You are on page 1of 5

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino ( kakayang Sosyolingguwistiko)

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
b. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan .
c. Nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa ibat ibang kontekstong sosyolingguwistiko.
Most Essential Learning Competencie
1. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan .

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino( kakayahang Sosyolingguwistiko)
Sanggunian: Pinagyamang Pluma, pahina 162- 176
Kagamitan: , libro, laptop, projector,
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban
d. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa
gawaing may kinalaman sa kakayahang sosyolinguwistiko.
1. Naranasan mo na bang may kausap kang nainis o nagtampo sa iyo nang halos hindi mo
naman namalayan kung ano ang nasabi mong masama? Wala ka namang intensiyong
makasakit subalit nagdulot na pala ito ng pagadaramdam o pagtampo sa kausap mo ang mga
sinabi mo. Isulat sa isang papel ang nagging usapan ninyo.
2. Suriiin monagyon ang isinulat mong usapan. Sa inyong palagay, alin sa ,mga sinabo mo ang
hindi nagustuhan ng kausap mo?
3. Kung mabibigyan ka nang pagkakatgaong sabihin uli ito sa knaya, paano mo iaayos ang
pagkakasabi mo upang hindi mo masaktan ang kalooban niya at hindi rin mawala ang
mensaheng nais mong iparating sa kanya?
b. Pagtatalakay
Bakit mahalagang pag-aralan ang kakayahang sosyolingguwistiko?
Kinakailangang pag-aralan ang kakayahang sosyolingguwistiko dahil ang Pilipinas ay isang
multilingguwal at multikultural na bansa, kinakailangang ang kakayahang ito upang magkaroon
ng epektibong komunikasyon sa anumang sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng
epektibong komunikasyon na ito ang kakayahang sosyolingguwistiko. Ang kakayahang
sosyolingguwistiko ay hindi lamang limitado sa mga lingguwistikong kumbensyon ng wika kung
hindi, tumutuon ito sa panlipunang alituntunin sa paggamit ng wika
ALAM NIYO BA?
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ni Dua(1990), ang ilan sa mgapangunahing dahilan sa
hindi pagkakaunawaan ng dalawang taongnag-uusap ay pwedeng mag-
ugat sa tatlong posibilidad namaaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng:

A. Hindi lubos na nauunawaan  ng nagsasalita ang kanyangintensiyon
B. Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyangintensiyon
C. Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyangintensiyon dahil sa ibat
ibang dahilan tulad nang nahihiya siya at iba pa.

Ayon parin kay dua(1990)  Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay maari ring
mag-ugat sa tagapakinig tulad ng mga sumusunod:

a. Hindi narinig at hindi naunawaan


b. Hindi gaanong narinig at hinde gaanong naunawaan
c. Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkaunawa
d. Narinig at naunawaan

Gayunpaman kahit parehong may konytribuyson ang nagsasalita at tagapakinig sa hindi


pagkaunawaan , madalas na mas matindi ang nagawa ng isa sa kanila. Ayon sa pag-aaral ni
Sannoniya(1987), ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng maling interpretasyon sa narinig kahiy
hindi naman ito ang ibig sabihin ng kanayang kausap base sa kanyang inaasam, inaakala,
kalagayang emosyon at personal ma realsyon sa nagsasalita.

c. Pagpapalawak nang talakayan

Ayon kay Savignon (1972) isang propesor sa University of Ellinois,ang competence ay ang
batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang
paggamit ng tao sa wika. Ayon sa kanya, magiging maayos lamang ang komunikasyon kung
ito’y isasaayos. Kaya ang salitang SPEAKING sa Ingles na tinatawag naman sa Filipino na
Pagsasalita ay isang anyo ng kamunikasyon ng tao. Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa
araw-araw na pamumuhay kaya ito ay napakahalaga sa atin dahil nabigyan ng mga posibilidad
ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kaya, basahin at unawaing mabuti ang mnemonic device na
SPEAKING at ang kahalagahan nito bilang mahalagang elemento sa alinmang speech
activity
Setting – Tumutukoy ito sa pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o
pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Kailangan
iangkop natin ang ating pananamit at pananalita sa lugar kung saan magaganap ang usapan.
Halimbawa: Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi tayo makikipag-usap na tayo ay
parang nasa kalsada. Ang mga salitang ito ay ang mga sumusunod: tsimay, isnab, sikyo, ermat,
erpat.

Participant – Kinakatawan nito ang mga taong nakikipagtalastasan. Dapat nating isaalang-alang
kung sino ang ating kakausapin o kinakausap. Hindi natin dapat kinakausap ang ating mga guro
na para bang kampanteng nakikipagusap lamang tayo sa ating mga kaklase o kaibigan.
Mahalagang maging magalang tayo sa pakikipag4. ponolohiya 5. lingguwista 9 usap sa ating
mga guro samantalang maaaring maging kampante o komportable naman tayo sa ating mga
kaibigan o kaklase.

Ends – Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin kung ano ang ating
mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung hihingi tayo ng pabor kinakailangan
natin ang pagpapakumbaba.

Act sequence- Tumutukoy ito sa daloy o sa takbo ng usapan. Maging sensitibo sa takbo ng
usapan. Halimabawa kapag mainit ang daloy ng usapan kailangan nating maging kalmado sa
pakikipag-usap upang maging mapayapa ang usapan. Kung minsan naman ang biruan ay
nagbubunga ng pagkapikon at alitan kaya kailangan maging sensitibo tayo sa ating pakikipag-
usap

Keys- May kinalaman ito sa tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook/lugar, nararapat
ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di- pormal. Halimbawa
ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal.

Instrumentalities- Nakapaloob naman sa elementong ito ang tsanel o midyum na ginamit na


maaaring pasalita o pasulat. Dapat alamin natin kung ano ang dapat sabihin at kung saan natin
ito sasabihin.

Norms- Dito naman makikita ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin kung tungkol saan
ang usapan. Madalas nating naririnig ang mga katagang katulad ng “ito ay usapang
pangmatanda lamang”, usapang pambabae o “girls talk”, may usapang panlalaki rin. Ibig
sabihin kailangan nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung saan ito nababagay o
nabibilang.

Genre – Ikinokonsider dito ang diskursong ginagamit. Kailangang maging sensitibo tayo sa
kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba, nangangatwiran, o nakikipagtalo.

Ang modelong SPEAKING na tinatawag ni Hymes ay nakapaloob sa etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao
at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-unayan sa mga kalahok sa
kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa
wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na
gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na
pahalagahan ang mga salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at
mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

d. pagpapahalaga
– Ano ang kahalagahan ng bawat nabanggit na konsiderasyon.
– Alin sa palagay mo ang pinakamahalagang dapat isaalang alang sa mga ito ?

- bakit kaya itinaguyod ni Dell Hymes ang modelong ito.


– May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?

e. paglalahat.

Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali ay di na nagkakaintindihan. Kaya sa


pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika. -Ang
pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na
sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong
nag-uusap. Ang kakayahang linggwistiko ay isang kakayahan o katalinuhan sa larangan ng
isang linggwahe. Ang lingwistikong kakayahan ay binubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa
tamang pagbigkas, pagsulat. May malalim na kaalaman sa isang wika sa pagsulat at sa
pagbigkas, na may taglay ng tamang gramatika. Samantala ayon kay Jocson, et. al. (2014)
pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-
uusapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayundin ang layunin ng pag-uusap at higit sa
lahat, pasalita man o pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-
uusapan iyan naman ang sosyolingguwistikong kakayahan. Nawa’y naging malinaw sa iyo ang
paksang aralin. Paalam.

g. Malikhaing Gawain
– Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan,
sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:
Unang Pangkat – Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang
sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang
mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong
institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng
mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?
Pangalawang Pangkat – Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong
guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang
German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang
pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa
isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?
Pangatlong Pangkat – Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang
pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya
bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may
lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang
pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung
mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa
salu-salo o sa pamamasyal?
IV. PAGTATAYA:
– Kumuha isa’t kalahating papel.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan . Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o pakikipagtalastasan.
2. Ito ang tawag sa takbo at daloy ng usapan.
3. Ito ay tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.
4. Ito ay kumakatawan sa paksa ng usapan.
5. Ito ay may kinalaman sa tono ng pakikipag-usap.
6. Sino ang nagsabi na ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao
sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika..
7. Siya ay isa sa mga mahuhusay na lingguwista na nag-iwan ng malaking ambag sa larangan
ng sosyolingguwistika.
8. Ito ay tinatawag na isang anyo ng kamunikasyon ng tao.
9. Ito ang diskurso na ginagamit sa pagsasalita.
10. .Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan.
V. TAKDANG ARALIN:
– pumili ng transcript ng isang interbyu o kahit na anong sitwasyong pangwika. Iprint o gupitin
mula sa diyaryoat idikit ito sa bondpaper. Suriin ito gamit ang modelo ni Dell Hymes.

You might also like