You are on page 1of 2

JONIMAE B.

LABANANCIA BSED-FILIPINO 3
MCF14 CN: 5292

PAGSUSURI NG DEBATE
“DAPAT BANG IPATUPAD ANG DIVORCE DITO SA PILIPINAS?”
Kawing: https://youtu.be/CqZ-xmE_tGA

Ang mga kalahok sa pagtatalong ito ay ang mga mag-aaral sa senior


high school ng Rizal High School.

I. Katibayan (May paglalahad ng ebidensiya ang bawat panig. Malaman,


malalim o makatotohanan ang mga inilahad)
Ang proposisyon na pinagtalunan ng dalawang panig ay “Ipapatupad
ang divorce dito sa Pilipinas” Ang bawat panig ay may malalim na
pinaghuhugutan kung kaya’t ang kanilang mga inilahad na mga impormasyon
ay makatotohanan at nakabase sa mga pag-aaral sa paglalaban ng kanilang
panig. Katulad ng sa opposition side kung saan gumamit sila ng batas tulad
ng RA 9710 kung saan ginamit nilang remedyo upang maprotektahan ang
mga kababaihan sa pang-aabuso kaya imbis na magdivorce ay pumunta na
lamang sa korte para ikaw ay maprotektahan at hindi makipaghiwalay sa
asawa. Isa rin sa pag-aaral na inilahad ng opposition side ay hindi nagiging
ihemplo ang sa kanilang mga anak ang mga magulang na makikipagdivorce
sa kanilang asawa. Sa kabilang dako, mawawala ang pagiging sagrado ng
kasal kung ipapatupad ang divorce dito sa Pilipinas. Sa government side
naman ay gumamit din sila ng pag-aaral kung saan maraming mga tao ang
nais makipaghiwalay sa kanilang mga kasama tulad noong 2012 na pag-aaral
kung saan mahigit 40-50% na mga mag-asawang nais maghiwalay sa
maraming dahilan. Naipahayag ng dalawang panig ng maayos ang kanilang
mga punto, maraming mga pag-aaral ang kanilang nailahad kung kaya’t ang
mga nakikinig ay nagkaroon ng malawakang kaalaman o perspektib
patungkol sa paksang ito.

II. Pagbigkas (Kalinawan ng Boses at argumento, kalinawan ng pagbigkas


ng mga salita. Maliwanag, maayos at mapanghimok ang paghahanay ng
mga pangungusap at angkop ang mga salitang ginamit)
Sa pagbibigkas ng mga salita ng mga kalahok sa pagtatalong ito ay
malinaw at maayos naman ang paghatid ng kanilang mga punto. Magkakaiba
ang mga estilo ng pananalita na mayroon ang bawat kalahok kaya naman
hindi maiiwasan na may iba na mas klaro at mas nakakakumbinsi ito ng mga
tagapakinig. Katulad sa unang tagapagsalita ng bawat panig ay mas maayos
at mas malinaw silang bumigkas ng mga ideya at mas nakakakumbinsi, at
ang ibang kasama naman ay gayundin ngunit mas lamang nga lang ang
kanilang unang tagapagsalita. Pagdating naman sa mga pangungusap at
mga salitang ginamit ng mga kalahok at ay angkop naman ito, gumagamit sila
ng simpleng salita at naiintindihan ng maayos at mayroon din mga termino na
ginamit at hiniram upang mas paniwalaan at mas makatotohanan ang
kanilang panig. Lahat naman ng kalahok sa pagtatalong ito ay naiintindihan at
nariring ng maayos ang kanilang mga boses tuwing sila’y nagpapahayag.
III. Pagtatanungan (Angkop at malinaw ang mga tanong)
Ang mga punong-abala sa pagtatalo ay may mga katanungan na
maging gabay sa mga kahalok sa pagsisimula ng kanilang malayang
pagtatanungan. Katulad sa tanong na “mawawala ba ang pagiging sagrado
ng kasal kung ipapatupad ang divorce dito sa Pilipinas?” idenipensayan ito ng
government side at dito rin nagsimulang bumato ng mga katanungan ang
opposition side kung saan hindi sila sang-ayon sa pagpapatupad nito. Isa
pang katanungan ay “magiging mabuting ihemplo na sa mga anak ang mga
magulang na nakikipagdivorce?” Ang mga batuhan ng mga sagot at mga
katanungan ng mga kalahok ay nag-uumapaw ang mga tensyon dahil ang
dalawang panig ay ipinaglalaban ang kanilang stand o punto kung wala sa
dalawang panig nais na magpatalo. Sa kabilang dako, ang mga katanungan
na ibinato ng dalawang panig sa isa’t isa ay angkop at may kalinawan naman
kung kaya’t nasagot at nabigyan nila ng impormasyong nagpapalawak sa
pananaw ng mga nakikinig.

IV. Pagtuligsa (Malinaw na naipahayag at naipaglaban ang punto)


Ang bawat kalahok ay may paninindigan sa kanilang stand/claim kaya
ang kanilang mga pahayag ay makabuluhan at may reperensya na
pinanggalingan at dahil dito naipahayag o naipaglaban nila ng maayos ang
kanilang punto. Dahil sa kanilang mga ebidensya na nakalap at ginamit ito sa
paglaban ng kanilang punto ay buong husay nila itong naipaglaban gayundin
ang kalinawan ng kanilang pananalita at sa ideyang kanilang ipinapahayag.
Ang dalawang panig ay may kanya kaniyang pag-aaral o ebidensyang
isiniwalat ng sa gayon ay mas maging kapani-paniwala ang kanilang panig.
Sa katotohanan, hindi madaling mamili kung saan ka papabor na panig dahil
ang isyung ito ay napakasensitibo at maraming nararapat na ikonsidera kung
Ito’y ipatupad. Ngunit kung tayo ay babase lamang sa mga puntos ng mga
kalahok kung sino ang may maayos at kapani-paniwalang kasagutan ay ang
pipiliin ko ang government side sapagkat maayos at mahusay ang kanilang
paglaban at paglalahad ng kanilang mga ideya o ebidensya.

V. Pagsunod sa Tuntunin (Nasusunod ang mga daloy ng pakikipagtalo)


Sa agos naman ng pagtatalo, ay masasabi kong maayos at nasusunod
ang daloy ng pakikipagtalo. Malinis at pulido ang daloy ng paglalahad ng mga
ideya ng mga kalahok. Napakasensitibo ng paksang ito ngunit organisado pa
rin ang daloy ng pagtatalo. Sa tulong na rin ng punong-abala ay naging
matagumpay at nasunod lahat ng daloy ng pagtatalo. Kahit sa kalagitnaan ng
pagtatalo ay walang mga hindi inaasahang pangyayari, walang pagbibigkas
ng mga masasamang salita o aksyon na hindi kaaya-aya. Kahit mga nasa
hayskul level pa lamang ang mga kalahok ay silay napakahusay na pagdating
sa ganitong larangan. Kaya isang malaking paghanga para sa mga kalahok
ng debating ito. Simula sa umpisa hanggang sa natapos ang pagtatalo ay
pulido at maayos pa rin ang daloy ng pagtatalo.

You might also like