You are on page 1of 19

Ikaapat na paksa

MARK ANGELO DELOS REYES


CRISTINE ANNE REBATIS
MARK ANGELO DELOS REYES
(PART OF THEIR REPORT at base sa nasaliksik)
MGA ISINAALANG-ALANG SA PAG-AARAL NG
PAGSASALITA

1. Gamit ng Wika - Sa pakikipag-usap , nagagawa ng mga tao na gamitin ang wika sa iba't ibang paraan at
kadahilanan.Ginagamit nila ito sa pagbati, pagpapakilala,pagpapaliwanag,pag-anyaya at pagtanggap ng
paanyaya, at iba pa. Ang mga gamit na ito ng wika ay pinangkat ni Bygate (1987) at tinatawag niya itong mga
karaniwang gawi (routine) sa pagsasalita.
2. Anyo ng Wika - gumagamit din ang mga tao ng iba't ibang salita at balangkas ng pangungusap upang
masabi sa kausap ang mga kadahilanan sa pagsasalita.
3. Kagyat na Pagtugon- sa isang usapan ,ang pag-iisip ,pakikinig at pagsasalita ay halos magkakasabay na
isinasagawa at umaasa ang mgakalahok dito ng kagyat na pagtugon pagkatapos nilang magsalita. Ang isang
tanong ay inaasahang sasagutin ng kausap at ang hindi pagtugon dito'y tinatanaw na isang hindi kagandahang
pag-uugali.
4. Kaangkupan ng Sasabihin - ang pagsasalita, higit sa naunang kasanayan sa wika,ay sensitibo sa
konstekstong pinaggaganapan nito. Malinaw itong masasalamin sa antas ng pormalidad ng mga salita at
pangungusap na ginamit sa usapan sa itaas. Dahil kasangkot sa pagsasalita ang komunikasyon sa pagitan ng
tao ,nangangahulugan din ito na lahat ng mga tuntuning inilalapat sa mga gawaing interpersonal ay isinalang-
alang din.
Paksa - ang pagsasalita ay dapat na mag-ugat sa isang paksa. Hindi ito basta nagaganap. Ang pagkatuto sa
pagsasalita ay hindi basta nagaganap. Ang pagkatuto sa pagsasalita ay nangangailangan din ng pag-alam sa
angkop na wikang gagamitin para sa pagtalakay ng iba't ibang paksa.
MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PAGSASALITA

Nakatala sa PELC at PSSLC ang mga layunin sa pagtuturo ng pagsasalita sa paaralang


elementarya at sekundarya . Mapapansin ang mga layuning inilahad sa paglinang ng mga
kasanayan sa pagsasalita ay mas higit na nakapokus sa tungkuling interaksyunal ng pagsasalita
kaysa sa tungkuling transaksyunal.
1. Mga Tungkuling Interaksyunal Kasanayan.
Lawak
1. Nakakagawa at nakakatanggap ng tawag sa telepono Magagalang na pananalita Pagbubukas at pagsasara
nang angkop na usapan
2. Naisasagawa ang maayos na pakikipag-usap sa iba't ibang konstekto sosyal.
Pagpapalitan ng pagbati Pagpapakilala Pagpapaalam Paghingi ng paumanhin Pakikiramay Pag-
iimbita ,pagtanggap, pagtangi Pakiusap at pag-aalay ng tulong Pagbibigay ng mungkahi Pagsasagawa ng
panayam Pakikilahok sa isang pulong Pagbubukas ng usapan Pagwawakas ng usapan Pagpapakilala ng
panauhing pandangal Pagmomodereyt ng talakayan.
3. Naipapahayag ang damdamin o niloloob at nakapagbigay ng saloobin o opinyon.
Pag-uugnay ng personal na paniniwala, sariling karanasan Pagpapahayag sa tulong ng
tono,diin,haba,hinto/antala Pagpapahayag ng sariling damdamin gaya ng pagkagalit/pagkainis Pagpapahayag
ng paghanga Pagbibigay ng payo Pagpapahayag ng pagsangayon/pagsalungat Pagbibigay ng sariling
paninindigan.
2. Mga Tungkuling Transaksyunal Kasanayan
Lawak
1. Nakapaghahatid ng mensahe sa mga pasalitang ulat May kawastuhan May katiyakan Pagbibigay ng
balak /plano.
2. Nakasusunod at nakapagbibigay ng mga panuto at direksyon nang sunud-sunod Paggamit ng mga
pangatnig Pagsunud-sunod ng hakabang/proseso Pagsasagawa ng isang bagay Pagbibigay ng tagubilin.
3. Nakapagtatanong nang may iba't ibang layunin.
4. Nakapagbibigay ng impormasyon bilang pagtatanongmapanghahawakang tugon sa isang mga
nakaklikom ng datos /impormasyon Paglilinaw Paghahambing Pagbibigay ng iba't ibang antas ng
pagtatanong Pagtukoy Pasinungalingan Paglalarawan Pagpapaliwanag Pagsang-ayon Pagsalungat.
3. Tungkuling Estetiko o Libangan Kasanayan 1.Napagkukwentuhan at nakabibigkas ng tula.
Lawak
4. Mga Elemento ng Wika na Inilalahad sa PELC/PSSLC Kasanayan.
Lawak
Pagsasalita,pagtula nang may wastong damdamin at paglilipon salita. Paglahok sa dula-dulaan, reader's
theater at chamber theater.
 
Naipapakita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang
pakikipagtalastasan
Pagsasalita nang malinaw sa tulong ng wastong bigkas ,tono,diin,haba, at
hinto/antala at may wastong gramatika.
MGA GAWAIN SA PAGSASALITA AT PAMAMARAAN
SA PAGTUTURO NITO

Pakikipag-usap Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita ay


tinatawag na pakikipag-usap. Ito ay isang masining na paraan ng pakikipagtalastasan.
Mga Dapat Ugaliin sa Pakikipag-usap
1.Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap
2. Iwasan ang panghihiya sa kausap
3. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap
4. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap.

Pagkukuwento Ito ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring totoo o
kaya ay kathang-isip lamang. Ilang Pamantayan sa Pagkukuwento
2.Tiyaking alam na alam ang kuwentong isasalaysay
2. Sikaping maging masigla sa pagsasalita
3. Bigkasing malinaw ang mga salita
4. Huwag magmadali sa pagkukwento
5. Tumingin sa nakikinig.
Pakikipanayam Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao o pangkat na
may nagtatanong at may sumasagot. Ito ay naglalayong makaalam ng
mga bagay-bagay tungkol sa taong kinakapanayam.
 
Mga Dapat Bigyang-Pansin
1.Oras – kinakailangang may abiso muna sa taong nais kapanayamin
upang ang bawat panig ay may pagkakataong makapaghanda.
2. Mga Tanong – bumuo ng makabuluhang tanong na humihingi ng
tiyak na kasagutan .
Debate Ito ay pakikipagtalo tungkol sa isang isyung kontrobersyal at
napapanahon. Maaaring ito ay pormal o hindi pormal. May dalawang
panig an gang pagdedebate:ang sumasang-ayon at hindi dumasang-
ayon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater Ang mga sumusunod ay mga
karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang
isaalang-alang ng isang debater.
1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debaterpatungkol sa panig
na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang
magkaroon sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa
paghahanda ang malawak na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya
tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang
gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa
debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig,
kumpiyansa sa sarili, at iba pa.
3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano
kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at
magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng
isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba. 
Pagtatalumpati Ang pagtatalumpati ay isag sosyal o panlipunang gawain dahil kadalasang
isinasagawa sa publiko. Maaari itong biglaan o may paghahanda.
CRISTINE ANNE REBATIS
(PART OF THEIR REPORT at base sa nasaliksik)
1. MGA PATNUBAY/SIMULAIN PAGTUTURO NG
PAGSASALITA
LAYUNIN:

Nilalahad ang mga simulain sa pagtuturo at paglikha ng mga


pagsusulit wika sa pagsasalita.
 
Naipapamalas ang kahusayan sa paglikha ng mga pagsusulit
wika batay sa makrong kasanayang pagsasalita.
MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO NG PAGSASALITA

• Isaalang-alang ang buong pagkatao ng bawat mag-aaral


• Bawasan ang pagkabahala o pag-aalaga ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga aralin mula madali patungo sa mga mahihirap
• Panatilihin ang maayos na timbangan ng kawastuhan sa katatasan sa pagsasalita
• Maging isang magaling na modelo sa mga mag-aaral
• Paglalaan ng mga angkop na simulo sa pagtatamo ng wastong pagsasalita.
• Pag-iba-ibahin ang mga kaparaanan ng interaskyon sa klase
• Tiyaking malinaw ang mga panuto
• Imonitor ang mga Gawain ng mga mag-aaral.
• Tiyakin na may sapat na paghahanda ang guro para sa pagkaklase.
• Maging sensitibo sa pangangasiwa ng mga pagkakamali sa pagsasalita.
2. MGA URI NG GAWAIN NA GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG MAKRONG KASANAYANG
PAGSASALITA.

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita


• Kahulugan ng Pagsasalita
-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang
ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.
-Pag-uusap ng dawala o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap.
• Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
-naipaaabot sa kinakausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng
nagsasalita
-nagiging kasangkasapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
-nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig.
-naibubuhos sa publiko ang opinion at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagpapatupad ng mga tao.
• Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
-KAALAMAN
-KASANAYAN
-TIWALA SA SARILI
• Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
-TINIG
-BIGKAS
-TINDIG
-KUMPAS
-KILOS
• Limang Kasanayan sa Pagsasalita
-PAKIKIPAG-USAP
-PAKIKIPANAYAM
-PANGKATANG TALAKAYAN
-PAKIKIPAGDEBATE
-PAGTATALUMPATI
• Sa talumpati may dalawang uri o uri ng talumpati
• IMPROMPTU
-Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na
paghahanda.
• EXTEMPORANEOUS
-Ito ang pagbigkas sa isang komptetisyon na walang tiyak na
kahandaan sa pagbigkas.
• Pinaghandaang talumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati,
may paghahanda at kailangang memoryado o saludo ang pyesa
bago bigkasin ang talumpati.
• Pagbabasa ng papel sa panayam o kumperensya
-Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya,
ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan
at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
• Kahinaan sa pagtatalumpati
• Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap
sa maraming tao.
• Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa
mga nakikinig.
• Hindi maramdaman ng mga tagapakinig o nakikinig ang kataimtiman
at katotohanan ng bawat salitang binibitawan.
• Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat
ang sinasabi ng mananalumpati.
3. PAGPAPLANO NG ISANG ARALIN SA
PAGSASALITA

• Pangmatagalang pagpaplano ng mga karagdagang aktibidad na pang-edukasyon


para sa paghahanda ng isang pangkat sa paaralan 

Alam ng lahat na ang tamang pagsasalita ay isa sa pinakamahalagang kondisyon


para sa matagumpay na pag-unlad ng isang tao. Kung mas maunlad ang pagsasalita
ng isang bata, mas malawak ang kanyang kakayahang malaman ang mundo sa
kanyang paligid, mas kumpleto ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga kapantay at
matatanda, mas perpekto ang kanyang mental at psychophysical na pag-unlad, dahil
ang pagsasalita ay sumasakop sa isang sentral na lugar sa proseso ng isang bata.
pag-unlad ng kaisipan at panloob na konektado sa pag-unlad ng pag-iisip at
kamalayan sa pangkalahatan. Samakatuwid, napakahalaga na pangalagaan ang
napapanahong pagbuo ng pagsasalita ng mga bata, ang kadalisayan at kawastuhan
nito, pag-iwas at pagwawasto ng iba't ibang mga paglabag.
MARAMING SALAMAT!!

MULA SA AKIN AT KAY MARK


ANGELO DELOS REYES

You might also like