You are on page 1of 24

KOMUNIKASYON

AT
PANANALIKSIK
SA
AKADEMIKONG
FILIPINO

Group 6
MGA URI NG PAKIKINIG
• 1. Di aktibong Pakikinig o Passive Listening.

Ito ang uri ng pakikinig na hindi gaanong binibigyan ng matamang pagtuon ng atensyon ang mensaheng naririnig. Ang
tagapakinig ay maaaring magbigay ng tugon o hindi sa mensaheng tinanggap. Ang pakikinig ay isinasagawa kasabay ng iba
pang gawain gaya ng pakikinig habang naglalaba, nanonood ng televisyon, kumakain at iba pa.

• 2. Masigasig o Matamang Pakikinig.

-Ito ang pakikinig na ang hangarin ay maunawaan nang lubos ang nilalaman ng usapan upang makuha ang mahahalagang
detalyeng binabanggit ng tagapagsalita.

• 3. Kritikal o Mapanuring Pakikinig.

Layunin ng pakikinig na masuri o maevalweyt ang kawastuan at katotohanan ng mensaheng napakinggan.

• 4. Masaya o Malugod na Pakikinig.

Ito ang pakikinig na may saya at lugod gaya halimbawa ng pakikinig sa musika, dula, kwento at iba pa
MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG
• 1. Kapaligiran.

Ito ay tumutukoy sa lugar, panahon at kalagayan ng nakikinig. Ang matahimik na kapaligiran ay nakatutulong sa
pakikinig samantalang ang magulo at maingay na kapaligiran ay nakasisira sa pakikinig.
• 2. Kakayahan at Katangian ng Tagapagsalita.

Ito ay tumutukoy sa tinig atparaan ng pagsasalita na pangunahing katangiang dapat taglayin ng tagapagsalita
para mapanatili ang gawaing pakikinig ng kanyang kausap. Ang may magandang tinig, malinaw at wastong
pagsasalita, at maayos na tindig at magiliw na personalidad ay nakaaakit ng pakikinig.
• 3. Kakayahan at Katangian ng Nakikinig.

Ito ay tumutukoy sa kakayahang pangkalusugan at pangkaisipan ng tagapakinig. Ang isang taong may malusog
na isipan at pangangatawan ay nakatutulong sa pagpapanatili ng interes sa pakikinig. Kahit na maganda ang
kapaligiran, mahusay ang paraan ng pagsasalita at napakahalaga ng mensahe, kung ang tagapakinig ay may
mahinang pandinig, o siya ay nagugutom, inaantok, pagod, may sakit, o kaya nama'y walang kakayahang
umunawa, hindi rin magiging matagumpay ang gawaing pakikinig.
MGA KATANGIAN NG ISANG MABISANG PAKIKINIG
• 1. Maging handa sa pakikinig.

Dapat ipakita ng nakikinig na siya ay interesado sa nagsasalita. Iwasan ang paglalakbay-diwa o palinga-linga
dahil ito ay nakasisira ng konsentrasyon sa nagsasalita. Ipakita ang ang paggalang sa nagsasanta.
• 2. Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig.

Tiyakin ang layunin sa pakikinig makikinig ka ba para maaliw, kumuha ng imformasyon, o upang magsuri.
• 3. Kilalanin ang mahahalagang kaalaman o imformasyon.
Itala ang mahahalagang datos.
• 4. Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita.

Ituon ang pansin sa pangunahing ideyang tinatalakay at iwasan ang mga bagay na makagugulo sa pinakikinggan.
• 5. Hintayin munang matapos ang sinasabi ng nagsasalita bago magbigay ng puna.
YUNIT 8: PAGSASALITA
• KAHALAGAHAN
• Maraming tao ang nagtatagumpay sa hangarin sa buhay dahil sa kanilang kasanayan at
kakayahang magsalita nang mabisa, mapang-akit at kapani-paniwala. Saanmang sektor ng
lipunan, higit na may oportunidad ang isang taong mahusay magsalita.
• Ang isang taong mahusay magsalita ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: siya ay may
maayos na kaanyuan, may matatag na damdamin at malalim na kaisipan, may sapat na kaalaman
sa wika, gramatika at retorika, may magandang tinig at wastong intonasyon, maayos at malinaw
kung bumigkas ng mga salita, at may kakayahang mapanatili ang interes ng mga nakikinig.
PAGMAMATUWID O PANGANGATWIRAN
Maraming pagkakataon sa buhay ng tao na hindi maiiwasang mangatwiran o manindigan hinggil sa isang bagay, isyu o
pangyayari. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa wasto at mabisang pangangatwiran ay makatutulong upang umunlad sa kanyang
profesyon, makapamuhay nang matiwasay sa isang lipunang demokratiko, magkaroon ng tiwala sa sarili, magkaroon ng
pananggalan laban sa masamang propaganda at mahusay na pakikihalibilo sa iba't ibang uri ng mga tao.

• Ano ba ang pagmamatuwid o pangangatwiran?


• Ang pagmamatuwid o pangangatwiran ay isang paraan ng pagpapatunay sa isang katotohanan o
bagay na pinaniniwalaan. Naglalayon itong manghikayat at magpaniwala sa pamamagitan ng mga
patunay, pagsasaayos o paghahanay ng mga konsepto at kaisipan at paggamit ng
mapagkumbinseng pananalita gaya halimbawa ng talumpati ng mga kalahok sa isang debate o
pagtatalo.
ANG PAGTATALO O DEBATE
• Ang pagtatalo ay palitan ng katwiran ng dalawa o higit pang pangkat na magkasalungat
tungkol sa isang isyu o paksa na pinagkasunduan.

• Sa pagtatalo, higit na binibigyang halaga ang pagbibigay ng sapat na katibayan o


patunay upang ang isang proposisyon ay maging kapani-paniwala.

• Ang proposisyon ay isang paninindigan sa anyong pangungusap sa pinatutunayan sa


pamamagitan ng mga argumento. Ito ay maaaring sang-ayunan o tutulan.

• Ang pangkat na sang-ayon o afirmativo ang nagpapatunay o naninindigan sa


proposisyon samantalang ang nagpapabulaan naman ay ang panig ng salungat o
negativo.
MGA KATANGIAN NG PROPOSISYON
Ang isang mahusay na proposisyon ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
• 1. May dulot na kapakinabangan at napapanahon ang paksa. 
• 2. Kawili-wili sa mga nagtatalo at nakikinig. 
• 3. Pantay at walang kinikilingan. Kailangang magkasinlakas na panig ang
• nagkakasalungatang argumento. 
• 4. Malinaw at tiyak ang mga salitang nakapaloob sa proposisyon. 
• 5. Hindi pa ito napagpapasyahan. 
• 6. May makakalap na datos tungkol sa paksa. 
• 7. Maaaring patunayan ang ebidensya. 
• 8. Nagtataglay ng isa lamang ideya para sa isang argumento.
KAHALAGAHAN NG PAGTATALO

• 1. Malilinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip. 


• 2. Malilinang ang kasanayan sa maayos at mabisang pagsasalita. 
• 3. Malilinang ang kasanayan sa lohikong pangangatwiran. 
• 3. Malilinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid. 

• 4. Nabibigyang kahalagahan ang kagandahang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi o


pagpipigil ng sarili. 
• 5. Magkakaroon ng pag-unawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap na
nararapat sa kapasyahan.
MGA PAGHAHANDA SA PAGTATALO

1.Pangangalap ng mga datos

Ang pagtatalo ay tagisan ng isipan. Hindi madaling ipaglaban ang paninindigan kung walang sapat
na katibayan. Kaya, napakahalaga na bago sumugod sa labanan ay naihanda muna ng makikipagtalo
ang kanyang mga sandata at mga panangga. Ito ang mga kaisipan at mga detalyeng ilalahad niya sa
oras ng mainitang pagtatalo. Makatutulong din ang paghahanda niya ng mga sangguniang aklat at
babasahin, at mga hinuha ng mga pantas o dalubhasa sa paksa.
MGA PAGHAHANDA SA PAGTATALO
• 2. Paggawa balangkas
Mahalaga ang pagbuo ng balangkas sa paghahanay at
paglalahad ng ihahanay o ilalahad na katuwiran at patunay. Makatutulong ito upang magkaroon ng kaayusan, kaisahan at
kalinawan ang kanyang pagpapahayag.

Isaalang-alang sa pagbuo ng balangkas ang mga sumusunod na bahagi:

a. Panimula - ihahayag sa bahaging ito ang paksa ng pagtatalo, ang kahalagahan


nito sa kasalukuyan, ang mga katuturan ng mga talakay o termino at ang pagpapahayag ng isyu.

b. Katawan – nakapaloob dito ang mga isyung bibigyang-katwiran. Magbigay ng mga tatlo o apat na isyu. Bawat isyu ay
kailangang binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa panig na pinanghahawakan o
pinapanigan.

c. Wakas - ito ay naglalaman ng buod o lagom ng mga isyung binigyang patunay. Inuulit dito ang mahahalagang katwiran na
binanggit sa katawan ng balangkas.

3. Pagpapatunay ng mga katuwiran –


Pagkatapos na maisa-isa nang maayos mga patunay, katibayan, kasama ang mga pangangatwiran, ipahayag ito nang
maayos, maingat at mabisa.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGTATALO

• 1. Kailangang magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang positivong


pahayag. 
• 2. Isalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig. Gumamit ng angkop na mga salitang
maunawaan ng mga nakikinig at mga kalahok. 
• 3. Kailangang may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakalahad sa isang
maayos na pagpapahayag. 
• 4. llahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban. 
• 5. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban.
DAPAT TANDAAN SA PAGTATANONG

• 1. Huwag hayaang magtanong ang kalaban sa oras ng iyung pagtatanong. 


• 2. Huwag ding magtanong sa oras ng pagtatanong ng kalaban. 
• 3. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan. 
• 4. Huwag hayaang magamit ng kalaban ang iyong oras ng pagtatanong. 

• 5. Ang mga tanong ay dapat na nasasagot lamang ng Oo o Hindi. Humingi ng pahintulot sa


kalaban kung kailangan pang palawakin ng paliwanag ang sagot. 
• 6. Ibigay lamang ang sagot na hinihingi ng tanong. 

• 7. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa mga itinakdang pamantayan ng


pagtatanong ang isa sa kanila.
MGA DAPAT TANDAAN SA TALUMPATING PAGTULIGSA (REBUTTAL)

• 1. Mahinahon at malinaw na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban. 


• 2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban. 
• 3. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban. 

• 4. Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang


pinagtatalunan. 
• 5. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin ng pagtuligsa.

• 6. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at


katibayan.
ANG DEBATENG OREGON - OXFORD

• Ang debateng Oregon - Oxford ang madalas gamiting paraan ng pagtatalo. Binubuo
ito ng dalawang koponan, at bawat koponan ay may dalawa o tatlong kasapi. Naririto
ang ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga magsasalita sa pagtatalong ito:

Talumpating nagmamatuwid (+)1


paglalahad ng argumentong sang-ayon sa proposisyon.

Talumpating nagmamatuwid (-)1


sasabatin ng tanong ang unang nagmamatuwid (+); saka ilalahad ang kanyang posisyong salungat sa proposisyon.

• Talumpating nagmamatuwid (+)2


sasabatin ng tanong ang unang nagmamatuwid (-); saka isusunod ang argumentong pabor sa proposisyon.

Talumpating nagmamatuwid (-)2


sasabatin ng tanong ang (+)2; saka isusunod ang argumento.
ANG DEBATENG OREGON - OXFORD
• Talumpating nagmamatuwid (+)3
sasabating ng tanong ang (-)3; saka bibigkasin ang mga argumento.

• Talumpating nagmamatuwid (-)3


sasabatin ang (+)3; saka ilalahad ang sariling argumento.

• Talumpating nagpapabulaan (-)1


pagbibigkas ng talumpating nagpapabulaan.

• Talumpating nagpapabulaan (+)1


pagbigkas ng talumpating nagpapabulaan.

Ipagpatuloy hanggang ang bawat isa’y makapagtalumpati, saka lalagumin. Maaring isaayos ang buong oras
para mabigyang panahon ang mga mandedebate

Sa isang pagtatalo, mahalagang na may mga huradong susuri sa mga sapat na kaalaman sa paksang
pinagtatalunan.
ANG TALUMPATI

Ang talumpati ay isang anyo ng panitikan na inihanda upang basahin o bigkasin sa harap ng mga nakikinig.
Layunin ng talumpati na makahikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng
malinaw at maayos na paglalahad ng pangangatwiran.

• URI NG TALUMPATI
• 1. Daglian o Biglaan.
Ito ang uri ng talumpati na hindi nabigyan ng sapat na panahon ang mananalumpati na maghanda sa
kanyang sasabihin. Nalalaman lamang niya ang paksang tatalakayin sa oras ng kanyang pagtatalumpati.
• 2. Maluwag.
Sa uri ng talumpating ito, bagama't maikli lamang ang panahong inukol ng mananaliksik sa paghahanda sa
kanyang talumpati, kahit paano'y nabigyan siya ng kaunting panahon para paghandaan sa kanyang isipan
ng isang balangkas na magagamit niyang patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
• 3. Handa.
Ang uri ng talumpating ito ay karaniwang nagaganap sa mga formal na okasyon. Ang mananalumpati ay
nagkaroon mahabang panahon para paghandaan ang kanyang talumpati. Nagkaroon din siya ng
pagkakataon na makikilala nang lubusan ang kanyang mga tagapakinig, makapili ng angkop na kagamitan
o estratehiyang na magagamit niya upang higit na maging kawiliwili ang kanyang bibigkasing talumpati
MGA LAYUNIN NG TALUMPATI

• 1. Magbigay-aliw o Manlibang.
Ilan sa mga halimbawa nito ang talumpati sa isang kasayahan o salu-salo, talumpating nagpapatawa sa
pamamagitan ng pagsasalaysay o paglalarawan ng nakatutuwang karanasan o pangyayari.

• 2. Nagpapabatid o Nagbibigay ng kaalaman.


Kabilang dito ang talumpati sa isang dalubhasa sa kanyang partikular na larangan, ng guro sa kanyang klase, ng
isang siyentifiko sa isang komperensya, at iba pa. Ito ang talumpating ginagamit sa pag-uulat o pagpapanayam.

• 3. Pumupukaw ng Damdamin o Lumilikha ng Impresyon.


Ang mga halimbawa nito ay ang sermon, pampasiglang pananalita, inagurasyon at aniversaryo, pagbubunyi sa
mga bayani, pagtatapos o gradwasyon, pagtatalaga sa pamunuan, reunyon, huling bati sa namatay, at iba pa.

• 4. Nanghihikayat at Umaakit.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang talumpati ng pulitiko sa pangangampanya, ng abogado sa korte, ng isang
mambabatas kung may ipinapasok na panukalang batas, at iba pa.
BAHAGI NG TALUMPATI

• 1. Panimula. Sinasabing nakasalalay sa panimula ng talumpati ang kawinna, tagapakinig. Ang


mahusay at kawili-wiling panimula ay nakagaganyak ng pakikinig.

 Maaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng pagtatanong, pagsipi ng mahahalagang


pahayag mula sa mga kilalang tao, maikling pagsasalaysay ng sariling karanasan at observasyon,
at iba pa.

• 2. Katawan. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat naglalaman ito ng


mahahalagang kaisipan tungkol sa paksa. Ito rin ang nagbibigay ng liwanag sa mga kaisipan at
nagbibigay ng katwiran tungkol sa mga kaisipang nabanggit.

3. Wakas. Sa bahaging ito inilalahad ang kongklusyon tungkol sa mga nabanggit na katwiran.
Sinasabing mahusay ang wakas ng talumpati kung nagawa ng mananalumpati na makapag-iwan
ng isang mahalagang kaisipan o diwa sa isipan ng mga nakikinig.
(2) Ang mahusay na katawan ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
a. Kawastuan.
Kailangang maging wasto ang buod at anyo ng talumpati. Angmga kaisipan at katwirang inilahad ay dapat na
may matibay na batayan at hindi kathang-isip o haka-haka lamang. Kailangang nagtataglay din ito ng
kawastuang pambalarila.
b. Kalinawan.
Kailangang maging malinaw ang talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Ito ay magagawa sa
pamamagitan ng:
• 1.) Paggamit ng tiyak o angkop na salitang nauunawaan ng mga tagapakinig. 
• 2.) Pag-iwas sa madalas na paggamit na mahahabang pangungusap. 

• 3.) Iwasang tumukoy ng mga bagay na hindi alam ng nakikinig o walang kaugnayan sa paksang tinatalakay. 

• 4.) Maging tiyak sa sinasabi. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagpapahayag. 

• 5.) Magkaroon ng ugnayan sa mga tagapakinig. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap
sa mga tagapakinig.
c. Pang-akit.
Gawing kaakit-akit ang pangangatwiran. Matatamo ito kung wastoat mahusay ang pangangatwiran. Akitin din
ang guniguni at damdamin ng mga nakikinig sa pamamagitan ng mahusay na pagbigkas sa talumpati.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG HABANG NAGTATALUMPATI

• 1. Tindig - Sinasabing masasalamin ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili ng


isang tao sa pamamagitan ng paraan ng kanyang pagtayo o ng kanyang tindig. Kaya, sa
harap ng madla, tiyakin na ang tindig ay maayos at yaong kagalang-galang.
• 2. Galaw - Bawat galaw ay nakaaapekto sa nakikinig. Ito ay maaaring makatulong o
makasira sa mensaheng inihahatid sa mga nakikinig. Sa pag-akyat hanggang sa paglisan
sa entablado, ipakita ang tiwala sa sarili. Hagisan ng tingin ang madla bago at pagkatapos
magtalumpati. Pagkatapos ay bumalik sa upuan na may matatag ang paglakad.
• 3. Mukha - Makikita sa ekspresyon ng mukha ang damdaming nais ipahayag ng
mananalumpati. Tumingin sa tao habang nagsasalita.
• 4. Kumpas - Ginagamit ang kumpas upang mabigyang-diin ang ipinahahayag na kaisipan.
Ilan sa mga kumpas na magagamit sa pagtatalumpati ay ang mga sumusunod:

• a. Palad na nakalahad. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap o pagsang ayon. 

• b. Palad na nakalahad. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap o pagsang ayon. 

• c. Palad na itinataas habang nakalahad. Nagpapakita dakilang damdamin. 


• d. Palad na nakabukas at marahang ibinababa. Nagpapahayag ng mababang uri ng kaisipan o damdamin.
• e. Palad na pasuntok. Nagpapakita ng pagkapoot o paglaban. 
• f. Palad na nakataob na biglang ibinababa. Nagpapahiwatig ng marahas na damdamin o ng galit.

• g. Palad na nakakuyom. Nagpapahayag ng poot o ng matinding damdamin gaya ng pagkagalit. 

• h. Palad na nakabukas na nakaharap sa madla. Nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. 


• i. Dalawang kamay na marahang ibinababa. Nagsasaad ng pagkabigo o panlulupaypay na damdamin. 
• j. Kumpas na Paturo. Nagpapakita ng damdaming panghahamak, pagkagalit
• o. pagtuturo ng isang bagay, tao, at iba pa. 
• k. Dalawang nakabukas na bisig na halos pantay-balikat. Nagpapahayag ng kalawakan. 
• L. Palad na nakabukas, ang mga daliri ay nagkakalayo at unti-unting ititikom. Nagpapakita ng damdaming
pagtitimpi.
PANUKALANG PAMANTAYAN SA PAGKILATIS NG MAHUSAY NA
PAGBIGKAS
• Ito ang panukalang pamantayan na ibinigay ng dating direktor ng Surian ng Wikang Pambansa na si Dr. Ponciano
Pineda.
• Panukatan Bahagdan
• 1. Katapatan 40%
a. pagpapalutang ng diwa
b. pagbibigay diin sa damdamin
• 2. Hikayat 30%
d. pang akit sa media
e. tindig
f. kilos
• 3. Tinig 15%
a. lakas
b. tagintig
c. kaangkupan sa diwa at damdamin
• 4. Bigkas 15%
a. diin
b. himig
Kabuuan = 100%
Wakas 

You might also like