaring mapagkilala
sa personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga
mambabasa. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at
mga isyung bukod sa kababkasan ng personalidad ng may –akda ay
maaring empatiyahan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang
pananalita ay parang pinag usapan lamang, parang usapan lamang ng
magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at
ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan, Palakaibigan
ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ayun
ang panauhan. Subhektibo ito sapahkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akdang pananaw.
12 Uri ng Sanaysay
1. Pasalaysay- ang sanaysay na ito ay katulad din ng pormal na
sanaysay dahil ito ay sasanay na gumagamit ng mga salitang pormal

2. Naglalarawan- ang sanaysay na ito ay naghahayag ng mga salita na


nagbibigay sa mga mambabasa na mapag-isipan ang kanilang
binabasang sanaysay.

3. Kritikal o Mapanuri- kritikal na sanaysay ang isang papel na


nangangailangan ng isang malalim na pag-aaral ng isang paksa.

4. Didaktibo o Nangangaral- Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng


kanyang sariling karanasan na nagbibigay pangaral o inspirasyon sa
mga mambabasa.
5. Mapang-isip o di praktikal- Ang sanaysay na ito ay naghahayag
ng mga salita na nagbibigay sa mga mambabasa na mapag-isipan ang
kanilang binabasang sanaysay.
6.Nagpapaalala- Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kanyang
sariling opinyon upang makapagpa-alaala sa mga mambabasa ng
kanyang mga naiisipan.
7. Editoryal- Ang sanaysay na ito ay ginagamit sa mga balita at may
mga paksa tungkol sa mga nangyayari sa trahedya sa kapaligiran.
8. Maka-siyentipiko- sa sanaysay na ito ay sinasanaysay ang mga
maka-agham na mga pangyayari o naglalahad ng tungkol sa
kalusugan.
9.Sosyo-politikal- ang sanaysay na ito ay nagpapatungkol sa mga politikal
na mga gawain tulad ng paksa sa mga tauhan ng gobyerno o kaya naman
ay naglalahad ng mga pangyayari sa loob ng politikal.
10. Sanaysay na pangkalikasan- ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga
kalikasan pumapaksa sa kapaligiran tulad ng paksa patungkol sa kagubatan.
11. Sanaysay na bumabalangkas - sa isang tauhan- ang sanaysay na
bumabalangkas sa isang tauhan ay nagsasanay na nakapokus lamang sa
isang tauhan, inilahad nito ang paksa tungkol sa tauhan ito.
12. Mapangdilidili o Replektibo- Isang masining na pagsulat na may
kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na
pangyayari.

You might also like