You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Rehiyon VI- Kanlurang Visayas


Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Iloilo

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11

Paaralan: Jalandoni Memorial National High School Baitang/Antas: 11


Guro: Tessahnie S. Serdeña Asignatura: Komunikasyon at
Petsa: Hulyo 16-17, 2018 Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Markahan: Unang Semestre (1st Quarter)

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayan:
Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay
M.A.K.Halliday) F11PT-Ic-86

II. Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., & Geronimo, J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. REX Book Store.
Espina, B., Borja, F., Cabiles, NV., Cepeda, E., Denusta, J., Espedion, R., Magtulis, E., Pama, H., &
Quidato, JG. (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. WVSU Publishing House & Bookstore
Dayag, A., del Rosario, M.G. (). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House.

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo:

 Laptop
 Projector
 Batayang Aklat
 Mga kauganay na babasahin
 Power Point Presentation

IV. Pamamaraan

A. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan sa mga mag-aaral. Hayaang suriin ng mga mag-aaral kung
ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan.

B. Gawain
Gamit ang estratehiyang one-minute-paper ay hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang
mahalagang kaisipan.

“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon


Makakatulong sa pagkakaroon ng mabungang inter-aksiyon”
C. Pagtalakay sa Aralin

Tatalakayin ang Gamit ng Wika sa Lipunan.

Mga Tanong:

1. Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?


2. Kapag lumipat ang isag tao sa bagong lugar na gumagamit ng wikang hindi niya alam,
ano ang kailangan niyang gawin upang matutuhan niya ang wika ng mga taong
naninirahan doon?
3. Ano-ano ang mga gamit o tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K Halliday?

D. Paglalahat

Paano nagiging susi sa pagbuo ng nagkakaisa at nagkakaunawaang lipunan ang wika?

E. Paglalapat

Magbigay ng ilang lugar sa komunidad at itala kung ano-anong mga sitwasyon ang
ginagamitan nila ng wika.
Halimbawa:
Palengke – nagtatawaran

F. Pagtataya

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o tungkulin ng wika
sa pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Maaaring higit sa
isa ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag.

1. Kamakailan ay inilabas ng Oxford English Dictionary (OED), ang pinakabagong edisyon ng


diksiyonaryo nito na naglalaman ng mga bagong salitang Ingles, bukod pa sa mga dating
terminong pinalawak ang kahulugan ayon sa nagbabagong paggamit nito. Kabilang dito ang
apatnapung (40) salita mula sa Pilipinas na halaw sa “Philippine English”. Ilan sa mga ito ay ang
presidentiable, gimmick, carnap, at salvage, gayundin ang balikbayan, despedida, barkada, kikay,
halo-halo, at KKB. Ayon sa mga ulat, ito na raw ang pinakamalaking bilang ng mga salitang sariling
atin na sabayang kinilala ng OED mula pa noong 1928 nang isama ng Oxford ang abaca sa unang
edisyon ng diksiyonaryo nito. Ano naman ang halaga nito sa atin?
- Senator Pia Cayetano

Gamit o tungkulin ng wika: _______________________________________________________

Kahulugan at paliwanag: __________________________________________________________

2. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na
mahusay ang modelo – ang mga guro.” Ito ang opinyon ni Ruth Elynia-Mabanglo noong Agosto
2015, Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika.

Gamit o tungkulin ng wika: ________________________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kahulugan at paliwanag: __________________________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino


sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay “nag-
aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan
na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na
mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”

Gamit o tungkulin ng wika: ________________________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kahulugan at paliwanag: __________________________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

V. Takdang Aralin

Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed ng inyong Facebook account.
Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano
ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan)
bilang suporta sa iyong sagot. Isulat sa inyong notebook.

Inihanda ni:

TESSAHNIE S. SERDEÑA

Checked and Noted by:

LALICE JOY J. ARQUINTILLO


SSHT III, FILIPINO Department

You might also like