You are on page 1of 5

PAGPAPAHALAGANG

PAMPANITIKAN

SPEC 19

Inihanda ni: Bb. Rosalie T. Orito


Ipinasa kay: Gng. Catherine T.Eliaga
Ang debateng Oregon-Oxford na itinuring na pinakapopular at pinakagamiting uri ng
debate. Dalawa hanggang tatlong miyembro lamang sa debate.
Ang mga hakbang na isinasagawa sa debateng Oregon-Oxford
Ito ang mg hakbang na isinasagawa sa ganitong uri:
1. Bawat miyembro ay bibigyan ng 8-10 minuto para magsalita. Isusunod dito ang tatlong
minutong sandaling pagtatanungan at tatlong minutong panunuligsa.
2. Bawat miyembro ng koponan na matatalo ay magtatalumpati. Maaaring magkaroon ng
tatlo o higit pang kasapi ng PANIG-SANG-AYON at PANIG-DI-SANG-AYON. May
takdang haba ang kanilang pagtatalumpati. Maaaring nakapaloob ito sa walo hanggang
10 minuto.
3. Pagkatapos ng kani-kanilang talumpati nang may takdang bilang ng minuto ay
magkakaroon ng pagtatanungan.
4. Pagkatapos naman ng pangunahing pagtatalumpati at pagtatanungan ay ang paglalahad
ng panunuligsa ang magkabilang panig. Kung tig-tatatlong minuto ang pagtutuligsaan,
tigtatatlong minuto rin ang pagtatanungan.

Ang pamantayan sa debateng Oregon-Oxford

Pag-aanalisa at pagbibigay ng ebidensya 40%


Pangangatuwiran at panunuligsa 30%
Pagpapahayag 25%
Wit 5%

Kabuuan 100%

Pamantayan sa Pagtatalo

Katibayan 30 %
Pagbigkas 20%
Pagtatanungan 20%
Tanong-10%
Sagot- 10%
Pagtuligsa 30%
Kabuuan 100%

Ang mga gawain ng kalahok sa debate

Una, pagtitipon ng mga datos.

o Paghahanda ang pangunahing kailangan sa alinmang pagtatalo.


o Mahalaga ang pangangalap ng mga datos para mapalawak ang kaalaman ng
paksang tatalakayin.
o Kailangang marami siyang nasaliksik na mga kaalamang makapagpapatatag sa
kanyang ihaharap na ebidensya.
o Mahalagang mapuntahan niya ang iba’t ibang silid-aklatan, publiko man o
pribado dahil ang aklat ang pangunahing kagamitang mapagkukunan niya ng mga
impormasyon. Maaari ring makatulong sa isasagawa niyang impormasyon ang
mga pahayagan, magasin, modyul, polyeto, dyurnal, brosyur at iba pa.
o Mahalagang magkaroon siya ng panahong makapanayam ang mga taong
mapagkukunan niya ng mga karagdagang impormasyon, propesyonal man o di-
propesyonal.
o Ang mga aklat at babasahing gagamiting sanggunian at dapat na napapanahon
o May malinaw na kaugnay at kinikilala.
o Tiyakin ang kahalagahan ng mga datos na tinitipon
o Ang isang kuro-kuro o ang isang paninindigan ay maaring patunayan sa pagpili
ng pangayayari at datos

Pangalawa, pagpili ng awtoridad.

Sa klasrum na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang paniniwala ukol sa mga
isyung pang-edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika at panrelihiyon ay
hindi na mabilang ang dami ng paksang maaaring pag-usapan at pagdebatihan.

Ang mahalaga ay ang mga mag-aaral na


(1) interesadong lumahok sa debatihan,
(2) may malawak na kaalaman sa paksang pagtatalunan,
(3) marunong bumuo at maglahad ng proposisyon,
(4) kumpleto sa mga detalye o impormasyon,
(5) may ihaharap na mga dokumento na nagpapatunay sa kabisaan ng kanyang sinsabi,
(6) kinunsidera ang etika sa pagdedebate.
Kaugnay nito, dapat may awtoridad din ang mga tagahatol na bubuo sa lupon ng
inampalan.
Narito ang talaan ng ilang kilala at natatanging tao na maaaring maanyayahan bilang
lupon ng inampalan sa debate at ang mga paksa na maituturing na kanilang forte.

PROPOSISYON
-paksa na pinagdedebatehan
-isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng
mga arugumento.
-nagsasaad ng isang bagay na maaring tutulan at panigan, kaya nagiging paksa ng
pagtatalo

Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon


1. May dulot na kapakipakinabang at napapanahon ang paksa
2. Kawili-wili sa mga nakikinig
3. Pantay at walang kinikilingan
4. Malinaw at tiyak ang mga salitang nakapaloob sa proposisyon
5. Hindi pa ito nagpapasyahan
6. May makakalap na datos tungkol sa paksa
7. Maaring patunayan ng ebidensya
8. Nagtataglay ng isang ideya sa isang argument

Kahalagahan ng Pagtatalo

1. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip


2. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita
3. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran
4. Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid
5. Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,o
pagpipigil ng sarili
6. Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na
nararapat nakapasyahan

Paghahanda sa Pagtatalo

1. Pangangalap ng mga datos


2. Paghanap ng impormasyon at katibayan
3. Paggawa ng balangkas
o Panimula
-inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan
-dito rin ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu
o Katawan
-dito inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin
-ang bawat isyu ay binubuo mga patunay, mga katibayan o mga katwirang
magpapatotoo sa panig na ipinagtatanggol
o Wakas
- ay ang buod ng isyung binigyang-patunay
4. Pagpapatunay ng mga katuwiran
5. Pagpapahayag ng maayos, mabisa at maingat

Dapat tandaan sa pagtatalo

1. Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang


positibong pahayag
2. Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig
3. Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay
nakalahad sa isang maayos na pagpapahayag.
4. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban
5. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban
Dapat tandaan sa pagtatanong

1. Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong


2. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
3. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong
4. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan
ng pagtatanong ang isa sa kanila
5. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan

Dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa (Rebuttal)

1. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban


2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban
4. Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa
paksang pinagtatalunan.
5. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin
sa pagtuligsa
6. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na
katuwiran at katibayan
7. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap
8. Iwasan ang pagpapahiya sa kausap
9. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap
10. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap

Mga Tagapagsalita o Speaker

1. Beneficiality – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung ano ang mga


benepisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
2. Practicability – ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba o
praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon
bilang kailangan at tunay na solusyon

Ang ilang paksang magagamit sa debate/ pagdedebate o pagtatalo


1. Nararapat bang gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas?
2. Sang-ayon ka ba na isabatas ang death penalty sa Pilipinas?
3. Pagsasabatas ng Same Sex Marriage sa Pilipinas
4. Pagsasabatas ng Divorce Bill sa Pilipinas
5. Maganda ba ang pamamalakad ng Pangulong Benigno “Ninoy” C. Aquino
6. Sang-ayon kaba na palitan na ang aklat ng tablet sa paaralan?
7. Sino ang mas nakalalamang ang babae o ang lalaki?
8. Sang-ayon ka ba na magkaroon ng Standard Required School Uniform sa ating
unibersidad?
9. Nararapat bang ibasura ang pasasabatas ng K-12?
10. Facebook: Nakabubuti o nakakasama?

You might also like